- 5 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong August 6, 2025
- Enhanced maritime cooperation, tourism at cultural exchange, kabilang sa 13 bilateral agreements na pinirmahan ng Pilipinas at India | PBBM at kaniyang delegasyon, nag-alay ng bulaklak kay Mahatma Gandhi | PBBM, nakapulong ang Bharatiya Janata Party ng India
- Clearing operations, isasagawa ng MMDA SOG-TFRC sa Mabuhay Lanes ngayong araw
- Daloy ng trapiko sa parehong lane ng Roxas Boulevard, bumibigat na | Mga magsisimba ngayong first Wednesday of the month, patuloy ang pagdating sa Baclaran Church
- QC LGU, nagsagawa ng road clearing operations sa G. Araneta Ave.
- 4Ps, gustong ipabuwag ni Sen. Erwin Tulfo at palitan ng isang bagsakang puhunan para sa negosyo | DSWD: Mahirap ang isang bagsakang tulong dahil baka hindi magtuloy-tuloy ang pag-aaral ng mga bata
- Ilang grupo, naghain ng mosyon sa Supreme Court para pigilan muna ang Senado na magpasya sa impeachment ni VP Sara Duterte |Panawagan ng ilang grupo sa Senado: Hintayin munang maresolba ang motion for reconsideration ng Kamara sa SC decision sa impeachment ni VP Duterte | Panawagan din ng ilang grupo: Magkaroon ng oral arguments ang Korte Suprema para matalakay ang articles of impeachment vs. VP Duterte | VP Duterte at iba pang petitioner, pinagkokomento ng SC SA inihaing motion for reconsideration ng Kamara
- Closeness nina Barbie Forteza at Jameson Blake sa GMA Gala 2025, usap-usapan | Jak Roberto kay Jameson Blake: "Mabait si Barbie Forteza, alagaan mo lang"
- GMA 75th Anniversary Station ID, may mahigit 6.8M views na and counting | Kapuso personalities, reunited sa Station ID shoot | Alden Richards at Marian Rivera, na-touch sa mensahe ng Station ID; nagpasalamat sa mga Kapuso | Marian Rivera, sunod-sunod ang activities mula noong GMA Gala hanggang sa kaniyang birthday sa August 12
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- Enhanced maritime cooperation, tourism at cultural exchange, kabilang sa 13 bilateral agreements na pinirmahan ng Pilipinas at India | PBBM at kaniyang delegasyon, nag-alay ng bulaklak kay Mahatma Gandhi | PBBM, nakapulong ang Bharatiya Janata Party ng India
- Clearing operations, isasagawa ng MMDA SOG-TFRC sa Mabuhay Lanes ngayong araw
- Daloy ng trapiko sa parehong lane ng Roxas Boulevard, bumibigat na | Mga magsisimba ngayong first Wednesday of the month, patuloy ang pagdating sa Baclaran Church
- QC LGU, nagsagawa ng road clearing operations sa G. Araneta Ave.
- 4Ps, gustong ipabuwag ni Sen. Erwin Tulfo at palitan ng isang bagsakang puhunan para sa negosyo | DSWD: Mahirap ang isang bagsakang tulong dahil baka hindi magtuloy-tuloy ang pag-aaral ng mga bata
- Ilang grupo, naghain ng mosyon sa Supreme Court para pigilan muna ang Senado na magpasya sa impeachment ni VP Sara Duterte |Panawagan ng ilang grupo sa Senado: Hintayin munang maresolba ang motion for reconsideration ng Kamara sa SC decision sa impeachment ni VP Duterte | Panawagan din ng ilang grupo: Magkaroon ng oral arguments ang Korte Suprema para matalakay ang articles of impeachment vs. VP Duterte | VP Duterte at iba pang petitioner, pinagkokomento ng SC SA inihaing motion for reconsideration ng Kamara
- Closeness nina Barbie Forteza at Jameson Blake sa GMA Gala 2025, usap-usapan | Jak Roberto kay Jameson Blake: "Mabait si Barbie Forteza, alagaan mo lang"
- GMA 75th Anniversary Station ID, may mahigit 6.8M views na and counting | Kapuso personalities, reunited sa Station ID shoot | Alden Richards at Marian Rivera, na-touch sa mensahe ng Station ID; nagpasalamat sa mga Kapuso | Marian Rivera, sunod-sunod ang activities mula noong GMA Gala hanggang sa kaniyang birthday sa August 12
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
📺
TVTranscript
00:30Namaste.
01:00Namaste.
01:02Sumabak sa bilateral meetings si Pangulong Bongbong Marcos at Indian Prime Minister Narendra Modi.
01:09Masaya nilang inanunsyo ang resulta ng labing tatlong bilateral agreements sa pagitan ng dalawang bansa.
01:15Apat ang may kinalaman sa national defense.
01:18Ang terms of reference ng mga pag-uusap ng mga sangay ng sandatang lakas ng Pilipinas at India.
01:24Pati na rin ang enhanced maritime cooperation ng mga Coast Guard ng dalawang bansa.
01:29We agreed to continue leveling up our collaboration in defense and security.
01:34We have agreed to establish mechanisms for service-to-service talks, for information sharing, and training exchanges amongst our militaries.
01:43We will foster naval and Coast Guard interoperability via port calls, cooperative activities, and capacity building in the maritime domain.
01:54Binigyang diin din ang dalawang leader ang pagpapalaga sa safe navigation at maritime trade.
02:00Prime Minister Modi and I have committed to bring our collaboration to bear on shared concerns, a free, open, and inclusive Indo-Pacific region, security and rule of law in the maritime commons, supply chain resilience, food security, countering terrorism, and other traditional and non-traditional threats.
02:23May mga kasunduan din sa digital technology, science and technology, mutual legal assistance and transfer of sentence persons, tourism, cultural exchange, at space research.
02:36Pinalalim pa ang kooperasyon ng dalawang bansa sa deklarasyon ng strategic partnership at plan of action para sa implementasyon nito.
02:44Bagamat magiging strategic partners pa lang, mahaba at malalim na pagkakaibigan at kooperasyon ng Pilipinas at India.
02:52Tulad na lamang ng sinagip ng India ang mga tripulanteng Pinoy na nabihag ng huti, pati na rin ang pagpapahayag nito ng pagsuport sa Pilipinas sa Orbital Award sa South China Sea.
03:04India and the Philippines are friends by choice and partners by destiny.
03:14From the Indian Ocean to the Pacific, we are united by shared values.
03:20Our is not just a friendship of the past. It is a promise to the future. Maraming salamat po.
03:33Nag-alay ang Pangulo, unang ginang at kanilang delegasyon ng mga bulaklak sa Rajgat o Mahatma Gandhi Memorial.
03:40Inalala at binigyang pugay nila si Gandhi na tinaguri ang ama ng Indian independence.
03:46Nakapulong din ang Pangulo ang Barta Janta Party, ang pinakamalaking political party sa India,
03:51bago dumalo sa dinner banquet na inihanda ni Indian President Drupadi Murmu.
03:56Maris, para nga sa ikatlong araw ng state visit ng Pangulong Marcos dito nga sa New Delhi sa India,
04:07ang business at panghihikayat ng investments, ang kanyang agenda sa pagharap sa CEO Roundtable
04:13kasama ang Indian business community dito sa New Delhi.
04:17At yan ang unang balita mula nga dito sa New Delhi sa India. Maris.
04:20Bahot, Shukriya. Maraming salamat sa Lima Refran live mula sa New Delhi, India.
04:27Mga kapuso, nandito po tayo ngayon sa CP Garcia Avenue sa Quezon City,
04:34kung saan nagsimula na nga po ang clearing operations na ikinasanang MMDA ngayong umagang ito.
04:39Sabihin na po natin, pauna lamang ito pero maiba pa silang pupuntahan.
04:43Katipunan, Aurora Boulevard, Batino, Bolave at Nara Street dyan po sa Project 3.
04:51Ayan, abanggit na natin kung may mga nakaparada pa po dyan ng mga sasakyan.
04:55Ito, tanggalin nyo na dahil nagkakaroon na po ng towing operations ng MMDA.
05:00Ito pong ating kinatatayuan ang CP Garcia Avenue.
05:04Ito po kasi ay isang mabuhay lane at isa sa mga pangonahing daanan kapag papunta ka ng Katipunan Avenue
05:11from Katipunan all the way to C5 o kung saan man ang inyong destinasyon.
