Skip to playerSkip to main content
  • 1 day ago
Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Oktubre, bumaba kumpara nitong Hulyo ayon sa PSA | ulat ni Denisse Osorio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakabawi ang labor market ng bansa nitong October mula sa efekto ng masamang panahon.
00:05Ito'y matapos ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong may trabaho kabilang ng ilang mga kabataan.
00:11Si Denise Osorio sa Sentro ng Balita.
00:16Mas positibo ang datos ng Philippine Statistics Authority para sa Labor Force Survey ngayong October 2025.
00:23Bumaba ang unemployment rate sa 5% o katumbas ng 2.54 million na walang trabaho.
00:30Mas mababa kumpara sa Hulyo 2025 na nasa 5.3% o 2.59 million.
00:36Tumaas din ang employment rate sa 95% nitong Oktubre mula 94.7% noong Hulyo.
00:43Ayon sa PSA, natural ang pagdami ng trabaho pagpasok ng per month dahil sa hiring sa wholesale at retail trade pati sa agriculture sector para sa nalalapit na harvest season.
00:54Nagkaroon tayo ng increase sa agricultural and forestry ng mga 1.87 million quarter on quarter.
01:05At ang pinakamalaki dito na nag-contribute ay yung growing opadi rice kasi yung ating peak season sa rice farming ay fourth quarter.
01:18Paliwanag rin ni Mapa, dahil sa mga nagdaang mga bagyo noong nakaraang second quarter,
01:23kapansin-pansin ang pagbaba ng employment rate noong July 2025 kung kaya't mataas itong ngayong third quarter.
01:29Kasabay nito, bumaba ang bilang ng out-of-school youth mula 3.20 million noong July at nasa 2.62 million na ngayong October.
01:38Ayon sa PSA, posibleng may correlation ito sa pag-angat ng youth employment na umabot sa 5.44 million ngayong Oktubre mula 4.87 million noong Hulyo.
01:49Inimay natin kung saan ang mga sektor na nagkaroon ng pagtaas quarter on quarter.
01:56For example, ang malaki ay nasa wholesale and retail trade.
01:59Mga nagdagdag siya ng 254,000.
02:03Pangalawa, yung agriculture and forestry.
02:07So ito rin yung malaki yung increase quarter on quarter.
02:11Dagdagdag ng 289,000.
02:15Dagdag pa ni Mapa, mayroon rin pagtaas sa accommodation and food services na 30,000 mga kabataan na kasalukuyang nagtatrabaho.
02:23Isa sa mga napabilang dito si Shane Kagitla, 23 years old at nag-apply ng trabaho noong Vermont's rin ng 2024.
02:30Dahil sa mass hiring, nakapagtrabaho siya sa isang coffee shop para matustusan ang sarili niyang pangangailangan.
02:36Kwento ni Shane, naging malaking tulong din para sa kanya ang pagiging flexible ng may-ari ng coffee shop
02:41na ina-adjust ang kanyang work schedule para hindi makasagabal sa pasok niya sa school.
02:47Nag-enjoy po ako sa ginagawa ko and marami din po ako natutunan and ayun po, mas sababalans ko pa rin po yung school ko until now and sa work po.
02:59Then hindi naman po siya naging mabigat para sa akin.
03:02Dahil dito, pinagpatuloy niya ang trabaho habang papalapit ang kanyang college graduation para matuloy ang pagsusustento sa sarili.
03:09Isa rin si Angelo Sevillano, 19 years old at graduating senior high school student.
03:15Nagsimula siyang magtrabaho noong 16 pa lamang siya dahil ayaw niyang sayangin ang oras sa bahay.
03:20Part-timer siyang nag-i-install ng solar panels at napansin niya na mas malaki ang demand para sa ganitong informal jobs tuwing holiday season.
03:28Pag-tostos rin po, kasi minsan pagpapasok walang baon eh.
03:32Pag sumasahod naman po ako, hati-hati po, bibigay po ako sa pamilya ko.
03:36Tapos yung sa akin po, bibili ko ng mga gamit, mga pangbaon.
03:39Paya ng ating mga working students, kahit na nakakatulong sa araw-araw na pangangailangan ng pagkakaroon ng trabaho,
03:45dapat balansihin ng mabuti at pagtuunan pa rin ng buong pansin ang pag-aaral.
03:50Dagdag pa nila, importante rin ang pag-ipon ng pera, lalo ng maraming mapapasukang part-time na trabaho ngayong Vermonts.
03:57Denise Osorio, Paras Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended