00:00Ilang mga kalsada ang pansamantalang isasarado sa mga motorista bilang paghahanda sa Kapistahan ng Poong Jesus Nazareno?
00:08Kung anong mga kalsada ito, alamin sa ulat ni Gab Villegas.
00:15Isasara simula sa January 8 ng alas 10 ng gabi ang mga kalsadang daraanan para sa Kapistahan ng Poong Jesus Nazareno.
00:22Pansamantalang isasara ang mga kalsada at pagbabawalan kahit ang mga tao na makatawid hanggang makadaan ng andas sa Ayala Bridge at Carlos Palanca Bridge, Independence Road at Katibak Drive,
00:35Kanto ng Rojas Boulevard at Padre Burgos, Kanto ng Ayala Boulevard at Natividad López Street at Romualde Street, Kanto ng Palanca, Casal, Solano at Padilla,
00:46Kahabaan ng Palanca mula Quezon Boulevard hanggang Casal Street at ang kahabaan ng Picasal o Ligarda mula Recto hanggang Palanca.
00:54Para sa mga deboto na nagnanais pumunta ng Quirino Grandstand, pinapayuhang dumaan sa Taft Avenue, lumiko sa Calao Avenue hanggang makarating ng Rojas Boulevard.
01:04Para naman sa mga naisunda ng prosesyon mula Luneta hanggang Quezon Boulevard, ay maaaring dumaan sa Quezon Bridge, MacArthur Bridge, Jones Bridge, Delpan Bridge kung manggagaling ng Intramuros at Nagtahan Bridge kung manggagaling ng Otis o UN.
01:20Para makapunta ng Quiapo Church, dumaan sa Quezon Boulevard, lumiko sa Quinta Market at dumaan sa Villalobos Street, maaaring ring dumaan sa Plaza Santa Cruz, lumiko sa Palanca Street at dumaan sa Villalobos Street.
01:32Para naman makalabas ng Quiapo Church, ay dumaan sa Southbound ng Quezon Boulevard, dumaan sa Quezon Bridge hanggang makarating ng MacArthur o Jones Bridge o di kaya ay sa Taft Avenue.
01:43Maaaring ring dumaan sa Southbound ng Quezon Boulevard, dumaan sa Service Road hanggang makarating sa underpass ng Quezon Bridge para makaliko papuntang Northbound ng Boulevard hanggang makarating ng Recto o Espanya.
01:56O di kaya ay dumaan sa Evangelista Street, kumaliwa sa Paterno o kaya sa Raon o sa Recto.
02:03Hinihikayat ng pamunuan ng Quiapo Church ang mga deboto at mananampalataya na dumalo sa mga misa sa Quirino Grandstand o sa Simbahan ng Quiapo bago sumalis sa mga prosesyon.
02:13Ang mga paalala ay para sa maayos at ligtas na pagdiriwang ng kapistahan ng poong nasareno.
02:19Para sa Integrated State Media, Gab Villegas ng BTV.