05:16Ito po ay alternative daanan at main door repairs po ang tutumbukin itong mga kaling ito.
05:22Kaya naman mahalaga, lalo trash hour ngayon, na ito ay clear of all obstructions.
05:27At kagunday po na nagpapatuloy na clearing operations ng MMDA.
05:33Kasama po natin yung maga, Sir Gabgo.
05:35Ayan, si Gabriel Go ng Special Operations Group ng MMDA.
05:40Sir, unang-una, bakit po natin ito?
05:43Why this road?
05:44Ang gira-ira, ano?
05:46Alam nyo, one of the growing problems kasi natin yung traffic congestion.
05:50So alam naman po natin, when there's traffic congestion, na de-delay ang travel time ng ating mga kababayan.
05:54So that's why meron po tayo mga sinaset na mga mabuhay lanes, alternate routes.
05:59So lahat yan, it serves as an, ititawag nga natin, the name itself, alternate routes,
06:03kung napupuno ang mga major tour of airs.
06:05However, kung ito po ay mapupuno ng mga hambalang, mga illegal parking,
06:09then it will define the purpose of having a faster route para sa ating mga motorista.
06:13That's why ito, dito po tayo, mga operasyon natin.
06:16Magkwento ko na, Sir Gab, sa mga viewers natin.
06:18Ito ang isang sa mga nato, ito yung nasa likod natin.
06:21So, kinakpaman din niya sa mismong signage na nakalagay, no parking, tow-away zone.
06:28It's asking for it. Ano po?
06:30Tama po kayo.
06:30Wala na tayong magagawa pa ganyan.
06:32Napakaliwanag naman po ng signage na bawal po marada.
06:35Sir, pinag-uusapan ngayon yung proposals for a total parking ban, partial parking ban.
06:42Ano pong posisyon ng MMDA dito?
06:44Well, alam nyo, we are not against, no?
06:47Kasi alam naman natin, illegal parking is really a very big problem nowadays.
06:51Kahit saan tayo pumunta, may nakahabalang.
06:53It's not only about traffic congestion, it's also about the safety ng mga road users po natin.
06:58Dahil naman po, mga pedestrian.
06:59So, there are some things that we have to look into also.
07:02Because alam naman po natin, the community-based economic standpoint, no?
07:06Especially ng mga bawat lungsod.
07:08Ibat-ibang aspeto po yan.
07:09So, definitely, there should be an adherence kung ano man po yung status ng ekonomiya doon po sa isang lungsod.
07:17So, definitely, yung ano naman po natin, stand natin as regard to illegal parking.
07:21Alam naman po natin yan, definitely, we're for it, no?
07:24We're for it na maalis po yung mga problemang yan.
07:26But definitely, sir, nabanggit nyo, may mga economic considerations, siyempre,
07:30may mga negosyo dyan, kailangan ng paradahan.
07:33But there are simply, there simply are roads na hindi talaga pwedeng paradahan.
07:38Correct.
07:39Na dapat talaga 24-7 a clear of all of the trucks.
07:42Tama po kayo.
07:43Meron tayo, sabi nga po ni ating buting chairman, attorney Don Artes,
07:46maraming mga kalsada na non-negotiable.
07:47Una-una, major thoroughfairs, EDSA, Quezon Avenue, C5, and other highways po natin.
07:53And aside from that, alternate routes and ating mama boy lanes,
07:55non-negotiable po talaga yan.
07:57Dahil, ulitin ko, it serves as an alternate route.
08:00So, dapat wala pong mga nakahambalang dyan sa mga kalsada.
08:03Sir, panghuli po siguro.
08:04Hindi ko na mabilang pang ilang na nating operation nito eh.
08:07Kino-cover na po na unang hirin dito mga clearing operations ninyo.
08:11Pero still, ito pa rin tayo.
08:13Walang katapusan eh.
08:15Well, alam mo Ivan, ang problema kasi ng illegal parking obstruction, no?
08:18Hindi lang po ito sa violation.
08:21For how many years nakasanayan natin ito eh.
08:24So, ikaw nga natin, pag nakasanayan, it will take a longer time
08:27para matutong ang ating mga kababayan.
08:29But then again, yung ginagawa natin efforts, yung consistent approach natin,
08:34we see a lot of improvement sa ating mga kalsada.
