- 11 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong January 6, 2026
- Mga steel barrier at tolda sa Quirino Grandstand, nakahanda na para sa Pista ng Jesus Nazareno | Bagong sistema sa pila ng pahalik sa imahen ng Jesus Nazareno, ipatutupad para masigurong walang sasalubong sa andas | PNP: 18,000 pulis, i-de-deploy para sa Pista ng Jesus Nazareno | Bawal nang magtinda sa paligid ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno simula bukas hanggang sa Traslacion
- Sen. Villanueva at dating Sen. Revilla, naghain ng counter-affidavits sa reklamong tumanggap umano sila ng kickback sa flood control projects | Sen. Villanueva, itinangging nakinabang siya sa flood control projects sa Bulacan | Kampo ni Revilla, iginiit na walang basehan ang reklamo laban sa kanilang kliyente kaugnay sa flood control projects | Reklamong plunder na isinampa ng NBI vs. Zaldy Co kaugnay sa flood control projects, iniimbestigahan ng DOJ
- Matinding baha, naranasan sa ilang lugar sa Sorsogon; ilang estudyante, nahirapang umuwi | Nasa 100 pasahero, stranded dahil kanselado ang biyahe ng mga bangka | Pangingisda at pagligo sa dagat, ipinagbawal muna sa Boracay dahil sa masamang panahon
- Presyo ng bangus sa ilang pamilihan sa Dagupan City, bumaba; supply, balik-normal matapos ang holidays | SAMAPA: Walang problema sa supply ng bangus sa ngayon; pinaghahandaan ang epekto ng taglamig sa supply ng bangus
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- Mga steel barrier at tolda sa Quirino Grandstand, nakahanda na para sa Pista ng Jesus Nazareno | Bagong sistema sa pila ng pahalik sa imahen ng Jesus Nazareno, ipatutupad para masigurong walang sasalubong sa andas | PNP: 18,000 pulis, i-de-deploy para sa Pista ng Jesus Nazareno | Bawal nang magtinda sa paligid ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno simula bukas hanggang sa Traslacion
- Sen. Villanueva at dating Sen. Revilla, naghain ng counter-affidavits sa reklamong tumanggap umano sila ng kickback sa flood control projects | Sen. Villanueva, itinangging nakinabang siya sa flood control projects sa Bulacan | Kampo ni Revilla, iginiit na walang basehan ang reklamo laban sa kanilang kliyente kaugnay sa flood control projects | Reklamong plunder na isinampa ng NBI vs. Zaldy Co kaugnay sa flood control projects, iniimbestigahan ng DOJ
- Matinding baha, naranasan sa ilang lugar sa Sorsogon; ilang estudyante, nahirapang umuwi | Nasa 100 pasahero, stranded dahil kanselado ang biyahe ng mga bangka | Pangingisda at pagligo sa dagat, ipinagbawal muna sa Boracay dahil sa masamang panahon
- Presyo ng bangus sa ilang pamilihan sa Dagupan City, bumaba; supply, balik-normal matapos ang holidays | SAMAPA: Walang problema sa supply ng bangus sa ngayon; pinaghahandaan ang epekto ng taglamig sa supply ng bangus
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
📺
TVTranscript
00:00BAM
00:30Again, good morning. Puspusan na yung paghahanda para sa pista ng Jesus Nazareno mula sa pahalik bukas hanggang sa mismong traslasyon sa biyernes.
00:45Nakahanda ng steel barriers at mga tolda sa Quirino Grandstand.
00:48Bukas, Merkoles, isasagawa sa hapon ang pabihis sa imahen ng Jesus Nazareno.
00:54Alas 7 ng gabi naman magsisimula ang pahalik.
00:56May bagong sistema sa pila sa pahalik. Lahat ng mga deboto kailangan dumiretso sa Calao Extension.
01:03Sarado kasi ang katingback drive. Paraan daw ito para masigurong walang sasalubong sa andas at mas mabilis na makauusad ang prosesyon.
01:11Inihahanda na ng deboto na si Gestone Remigio ang sarili para sa pista. Sabi niya mas maganda ang bagong sistema ng pila.
01:17Kailangan po ang tawa natin para pagkailan na tayo sa pagbubuhat ng ano. Kailangan na lagi tayong kondisyon.
01:26Alerto na rin ang mga otoridad para tiyakin ng siguridad sa traslasyon ng Jesus Nazareno sa Biernes.
01:32Ayon sa pulisya, 18,000 na pulis ang idedeploy kabilang ang 1,000 intelligence operatives na hindi nakauniforme at 800 pulis na Ijos del Nazareno rin.
01:40Sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno, nasabihan na rin ang mga vendor na hindi sila maaari magtinda simula bukas hanggang mismong traslasyon.
01:49Kaya si Elsa Erico maagang nagtinda ng mga replika ng Jesus Nazareno ngayong umaga.
01:54Narami-rami na rin. Kaya lang sa ngayon maturumal kasing.
01:57Kalendaryo naman ang itinitinda ni Michael Monte na isa rin deboto.
02:00Yung alam po sa kalusugan. Kalusugan at sa financial deal po.
02:10Birthday naman ngayon ng deboto na si Melchor Carullos.
02:13Hindi na raw niya kaya makipagsiksikan sa mismong pista.
02:16Sapat na raw ang pananampalataya kahit hindi siya makasama sa traslasyon.
02:19Birthday ko today.
02:20Kaya pala pulong-pulong na ngayon.
02:22Kaya magkakong nagsimpa.
02:24Mahalaga sa akin yun kasi isinarin ako sa deboto nitong Nazareno.
02:29Simula ng mga panpanakod sa Manila.
02:32So panatakod na talaga din yung ano.
02:40Iyan sa Bernes, walang pasok sa Manila sa mga paralan at sa mga government office.
02:46At magkakaroon din ng liquor at firecracker ban.
02:49Itong unang balita mula rito sa Quiapo Church, Bama Legre para sa GMA Integrated News.
02:54Nag-high ng kontra sa Laisaisan na Senador Joel Villanueva at dating Senador Bong Revilla.
02:58Kaugnay sa reklamong nakakuha o mano sila ng kickback mula sa questionnabling flood control projects sa Bulacan.
03:05Gate ng mga kampo ni Villanueva at Revilla, hindi sila nakinabang sa flood control projects.
03:11May unang balita si Sandra Aguinaldo.
03:13Sa pagpapatuloy ng preliminary investigation sa umunay maanamalyang flood control projects sa Bulacan,
03:21nag-file ng kanilang counter affidavit sa Department of Justice sina Senador Joel Villanueva at dating Senador Ramon Bong Revilla Jr.
03:30Ang National Bureau of Investigation naman na siyang nagsampan ng reklamo sa ang katerbang dokumento ang dala sa DOJ.
03:37Ayon sa Justice Department, ang preliminary investigation ay patungkol sa mga proyekto sa Bulacan na kinasangkutan din
03:44ng contractors na Wawa Builders at Top-Notch Catalyst Builders Inc.
03:48Sabi na DOJ, ay diniklara ang mga proyektong 100% complete pero ang iba ay ghost project naman o kaya ay hindi kumpleto.
03:57Naharap si Navilla Nueva at Revilla sa pagkaiwalay na reklamo.
04:02Si Sen. Bong Revilla in these 6 cases, sa-respondent lang po siya sa isa.
04:07Okay, tapos si Sen. Joel Villanueva is also a respondent in another case in one of the 6 cases.
04:13Do po sa 6 na yun, the charges are multiple. So we have direct bribery, indirect bribery, corruption of public officers.
04:22We have a violation of the Anti-Grafting Corrupt Practices Act, which is RA-3019.
04:27Tapos may violation din po ng the Government Procurement Act.
04:30And also a violation of the conduct of bid rigging in the procurement process.
04:38Isa po sila pero hindi lang po sila yung respondent sa mga kaso na yun.
04:41So we have multiple respondents, including DPWH officials.
04:45Muli na maitinanggi ni Villanueva na nakinabang siya mula sa flood control projects sa Bulacan.
04:51Alam na alam niyo yung nangyayari tungkol sa flood control.
04:54Kinamumuhian natin for so many years.
04:57Yung away namin ni Zaldico, tapos doon sa complaint, 1% daw binibigay ni Zaldico sa akin.
05:03So that's ridiculous.
05:04Ayon sa kanyang abogado, meron silang tatlong testigo kasama na rito ang staff ni Villanueva
05:10na kinilala ni dating Bulacan District Engineer Henry Alcantara bilang peng
05:16na inabutan umano niya ng P150 million pesos sa rest house sa Bulacan.
05:21Sabi ni Alcantara, para raw ito kay Villanueva bagamat hindi umano alam ng senador
05:26na mula ang pera sa flood control.
05:28Pero sabi ng kampo ni Villanueva, hindi totoo ang paratang ni Alcantara.
05:32Walang binigay, walang binigay.
05:34So nasa ng pera ko?
05:36Nasa kanila siguro.
05:37Sa engineers?
05:40Saan pa pupunta?
05:42Si Revilla naman, hindi nagpaunlak ng interview pero ayon sa kanyang abogado,
05:47walang basihan ang aksasyon laban sa kanya.
05:49Matatandang idinawit si Revilla sa flood control din Alcantara
05:53at dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
05:57Ayon kay Bernardo, tumanggap si Revilla ng 25% commission mula sa flood control.
06:03Yung mga ganitong complaint na finafile na walang batayan,
06:08e para bang finail lang, para lang mangharas o mangabala ng isang individual.
06:15So sa totoo lang, yung mga ganitong complaint,
06:20ayon sa batas at sa rules ng evidence, hindi ito dapat paniwalaan.
06:24But in the case of Yusek Bernardo, I think we pointed out that he has submitted 5, 5 affidavits.
06:33Ang tingin namin, he was trying to really enter the witness protection problem.
06:39And the only way that he can be admitted is actually point to somebody higher.
06:46Kaugnay pa rin sa flood control issue,
06:48Ito in lahat ng DOJ na gumugulong na rin ang imbistigasyon nito sa plunder complaint
06:54laban kay dating Rep. Zaldico.
06:57There's an allegation of conspiracy.
07:00Of course, the act of plunder could not have been committed by one individual alone.
07:05Of course, necessarily, makasama siya dyan.
07:08Hiningan namin ang reaksyon ng abogado ni Co, pero wala pa itong tugon.
07:12Ito ang unang balita. Sandra Aguinaldo para sa GMA Integrated News.
07:19Binaha ang ilang bahagi ng sorsogon dahil sa malakas na ulan kahapon.
07:23Dahil po sa baha, nahirapang makauwi ang maraming estudyante ng Matnog National High School kahapon.
07:29Ang ilang sa kanila tinawid ang baha para lang makauwi.
07:32Apektado rin ang biyahe ng mga motorista.
07:34Para matulungan ng mga stranded, ginamit ng mga otoridad, ang rescue vehicle.
07:38Dahil naman sa malalakas na alon, kanselado ang biyahe ng mga bangka mula Sorsogon papuntang Bury at Kapul Island sa Samar.
07:47Stranded naman sa pantalan ang abot sa isang daang pasahero.
07:51Nanatili muna sila sa ticketing office at barangay hall ng barangay Kamkamat.
07:56Apektado rin ang masamang panahon ang biyahe ng mga roro.
07:59Dahil sa malakas na ulan na dulot ng shear line sa Visayas, pinagbawalan ang pangingisda sa Boracay sa Malay Aklan.
08:09Delikado kasi sa maliliit na bangka ang malalakas na alon ayon sa lokal na pamahalaan.
08:14Ipinagbawal din ang pagligo sa dagat at ilang water sports activities sa Boracay.
08:19Para may maibenta, nangongolekta na lang ng shellfish ang ilan sa mga pektadong mangingisda.
08:24Balik normal na po ang supply ng bango sa Pangasinan pero problemado ang ilan nagtitinda dahil matumal ang benta.
08:39Price check tayo bago mag-add to cart.
08:42Live mula sa Dagupan City, may unang balita.
08:44Si Sandy Salvation ng GMA Regional TV.
08:47Sandy, magandang umaga.
08:51Pasado alas 7 ng umaga ngayon dito Maris.
08:54Pero kakaunti pa rin yung bilang ng mga mamimili dito sa Magsaysay Fish Market.
08:58Samantala, may mga dumarating naman na supply ng bangus mula sa ibang bayan at dito pa rin sa Dagupan City.
09:08Good news para sa mga mamimili.
09:11Dahil ngayong unang linggo ng 2026, bahagyang bumaba ang presyo ng bangus sa Dagupan City.
09:16Nasa P190 ang kada kilo ng mga maliliit na bangus.
09:20220 sa medium size, habang 230 pesos naman sa kada kilo ng mga malalaking bangus.
09:26Dito sa Magsaysay Fish Market, marami ang ibinibentang bangus.
09:30Na mula sa Bolinaw at Dagupan City ang supply.
09:33Ayon sa ilang negosyante ng bangus, balik normal na ang supply nito matapos ang kaliwat ka ng okasyon.
09:38Tama lang yung supply naman kasi medyo nabakasyon yung mga ibang bayar kaya kunti ngayon yung mga bumaba bang bayar ngayon.
09:47Problema ng ilang nagtitinda, matumal ang bentahan kahit bumaba ang presyo ng bangus.
09:52Disimbor talagang malakas.
09:54Kasi maraming bisita.
09:57Ayon, konti-konti.
09:59Meron din bumibiri kaya lang, tsaga lang.
10:02Ayon sa samahan ng magbabangus ng Pangasinan o Samapa, wala silang nakikitang problema sa supply ng bangus sa ngayon.
10:08Pero pinagahandaan na raw nila ang posibleng epekto ng malamig na panahon sa supply ng bangus hanggang sa Pebrero.
10:14Naka-apekto raw kasi ang malamig na panahon sa paglaki ng mga bangus.
10:18Sa mga palengke, yung supply natin tuloy-tuloy pa rin and the price will be stable.
10:22Konti siguro, aakyat na ng konti dahil nga sa medyo mabagal yung paglaki, medyo maatala yung mga harvest natin.
10:32Maris, kanina ay naglibot din tayo dito sa Magsaysay Fish Market para kamustahin din yung presyo ng ilang mga iba pang klase ng isda maging ng shellfish.
10:44Ang ilang sa kanila bumaba na yung presyo mula sa dati nitong presyo noong holiday season.
10:48Gaya na lamang ng tilapia na ngayon ay nasa 50 to 120 pesos kada kilo.
10:53Yellowfin na nasa 350 pesos per kilo.
10:57Sapatero ay nasa 150 pesos per kilo.
10:59Tambacol na nasa 200 to 240 pesos kada kilo.
11:03Lapu-lapu ay nasa 400 to 420 pesos kada kilo.
11:07Sa presyo naman ng shellfish, ang hipon ngayon ay nasa 420 pesos per kilo.
11:12Tahong ay nasa 60 to 70 pesos per kilo.
11:15At alimango ay nasa 450 to 870 pesos per kilo.
11:20Yan muna ang mga lites mula rito sa Fish Market sa Dagupan City.
11:24Balik sa iyo, Jan Maris.
11:25Maraming salamat, Sandy Salvation ng GMA Regional TV.
11:29Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.