00:00Sa puntong ito, dagsa na rin kaya ang mga mamimili sa Kadiwa Store sa Mandaluyong City?
00:06Alamin natin sa Balitang Pambansa ni J.M. Pineda Live!
00:11J.M.
00:14Alan, isa nga ang Kadiwa Store dito sa Mandaluyong Public Market
00:17ang magbibenta ng 20 pesos na bigas sa mga susunod na arawan.
00:25Marami na mga kababayan natin ang nag-aabang sa 20 pesos na bigas.
00:28Malaking tipid daw kasi sa kanilang mga budget kung ganitong preso ang bibili nila sa palengke.
00:34Ang iba naman na mamimili excited na dahil paniguradong mailalagay nila sa ibang bayarin ang matitipid na bigas.
00:40Sa ngayon nga, ilang Kadiwa Store na dito sa Metro Manila ang naghahanda para sa pagbibenta ng murang bigas sa publiko.
00:46Pero available pa naman daw ang naunang 29 pesos na kada kilo na bigas
00:50kaya pwede itong tangkilikin ng mga mamimili.
00:53Yung 29 pesos na bigas, Alan, yan yung unang binida ng Department of Agriculture
00:57para sa publiko simula nang makita nila yung pagtaas ng presyo sa bigas.
01:04Alan, sa ngayon nga ay hindi pa ibinibenta sa publiko yung 20 pesos na bigas
01:10dahil kailangan pang mag-apply ng exemption sa Comelec
01:13dahil nga sa quiet date preparation para sa eleksyon.
01:17At inaasahan nga na after election sa May 12
01:19ay maibibenta na yung 20 pesos na bigas para sa publiko.
01:23Iyag muna ang latest news sa Mandaluyong, balik sa iwalan.
01:28Maraming salamat, J.M. Pineda ng PTV.