Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong January 7, 2026


- PHIVOLCS: Alert Level 3, itinaas sa Bulkang Mayon |
PHIVOLCS, nagbabala sa peligrong dala ng uson o pyroclastic density currents mula sa Bulkang Mayon | Pamamasyal sa 6 km Permanent Danger Zone sa Bulkang Mayon, bawal na muna
- Mga dapat gawin pagkatapos ng ashfall
- DBM: pinakamababa mula noong 2019 ang P150.9B unprogrammed appropriations sa 2026 budget | Kulang pa ang pag-veto ni PBBM Sa mahigit P92B unprogrammed appropriations, ayon sa ilang business group | DBM: May mga kondisyon bago pondohan ang mga proyekto sa ilalim ng unprogrammed appropriations | Mas malaking pondo para sa ayuda at mas kaunting pondo para sa ilang infrastructure projects, pinuna ni Sen. Marcos | Malacañang sa gitna ng pagkuwestiyon sa unprogrammed appropriations: Confident po sila na ang 2026 budget ang pinakamalinis at pinakamaayos | Hindi pag-veto ni PBBM Sa ilan umanong kuwestiyonableng items sa 2026 budget, ikinadismaya ng budget watchdog na Social Watch PH | Sen. Gatchalian: Joint oversight team, bubuuin ng Kongreso para tutukan ang pagpapatupad ng mga proyekto
- Ilang bahagi ng andas ng Jesus Nazareno, binago ngayong Nazareno 2026 | Andas ng Jesus Nazareno, nilagyan ng manibela; may driver na magmamaniobra | Ruta ng Traslacion ng Jesus Nazareno, sinuyod ng MMDA | Pahalik sa Quirino Grandstand, sisimulan mamayang 7 pm


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00BULKANG MAYON
00:30Kabilang ang rockfall events o pagdausdos ng mga bato mula sa bunganga ng bulkan.
00:35Nitong Enero Auno, itinaas ng FIVOX ang alert level 2.
00:39Sa gitna ng dilim, nagliwanag ang tuktok ng bulkan dahil sa lava.
00:44Naglabas ang bulkan ng uson o pinaghalong mainit na bato, gas at lava.
00:49Kaya itinaas na ang alert level 3.
00:52Ibig sabihin, lalong lumalapit sa surface o labas ng bulkan ang magma o mainit na material nito.
00:58Technically, it's erupting. It's just a fusive eruption.
01:02Yun yung quiet eruption natin. Slow release of magma doon sa edifice ng bulkan.
01:06Naman yung mga nasa 6 kilometers na dapat sumunod tayo.
01:10Kasi we want to really emphasize na no man's land yan.
01:16Ganito yung mga alert level.
01:18Nagtayo na rin ng mga checkpoint para yaking wala nang papasok sa 6 kilometer permanent danger zone.
01:24Technically, dapat walang tao doon kasi it's a permanent danger.
01:27Even at alert level 0, dapat walang tao doon.
01:30Ang dapat i-evacuate natin yung nakatira,
01:32biyan, the 6 kilometer permanent danger zone.
01:35But kami naman sa VVOX, we recognize the reality on the ground na may mga nakatira talaga doon.
01:42Mahalaga yan dahil nakamamatay ang uson o yung tawag ng mga bikulano sa pyroclastic density current.
01:48Instant o agad na pagkamataya ang idudulot kung madaanan yan.
01:52Kung makapal ang uson, maaari kang malibing, masunog o madaganan.
01:58Ayon sa VVOX, itinuturing ng worst case scenario kung magkakaroon ng highly explosive eruption ng mayon.
02:04Gaya ng nangyari noong 1814, nang malibing ang kagsawa.
02:08Bagamat meron pong debate kung ano yung actually nagliling sa pagsawa kung mga uson ba o mga lahar na nangyari kahalos kasagay ng pagtutok.
02:19Matay po po sa deposito, medyo malayon po yung kinagod ng uson.
02:24If I remember correctly, nakita rin po natin ito sa 7 kilometers and may maninibis mo dito sa 8 kilometers na.
02:32Hindi pa namang ganito ang nakikita ng VVOX na pwedeng mangyari sa pag-aalboroto ng mayon ngayon.
02:39Isang dahilan ay dahil sa mga nakarang taon, mas ubikli ang repose period o yung pagitan sa mga pagputok o pagsabog ng vulkan.
02:47Daki po kasi before, 2000 eruption ng vulkan.
02:52Matagal po yung repose ng mayon, nasa 7 to 10 years.
02:56Actually, typical po ay 10 years.
03:00Pero kung napakansin yung simula po na 2006, 2000, 2000, 2001, 2006, and then 2009, 2013, 2014, 2018, 2023, masyado pong maitli ang repose period.
03:19So, nakakabawas po ang exclusivity ng vulkan.
03:26Ito pong mayang-mayangang activity.
03:29Ang mga aktividad ng vulkan ngayon, mas kahawig daw ng mga nangyari noong 2023.
03:35Baka po mas marami ang laba na ilabas.
03:38Dahil noong 2023 po, kaya wala pong masyadong ground deformation o yung pressuring ratio sa loob ng vulkan.
03:45Bawal rin muna ang pamamasyal sa 6-kilometer PDZ.
04:10Yung ATV rides na pamuso dito, minsan nakakaabot nun sa 6.
04:13So, yun, off-limit muna yung ATV.
04:18Kung pwede dito muna sa kagsawa.
04:20And no-fly zone directly above Mayon Volcano.
04:23Pwede pa rin namang pagpunta ang mga turista sa Albay para saksihan ang aktividad ng vulkan.
04:28Pero dapat ay mula sa malayo ayon sa Department of Tourism.
04:32Pansin daw ng DOT na dumarami ang mga tourism arrivals tuwing nag-aalboroto ang Mayon.
04:37Ano tayo doon, mag-ihigte tayo, yung mga ganyang trekking, syempre may mga kasep, yung safety pa rin ng turista.
04:46Ito ang unang balita, Chino Gaston, para sa GMA Integrated News.
04:50Ngayon po nakataas, Alert Level 3, ang Bulkang Mayon.
04:54Pusible ang pagputok nito sa mga susunod na araw.
04:57Pati ang pagkakaroon ng ashfall ayon sa FIVOS.
05:00Ano ba ang dapat gawin kapag nagkaroon yan?
05:03Una, maglagay po ng takip o proteksyon sa ilong, bibig at mata.
05:09Pwedeng gumamit ng vacuum cleaner sa paglilinis ng mga gamit sa loob ng bahay.
05:14Tanggalin ang mga naipong abo sa inyong bubong para maiwasan ang pagbagsak nito.
05:20Gumamit ng tubig sa paglilinis ng mga bubong at alulod.
05:25Ang mga bintana at pinto naman ng inyong mga bahay at sasakyan, basain din muna ng tubig.
05:32Ang mga damit na nalagyan ng abo, siguruhing malabhan muna bago gamitin.
05:38At huwag lang basta pagpagin.
05:40Sa mga may alagang hayop gaya ng baka, hugasan muna ang mga damong bago pakain.
05:47Ipunin ang mga tinanggal na abo sa lugar na malayo sa daluya ng tubig.
05:53Pakuloan din ng maigi ang inuming tubig.
05:57Paalala po, may epekto sa kalusugan ang ashfall.
06:01Dati nang sinabi ng Department of Health na posible itong magdulot
06:04ng pangangati ng ilong, lalamunan, mata, pati sa balat.
06:08Posible rin daw itong magdulot ng ubo at hirap sa paghinga.
06:14Sa kita ng pagkresyon sa 2026 National Budget,
06:17bubuwan ang Joint Oversight Team ang Senado at Kamara
06:19para tiyaking magagamit sa tama ang bondo sa mga proyekto ng gobyerno.
06:24Nakukulangan naman ang ilang business groups sa vinito ni Pangulong Bongbong Marcos
06:28na P92.5 billion na unprogrammed appropriations.
06:33Dapat daw mas agresibo ang naging hakbang ng Pangulo.
06:36May unang balita si Ian Cruz.
06:42Matapos i-vito ni Pangulong Bongbong Marcos
06:44ang P92.5 billion na halaga ng Unprogrammed Appropriations o UA.
06:50P150.9 billion ang natira sa ilalim ng UA sa 2026 National Budget.
06:57Pinakamababa raw yan mula noong 2019 ayon sa Budget Department.
07:02Sa P150 billion na yan, kukurin ang obligasyon ng gobyerno sa mga foreign-assisted project,
07:08kabila ang ilang nagpapatuloy na flood control project.
07:11Para naman doon sa flood control projects for 2026, wala pong nakalaan na budget para sa bagong flood control programa sa 2026.
07:20So ang tanging puntong may ka-outline lang po sa flood control ay para lamang doon sa ongoing foreign-assisted projects po ng DPWH.
07:31DPWH.
07:31So ibig sabihin, may mga proyektong sinimulan na at may umigiran ng loan agreement.
07:37Pero nakukulangan ng ilang business group sa pag-vito ng Pangulo.
07:42Ayon sa Makati Business Club, dapat naging mas agresibo ang Pangulo sa Unprogrammed Appropriations na nila'y kwestyonable sa konstitusyon.
07:51Pwede raw kasing pagmulan ito ng discretionary disbursement kung saan politiko lang ang magdedesisyon kung paano gagamitin.
08:01Marami raw dito ay social welfare program na maituturing na soft pork.
08:07Sabi ng DBM, may mga kondisyon naman para mapondohan ang mga proyekto sa ilalim ng UA.
08:13Una riyan ay kung may makolekt ng dagdag pondo o excess revenue ang gobyerno.
08:19Mayroon tayong mga panuntunan kung paano natin siya nirelease yung ating program or appropriation.
08:25Katulad ng ating pagbabalangkas nung tayo ay nagpreprepare ng budget.
08:29Meron tayong mga konsiderasyon.
08:31Ula sa lahat, naka-align dapat po yan sa administration development program.
08:36Sa presidential sister Senadora Aimee Marcos, pinunto naman ang umano'y pagbabawas sa mga pondo para sa ilang proyekto.
08:43Tulad ng pondo para sa Metro Manila Subway at North-South Commuter Railway.
08:49Habang nadagdagan ang pondo para sa kontrobersyal na programa gaya ng Tupad, AX at iba pa.
08:55Sinusubukan pa ng GMA Integrated News sa makuhang panig ng Malacanang.
08:59Sinagot naman ang palasyo ang sinabi ni Kaloocan Representative Edgar Erice na balak niyang kwestiyonin ng UA sa Korte Suprema.
09:07May kinapatan po sila na dumulog sa Korte Suprema at tanungin kung unconstitutional ang parte na ito ng 2026 sa national budget.
09:19Confident po sila na ang ginawa po ngayon ng budget ay ang pinakamalinis, pinakamaayos at ito'y para sa taong bayan.
09:26Dismayado naman ang budget watchdog na Social Watch Philippines dahil hindi na-vito ang mga items sa budget na sa tingin nila ay kwestiyonable.
09:36319 billion pesos na halaga ng malapork barrel umano na pondo at kwestiyonabling program allocations ang kanilang iminungkahing i-vito.
09:46Kabilang ang mga proyekto sa ilalim ng DPWH, DA, farm-to-market roads at iba pa.
09:54Pero di raw sila pinakinggan. Dagdag pa rito ang 138 billion pesos na UDA funds.
10:00Sa tingin namin pork barrel free dahil hindi naman pwede makialam ang legislator pagdating ng executing the budget at purely executive function na yan pagdating ng execution of the budget.
10:14Para higit na matutukan ang pagpaputupad ng mga proyekto, ayon kay Senate Finance Committee Chairperson Sen. Sherwin Gatchalian.
10:22Babalang kasi sa unang pagkakataon ng Senado at Kamara ang isang Joint Congressional Oversight Team on Public Expenditures.
10:30Kasunod dito ng kontobersya sa ghost at substandard flood control projects.
10:35Maraming gustong tutukan si Gatchalian na magpapaganda-umuno sa pagbusisi nila ng budget proposals.
10:41For example, underspending ng mga agencies, foreign assisted projects, some projects na kailangan natin i-drill down pa.
10:51Like for example, yung pagpapagawa ng hospitals kahit over capacity na yung mga hospitals natin.
10:59So yung mga ganitong bagay para pagdating ng budget, hindi lang isang araw, isang agency.
11:05Alam mo na yung context to, alam mo na yung context nung pag-uusapan nyo during the budget briefings.
11:12Kasama sa mga gagawin nila, mag-ocular inspection sa mga proyekto.
11:16Kakausapin ni Gatchalian ang counterpart niya sa Kamara para sa pagbuo ng Joint Oversight Team.
11:22Ito ang unang balita, Ian Cruz para sa GMA Integrated News.
11:27May mga binago po sa disenyo ng andas ng Jesus Nazareno para sa pagdiriwa ng pista ngayong taon.
11:39Kabilang dyan ang pagkakaroon nito ng manibela, dagdag na gulong at mga butas para iwas moisture sa salamin.
11:46Narito po ang aking unang balita.
11:47Kuha ito noong prosesyon ng traslasyon ng Jesus Nazareno noong 2024.
11:57Sa gitna ng dagat ng mga tao, halos din na makita ang Jesus Nazareno dahil sa moisture sa salamin ng andas.
12:04Isa yan sa iniiwasang mangyari ngayong taon, kaya ginawang perforated o butas-butas ang pintuan ng andas.
12:11Tempered glass ang salamin na di raw basta-basta mababasag.
12:15May salya at lubid pa rin.
12:18Kung mapuputol yan, we have a spare, dalawang set po ng spare na lubid.
12:23Hindi na nga lang kasing haba ng 50 meters but enough para makatulong igiya at atake ng ating andas ng mas maalas.
12:31Maging mahinaon sila at sana po, yung pakikisa lang po sa kagustuhan ng simbahan
12:37para po sa yung darating nakapestahan, maging solemn naman po at hindi walang kaguluhan.
12:44May manibela na rin ang andas at may driver na pwedeng magmaniobra.
12:48Kasya ang limang ihos sa loob.
12:50Naili-likunan ang maayos yan.
12:52Dati, ang nakalagay dyan, yung timon lamang, bakal lang yun, isang piraso.
12:58Parang nagtitimon ng bangga.
13:00Mahirap yun, hindi nakokontrol.
13:02At least ito, mas madaling nakokontrol yan.
13:04So ito po yung itsura ng loob ng likurang bahagi ng andas.
13:08Kung dati, flat lang itong flooring, kaya nakasquat lang ang mga ihos sa loob.
13:12Ngayon, mas binabaan ang footbase.
13:15Para mas magkaroon ng espasyo, mas maging komportable at makaupo na ang mga ihos sa loob.
13:22Sakaling namang magkaaberyay, pwede rin naman daw buksan ang footbase katulad nito
13:26para silipin o agarang kumpunihin ang magiging problema sa gulong.
13:32Dinagdagan din ang gulong ng andas.
13:34Apat ho na po'y clip na gulong yan na palagay ko, hindi na tayo magkakaroon ng problema na may mababali.
13:43Tingin ko matibay na ho ito.
13:45Meron na rin ho yung preno, na may preno yan.
13:48Kaya kahit ito anong itulak, padaos-dos, hindi ho mabilis itulak.
13:52I-dineklara ni Pangulong Bombong Marcos na Special Non-Working Day sa Maynila
13:57ang Pista ng Jesus Nazareno sa January 9.
14:00Sinuyod ng MMDA Special Operations Group ang mga sagabal sa dadaanan ng andas.
14:06Kaya kasi nasabi sa inyo, alisin natin.
14:08Oo nga, ako na lang po mag-alis. Promise po sa inyo, sir.
14:10Magbalik ko, wala na.
14:11Okay po.
14:12Pero ito, pwede ngayon na.
14:14Yung sidecar?
14:14Yes, lahat.
14:15Itong motor akin niya, sir.
14:16Sige, pakialis na po. Pagbalik ko, pag andyan yan, ako mag-alis ha.
14:19Sige po, sir.
14:20Usapan maayos yan ha.
14:21Sa alas 7 ng gabi, simula na ng pahalik sa Kirino Grandstand.
14:26Ito ang unang balita. Mariz Umali para sa GMA Integrated News.
14:31Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
14:35Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended