Skip to playerSkip to main content
  • 10 months ago
Quiapo Church, puspusan na ang paghahanda para sa Traslacion ng Poong Hesus Nazareno; mahigpit na seguridad, ipinatutupad sa paligid ng simbahan | ulat ni Denisse Osorio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Walang patid na ang paghahandang ginagawa ng pambansang pulisya at pamuloan ng Quiapo Church para sa taon ng traslasyon ng Puong Jesus Nazareno.
00:10Ang sitwasyon ngayon doon, alamin natin sa Sentro ng Balita ni Denise Osorio live.
00:18Yes, Angelique, ilang araw bago ang banal na okasyon ng pista ng Jesus Nazareno,
00:24puspusan na ang paghahandang ginagawa ng Basilica Minor at pambansang dambana ng Jesus Nazareno at ng Philippine National Police.
00:33Inaasahan kasi nadadagsa talaga rito ang mga debotong lalaho sa traslasyon 2026 sa darating na biyernes, January 9.
00:44Sabay-sabay nang ipinapatupad ang mga nakalatag na plano mula sa mga aktibidad sa loob ng Basilica
00:50hanggang sa koordinasyon para sa mga gawain sa Quirino Grandstand kung saan magsisimula ang prosesyon.
00:57January 8 pa lang, ikatatlo ng hapon, magsisimula na ang mga fiesta mass.
01:03Walang patid po ito, bawat oras may misa hanggang January 9 ng 11pm.
01:09So ibig sabihin po noon magkakaroon tayo ng mahigit 30 masses.
01:14Kasabay ng mga gawain ito, patuloy ding ipinaaalala ng simbahan na ang traslasyon ay hindi lamang physical na paglalakbay ng imahe,
01:24kundi paggunita sa kasaysayan ng pananampalataya na hinubog sa loob ng mahigit apat na siglo.
01:31So way back 1606, nang dalin ng mga Mexican Agustinian ang imahe ng mahal na poong Jesus Nazareno dito sa Pilipinas.
01:41At mula sa Luneta, patungo sa Quiapo, ito ay naganap noong taong 1787.
01:47Kaya masasabi natin yung paglipat ng imahe sa Quiapo, maaring doon na nagsimula ang dibusyon sa mahal na poong Jesus Nazareno.
01:55Kaya mapapansin natin na napakatagal na ang dibusyon na ito na ating patuloy na isinasagawa sa ating kapanahonan.
02:04Para kay Quiapo Church Reverend Father Robert Arellano, ang dibusyon sa poong Nazareno ay patuloy na nagiging sandigan ng maraming Pilipino,
02:13lalo na sa gitna ng kahirapan, karamdaman at iba't ibang pagsubok sa buhay na isang pananampalatayang isinasabuhay hindi lamang tuwing traslasyon kundi sa araw-araw.
02:26Kasabay ng paghahanda ng simbahan, mas pinaiigting din ng Philippine National Police ang seguridad sa Quiapo at paligid ng Plaza Miranda sa Quirino Grandstand at sa buong ruta ng traslasyon.
02:39Ayon kay Plaza Miranda, PCP Commander Captain Dennis Turla, aabot sa 14,800 police personnel ang idedeploy ng PNP sa January 8 at 9,
02:52kabilang ang augmentation mula sa iba't ibang rehyon.
02:55Definitely meron po, may uniform personnel at meron din po tayong mga undercover po na personnel po,
03:03na para naman po sa kanilang pagmomonitor doon sa iba pa nating mga lawless elements.
03:09Muli namang ipinalala ng otoridad ang pagbabawal sa patalim o mga patatalim,
03:15pagsuot ng sumbrero at huwag nang magdala ng bag.
03:19Pero kung kakailanganin, maliit na transparent bags na lang ang bibit-bitin.
03:24As early as noon pa lang pong Thanksgiving Day, marami na pong dinedeploy na police personnel dito within the area of Quiapo charts.
03:33At para pong masiguro, unang-una syempre yung kasaligtasan ng mga deboto, mga nagsisimba,
03:39at preventive measure na rin para po sa mga gustong gumawa na hindi maganda.
03:46Angelique, inaasahan na nasa o hihigit sa 8.1 milyon na deboto ang lalahok sa traslasyon ngayong taon.
03:55Kaya paalala ng ating mga otoridad at ng simbahan,
03:59panatilihin ang disiplina, kooperasyon at pananampalataya para sa kapistahan ng poong Nazareno.
04:08Yan ang pinakuling balita mula rito sa Quiapo Church. Balik sa iyo, Angelique.
04:13Marami salamat, Denise Osorio.

Recommended