Skip to playerSkip to main content
-Rider, sugatan matapos sumalpok sa ambulansiya ang sinasakyang motorsiklo


-INTERVIEW: DIR. TERESITO BACOLCOL


PHIVOLCS


-Hindi bababa sa 60, sumama ang pakiramdam habang nakapila sa pahalik/ 52-anyos na babae, nawalan ng malay habang nakapila at nakitaan ng senyales ng stroke; dinala sa JRRMMC


-One-time waiver para sa interes ng mga hindi nabayarang PhilHealth contributions mula July 2013-Dec. 2024, inutos ni PBBM


-Halos 40 pamilya, nasunugan sa Brgy. Lapasan


-White Nazarene, dinarayo rin ng mga deboto/Walkthrough sa ruta ng Traslacion ng Señor Sto. Niño sa Mandaue, isinagawa


-Nawawala ang mga dokumentong magpapatunay umano na sumusunod lang si dating DPWH Usec. Cabral sa utos sa kanya, ayon sa kanyang abogado/Cabral, itinangging siya ang mastermind ng kickback scheme sa DPWH, ayon sa kanyang abogado; itinangging tumanggap din siya ng kickback/Abogado ni Cabral, sinabing naramdaman ng kanyang kliyente na ginagawa siyang scapegoat sa anomalya/ 


Cabral, handang humarap sa pagdinig ng ICI pero walang natanggap na imbitasyon, ayon sa kanyang abogado


-Libo-libong deboto, lumahok sa Penitential walk with Jesus na hudyat ng pagsisimula ng 461st Fiesta Señor/Unang misa sa 9-day Novena para sa Fiesta Señor 2026, isinagawa na


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sugata naman ang isang rider ng motosiklo matapos na sumalpok sa isang ambulansya sa Tarlac City.
00:06Sa kuha ng dashcam video, kita ang papalikong ambulansya na may dadalhing pasyente sa isang ospital sa barangay San Sebastian.
00:14Kita rin sa gilid ang motosiklo.
00:16Nagderediretso ang rider hanggang sa sumalpok sa ambulansya.
00:21Rumesponde sa insidente ang mga otoridad.
00:24Walang pahayag ang rider na nagtamo ng minor injuries.
00:28Nagkasundo na ang dalawang panig.
00:30Update tayo sa aktividad ng Bulkang Mayo na nasa Alert Level 3.
00:36Kausapin natin si FIVOX Director Dr. Teresito Bakulkol.
00:39Magandang umag at welcome po ulit sa Balitang Hali.
00:42Yes sir, magandang umagod nito sa inyo.
00:44Opo, masasabi ba nating lumalakas yung naitatalang pyroclastic density current?
00:49At ano pong indikasyon nito?
00:50Okay, so sa ngayon, hindi pa natin masasabing lumalakas yung PDCs natin.
00:54Although nakapagtala tayo ng 50 PDCs for the past 24 hours,
00:58which is mas mataas to kaysa mga naitalaan natin previously.
01:04Pero yung mga PDCs natin ay nasa upper to mid slope lamang ng mayun volcano.
01:11So ang ibig lang sabihin po nito ay may ongoing lava extrusion at paglaki ng lava dome natin.
01:18Ito ay isang malinaw na indikasyon na may eruptive process na sa summit kahit hindi pa ito explosive.
01:27Opo, mula sa malayo, napakaganda pong tinan eh.
01:29Pero gaano ba kadelikado yung pyroclastic density current at hanggang saan po ito pwedeng umabot?
01:34Delikado po itong PDC.
01:38Ito ay mainit, mabilis at ito ay pinagsama-samang abo, bato at gas.
01:44So kahit ilang kilometro lang ang nabot ito, nakakamate ito ng tao.
01:47Kaya from the present condition ng mayon,
01:50ang mga PDCs ay confined sa upper slopes at sana hindi ito lalagpas ng 6 kilometers permanent danger zone.
01:58Pero pwede itong mangyari kapag masyadong malaki yung PDC natin.
02:02May factor din po ba na matarik itong tuktok ng mayon sa bilis nitong PDC na ito?
02:09Yes, isa din yan sa mga factors kung bakit mabilis.
02:13Mabilis nila yung PDC, pero ito, matarik pa yung mayon.
02:17So, madaling makababayan.
02:19Kaya nga, pinapa-evacuate kaagad natin yung mga tao na nasa inside the permanent danger zone.
02:26Kasi nga, isang factor dito is yung masyadong matarik yung mayon.
02:30At mabilis na daragasa kapag may PDC.
02:33Opo, siguro, warning talaga yan.
02:35Dahil alam natin may mga turista na nagpupunta dyan.
02:37At alam din natin na may mga adventurous na mga turista na gustong lumapit dyan sa may bulkang mayon.
02:44At so, delikado talaga.
02:45Hindi mo ma-outrun kahit na nakasasakyan ka itong PDC na ito.
02:49Yes po.
02:50So, masyadong mabilis po yan.
02:52Hundreds of kilometers per hour po yan.
02:54Kaya nga, again, pag-ingat natin ay as a precaution, pinapaalis na natin yung ating mga kababayan nakatira inside the permanent danger zone.
03:04Opo.
03:04Base po sa parameters na inyong tinitinan, posibleng bang itaas pa sa alert level 4 ang mayon?
03:09The possibility is always there.
03:13Itataas lang natin sa alert level 4 kung makakita tayo ng malinaw at tuloy-tuloy na escalation tulad ng biglang pagtaas ng number of volcanic earthquakes natin.
03:24So far, hindi pa naman natin nakikita ngayon.
03:28For the past 72 hours, isang volcanic earthquake lamang yung naitala natin.
03:32Kapag biglang tataas or yung opposite naman biglang pagbagsak ng sulfur dioxide, isa din yan sa tinitingnan natin.
03:39Kapag dumadami na yung p-disease natin, kapag mabilis na yung lava extrusion, at kapag nagkakaroon na ng lava fountaining, yan yung mga tinitingnan natin bago natin itaas yung alert level from alert level 3 to alert level 4.
03:55At pag sinabi po natin yung alert level 4, tama po ba? Eruption in progress na po yun?
04:00Yung alert level 4, alert level 5 po yun. So yung alert level 4 is hazardous eruption is imminent.
04:07At 5 na po yung ongoing eruption.
04:11That's right.
04:12Opo. Ayon po sa pag-asa, malakas na pag-ulan raw yung asahan ngayong araw sa ilang bahagi po ng Bicol.
04:17Posible itong magdulot po ba ng lahar?
04:20Yes po, possible po. Even kahit walang activity yung mayon ngayon, may mga bato pa tayong, mga lumang bato na nasa resist ng vulkan.
04:28And pwede po itong ma-remobilize as lahar. So kaya kailangan talaga ang paghandaan ng ating mga kababayan, lalo na yung mga nakatira along riverbanks.
04:38Kahit malayo sila doon sa permanent danger zone, pero yung ilog naman kung saan sila malapit nakatira ay nanggaling pa sa dalisnis ng vulkan, e pwede pagdaanan pa rin yung lahar.
04:48Opo. Muli po, nasa inyong pagkakataon na magbigay ng babala sa ating mga kababayan.
04:53Dyan po sa mayon, kahit paulit-ulit tayo, mahalagang malaman nila yung danger dyan po sa lugar.
04:58Nasa inyong pagkakataon.
04:59Okay, so again, mahigpit po natin pinalalaanan ang publiko na orders, umiwas po sila sa permanent danger zones at yung mga turista na gustong makita yung mayon,
05:10huwag po silang pumasok inside the permanent danger zone.
05:13Okay, maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo po sa Balitang Hali.
05:17Maraming salamat din po.
05:18Si FIVOX Director, Dr. Teresito Bakulkol.
05:29Update po tayo sa pahalik sa Poong Jesus Nazareno sa Quirino Grandstand.
05:33May ulat on the spot si Darlene Kai.
05:36Darlene?
05:38Rafi, napakahaba na ng pila para sa pahalik sa Poong Jesus Nazareno dito sa Quirino Grandstand.
05:43Sa dami nga ng tao at haba ng hintayan, may ilang sumama ang pakiramdam.
05:48Wala rin na sa entablado ng Quirino Grandstand, nasa Ross Boulevard bago magkatigback drive na ang dulo ng pila para sa pahalik sa Poong Jesus Nazareno.
06:01Pero may puntong apat na beses ng lumiliko ang pila.
06:05Ayon sa pinakahuling tala ng Manila Police District, as of 10 a.m., mahigit siyam na libong tao na ang nandito ngayon sa Quirino Grandstand.
06:14Marami sa mga nakapila ay madaling araw pa nandito.
06:17Kaya ay naabot ng 6 na oras o higit pa ang mga deboto bago masilayan at mahaplos ang imahen ng poon.
06:25May mga bata, senior citizen at PWD na nakapila.
06:28Pero may special lane para sa kanila at may mga nag-a-assist din na hijos del Nazareno at volunteers.
06:35Sa dami ng tao, may ilang sumama ang pakiramdam.
06:38Hindi bababa sa 6 na po ang naging mga pasyente ng mga medical and first aid stations dito sa Quirino Grandstand mula kaninang hating gabi.
06:47Karaniwang karamdaman ng pagkahilo, panghihina at pagtaas ng blood pressure.
06:53Pero kaninang pasado alas 5 ng madaling araw, may isang babaeng 52 taong gulang na nawala ng malay at nakitaan ng mga senyales na na-stroke ayon sa DOH health personnel na nandito.
07:04Agad daw siyang isinugod sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center.
07:07Ang 64 taong gulang namang si Rosita Bibar, inabuta naming namamahinga sa medical station matapos mahilo sa pila.
07:15Tumaas daw ang blood pressure niya matapos ang mahigit apat na oras na paghihintay sa pila.
07:20Pero mahalaga raw sa kanya ang debosyon sa puon.
07:23Dahil sa kanyang mga kahilingan para sa pamilya, kaya kapag gumanda na ang pakiramdam niya ay tutuloy siya sa paghalik sa puon.
07:30Ang mag-ina namang Amelia at Remy, nagtsagang pumila at pumunta rito kahit hindi na makalakad ang senior senesen na si Amelia at hindi na nakakakita ang anak na si Remy.
07:41Punuraw sila ng pasasalamat dahil kahit maraming pagsubok ay nakararao sila sa tulong ng pananampalataya sa puong Jesus Nazareno.
07:51Narito po ang pahayag ng mga nakausap naming deboto.
07:53Bigla akong ano dun, parang ako nanginginig. Tapos nahihilo na ako. Pinagpapawisan na po ako ng malamig.
08:05Umalis na ako ng pila.
08:07Naglarasal ko na kahit na maano ko po makita kung muling kapatid ko.
08:14Kasi bulso po yun eh. Nawala siya apat na taon.
08:18Tsaka sa mga anak ko na patuloy imigyan kalusugan, kalakasan.
08:24Pamumuhay po namin.
08:26Para guminawa.
08:27Ibiginawa po yung aming pamumuhay kahit po na PWD po ko at saka po yung nanay ko.
08:32Magiging successful po ang taon-taon po namin kahit na mahirap lang po kami.
08:36Raffi, samantala maayos naman yung usad sa pila para sa pahalik dahil may mga nakabantay doon sa mismong imahen para masigurong tuloy-tuloy yung flow ng mga deboto.
08:49Mapaya pa rin yung sitwasyon sa pila dahil mahigpit ang siguridad at maraming volunteers,
08:54Ijos del Nazareno, mga kawani ng LGU, mga polis at mga kawani ng MMDA na nagsisigurong maayos yung magiging flow ng pila kahit maraming tao.
09:05Yan ang latest mula rito sa Quirino Grandstand. Balik sa'yo, Raffi.
09:09Maraming salamat, Darlene Kai.
09:11Hiniutos ni Pangulong Bongbong Marcos sa Fear Health na magpatupad ng one-time waiver para sa interes ng mga hindi nabayarang contributions.
09:21Sa mensahe ngayong umaga, sinabi ng Pangulo na para yan sa mga negosyante, private employer at self-employed na hindi nakapagbayad ng kontribusyon.
09:30Bibigyan daw sila ng isang taon para mabayaran na ang mga missed contribution mula July 2013 hanggang December 2024.
09:38Ito ang GMA Regional TV News.
09:47Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
09:51Nasunugan ang halos 40 pamilya sa Cagayan de Oro City.
09:56Sara, alam na ba yung sanhinang apoy?
09:58Raffi, patuloy pa ang investigasyon pero problema sa linya ng kuryente ang tinitingnang anggolo ng mga bombero.
10:06Mabilis kumalat ang apoy sa Sityo San Roque sa Barangay Lapasan dahil gawa sa light materials ang magkakadikit ng mga bahay roon.
10:14Ayon sa Lapasan Fire Station, nakaresponde sila agad pero nahirapan silang pumasok dahil sa masikip na daanan.
10:21Mahigit dalawampung bahay ang nasunog at tinatayang mahigit isang milyong piso ang halaga ng pinsala.
10:27Pansamantalang nananatili ang mga nasunugan sa covered court ng barangay.
10:34Nagsisimula na rin dumagsa ang mga deboto sa imahe ng poong Jesus Nazareno sa Talibon Bohol.
10:40Ang imahe na matatagpuan sa Baragay San Agustin, tinawag na White Nazarene at may suot na bughaw na sinturon.
10:47Iba ang kulay niyan sa nakasanayan na imahe ng poong Jesus Nazareno.
10:52Ayon sa mga deboto, mahimala rin ang White Nazarene at wala itong pinagkaiba sa poong Jesus Nazareno na nasa Maynila.
11:01Traslasyo naman ang Senyor Santo Niño ang pinaghahandaan sa Mandawe Cebu.
11:05Nagsagawa na ng walkthrough ang mga otoridad sa magiging ruta niyan.
11:09Matapos ang walkthrough, nagsagawa rin ang briefing sa sports complex na dinaluhan ng iba't ibang law enforcement units.
11:16Mahigit sanlibong personel ang idedeploy sa Mandawe para matiyak ang siguridad sa pagdiriwang.
11:25Sa iba pang balita, nawawala raw ang ilang kahon na naglalaman na mga dokumentong dapat iti-turnover
11:30ni dating Public Works Undersecretary Catalina Cabral bago siya namatay.
11:35Ayon sa kanyang abogado, ang mga dokumento ang magpapatunay na sumusunod lang ang dating opisyal sa mga utos sa kanya.
11:42Balita ng ating ni Maki Pulido.
11:46Para raw sa Yumaong DPWH Undersecretary Catalina Cabral,
11:52ang mga hawak niyang dokumento na tinatawag ngayong Cabral Files,
11:56hindi ebedensya ng katiwalian, kundi ebedensya na wala siyang kinalaman sa anomalya sa flood control projects.
12:03Ayon sa kanyang abogado, ito raw ang dahilan.
12:06Kaya magta-turnover dapat siya ng anim na kahong puno ng dokumento,
12:09kina-attorney May Divina Gracia.
12:11Pero sabi ng kanyang abogado, hindi raw ito na-turnover sa kanila at ngayon'y nawawala.
12:17Those documents would show na talaga she was just really following orders.
12:21Coming from Secretary Bonoan, those orders, mga instructions,
12:27telling, directing her to vet and review certain projects if it's qualified for funding.
12:37Sa Senate Blue Ribbon Committee hearing, itinuro si Cabral ni dating DPWH Undersecretary for Operations, Roberto Bernardo,
12:45bilang mastermind ng kickback scheme sa DPWH.
12:49Sinabi rin noon ni Bernardo na may kapangyarihan si Cabral na magdagdag, magsingit o magbawas na mga proyektong popondohan sa National Expenditure Program.
12:59Itinanggiraw ito ng kanyang kliyente, ayon kay Divina Gracia.
13:02Ang sinasabi niya, hindi niya alam kasi kung meron man, mangyayari yan siguro sa awarding or sa implementation,
13:13but hindi kasi siya naging ano eh, she was never a district engineer, she was never a director,
13:21she was, kumbaga never siyang naging ano, so hindi niya alam yung nangyayari sa mga district engineering offices and regional offices.
13:31Ang merong jurisdiction dito, the person who has supervision and control over these offices are the undersecretaries for operation.
13:44Wala rin daw tinanggap na kickback si Cabral, wala raw mga mansyon si Cabral at simple lang ang buhay ng kanyang dalawang anak.
13:52I went to their house in Tatalon. Hanggang namatay siya doon sila nakatira.
13:57Kung meron siyang 20 billion, meron siyang house in Forbes, meron siyang house in Corinthians,
14:02bakit niya patitirahin doon yung mga anak niya?
14:05And you can also verify saan nagtatrabaho yung mga anak niya.
14:09Yung isa, ang description niya sa sarili niya, I'm just a cook in a hotel.
14:13Not even a chef. Yung isa naman is a salary grade 11 employee of the government.
14:21Bago siya natagpo ang patay sa ilalim ng bangin sa Benguet noong Disyembre,
14:26may mga nauna na raw ginawang tangka sa kanyang buhay si Cabral,
14:29matapos siyang idawit ni Bernardo sa Senate hearing.
14:32Lagi niyang tinatanong sa akin, pinapatawag ba si Secretary Bonoan?
14:40Bakit merong mga offers of immunity doon sa mga tao who already admitted their participation in the scheme?
14:53She felt abandoned, parang she felt that she was being made a scapegoat.
14:58Sabi rin ang abogado ni Cabral, handa raw sana siyang humarap sa pagdinig noon ng ICI,
15:03pero hindi raw nito natanggap ang imbitasyon ng komisyon.
15:06Sumulat pa sila noong December 15 sa ICI para iparating ito.
15:10Tatlong araw matapos nito, namatay na si Cabral.
15:13Mackie Pulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:18Libo-libong deboto ng Senyor Santo Niño ang lumahok sa Penitential Walk with Jesus
15:23na hudyat ng pagsisimula ng pista ng Senyor Santo Niño sa Cebu.
15:27Ang mainit na balita hatid ni Femarie Dumabok ng GMA Regional TV.
15:39Alas 4 ng madaling araw nang simulan ng Penitential Walk with Jesus dito sa Cebu City.
15:45Mula yan sa May Fuente Esmena Circle, papunta sa Basilica Minor del Santo Niño.
15:49Nagdarasal ng Holy Rosary ang mga deboto habang naglalakad.
15:59Bit-bit ang kanika nilang imahin ng Batang Jesus at sinindihang kandila.
16:03Mung kanilang anak ang binihisa ng damit ng tulad ng Sa Santo Niño.
16:07Isa sa kanila ang 6-month-old na si Amelia Kent,
16:11na ayon sa kanyang mga magulang ay isang miracle baby at hiningi nila sa Batang Jesus.
16:16Miracle wa ako na tuluhan.
16:18Kaya ako lang iba, iba, isi pa salamat ko.
16:28Pasado alas 5 ng umaga nang dumating ang imahin ng Santo Niño sa Kaynang Carosa sa Basilica Minor del Santo Niño.
16:36Kasunod dito ay isinagawa na ang unang misa sa 9-day novena para sa kapistahan.
16:41Pinangunahan yan ni Rev. Fr. Andres Rivera Jr. O.S.A., ang rektor ng Basilica Minor del Santo Niño.
16:54Dahil nasa 5,000 lang ang maximum capacity ng compound ng simbahan,
16:58ang ibang deboto ay nasa labas sa palibot ng simbahan na kinig ng misa.
17:03May mga LED wall naman kung saan makikita ang misa sa loob ng pilgrim center.
17:07Labing isang novena masses kada araw ang gagawin simula ngayon hanggang sa Januari 16.
17:13Sa Januari 15, gagawin din ang penitensyal walk with Mary at restlasyon.
17:18Mahigpit ang siguridad sa paligid ng simbahan.
17:21May mga medical station at personal din sa paligid at sa loob ng compound ng Basilica.
17:27Femery dumabok ng GMA Regional TV.
17:30Nagbabalita para sa GMA Integrated News.
17:33GMAERA
17:37GMAERA
17:39GMAERA
17:40GMAERA
17:41GMAERA
17:42GMAERA
17:43GMAERA
17:44GMAERA
17:45GMAERA
17:46GMAERA
17:47GMAERA
17:48GMAERA
17:49GMAERA
17:50GMAERA
17:51GMAERA
17:52GMAERA
17:53GMAERA
17:54GMAERA
17:55GMAERA
17:56GMAERA
17:57GMAERA
17:58GMAERA
17:59GMAERA
Be the first to comment
Add your comment

Recommended