00:00Magpapatupad ng ilang adjustment ng National Capital Region Police Office o NCRPO
00:04para mapaikli ang oras ng Traslasyon 2026.
00:08Ang detalye mula kay Patrick DeJesus.
00:13Isang libong covert operatives o nakasibilyan na polis
00:17ang bahagi ng deployment ng Philippine National Police para sa Traslasyon 2026.
00:22Ito ay para sa pinahigting na seguridad kung saan mayroon pang 800 polis
00:26na magiging bahagi ng ihos na malapit sa mismong andas ng puong na sareno.
00:31Sumatotal, 18,000 polis ang nakakalat kasama na ang force multipliers
00:37mula sa iba pang ahensya ng gobyerno.
00:39Ayon kay National Capital Region Police Office Director, Police Major General Anthony Aberin,
00:45posibleng magkaroon ng signal jamming sa bisinidad ng prosesyon.
00:49Habang magpapatupad din ng gun ban sa Metro Manila mula January 8 hanggang January 10,
00:54target din ng NCRPO na mapaikli ang traslasyon sa 15 oras.
01:00Kumpara noong nakaraang taon na tumagal ng higit sa 20 oras.
01:05Yung prosesyon naman kasi ay nakadepende po dun sa mga devotee
01:09kasi sila yung humihila ng andas at sila po ang nagkocontrol ng flow ng activity.
01:17Hindi po si PNP, hindi po yung kapulisan natin.
01:19Sa kabila ng sunod-sunod na deployment mula noong Undas at nitong nagdaang holiday season,
01:25tiniyak ng PNP na hindi pa naman nakakaramdam ng fatig ang pulisya.
01:31Umabot naman sa 18 ang insidente ng indiscriminate firing mula noong December 16,
01:36kung saan 6 rito ay naiulat noong mismong bisperas ng bagong taon.
01:41Apat sa mga sospek ay pulis na una ng inaresto at sasampahan na makakukulang kaso
01:46habang maaari rin silang tanggalin sa serbisyo.
01:52Kabilang naman sa iniimbestigahan ng PNP ang mga viral videos online ng pagpaputok ng baril,
01:59pero isa rito ay natukoy na hindi nangyari sa Pilipinas, kundi sa Italy.
02:04Ang indiscriminate firing po ay doesn't matter kung ang ginamit na armas ay license o hindi.
02:10Ang pinarurusahan ng batas, kapag ikaw ay nagpaputok, nagkos ka ng panic, ng takot,
02:16ito ang pinaparusahan niya.
02:18It doesn't matter kung ang armas na ginamit mo ay license o na.
02:21Patrick De Sous para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.