08:37But then again, we always ask for cooperation, yung mga kababayan po natin,
08:42yung being sensitive and considerate also of their surroundings and mga road users po nakasama natin.
08:47Ayan, ito naman ho kasi, common good, di ba?
08:50Lahat tayo kailangan makinabang sa kalsada.
08:52Hindi pwedeng paradaan mo yan dahil feeling mo entitled ka dyan.
08:56Dahil marami po ang naaabala.
08:58At mga kapuso, yan po muna ang ating update mula dito sa CP Garcia Avenue sa Quezon City
09:04sa nagpapatuloy na clearing operations ng MMDA.
09:07Balik po muna tayo sa studio.
09:08Samantala mga kapuso, silipin na natin ang lagay ng trafico sa kahabaan ng Rojas Boulevard
09:13ngayong first Wednesday of the month.
09:15Live mula sa Paranaque City, may unang balita si EJ Gomez.
09:19EJ!
09:26Mariz, it's Wednesday, Baclaran Day.
09:30Marami ang mga debotong bumibisita ngayon dito sa Baclaran Church.
09:33At dahil rush hour na nga ang trafico, bumibigat na.
09:38Sa mga puntong ito, medyo may kabigatan na ang daloy ng trafico dito sa Mayrojas Boulevard sa Baclaran.
09:46At yung isang lane, mga sasakyan patungo Maynila,
09:49habang yung kabilang lane naman ay papuntang Coastal Road, mga biyaheng pag-Cavite at Las Piñas.
09:56Dito naman sa Mayrojas Boulevard sa Baclaran Church,
09:57yung nakikita ninyo ngayon, yan yung kahabaan ng Rojas Boulevard Service Road.
10:02Nagkakaroon ng sandaling pagsisikip ng trafico, no?
10:05Samantala, patuloy naman ang pagdating ng mga nagsisimba.
10:08Sa Baclaran Church ngayong umaga, maraming pampasaherong jeep at bus at taxi
10:13yung nagsasakay at nagbababa ng mga pasahero rito sa May Baclaran Church.
10:18May mga MMDA enforcers naman na nagmamando ng trafico rito sa lugar.
10:22Yung parking dito sa Service Road po, dito mismo sa May Baclaran Church, ay puno na rin sa mga oras na ito.
10:29Nanggaling tayo kanina, Maris, doon sa Taguigno,
10:32at yung biyahe natin papunta dito sa Baclaran Church,
10:34mga dinaanan natin kalsada katulad na lang ng Sales Road at Andrews Avenue.
10:39Sa mga kalsadang ngayon, medyo may traffic build-up na rin.
10:42Kaya naman, doon sa mga kapuso nating motorista na bumabiyahe o babiyahe pa lang,
10:46magbaon po ng pasensya sa kalsada at mag-ingat.
10:51Yan po ang unang balita mula po rito sa Paranaque.
10:54EJ Gomez, para sa GMA Integrated News.
10:59May road clearing operations din ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa G. Araneta Avenue.
11:04At may unang balita live si James Agustin.
11:06Maris, good morning.
11:12Kasalukoy niya nagsasagawa ng clearing operations
11:14ang iba't ibang ahensya ng Quezon City Government.
11:17Dito po yan sa Araneta Avenue sa Quezon City.
11:20At ang inabutan natin dito, yung isang sari-sari store
11:22na mayroong vulcanizing shop dito sa banketa.
11:25Tinikitan yung mismo may-ari ng sari-sari store
11:28pero hindi naman kukunin yung gamit ng vulcanizing shop.
11:31At yung ibang mga obstruction pa dito sa gilid ng kalsada
11:34ay isinakay dito sa dump truck na daladala nila.
11:37Kabilang dyan, yung ilang mga kahoy na nakita natin
11:39na nakaharang talaga doon sa banketa
11:42na dapat sana'y daanan ng mga naglalakad dito sa gilid ng kalsada.
11:48At alam mo Maris, bukod dito sa clearing operations
11:50na sinasagawa ng iba't ibang ahensya ng Quezon City Government
11:53ay iikot din daw sila doon sa mga street dwellers
11:56na nasa gilid ng kalsada
11:58o di kaya naman nasa center island na doon
12:00natutulog at ginawa ng tirahan
12:02para masagip itong mga street dwellers na ito.
12:05Yan muna yung latest muna rito sa Quezon City.
12:07Ako po si James Agustin
12:08para sa Gemma Integrated News.
12:11Hindi isang ayon ang Department of Social Welfare and Development
12:14sa mungkahin ni Sen. Erwin Tulfo
12:16na buwagi na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o For Peace
12:19at magbigay na lang ng isang bagsakang puhunan para sa negosyo.
12:23Anila, hindi lang kasi ito tungkol sa pagbibigay ng pera.
12:27May unang balita si Dano Tingkungko.
12:32Dahil walang trabaho at gustong mapag-aral ang mga anak,
12:36nag-apply ang ina ni Kate sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o For Peace noong 2019.
12:41Sa education po namin, binibili po ni mama yung mga gamit po namin sa school
12:46pag may natatanggap po siya.
12:48And sa health naman po namin, yung mga gamot po, nakakabili din naman po siya.
12:53And also yung mga ibang kailangan po namin sa bahay.
12:59Like yung mga bigas po.
13:01Pero may kondisyon ng ayuda, tulad ng pagdalo sa mga family development session
13:06para mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
13:08Nagtuturo po yung mga municipal link po ng iba't-ibang pamamaraan po
13:11kung paano po namin magagamit yung mga cash grant.
13:14And also po,
13:16and tinuturoan din po nila ang mga for peace beneficiary po
13:20na maging aktibong mamamayan po.
13:22Hindi lang po in terms ng education,
13:24in terms din po ng pagiging huwarang pamilya po.
13:30Ngayon, graduate na ng office administration si Kate
13:33at planong tumulong sa pamilya,
13:34lalo't pitong taon lang,
13:35ang maximum na tagal ng pagtulong ng gobyerno.
13:38Pero kung si Sen. Irwin Tulfo ang tatanungin,
13:41dapat buwagin ng tuluyan ang programa.
13:44Imbis na buwan ng ayuda na may kondisyon,
13:46magbigay na lang anya ng isang bagsak na puhunan sa negosyo.
13:49Yung pang isang taon nila matatanggap,
13:51ibigay mo na ng lamsam at bahala ka na dyan.
13:54Pero bago mong bigyan sila ng budget,
13:56kailangan alam nila, sabihin nila kung anong bagagawin na sa pera na yun
14:01at may training po sila.
14:03Pero tanong ng DSWD,
14:05ngayon pa ba buwagin ang programa kung malinaw naman ang beneficyo nito?
14:09Walang reason na talagang i-scrap or buwagin ang programa
14:13kasi napatunayan that Pantawid Pamilyang Pilipino Program
14:18can contribute para magbumaba ang ating poverty incidence.
14:24Katumbas ng tatlong milyong Pilipino ang matatanggal sa kahirapan
14:28dahil sa tulong ng four-piece ayon sa DSWD.
14:31Hindi lang kasi ito tungkol sa pagbibigay ng pera.
14:33Kabilang sa kondisyon nito,
14:35ang tiyake ng mga magulang na nag-aaral ang mga anak
14:37at regular na bumibisita sa health center ng ilang taon
14:40habang nasa ilalim sila ng four-piece.
14:43Ang edukasyon at kalusugan at ang itinuturo sa kanila sa mga sesyon
14:47ang kayang bumasag sa kahirapan.
14:49Hindi tulad ng pera o puhunang maaaring maubos sa wala.
14:52Mahirap po yung one time kasi hindi mo maa-assure
14:56na talagang tuloy-tuloy yung pag-aaral ng mga bata.
15:00Pero at least ngayon, susundan mo eh.
15:02Susundan mo at talagang mag-develop yung behavior.
15:11Yun naman ang purpose ng four-piece eh.
15:13Yung behavior change.
15:15At talaga yung mga magulang, kahit mahirap, di ba,
15:17mabigyan lang ng pagkakataon na makapag-aaral ang mga anak.
15:20Di ba? Talagang ano eh. Talagang magsusumikap.
15:24Ang mahalaga ayon sa DSWD ay maiahon sa kahirapan ng mga benepisaryo
15:29kaya tuloyan niya ang pagrepaso sa four-piece para masiguro ito.
15:33Ito ang unang balita, Dano Tingkungko para sa GMA Integrated News.
15:38Mabaya, pag-uusapan na ng Senado ang desisyon ng Korte Suprema na unconstitutional
15:51ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
15:56Panawagan naman ng ilang grupo, hintayin muna maresolba ang apila ng Kamara
16:00na balikta rin ang naunang desisyon ng Korte Suprema.
16:05May unang balita si Ian Cruz.
16:06Iba't ibang grupo ang nagtipon sa harap ng Korte Suprema
16:22iisa ang kanilang sigaw.
16:25Panawagan natin na ituloy ang impeachment,
16:28magpatawag ng oral arguments,
16:30baligtarin ang desisyon ng Korte Suprema.
16:33Kami lang sa naroon ng political coalition group na isang bayan
16:37na nagpetisyon sa Korte Suprema.
16:39Hiling nila na maglabas ang Korte ng status quo ante order
16:43para pigilan muna ang Senado sa pagpapasya
16:46kung itutuloy o hindi ang impeachment trial
16:49ni Vice President Sara Duterte.
16:52Hintayin daw muna ang desisyon ng Supreme Court sa petisyon nila
16:55at ng Kamara para i-review ang desisyong
16:59nagdeklarang unconstitutional
17:00ang Articles of Impeachment.
17:03We are knocking on the Senate
17:06na sana pakinggan muna itong mga issues.
17:10Let us stretch out all the issues
17:12bago tayong magdesisyon
17:13kung i-de-dismiss
17:14or whatever ang gagawin natin.
17:16Hiniling din nila na magkaroon ng oral arguments
17:19na hindi daw ginawa
17:20bago inilabas ng Korte Suprema ang desisyon nito.
17:24At very important na magkaroon tayo ng oral arguments
17:26para mamalinis, masuri, mapag-aralan, maklaro
17:32at mahimay ng kumpleto
17:35kung ano man ang agam-agam ng Korte.
17:38Ayon sa Korte Suprema,
17:40immediately executory ang unanimous desisyon nitong
17:43nagpapadismiss sa ikaapat na impeachment complaint
17:47laban sa Vice
17:48dahil labag ito sa one-year ban
17:50at due process requirements.
17:53Pero pinakokomento ng Supreme Court
17:55si Vice President Duterte
17:56at iba pa sa inihaing motion for reconsideration ng Kamara.
18:01Binigyan sila ng 10 araw
18:02mula sa pagkatanggap ng abiso.
18:05Ayon sa kampo ng vice,
18:06tatalima sila sa utos.
18:08Ngayong araw, tatalakayin ng mga senador
18:10ang tungkol sa desisyon ng Korte Suprema.
18:14Ito ang unang balita.
18:16Ian Cruz para sa GMA Integrated.
18:18News.
18:20Sa matala usap-usapan ng closeness ngayon,
18:22ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza
18:24at aktor na si Jameson Blake.
18:27Bukod sa kanilang holding hands while walking moments
18:29sa GMA Gala 2025,
18:31naispatan din na magkasama bumaba ng escalator ang dalawa.
18:34Si Barbie dati nang sinabi na good friends lang sila.
18:37Si Jameson naman sinabing may common interest sila ni Barbie.
18:40Nang tanungin sa real score sa anilang dalawa,
18:43walang confirmation si Jameson.
18:44Well, I would just say na we're just enjoying each other's company.
18:52Yeah, and yeah, she's a really good person.
18:55And, ayun, we have common interests.
18:58Interestuin ko, is there anything going on in there?
19:00No comment.
19:05Sa Gala venue,
19:06naku, may sighting din na kausap ni Jameson
19:08ng ex ni Barbie na si Jack Roberto.
19:11Ano kaya ang reaksyon ng My Father's Wife star
19:13sa usap-usapang sweetness ni na Barbie at Jameson?
19:19Bagay, bagay.
19:21Tsaka, it's about time.
19:22Alam mo, si Barbie, sabi ko kay Jameson,
19:24kahit si Barbie, lagahan mo lang.
19:26Kahit anong relasyon ngayon sila,
19:27si Jameson is a good guy.
19:30Barbie's a good girl.
19:33Pinusuwan ang netizens ng Station ID
19:35para sa 75th anniversary ng GMA.
19:38Meron na yung halos 7 million views online.
19:42May pasilip naman sa behind the scenes
19:43at kulitan ang ilang kapuso celebrities
19:45sa shoot ng Station ID.
19:47May unang chika si Nelson Canlas.
19:53Proud kapuso mula noon hanggang ngayon.
19:56Ganyan ang feels ng mapanood ng mga kapuso
19:59ang GMA's 75th anniversary Station ID.
20:03Pinusuwan din niyan online.
20:05Nag-comment din ng kanilang pagbati
20:07ang ilang netizens
20:08na nagsabing nakaka-goosebumps
20:11ang Station ID.
20:13Di raw biro ang 75 years
20:15ng paglalahad ng kwento
20:16ng mga Pilipinong
20:17naghahatid ng inspirasyon.
20:19Inaabangan din
20:20ng ilan ang kanilang paboritong kapuso stars
20:23gaya ni na Jillian Ward at Sofia Pablo
20:26na magkatabi sa isang frame.
20:29Sa shoot ng Station ID
20:30nagsama-sama away from their busy schedules
20:34ang maraming kapuso personalities.
20:36Kitang-kita ang kulitan behind the scenes
20:39tulad ng selfie
20:40with multi-awarded broadcast journalist Jessica Soho
20:44ni kapuso primetime Queen Marian Rivera.
20:47May photo rin si Yanyan with hubby
20:49kapuso primetime King Dingdong Dantes.
20:52Ang paheart ni na Will Ashley
20:54at Nika Salamanca
20:55pati ng GMA Integrated News Personalities.
20:59Ang sweet moments
21:00ni na Barbie Forteza at David Licauco.
21:03Ang biruan ni na Miguel Tan Felix,
21:05Derek Monasterio,
21:06Allen Ansay
21:07at Anton Dinson.
21:11Para kay Allen Richards,
21:13may pitik sa puso
21:14ang mensahe ng Station ID
21:16na isang love letter
21:18para sa mga kapuso.
21:19Kasi yun nga,
21:20parang it's really not for them.
21:22Wala naman talagang GMA.
21:24If walang naniwala,
21:25walang nagtiwala
21:26at walang sumuporta
21:29sa network,
21:30hindi siya aabot ng 75 years.
21:32That moment
21:32na nandun lahat ng artisa
21:34ay masaya kaming makita silang lahat.
21:36Sunod-sunod naman
21:37ang malaking ganap
21:38kay Marian Rivera.
21:40Noong gabi ng GMA Gala 2025,
21:43nagkaroon din
21:44ng isang birthday celebration
21:45ng kanyang mister
21:46na si Ding Dong Dantes.
21:48And to commemorate
21:50their attendance sa gala,
21:52nagpost sila
21:52ng kakaibang
21:53Get Ready With Us video
21:55na may special participation pa
21:57ng dalawa nilang kids
21:59na sina Zia at Sixto.
22:01Concept ng asawa ko yun.
22:02Actually,
22:02pinakita namin yung concept
22:04na sabi namin
22:05may gagawin si Mama
22:07at saka si Dada.
22:08Willing ba kayo
22:09na sumama sa video?
22:10Sabi nila,
22:11of course, Mama.
22:12So, ginawa namin.
22:13Very excited talaga
22:14yung dalawa din
22:14na sumama dun sa video.
22:16In a few days,
22:17birthday naman ni Marian
22:19ang isi-celebrate.
22:20Sabi ko lang,
22:21gusto kong maging intimate lang
22:23with my close friends talaga.
22:25In time for Marian's Big Day,
22:27inilabas ng isang glossy magazine
22:29ang kakaibang concept
22:31kung saan cover si Yan Yan.
22:33Super happy ako
22:34na meron na kong something
22:35yun na naggawa for myself.
22:37Kwelang hirit dyan ni Ding Dong.
22:39Pare,
22:40pakis nga.
22:41Ito ang unang balita.
22:43Nelson Canlas
22:44para sa GMA Integrated News.
22:48Kapuso,
22:49huwag magpapahuli
22:50sa latest news and updates.
22:51Mag-iuna ka sa balita
22:52at mag-subscribe
22:53sa YouTube channel
22:54ng GMA Integrated News.
Be the first to comment