Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:

GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

šŸ—ž
News
Transcript
00:00Sama-sama tayong magiging
00:06Tarakili!
00:14Nagtamu po ng sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ng isang babaeng senior citizen.
00:19Nag-viral ang ginang dahil inakalang pinalo siya sa ulo pero iba pala ang lumalabas na sanhi ng kanyang mga sugat.
00:27Saksi si Marie Zomali.
00:30Sa kuha ng CCTV na ibinigay sa amin ng Libertad Police,
00:36makikita ang ginang na yan na may benda sa ulo sa isang MRT station bandang alas 8 kagabi.
00:41Ang naturang ginang ang nakunan ng litrato ng isang netizen.
00:45Hindi ani ang masabi nito ang kanyang pangalan pero nabanggit na pinagpapalo siya sa ulo.
00:50Ipinose ito sa social media ng netizen sa pag-asang makita ng kanyang mga kaanak.
00:55Nakarating naman ang pose sa anak ng ginang na pinuntahan din agad kagabi.
00:58Natunto namin ang ginang na napagalamang si Marife Fernandez, 74 years old.
01:05Ayon sa anak niyang si Emmanuel, may Alzheimer's disease ang ina.
01:08Kondisyon nito na nagdudulot ng pagkalimot at pagkawala ng kakayahang gumawa ng pang-araw-araw na gawain.
01:14Kasi nawala po ito noong August. January 2 pa daw po na ano siya, nasa gasaan ng motor.
01:21Sa pagkakaalala ni Nanay Marife, ang nangyari raw ay naglalakad daw siya sa kalsada sa Antipolo ng isang gabi.
01:27Di na kalaan o, hindi ko kakalain ano yung motor. Ayun na nga, yung dumaan kami.
01:34O, tapos?
01:34Eskinita na.
01:36Ha?
01:36Pumasok pa yung motor.
01:38O, tapos?
01:39Ayun, nagasa.
01:42Lumalabas na January 2 pa rao, nabundol ng motorsiklo si Nanay Marife.
01:46Kaya siya nagkasugat sa ulo, mukha, mata at tuhod.
01:50Ayon sa anak niya, dinala naman ang nakabundol ang kanyang ina sa ospital.
01:53Pero tinapalan lang daw ng benda.
01:55Nakarating daw siya sa Pasay City, kung saan siya nakita ng netizen at sinundo ng anak.
02:00Sa abiso ng barangay, dinala sa ospital si Nanay Marife.
02:03At doon tinahi ang kanyang sugat.
02:05Masakit yung pagkakahi.
02:07Pinuntahan namin ang Libertad Police at ipinagtanong na rin namin sa Antipolo Police.
02:11Pero wala pa raw reports sa kanila kaugnay sa insidente.
02:15Gayunpaman, nagsasagwa na rin daw sila ng backtracking para matukoy ang buong pangyayari
02:19at mapanagot ang nasa likod ng sinapit ni Nanay Marife.
02:23Gusto ko siyang managot.
02:24Pero nagtanungin si Nanay Marife kung gusto ba niyang kasuhan ang nakabundol sa kanya.
02:29Wag lang, walang-wala yun.
02:31Para sa GMA Integrated News, ako si Mariz Umaliang inyong Saksi.
02:35Di dito ni Pangulong Bongbong Marcos ang mahigit 92 billion pesos na unprogrammed appropriations
02:42sa pinirmang national budget para sa taong 2026.
02:47Pero ang ilang mambabatas, kinababahala pa rin ang mga natitirang unprogrammed appropriations
02:52na posible raw maggamit sa katiwalian.
02:55Saksi si Ivan Mayrina.
03:00Hindi tayo napapayag na mapunta sa kurakot ang salaping pinaghirapan ng bawat Pilipino.
03:08Pangako yan, ni Pangulong Bongbong Marcos, matapos pirmahan ng halos 6.8 trillion pesos
03:12sa pabansang budget para sa 2026.
03:15At dahil nabisong bahagi ng mga budget para sa mga nakalipas na taon,
03:19ay napunta sa mga maanumaliang proyektong pang infrastruktura.
03:22Mahigpit anyang sinuri ang budget ngayong taon.
03:25Para anya iwas kurakot, binito ng Pangulo ang 7 items sa ilalim ng unprogrammed appropriations
03:31na mahigit 92 billion pesos ang halaga.
03:34Kabila naman sa itinira, sa ilalim niyan, ang pondo para sa AFP modernization,
03:39pondo para sa obligasyon ng gobyero sa mga foreign assisted project,
03:42at pondo para sa risk management.
03:44We will not allow the unprogrammed appropriations to be misused or treated as a backdoor for discretionary spending.
03:53Its utilization is provided with safeguards and is only available when clearly defined triggers and tests are met
04:01and will be released only after careful validation.
04:04Kailangan natin ma-meet yung requirements or even triggers.
04:10One is when we have an excess revenue, that's the time that we can also unlock the unprogrammed appropriations.
04:16Approved kay Sen. Ping Lakson ang tatlong natira sa unprogrammed appropriations.
04:20Pero si ACT Teachers Partialist Rep. Antonio TeƱo naniniwalang posibleng pa rin ang katiwalian
04:27hanggat may natitirang unprogrammed appropriations.
04:31Tinawag naman niyang shadow pork ni ML Partialist Rep. Laila de Lima.
04:36Ngayon pa lang, balak na yung kwestiyonin ni Calaocan 2nd District Rep. Edgar Erice sa Korte Suprema.
04:41Ang aking position, all unprogrammed funds in any form are unconstitutional.
04:48We're already drafting the petition.
04:51Mahalaga din na matunduan na ito na ma-define na talaga ng Korte Suprema
04:57kung talaga bang ang ganitong puri ng pagbabudget na walang katapat na source of financing
05:04ay labag sa aking konstitusyon.
05:08Pero nanindigan sa Sen. President Tito Soto na isa ang 2026 budget
05:13sa pinakamalinsa budget na napirmahan.
05:16Tinawag naman itong People's Budget ni House Speaker Bo G.D.
05:20Pinakamalaking bahagi ng budget ay napunta sa sektor na edukasyon.
05:24Kabilang sa 1.345 trillion peso budget ito,
05:27ang pag-hire ng mas maraming guru at non-teaching personnel
05:30at pagpapatayo ng halos 25,000 na classroom.
05:34Pinakamalaking health budget naman sa kasaysayan ng bansa,
05:37ang P448 billion pesos para sa taong ito.
05:41Pasok na dyan ang P60 billion na pinapasawli ng Korte Suprema,
05:44P297 billion pesos naman ang inilaan para sa agrikultura
05:48at kasama na dyan ang pondo para sa farm-to-market roads
05:52na dating nasa ilalim ng Department of Public Works and Highways.
05:56P270 billion pesos naman ang pondo para sa social services,
06:00kabilang ang para sa mga ayuda.
06:01Ang ilan sa mga yan, tulad ng AICS, MAIFIP at TUPAD,
06:06nagagamit umano sa vote-buying at pamumulitika
06:08ayon sa ilang mambabatas ng makabayan block.
06:12Pero sabi ng Ehecutivo,
06:13naglagay naman ang probisyon na hindi pwedeng makialam
06:16o mamaggita ng mga politiko sa pamahagi ng mga ayuda.
06:19Politicians shall be barred from the distribution of any financial aid
06:25and we shall ensure that the support reaches the intended beneficiaries without patronage.
06:31Walang bawas, walang kulang.
06:34So susundan natin yung guidelines niyan under the General Appropriations Act of 2026.
06:40Wala yan dati. So ngayon nandiyan yan.
06:42Malaking bagay ang paghihigpit sa paggaso sa gobyerno
06:45sa pagbagal ng paglagunang ekonomiya noong nakaraang taon.
06:48I-binaba na ng Department of Economy, Planning and Development o Dep-Dev
06:52ang mga growth targets ng bansa.
06:55Pero positibong makakabawi ang ekonomiya sa ikalawang bahagi ng 2026.
07:00Inaasahan din ba abot ang target na single-digit poverty rate sa 2028?
07:05Kaisan ninyo ako sa pagnanais na masiguro ang bawat pisong buis
07:09ay mapupunta sa tamang proyekto at sa tunay na pangangailangan ng ating taong bayan.
07:16Magiging mas masino, mas maingat, mas responsable kami sa paggastos ng pondo ng bayan.
07:24Mahigit 5 trilyong piso ng halos 6.8 trilyon peso budget.
07:27Popondohan ng buis at iba pang koleksyon o kita ng gobyerno.
07:311.6 trilyon peso sa manito ang kailangang utangin.
07:35Para sa GMA Integrated News, ako si Ivan Mayrina ang inyong saksi.
07:39Mahigit 18,000 pulis ang idedeploy para sa traslasyo na poong Jesus Nazareno sa January 9.
07:48Ayon sa NCRPO, may mga magbabantay sa paligid at may mga pulis ni Ios del Nazareno.
07:54Kaya sasama sa mismong prosesyon.
07:57Magkakaroon naman ang bagong sistema sa pila na mga kahalik sa imahen ng poon sa Quirino Grandstand.
08:03Kung dati ay pumipila ang mga tao sa Kalaw Extension at lalabas sa Katigbak Drive pagkatapos masilayan ang imahen ng poon.
08:13Ngayon taon, isasara ang Katigbak Drive kaya kailangang mag-U-turn o bumalik ng mga deboto para makalabas sila sa Kalaw Extension.
08:23Parang daw ito para masigurong walang sasalubong sa andas at mas mabilis na makauusad ang prosesyon.
08:30Nagsagawa na rin ng clearing operations sa Quezon City at Manila bilang paghahanda sa prosesyon.
08:38Suspendido naman ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Maynila sa biyernes pati ang pasok sa lokal na pamahalaan.
08:47Magpapatupad na rin ng liquor ban at total ban din sa paggawa, pagbebenta at paggamit ng mga paputok at pailaw sa Maynila mula January 8 hanggang 9.
09:00Malaking bahagi po ng taon-taong pagdaraos ng traslasyon ang mga ihos del Nazareno na nagbabantay sa imahen ng poon mula at pabalik sa Quiapo Church.
09:14Ang isa sa pinakamatanda at isa sa pinakabatang ihos, ibinahagi kung paano na bago ang pamamanata ang kanilang mga buhay.
09:25Saksi si Danu Tingkungko.
09:26Ibang-iba marahil ang buhay ng 78 anyos na si Eduardo Sevilla kung hindi niya nakilala ang oong Jesus Nazareno.
09:38Kung hindi na ako napasama rin sa ganito, baka, ewan ko po ah, kung nasaan ako ngayon.
09:45Baka po wala na ako talaga.
09:47Isa si Kaedong sa mga pinakamatandang ihos del Nazareno na aking nakilala dito sa Quiapo Church.
09:54Mula raw pagkabata, marami nang iniinda si Kaedong.
09:58Kasama riyan ang rayuma sa pagkabata at hirap sa paghinga.
10:02Ang kalsada ang unang nagdala sa kanya sa poon nung siya ay 19 anyos.
10:07Natisod niya ang isang prosesyong alay sa poon sa kanilang lugar sa Santo Cristo San Juan.
10:12Nakita ko lang po na marami sumasama. Parang nahingayo po ako sa kanya na sumama.
10:19Nakita ko, panik-panawag sila, hila ng lubid, panalain ko parang guminhawang katawan ko.
10:27Mula noon, nagdarasal na si Kaedong sa poon.
10:31Sumali sa balangay o grupo ng mga namamasan hanggang naging ganap na ihos.
10:35Pero halos tatlong dekada rin daw ang inabot bago tuluyang nawala ang kanyang mga dinaramdam.
10:42Bakit hindi siya sumuko ni nagduda man lang sa loob ng tatlongpong taon?
10:47Anangin ko, hanggat buhay ako, sayo ko. Hanggat kaya na katawan ko.
10:51Sa Kirino Grandstand, sa gitna ng ensayo ng Parish Youth Ministry,
10:55isa sa mga grupo na mga kabataang bahagi ng ihos,
10:58nakilala ko ang 14 anyo sa si Adrian, isa naman sa pinakabatang iho.
11:03Ang paglalakbay sa simbahan ni Adrian, nagsimula sa pagsasakristan.
11:09Bago nakilala ang poon sa barkadang niyaya siyang magpasan.
11:13Pero ang intensyon niya raw noon sa pagpasan, hindi panata.
11:16So 2023, namamasang ka na, pero parang pamano lang dahil...
11:22Cloud.
11:23Cloud.
11:24Dati po dumadaya pa po talaga ako ng malalay lugar sa tundo.
11:29Para lang po kumasan na ganun.
11:31Pero po hindi ko po talaga nararamdaman yung presensya niyo.
11:34Nagbago ang lahat noong Enero 2024.
11:3712 anyos pa lang siya noon.
11:39Nagkasabay-sabay ang problema.
11:41Naospital ang ama at nagkakumplikasyon sa diabetes.
11:45Sabay pa problema sa pera.
11:47Hindi raw malaman ni Adrian saan o kanino lalapit.
11:51Hanggang sa matisod daw niya ang isang post sa Facebook tungkol sa Quiapo Church
11:55at dinala siya ng paa sa simbahan.
11:58Mula ng gabing yun, nabago raw ang pananaw niya sa puon.
12:01Ang tuwalyang ito, ang tanda ng kanyang pagpupunyagi at sakripisyo.
12:06Itong tuwalyang na hawak ko, siguro sa unang tingin naakalain yung ordinaryong tuwalyang lang.
12:13Pero para kay Adrian, isa itong parang badge of honor.
12:17Kasi hindi basta-basta na igagawad daw sa kanilang mga ihos yung tuwalyang na ito.
12:23At ang kwento niya sa atin, kailangan muna ng 60 hours na service bago ka maging eligible na makuha itong tuwalyang na ito.
12:38May bigay sa iyo yung tuwalyang na ito na isa sa mga simbolo ng iyong dedication at commitment sa pagiging ihos.
12:46Hindi po itong matatapos hanggang mawala na po. Yung mga lola at lola ko po, sinasuportahan nila po ako dito.
12:55Sa mga bagito po na mamamasan, ano ko lang po sa inyo, kung ano po, inumpisan nyo, tapusin nyo hanggat kaya ng sarili nyo, kaya ng katawan nyo.
13:12Kasi po, dinaras ko na yan.
13:13Para sa GMA Integrated News, daan natin kung ko ang inyong saksi.
13:18Bukod sa traffic management, tututukan din daw ng bagong MMDA General Manager na si dating PNP Chief Nicola Stony III
13:26ang pagdisiplina sa mga traffic enforcer.
13:30Saksi si Marisol Abdurama.
13:34So, GM, welcome and good luck.
13:37Formal na ang ipinakilala si dating PNP Chief Nicola Stony III bilang bagong General Manager ng MMDA.
13:46Itinalaga rin siya bilang tagapagsalita ng MMDA.
13:49Siya lahat ang magiging in charge and magpapatakbo, basically, na aming ahensya.
13:58And so far as day-to-day operations are concerned.
14:01Bukod sa problema sa trafiko, isa sa mga pututukan ni Tore ang pagdisiplina sa mga traffic enforcer.
14:07Sa ngayon, ang focus natin, yung traffic, dahil perennial naman yan, ang baha, ang solid wage management.
14:17So, lahat na yan sabay-sabay, pwedeng gawin nga sabay-sabay kasi kompleto naman ang tao natin.
14:20At kung may 3-minute response niya ng bilang PNP Chief, 5 minutes naman daw ang target niya para sa MMDA.
14:44We try to benchmark ourselves, 5 minutes sa responde, 15 minutes sa clearing.
14:49May tinitinan kami rito na yung current standards, 15-30.
14:55So, subukan natin kung kaya natin ang mga pabilisan.
14:58Sa tanong, kung hindi ba ito demotion sa kanya?
15:01Wala akong inisip na ganun.
15:03So, this is an opportunity to serve, this is an opportunity to perform in another capacity.
15:09So, I took it.
15:10So, kung titignan mo yung salary grade, it's a promotion.
15:15Kabilang sa haharapin ni Tori sa kanyang bagong posisyon,
15:18ay ang dagdag na 200,000 na bilang ng mga sasakyan na bumabiyahe sa Metro Manila,
15:23na lalo raw magpapasikip sa traffic.
15:25Mula kasi sa 3.6 million, naging 3.8 million na ang volume ng mga sasakyan kada araw.
15:31Saan pupunta yan? Saan magpapark yan?
15:34Kung umiikot yan on a daily basis,
15:37malaking volume po yan.
15:39Dahil, um, again, that's additional 200,000
15:44clinicians po na nadagdag na naman sa ating karsada on a daily basis.
15:49Pag-aaralan daw ng MMDA ang panibagong traffic management.
15:53Para sa GMA Intermediate News,
15:56ako si Marisol Abduraman, ang inyong saksi.
15:59Muntik-batangay na rumaragasang tubig ang backhoe na yan sa makilala Cotabato.
16:07Ayon sa uploader ng video na tauhan ng isang construction company,
16:11may ginagawa sila sa bahagi ng flood control project sa lugar
16:15nang masabihan silang paparating ang baha,
16:18kaya nagpa siya silang umalis.
16:20Tagumpay namang naiangat ang backhoe.
16:23Ligtas ang driver nito.
16:25Sinira naman ng malalakas na storm surge
16:28ang may git dalamagdaang bangka sa Concepcion, Iloilo.
16:32Tatlongpong bahay rin ang nasira ng malalakas na alon at hangin.
16:37Ayon sa pag-asa, cheerline at easterlies
16:40ang nagpaulan sa Visayas nitong weekend.
16:43Easterlies naman sa Mindanao.
16:45Nostalgic ang photoshoot ni Katrina Lili
16:54na binalika ng kanyang iconic character na Black Darna.
16:58May proud daddy moment naman si Dennis Trillo
17:01kasamang anak na si Calyx.
17:03Ating saksihan.
17:05Kung dati si Dennis Trillo ang driver,
17:09ngayong 2026,
17:10passenger prince na si Dennis
17:14dahil ang anak niyang si Calyx
17:16ang nagdo-drive.
17:18Ayon kay Dennis,
17:18ang sarap din palang maging pasahero.
17:20Ang bilis nga raw talaga ng panahon.
17:23Ang lakas namang makatrip down memory lane
17:25ang birthday photoshoot ni Katrina Halili.
17:28Dahil si Katrina
17:29nag-transform into Black Darna,
17:32ang iconic character na ginampanan niya noon
17:35sa Kapuso series na Darna.
17:37Ang character na Patrick sa Pipito Manaloto
17:45tila nadala in real life
17:47nang gumaganap sa kanyang role na si John Fair.
17:51Si John kasi,
17:52bihis na bihis at nakabarong
17:53para sana sa kasal
17:54ng co-star niyang si Mikoy Morales.
17:57Pero ang wedding ni Mikoy,
17:58sa March pa pala.
18:00Base sa post ni Mikoy
18:01nakalagay sa wedding invitation nila
18:03ay RSVP on or before January 3, 2026.
18:09Pero ang nabasa lang ni John ay January 3.
18:11Tinawagan pa ni John si Chariz Solomon
18:13sa kanya na confirm
18:15na napatrick siya sa totoong buhay.
18:17Sabi pa sa post,
18:18walang kakilala si John sa kasal
18:20kahit ang groom na nakabarong din.
18:23Hindi man nahagip si John
18:24sa same-day edit video
18:26na kunan siya ng photo studio.
18:28All is good naman
18:29at nag-congratulate pa si John
18:31sa bagong kasal.
18:32Mensahe pa ni Mikoy kay John
18:34advance thank you
18:36sa pag-attend
18:37at kumain na lang siya
18:38ng hotdog
18:38na paborito ng kanyang karakter
18:40sa Pepito, Manaloto.
18:42Para sa GMA Integrated News,
18:45ako si Athena
18:45Ingaryalang inyong saksi.
18:49Salamat po sa inyong pag-saksi.
18:52Sa ngala ni Pia Arcangel,
18:53ako po si Sandra Aguinaldo
18:55para sa mas malaking misyon
18:57at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
19:00Mula sa GMA Integrated News,
19:02ang News Authority
19:03ng Pilipino.
19:04Hanggang bukas,
19:05sama-sama tayong magiging
19:07saksi!
19:07Mga kapuso,
19:12maging una sa saksi!
19:13Mag-subscribe sa GMA Integrated News
19:15sa YouTube
19:15para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended