Skip to playerSkip to main content
-Bahay ng mag-asawang itinurong mastermind sa pagkamatay ng babaeng pulis at kanyang anak, hinalughog nang 8 oras para sa dagdag-ebidensya/Mag-asawang suspek, nakatakdang maghain ng counter-affidavit sa Feb. 16


-Spillway sa Brgy. San Francisco, naging pahirapan dahil sa baha at ulang dulot ng Shear Line


-PAGASA: Ilang panig ng bansa, uulanin ngayong Valentine weekend


-500 pang biktima umano ng extrajudicial killings, gustong maisama sila sa kaso ni FPRRD sa ICC/3 abogado para sa mga biktima sa war on drugs, pinatatanggal sa ICC ng Duterte Defense Team dahil sa anila'y conflict of interest


-Suspek sa pagnanakaw ng motorsiklo, patay sa engkwentro sa pulisya; kasama niya, arestado


-Nawawalang motorbanca MJ2 sakay ang 4 na mangingisda, patuloy na hinahanap


-Oil price hike, posibleng ipatupad sa susunod na linggo


-Ambulansiya na walang pasyente at walang medical equipment, tiniketan matapos dumaan sa EDSA Busway


-Ilang botika sa Baler na nagbebenta ng bakuna kontra-rabies kahit hindi awtorisado, nabisto ng FDA


-Pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon para maaresto si Atong Ang, itinaas ng DILG sa P20M/Ilang ari-arian ni Atong Ang at kanyang anak, pinasok ng mga awtoridad para isilbi ang arrest warrant


-Bianca Umali, nagsasanay sa paggamit ng balisong


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kahit itinuturing ng case closed ng Department of the Interior and Local Government,
00:05ang pagkamatay ng babaeng polis at kanyang anak nitong Enero,
00:08patuloy na kumakalap ng ebidensya ang mga otoridad para mapalakas ang kanilang reklamo laban sa mga suspect.
00:16Kabilang ang paghalughog ng polisya sa bahay ng mga asawang suspect na itinuturong mastermind sa krimen,
00:22balita ng atin ni Bea Pinlak.
00:25Sa visa ng search warrant, inabot ng mahigit walong oras ang paghalughog ng Quezon City Police District
00:32at Scene of the Crimes Operative o SOCO sa bahay ng mag-asawang suspect sa pagpaslang kay polis Senior Master
00:39Sergeant Diane Mollinido
00:41at sa walong taong gulang niyang anak na si John Ismael noong January 16.
00:46Kasama ng mga otoridad sa paghalughog ang mismong nanay at kapatid ng lalaking suspect.
00:52Nakakala pa po tayo ng mga additional evidence kasi po may mga revelation, yung witness natin,
01:00mas specific na yung revelation niya kung saan yung bala na punta, yung sopa, yung barel,
01:10at pinasok yung cadaver doon sa stockroom at kung saan nilagay yung barel.
01:16Very specific yung search warrant. Mag-conduct kami ng search para makuha yung mga fluids,
01:24mga dugo, mga traces of evidence like hair follicles.
01:34Specific din doon ang hanapin ang firearms at saka cartridge sa bahay.
01:46Bagamat itinuturing ng case closed ng Department of the Interior and Local Government ang Mollinido double murder case,
01:52kumakala pa rin ang dagdag ebidensya ang pulisya para mapagtibay ang reklamong robbery with homicide at theft
01:58na isinampalaban sa mag-asawa at iba pang suspect.
02:02Hindi pa'y dinatalyan ang pulisya ang mga dagdag na ebidensyang nakuha nila.
02:06Nakatakda raw mag-sumite ng counter affidavit ang mag-asawang suspect sa lunes.
02:11Naudlot ang preliminary investigation ng mga suspect noong miyerkules matapos umatras ang kanilang abogado sa kaso.
02:18Pinag-aaralan pa ng PAO kung yung case folder para sumagot ko sa February 16.
02:25Kinumpirma naman ang mga abogado ng dating asawa ng biktima na si Poli Senior Master Sergeant John Mollinido
02:32na nakatanggap na ang kanilang kliyente ng subpina kaugnay sa reklamong obstruction of justice
02:38na isinampas sa Office of the City Prosecutor ng Malolos, Bulacan.
02:43Tumanggi mo nang magbigay ng dagdag na pahayag ang mga abogado ni Mollinido habang gumugulong ang investigasyon.
02:48Handa naman daw makipagtulungan ang kanilang kliyente sa mga otoridad kaugnay nito.
02:53Bea Pinlac, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:03Inulaan ang ilang lugar sa Sorsogon dahil sa shear line.
03:09Sa bayan ng bulan, naging paharapan ang pagtawid ng ilang residente sa spillway sa barangay San Francisco.
03:15Bumaha kasi roon dahil sa patuloy na pagulan.
03:18Naka-monitor na ang LGU sa lagay ng panahon sa mga lugar na bahain.
03:22Sa bayan naman ng human, umabot na sa critical level ang Kadak'an River sa barangay Binanwaan.
03:28Pinaalerto na ang mga nakatira malapit sa ilog at mababang lugar na maging handa sakaling palikasin sila.
03:37Shear line din ang nagpapaulaan sa ilang lugar sa Oriental Mindoro.
03:41Sa bayan ng Victoria, binha ang kalsada sa barangay Bagong Buhay.
03:45Pahirapan ang biyahe ng mga motorista at ripo.
03:48Pero isyo naman sa mga residente ang baha.
03:54The International Criminal Court is now in session.
03:58Rodrigo Roa Duterte.
04:07Limandan pang biktima rin umano ng extrajudicial killings ang gustong makasama sa kasong Crimes Against Humanity
04:13laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
04:18IOTICC Registry, ipinadala na nila sa Pre-Trial Chamber 1 ang application ng mga gustong sumali sa kaso.
04:24Ang mga pagpatay o tangkang pagpatay sa mga biktima ay nangyari noong November 2011 hanggang June 2016 sa Davao City.
04:32Si Duterte ang mayor mula 2011 hanggang 2013 at vice mayor naman mula 2013 hanggang 2016.
04:40Pangulo na si Duterte nang mangyari ang tinaguriang extrajudicial killings noong June 2016 hanggang March 2019 bago kumalas ang Pilipinas
04:49sa ICC.
04:50Pina-disqualify naman ang Duterte Defense Team sa ICC ang tatlong abugado ng mga biktima umano ng war on drugs.
04:57Sabi ng Defense Team, maaaring may conflict of interest kina Atty. Joel Butuyan at Gilbert Andres
05:03na itinalaga ng ICC bilang Common Legal Representative for Any Admitted Victims o CLRV.
05:10At ang pagpili raw ni na Butuyan at Andres kay Atty. Nicolene Arkaina bilang case manager at isa pang tungkuli
05:15na hindi isinapubliko.
05:17Guit ng Defense Team, may conflict of interest ang papel ni Arkaina sa kaso ni Duterte
05:22dahil posibleng makakuha ang kampo ng mga biktima ng ebidensyang maaaring magpawalang sala sa dating Pangulo.
05:28Pwede anila itong makaapekto sa integridad ng proceedings sa kaso.
05:33Itinunturin ang Defense Team na naging magkakatrabaho ang tatlong abugado mula ang 2019 hanggang 2023.
05:40Sabi ng Duterte Defense Team, pwede maging abugado ng mga biktima
05:43ang mga taga-Office of Public Counsel for Victims ng ICC.
05:47Sinisikap ang kunin ng payag ang tatlong abugadong pinapadiskwalipay ng Duterte Defense Team.
05:54Ito ang GMA Regional TV News!
05:59May init na balita sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
06:04Patay ang isa sa dalawang sospek sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Lucena, Quezon.
06:09Chris, ano ang nangyari?
06:14Connie, nagka-enkwentro kasi ang sospek at mga pulis.
06:17Ayon sa Lucena City Police, natuntun ang nasabing sospek sakay ng ninakaw ng motorsiklo.
06:23Nang mga corner ng mga otoridad, bumunot daw siya ng baril at pinaputukan ang mga pulis.
06:28Gumanti naman ang mga pulis na ikinamatay ng sospek.
06:32Napagalamang may arrest warrant siya sa hiwalay na insidente ng pagdanakaw.
06:35Wala pang pahayag ang kaanak niya.
06:38Unang naaresto ang kasama ng namatay na sospek na wala rin pahayag.
06:43Patuloy pa rin naman ang paghahanap sa apat na mangingisdang sakay ng nawawalang motorbankan na MJ-2.
06:50At sa Philippine Coast Guard, huling nga mataan ang bangka sa dagat na Sakop ng Ambil at Lubang Islands sa
06:56Occidental Mindoro.
06:57February 8, nang maglayag ang motorbankan na MJ-2 mula Lian, Batangas at inaasahang babalik kinabukasan.
07:05Hapon ng February 9, nang makatanggap ng report ang Coast Guard substation Lian, kaugnay sa pagkawala ng bangka.
07:13Pinaikting na raw ng PCG ang paghahanap. Nakikipag-ugnayan na rin sila sa iba pang Coast Guard substations.
07:25Abiso po, wala pa rin preno sa susunod na linggo ang taas presyo sa mga produktong petrolyo.
07:30Ayon sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, batay sa 4-day trading,
07:35pusibling tumaas ang presyo ng kada litro ng gasolina ng humigit kumulang 95 centavos.
07:4110 centavos ang nakikitang dagdag sa diesel habang 25 centavos sa kerosene.
07:46Kung sakaling ito na ang ika-alim na sunod-sunod na linggong taas presyo sa gasolina habang ikapitupara sa diesel
07:52at kerosene ngayong taon.
07:54Sinasabing nakaapekto sa presyuhan ng produktong petrolyo ang mga geopolitical tension particular sa Iran.
08:04Tinikita ng ambulansyang iyan matapos dumaan sa EDSA busway sa Quezon City.
08:08Nang silipin ng mga taga-special action ng Intelligence Committee for Transportation ang loob ng ambulansya ng TANSA Committee Local
08:14Government,
08:14walang pasyente, walang medical equipment at ang mga upuan tulad ng sa pampasaherong sasakyan.
08:21Bawal po pag ganon.
08:22Pariwanag ng driver ginagamit ang sasakyan para maghatid ng mga na magpapacheck up sa ospital.
08:28Isa lang ito sa limang ambulansya na tinikita ng mga otoridad matapos dumaan sa busway kahapon.
08:33Dati nang sinabi ng Department of Transportation na pinapayagan naman ng mga ambulansya na dumaan sa EDSA busway,
08:39bus, basta on duty o may dalang pasyente.
08:47Nabisto ng Food and Drug Administration ang ilang butika sa Valera Aurora na nagbibenta ng rabies vaccine kahit hindi otorizado.
08:54Sa akin pangayam, sinabi ni Kay Magundayaw in inspection nila ang mga butika malapit sa isang ospital,
08:59kasunod ng pagkamatay ng isang batang babae dahil sa rabies.
09:02Nabi niyo sa isa sa mga butika ang bakunang itinurok sa bata.
09:05Bukod sa walang permit, magbenta ng bakuna, natuklasan din ang FDA na nakalagay ang mga bakuna sa ordinaryong refrigerator kasama
09:14ang ilang inumin tulad ng juice at soft drinks.
09:17Paliwanag ng FDA, may tamang temperatura at storage na sinusunod para manatiling efektibo ang bakuna.
09:23Sabi pa ng FDA, may paninda rin hinihinalang peking bakuna ang mga butika.
09:29Hiniimbestigahan pa ng FDA kung peke ang bakunang itinurok sa bata o kung naapektuhan ang efektikasi nito dahil sa maling
09:36storage.
09:45Matuloy ang pagtugis ng mga otoridad sa negosyanteng si Charlie Atong Ang para sa mga kaso niyang may kaugnayan sa
09:52pagkawala ng mga sabongero.
09:54Para makatulong sa pag-aresto sa kanya, itinaas ng Department of the Interior and Local Government ang reward money sa
10:01makapagbibigay ng impormasyon sa 20 million pesos.
10:05Balitang hatid ni John Konsulta.
10:09We are increasing the bounty for Atong Ang to 20 million pesos for information leading to his arrest. Seryoso?
10:19Dinoble na ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang naunang 10 million pisong pabuya para sa
10:26ikadarakip ng negosyanteng si Charlie Atong Ang.
10:28Tinutugis pa rin si Ang dahil sa mga kaso ng pagkawala ng mga sabongero.
10:32Inilabas naman ng PNP-CIDG ang bagong wanted poster kung saan nakasaad ang contact information kung paano makikipagugnayan sa mga
10:41otoridad.
10:41Kung tinatang nyo kung saan nangagaling yan, nangagaling yan sa mga confidential funds provided to the PNP at saka sa
10:48DILG.
10:48Walang ano to ha, walang GPP atos dito ha. Totuong tao babayaran namin dito.
10:53This would actually attract more informants to participate and cooperate. Talagang seryoso ang batas na ma-aristo ang ating akusado.
11:04Sa patuloy na pagtugis kay Ang, pinasok na rin ang NBI Organized International Crime Division, ang bahay ng anak ng
11:11negosyante sa isang exclusive subdivision sa Makati.
11:14Sinuyod nila ang loob ng bahay, maging ang mga nakaparating sasakyan sa loob ng compound.
11:18Mga kapuso, nag-negativo doon sa unang bahay na pinuntahan. Pero nandito ngayon ang mga ayente ng NBI sa ikalawang
11:29bahay na kung saan ay kabilang pa rin sa kanilang target na tingnan.
11:36So sa ngayon, kasama na nila itong mga abogado ni Charlie Atokang.
11:42At papi ilang mga abogado rin, ibang law firm, para sama-sama daw na tingnan itong bahay na ito.
11:55Para tiyaking wala makakataka sa likod ng bahay, gumamit din ang drone ang mga otoridad.
12:00Pero bigo silang makita si Ang sa dalawang bahay na kanilang pinuntahan.
12:04Ang hawak nilang warat, hiwalay pa sa bagong warat of arrest, ay nilabas naman ang San Pablo Regional Trial Court
12:11Branch 29 sa Laguna para sa non-bailable ng mga kasong serious illegal detention at kidnapping laban kay Ang at
12:18lima pang kapwa niya akusado.
12:20Kaugnay naman ito ng pagkawala ng master agent na si Ricardo Lasco ng damputin ng mga armadong lalaki sa kanyang
12:27bahay sa San Pablo.
12:27Wala pang pahayag ang kampo ni Ang, kaugnay ng bagong arrest warat.
12:32Nagpunta ang CIDG sa mga farm ni Ang sa Siniluan, Pangil at Santa Cruz, Laguna para isilbi ang naturang warat.
12:39Pero di tulad ng unang pagpunta roon ng mga platiba, naging mahigpit ngayon ang kanyang mga gwardya at limitado lang
12:45ang piniyaga makapasok sa compound.
12:47Di rin piniyaga ng media na pumasok para mag-cover.
12:51Nagkaroon din ang pre-trial conference sa Santa Cruz, Laguna.
12:54Dumaluroon ang pitong tauan ni Ang kasama ang mga jail guard mula sa Laguna Provincial Jail.
13:00Hindi nagpa-unlock ng payag sa media ang mga kasado, maging ang kanilang mga abogado.
13:05Bagaman hindi pa rin nakikita, maski anino ni Ang, kinutuwa naman ng isa sa mga kaanak ng mga nawawalang sabongero,
13:11ang panibagong arrest warat pati ang mas mataas na patong sa ulo ni Ang.
13:15Sana naman may mga tao na may mabubuting loob na magturo na.
13:24Para naman kay Atong Am, sana naman lumantab na po kayo.
13:31Maawa naman kayo.
13:32John Consulta, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:43Hashtag fight, fight, fight ngayong Friday mga mari at pare.
13:46From one combative art to another, ang eksena ni Kapuso Prime Gem Bianca Umali.
13:52Nag-aaral ngayon si Bianca ng traditional Filipino weapon na balisong.
13:56Nagsasanag siya sa ilalim ng laraw-kali-pamuok system.
14:00Ang founder nitong silakan Ronnie Royce Base, nag-post ng ilang behind-the-scenes clips ng training ni Bianca.
14:06Bago yan, ilang taon ding nagsanay si Bianca sa paggamit ng arnis na naipamalas niya as terra sa Encantadja Chronicles
14:14Sangre.
Comments

Recommended