00:00Nagsisimula ng ilatag ang ilang pagbabago para sa mas maayos at sistematikong pahalik sa poong Jesus Nazareno sa Quirino Grandstand.
00:07Si Denise Osorio sa detalye.
00:11Isang critical na bahagi ng traslasyon ang Quirino Grandstand sa susunod ng mga araw,
00:16dahil dito gaganapin ang pahalik at ang pagsisimulan ng lakbay ng andas patungong kiapo.
00:23Tuloy-tuloy pa rin ang mga teknikal na paghahanda para sa inaasahang milyong-milyong deboto.
00:28May mga ilang pagbabago sa paghahanda ng pahalik ngayong taon.
00:33Tatlo na ang magiging pila. Mas magiging kontrolado ang paggalaw ng mga deboto.
00:38At ang mga pulis na deboto ng Nazareno ay sasabay bilang ihos.
00:43Yung experience kasi natin in the several years na dito sila lumalabas sa Katigbak Driveway,
00:50yung ibang deboto pagbaba ng Katigbak Driveway hindi na umaalis.
00:54Tapos nagihimpil na ron at sila actually yung sumasalubong sa ating andas pagkatapos.
01:01So yun yung ating ina-avoid.
01:04Dagdag ni Erasga, mas malinaw na ngayon ang entry at exit points
01:08at mas mahigpit ang pagpapatupad ng mga lugar o pestuhan ng mga deboto
01:12para maiwasan ang biglaang pag-ipon ng mga tao sa mga posibleng choke points
01:18at para maiwasan ang kalituhan at pagkakaantala.
01:22Nagtalaga rin ng malinaw na zoning areas para sa mga organisadong grupo ng simbahan at parokya
01:27at inaasahang mananatili sa open areas ang mga deboto.
01:32Pero ang pinakamalaking pagbabago ngayong taon,
01:35ang upgrade sa andas.
01:38Mas madali na itong itulak.
01:39Tatlo sa inyo pwedeng magtulak.
01:43Madaling imaniobra ng Maribela.
01:46Dati, kung naalala ninyo, last year, nabalaho kami dun sa may isang portalet dun.
01:53Nung iniligo namin, dumirete-direte sa papuntang kabilang side naman,
01:56dito sa may Buenham Gim.
01:59Nahirapan kaming imaniobra.
02:00Ngayon, confident ho kami, in a few minutes, kaya ho natin imaniobra ng maalas.
02:06Inaasahang malaki ang may tutulong nito para mas maging tuloy-tuloy ang prosesyon
02:11at maiwasan ang mga biglaang paghinto na naranasan noong mga nakarang taon.
02:17Isa sa mga tumutulong sa paghanda, si Joseph de la Cruz,
02:21isang ihos de Nazareno na 27 taon ng deboto ng puong Nazareno.
02:25Para sa kanya, ang servisyong ibinibigay niya para sa traslasyon ay hindi lang pisikal na gawain,
02:33kundi bahagi ng pagbabagong buhay mula sa personal na pagsubok tungo sa aktibong paglilingkod sa kapwa.
02:39Sa karanasan ko bilang ihos, yung pagiging deboto, nasa puso natin,
02:45nakaagawa tayo ng mabuti sa kapwa natin, nakakatulong tayo sa kapwa natin.
02:50Kung meron tayong mga kasamang naliligaw ng landas, napapangaralan natin,
02:57isa siyang alimbawa na maituturing natin.
03:00Sa gitna ng dagsa ng tao, sila ang unang nag-aasikaso sa mga senior, buntis, PWD,
03:08at sa mga debotong nangangailangan ng gabay.
03:11Panawagan ng simbahan para sa mga makikiisa sa Merkules.
03:15Sa mga kapatid nating deboto na magtasadya sa pahalik,
03:20magbaon po tayo lagi ng mahabang pasyensya dahil po dadaan natin sa maayos na proseso on lahat.
03:26Denise Osorio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments