00:00Una po sa ating mga balita, mahigpit na siguridad ay pinatutupad sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX.
00:09Ito'y sa harap na rin ng dagsa ng mga biyahero para sa kapaskuhan at bagong taon.
00:14Ang update sa sitwasyon doon alamin natin sa sentro ng balita ni Gab Villegas live.
00:21Gab!
00:21Angelique, tuloy-tuloy lamang yung pagdating ng mga pasahero dito sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX
00:28kung saan ay bibiyahe itong ating mga kababayan patungo sa kanika nilang mga probinsya tatlong araw bago ang Pasko.
00:42Sanchago City sa Isabela ngayong araw para maka-attend na reunion ng Pasko.
00:47Limang taon na rin ang nakalipas ng huli siyang nakawi ng Isabela.
00:50Ayon kay Balen, nag-advance booking na siya ng kanyang tiket para iwas sa Abala.
00:55Bakasyon na namin, so sinamantala ko na yung bakasyon.
00:58Tsaka pagka ano kasi, maaga na akong nagpa-reserve.
01:03Kasi lang po, siksikan na eh. Tsaka fully book na yata.
01:08Kung si Balen ay nakapag-advance booking, si Polly naman ay hindi agad nakapuha ng tiket para makauwi sa Occidental Mindoro.
01:15Ayon kay Polly, kahapon pa siya pumila sa PITX para sana makabili ng tiket.
01:20Pero dahil sa dami ng pasahero, ay hindi kaagad siya na-home date.
01:24Kaninang madaling araw lang siya nakabili ng tiket.
01:26So yung tiket namin, pinila namin kanina for 5.30. Nakakaalis sila ng 10.30 po.
01:33Talaga pong sobrang hirap. Sobrang hira, pagod po yan kasi pabalik-balik.
01:39Nais rin ipagdiwang ni Polly ang Pasko at bagong taon, kasama ang pamilya.
01:44Ayon, magsawa-sama yung pamilya kasi yung nanay ko na stroke.
01:48So kaya pinapa-uwi yung lahat ng mga po, ganun, para mag-together-together kasi matatanda na sila.
01:54Patay sa datos ng PITX, aabot na sa halos 600,000 mga pasahero ang dumagsas sa kanilang terminal mula noong December 19 hanggang kahapon.
02:04Sa datos rin ng pamunuan ng PITX, ang mga biyahe pa puntang Bicol, pati rin sa Visayas at Mindanao ang nakapagtala ng may mataas na booking rate.
02:12Aabot naman sa halos 300 ng mga ipinagpapawal na gamit sa terminal ang kanilang nakumpiska simula noong December 19 hanggang kaninang umaga.
02:21Karamihan sa mga nakumpiska ay mga kutsilyo, gunting at kater.
02:25Ayon kay Coline Calbasa, Senior Corporate Affairs Officer ng PITX,
02:30inaasahan na magtutuloy-tuloy ang pagdating ng mga pasahero sa terminal hanggang bisperas ng Pasko.
02:35Dahil yung iba nating mga kababayan hindi pa kaya mag-leave, yung iba naman na una na no, that's why yung weekend natin ay marami na tayong mga pasahero na dumagsas sa terminal.
02:45Tiniyak rin ng PITX na sapat ang mga bus na bumabiyahe para matugunan at dami ng mga pasahero na pauwi sa mga probinsya.
02:53Meron po silang makukuhang ticket dahil yung mga supply natin ay bumabalik lang or di kaya mga buses natin ay bumabalik lang after bumiyahe nila sa papuntang probinsya.
03:03So, konting pasensya lang po sa mga pasahero, lalo na po kung walk-in tayo.
03:07May paalala rin ang PITX sa mga pasahero.
03:11Huwag na po tayong magdala ng any sharp objects, flammable items, and then syempre baril po, bawal na bawal po yan dito sa ating terminal.
03:19Marami pa tayo yung nakoconfiscate at yun po ay hindi nyo na makukuha if makuha po dito sa amin sa terminal dahil ito turnover po natin yan sa PNP.
03:27Angelique, sa pinakahuling tala ng pamunuan ng PITX as of 1pm ay aabot na sa 97,744.
03:38Ang bilang ng mga pasahero na nagtungo dito sa terminal simula pa kaninang umaga.
03:42So, ayon rin sa pamunuan ng PITX ay wala pa silang naitatalang untoward incident dito sa terminal.
03:49At patuloy rin na nakabantay ang PNP, MMTA, PCG, saik at iba pang mga ahensya ng pamahalaan para magbatay sa PITX at maingatiyak ang kaayusan dito sa loob ng terminal.
04:02Mayroon rin mga nakastandby na medical emergency teams sakali na magkaroon ng medical emergencies at kakailanganin ang pagtugon ng mga ito.
04:16At yan muna ang update mula rito sa PITX sa Paranaque City. Balik si Angelique.
04:20Okay, Gab, curious lang ako, no? Kasi napansin ko talaga ang daming mga kutsilyo, yung mga sharp objects na nakoconfiscate.
04:28Hindi ba alam ng mga pasahero na pinagbabawal yan at patuloy silang nagdadala at nakoconfiscate niya ang mga items na ito?
04:39Angelique, hindi naman nagsasawa yung pamunuan ng PITX na paalalahanan itong mga pasahero na iwasan na magdalaan itong mga ipinagbabawal.
04:51Pero talagang hindi rin maiwasan, Angelique, na mayroon pa rin talagang mga pasahero na talagang nakakapagdala.
04:59Marahil ay hindi talaga nila alam o marahil ay talagang may paraan lang sila para siguro madala ito pa-wait doon sa kanilang mga probinsya.
05:08Kasi maaaring magamit nila ito, itong mga pinagbabawal dito para sa holiday season kung saan maaaring gamitin na pwede magamit doon sa mga ilang paghahanda na rin sa kapaskuhan.
05:26E, ayun, Angelique, at may paalala pa rin, patuloy pa rin yung pagpapaalala doon sa mga pasahero na hanggat maaaring iwasan na magdala ng mga ganitong klaseng mga ipinagbabawal na gamit.
05:39Okay, maraming salamat. Gab Villegas!