00:00Sa ibang balita, limang retailers sa marikina public market ang pinagpapaliwanag ng Department of Agriculture dahil sa hindi pagsunod sa maximum suggested retail price.
00:10Samantala, pinag-aaralan ng DA na makipagsabayan sa kompetisyon ang Food Terminal Incorporated para mapababa ang presyo ng mga bilihin.
00:19Si Gabrilega sa Sandro ng Balita.
00:23Namalingking ngayong umaga si Tatay Romel para bumili ng pangulam nilang mag-anak sa mga susunod na araw.
00:29Namili si Tatay Romel ng giniling na baboy at karneng baka.
00:33Para sa kanya, malaking tulong ang pagkakaroon ng maximum suggested retail price sa mga bilihin.
00:39Malaking tulong yun sa mga nagbabadget. Malilait pa yung mga anak.
00:41Para matiyak na sumusunod sa MSRP ang mga nagtitinda,
00:45nagsagawa muli ng Panibagong Special Joint Price and Supply Monitoring Inspection
00:50ang Department of Agriculture kasama ang Department of Trade and Industry sa marikina public market.
00:56Dito ay inikot ng mga opisyal ng DA at DTI ang mga pwesto sa loob ng pamilihan kung ang mga ito ay sumusunod sa MSRP.
01:05Sa kanilang pag-iikot, naobserbahan ng DA na nananatili pa rin mataas sa MSRP
01:11ang presyo kada kilo ng imported na sibuyas sa ilang mga pwesto.
01:14Ang presyo ng imported na puting sibuyas sa marikina public market naglalaro sa 140 hanggang 150 pesos kada kilo.
01:22Habang ang imported naman na pulang sibuyas ay naglalaro sa 200 piso kada kilo.
01:28Mataas sa itinakdang MSRP ng DA na 120 pesos kada kilo para sa imported na puting sibuyas at 150 pesos kada kilo para sa imported na pulang sibuyas.
01:39Dahil dito, namigay ng notice to explain ang DA sa limang retailer.
01:45Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Genevieve Guevara, mataas raw umano ang hango ng mga retailers sa mga supplier.
01:52Ang base po doon sa mga napadala na nating NTEs before at yung mga sagot nila, hindi po naman nila masabi kung ano yung pangalan po nung mga pinagkukuhanan.
02:01Sinasabi nila na binabagsak lang sa kanila, iba-iba daw yung nagpapadala sa kanila, hindi daw nila alam yung pangalan.
02:08So medyo may challenge po tayo doon sa pag-delve or pag-imbestiga dito sa rason kung bakit po hindi makasunod sa MSRP.
02:19Napansin rin ng DA na mas mataas ang presyo kada kilo ng liyempo.
02:24Ang bentahan ng liyempo sa Marikina Public Market naglalaro naman sa 400 pesos kada kilo.
02:30Mas mataas ito sa itinakda ng DA na 370 pesos kada kilo.
02:34Sa oras na makulangan ang DA ng paliwanag mula sa mga retailer na nabigyan ng notice to explain,
02:41maaaring humantong sa pagkansela ng permit, pagpapasara ng kanilang negosyo at maparusahan kung mapatunayan na sangkot sa profiteering
02:49ang mga negosyanteng nagbebenta ng mas mataas sa itinakdang MSRP.
02:53It would warrant further investigation. Ang gusto natin malaman nga eh kung kasaan sila kumuko.
03:00Para hindi po sila yung, kasi sila yung frontliners natin, yung mga retailers.
03:05Para po talagang hindi po sa kanila mapunta yung bigat ng allegation na baka meron pong nangyayari profiteering dito apang aabuso.
03:16So gusto po natin talagang matrace kung saan po nanggagaling talaga yung taas ng presyo.
03:22Nakikita rin ngayon ng Agriculture Department na mataas ang presyo ng lowland vegetables
03:26dahil sa kakulangan ng supply dulot ng malamig na panahon at inaasahan na babalik sa normal ang presyo nito pagdating ng tag-init.
03:35Isa rin sa pinag-aaralan ng DA ang plano na makipagsabayan na rin ang Food Terminal Incorporated o FTI sa kompetisyon
03:42para mapababa pa ang presyo ng mga bilihin.
03:46Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.