- 9 months ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Sama-sama tayong magiging
00:07Karakli!
00:15Tapos na ang bakasyon kaya dagsa na sa ilang bus terminal
00:19ang mga nagsisi-uwian sa kanika nilang probinsya.
00:22Binuksan na rin ang ilang bahagi ng Elsa Busway
00:25na isinailalim sa rehabilitasyon.
00:27Saksi si Rafi Tima.
00:30Marami ng pasahero sa bus terminal na ito sa Cubao, Quezon City.
00:35Pauwi na silang probinsya matapos magdiwang ng bagong taon sa Metro Manila.
00:39Bihayang Tarlac, Pangasinan at ilang bahagi ng Central Luzon ang mga narito.
00:43May mga pasahero na rin sa mga terminal ng bus sa Maynila.
00:46Bagamat kaunti pa lang ang mga bumubiyahing pasahero.
00:49Sa PITX, dagsa na ang mga pasahero ang pauwi sa mga probinsya.
00:52Sinahana, kanyang ina at lolo.
00:54Bit-bit ang mga napamasko mula sa mga kaanak dito sa Metro Manila.
00:57I-uwi po namin sa probinsya yan lahat po tapos i-bibigay po dun sa mga kamag-anak din po.
01:04Ang daming tao, grabe.
01:06Sulit naman po?
01:07Sulit naman po.
01:08Pulto rin ang dalang bagahay pa uwi sa Calaguas Island ni na Lola Elena na tatlong linggo rin nagbakasyon dito sa NCR.
01:15Medyo marami-ramay yung gamit nyo.
01:16Binigayan lang po yan.
01:20Ang mga napamaskuhan po ito.
01:22Mahigpit pa rin ang ipinatutupad na siguridad sa PITX.
01:25Bukot sa security check sa entrada, panay ang ikot ng mga tauhan ng SWAT.
01:30Sa gitna ng dagsa ng mga pasahero sa PITX, bagay ang may build-up ng trapiko sa paligid nito.
01:35Maging sa southbound lane ng EDSA sa bahagi ng Australia sa Makati hanggang sa paglagpas ng Magallanes flyover, mabagal ang trapiko.
01:42Buminis naman daw ang takbo ng mga bus sa EDSA busway.
01:45We observed na bumilis po yung takbo per kilometer ng ating mga sasakyan, ng mga ating mga bus dito sa busway dahil mas patag na at mas suabi na po yung biyahe ng mga bus natin dito.
01:57So ang kailangan namin gawin ay mag-deploy pa po ng mas maraming tao para mas mabilis po yung time and motion natin sa ating mga pasahero at mas mapabilis po ang kanilang biyahe.
02:05Binuksan na naman ang DPWH, ang naisaayos ng bahagi ng EDSA busway,
02:10particular ang southbound mula Taft Avenue hanggang Orense at ang northbound mula Magallanes Avenue hanggang sa Orense sa Makati.
02:17Alinsunod sa utos ng Pangulo na pabilisin ang rehabilitasyon sa EDSA,
02:21puspusan na ang pag-aaspalto sa natitirang bahagi ng busway, tinatapos na rin ang paglalagay ng pavement markings.
02:27Simula January 5, magiging 10pm hanggang 4am na ang schedule sa pagsasayos ng EDSA para hindi makaabala sa mga motorista tuwing rush hour.
02:37Para sa GMA Integrated News, ako si Rafi Tima, ang inyong saksi!
02:42Bistado ng NBI ang Filipino Chinese na nagwebenta o manon ng mga hindi lisensyadong armas,
02:47ang depensa ng suspect sa pagsaksi ni John Consulta.
02:51NBI! NBI!
02:57Nang makumpirmang na ikasanaan transaksyon,
02:59nagtakbuwan ng operatiba ng NBI Dangerous Drugs Division at Organized and Transnational Crime Division
03:05papunta sa basement parking ng isang condotel sa Makati.
03:08Agad nila pinusasad ang suspect na isaw manong gunrunner o nagbebenta ng dinisensyadong baril.
03:14Nandito sa aking kalawa itong subject ng operasyon sa Filipino Chinese National
03:21at dito naman mga kakusok, nandito naman yung baril na ibinibenta sa undercover ng NBI
03:32at narito naman itong bundle ng pera.
03:37Na-recover mula sa kanya ang isang M3 submachine gun, isang 9mm na baril, isang Ruger pistol, isang Ronin kit,
03:44assorted the magazine at mga bala at Mark Money.
03:47Ayon sa NBI, maingat sa pagkipagtransaksyon ang suspect at pinipili na maigi ang kanyang bebentahan ng baril.
03:54Nagkakaroon siya ng mga counter surveillance and sinaserve niya yung mga clients niya.
04:03Isang confidential informant daw ang nabigyan sa kanila ng informasyon.
04:06Sabi niya, mayroong Chinese National involved sa rin rin.
04:12Pinipiliyentaan daw na ito ay mga unlicensed firearm at ang pinipiliyentaan daw niya ay kakakuan na Chinese,
04:20especially during the time may pogo pa tayo rito.
04:25Guitang inarest ng suspect, hindi kanya ang nakumpis kang submachine gun.
04:29Sir, pinasusuri sa kanya.
04:31Inusuri sa?
04:32Sa kaibigan ko.
04:33Sa kaibigan?
04:34Oo.
04:34Okay, bakit sir, may pera?
04:37Hindi aking pera yan.
04:39Hindi sa'yo pera?
04:40Wala, hindi aking yan.
04:42Binibenta niyo ro po sir, yung baril?
04:43Hindi.
04:44Nakakulong na sa NBI detention facility sa Muntinupa ang suspect na naanap sa reklabang paglibag
04:49sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
04:54Yeah, we're coordinating with our counterparts.
04:58Para sa GMA Integrated News, ako si John Consulta, ang inyong saksi.
05:19Nagsimula ng manita ang Land Transportation Office o LTO na mga e-bike at e-trike rider na dumaan sa mga pangunahing kalsada.
05:28Saksi si Maki Polido.
05:30Nung nakaraang taon pa, inanunsyong hihigpita ng pagbabawal ng mga e-trike at e-bike sa major highways.
05:40At kanina, nagsimula ng manita ang Land Transportation Office o LTO.
05:44Si kuyang walang helmet, nasita rin ang pag-U-turn.
05:47Pwede lang kasing sumampa ang e-bike o e-trike sa National Highway kung diretsyong tawid lang.
05:53Pinagsabihan lang muna ang rider na umalis din naman agad sa highway.
05:57Bawal na po tayo dito sa naa.
05:59Akala ko okay lang naan eh. Na pwede rin ito ka susamayin yan eh.
06:02Hindi na po sir.
06:03Sa Kirino Avenue, marami sa mga nasita ay walang mga lisensya o ID.
06:08Pero wala pang na-impound sa kanila.
06:10Ayon sa LTO, mangyayari ito sa mga susunod na araw.
06:13Maninita lang muna sa EDSA mula Pasay hanggang Monumento.
06:16C-5 Road, Rojas Boulevard, Kirino hanggang Magallanes at South Luzon Expressway.
06:22Initially, kung po pwedeng umalis sila sa National Highway, pumunta sila sa secondary road, tulungan sila.
06:29Pero yung mga pasawa ay naayaw talagang at ay pinipilit nila na tumakbo sila sa National Highway, dapat hulihin yun.
06:37Kung may lisensya, tikitan kung walang lisensya eh dapat i-impound.
06:42Sana, sabi ng Lawyers for Commuters Safety and Protection,
06:45linawin muna ng LTO ang guidelines bago maghigpit.
06:49Kinakailangan talaga na maipatupad na ng husto ang evidalo para sa gano'n.
06:57E walang mga kalituhan at yung apprehension ay tama.
07:02May guidelines na raw sa panghuhuli at isang buwan na ang dry run, sabi ng LTO.
07:07Dagdag ng LTO, wala pang joint memorandum tungkol sa pagre-rehistro ng mga e-bike at e-trike,
07:13pero kailangan ng maghigpit para na rin sa kaligtasan ng mga rider.
07:17Karamihan po sa kanila, yung mga kababayan natin na walang mga driver's license,
07:22so hindi po nila alam yung traffic rules, traffic code.
07:25Minsan, kadalasan pa, mga minority that po yung nagdadrive.
07:29Minsan po yung mga kasambahay sa bahay na talagang wala po silang alam sa mga rules.
07:34Pagliit ng kita, ang ibig sabihin ito para kay Brian Makarangkat na sa pamamasada kinukuha ang pambuhay sa pamilya.
07:41Malit ng kita namin pagdyan sa looban. Wala pong sumasakay sa amin.
07:46Ang karamihan pong sumasakay sa amin, ilarte, emarte, kaputin sa simbahan, heritage, diyan pong mga pasero namin.
07:56Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
08:01Umaasa mga Pilipino na mapananagot ang mga sangkot sa katiwalian na iniuugnay ng marami sa kahirapan base sa resulta ng isang survey.
08:11Lumabas din sa parehong survey na presyo ng mga bilihin ang isa sa mga problema na is ng mga Pilipino na matugunan ng gobyerno.
08:19Saksi si Sandra Aguinaldo.
08:21Mas mababang presyo ng bilihin, pagsugpo sa katiwalian, at paglikha ng mas maraming trabaho.
08:31Ito ang pangunahing hangat ng mga Pilipino na tugunan ng gobyerno para sa kanilang komunidad.
08:36Base sa survey ng Pulse Asia na kinomisyon ng think tank na Stratbase.
08:42May 1,200 respondents ang survey na ginawang mula December 12 hanggang 15, 2025.
08:50Panahong mainit ang usapin sa mga maanumalyang flood control projects.
08:5438% ng respondents naniniwalang ang pagpapababa ng presyo ng bilihin ang pinaka-urgent na dapat gawin ng gobyerno.
09:0231% ng respondents ang nagsabing dapat sugpuin ang katiwalian para mapaganda pa ang servisyo ng gobyerno.
09:1121% ang nagsabing dapat lumikha ng mas maraming trabaho at pagkakakitaan.
09:17At 10% ang nagsabing dapat maging accessible ang edukasyon at healthcare.
09:22Meron ding plus minus 2.8% error margin at 95% confidence level ang survey.
09:29Ayon sa Stratbase, pinapakita ng survey na iniuugnay ng mga Pilipino ang epekto ng katiwalian sa kanilang mahirap na kalagayan.
09:38Sa kamila, nagkukulang ang servisyo ng pamahalaan.
09:42Hirap sila sa buhay, gutong, walang trabaho, kulang ang livelihood.
09:46Tapos meron pang pag-inanakaw na nangyayari sa baba ng mariya.
09:51Makikita rin daw sa survey na umaasa ang mga Pilipino sa gagawing hakbang ng gobyerno sa pagpapanagot sa mga sangkot sa katiwalian
09:59habang tinutugunan din ang kanila mga economic concern.
10:03Ang top of their concern is really affordability at side-by-side with that is reality na kailangan harapin ang pagnanakaw, may panagutin,
10:13kundi hindi ma-resolve rin ang hirap ng kabuhayan ng tao because they feel the economy is driven by government sa actions and activities.
10:23Ayon sa Stratbase, regular silang nagpapagawa ng survey na ganito na maaring maggamit ng gobyerno bilang gabay ngayong 2026.
10:33This should be seen as a guide moving forward to 2026.
10:38These are the voters, these are the general public, these are your consumers, diba?
10:45That means they define what Philippine society is today.
10:48Kinukuha pa namin ang reaksyon ng Malacanak, kaugnay dito pero wala pa silang tugon sa ngayon.
10:54Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
10:5935 overseas Filipino workers mula Cambodia nakauwi na sa Pilipinas.
11:07Ayon sa Department of Migrant Workers, mga sinagip sila na biktima ng illegal recruitment, human trafficking at scam hub operations.
11:15Inalalayan sila ng kagawaran at binigyan ng tulong pinansyal at suporta.
11:19Muling nagpaalala ang DMW na tiyaking rehistrado sa kanila at lihitimo ang mga ina-aplayan na trabaho abroad.
11:27Special Investigation Team binoo para tutukan ang pagkamatay ni Duenas Iloilo Vice Mayor Amy Paz, Lamasan.
11:35Ayon sa jepe ng Iloilo City Police, pinag-aaralan na nila ang mga pangyayari at ebedensya na nakuha mula sa bahay ni Lamasan.
11:42Pinag-aaralan din nila ang statement ng kanyang live-in partner na si Lord Byron Turecarion.
11:48Sa ngayon ay wala para tugon si Turecarion sa hiling na paraffin test ng Lapas Police.
11:53Sinusubukan pa rin ng GMA Regional TV na makuha ng siya ng pahayag.
11:58Kinumpirma naman ang Iloilo City Police na ang baril na sinasabing aksidente pumutok at tumama kay Lamasan ay pagmamay-ari ng mismong BC Alkalde.
12:06Ayon sa pamilya Lamasan, ikinalulungkot nila ang sinapit ng BC Alkalde na isa ramabuting public servant.
12:14Humiling sila sa ngayon ng dasal at sinabi maglalabas sila ng umpisa na pahayag sa mga susunod na araw.
12:20Para sa GMA Integrated News, ako si Marisol Abduraman, ang inyong saksi.
12:27Bukas ng hapon, idaraos ang pagbabasbas ng mga imaheng replika ng puong Jesus Nazareno.
12:32Ayon sa pamunuan ng Quiapo Church, inaasaha mas marami ang dadalo sa traslasyon sa susunod na biyernes.
12:39Kanina, marami ang nagsimba. Ngayong First Friday ng Enero, saksi si Darlene Kay.
12:49Dahil unang araw ng Quiapo ngayong taon, espesyal ang pagsisimbang ito sa Quiapo Church ng 72 taong gulang na si Nanay Maria Dolores.
12:57Wala pong imposible sa kanya. Nayanalik po ako ng buong puso sa kanya.
13:04Pitong dekada na siyang deboto ng puong Jesus Nazareno.
13:08Kaya sa puon niya muling inilapit ang mabigat na pasani niya at ng pamilya sa pagpapalit ng taon.
13:14Alisin niya yung nasa isipan ko, yung galit, yung sama ng loob. Ipagalob niya sa akin yung magandang pamumuhay itong 2026.
13:28Pagkaangin niya ang kalooban ko at magbalik sa Panginoon Diyos ang aking anak.
13:33Ipinanalangin naman ni Nita ang kanyang kapatid.
13:38Ngayon po kasi yung ate ko nasa critical condition sa Pasig.
13:42Kasi gusto ko, bago ako pumunta ng Pasig, dala ko yung bas-bas na nawa, makasurvive pa yung ate ko.
13:53Dalawa lang sila sa libu-libong deboto sa Quiapo Church ngayong First Friday ng taon.
13:58Ang mga nakinig sa misa, umapaw hanggang sa Quezon Boulevard.
14:02Sana po layo pong kuwampo, yung magandang kuwampo na laging malakas,
14:10saka iwas sa mga sakit na naramdaman, saka sana magandang tagpo ng Pilipinas.
14:17Dahil mula sa Calye Villalobos lang pwedeng pumasok ang mga deboto,
14:21dito humaba ang pila at halos magsiksikan kaninang umaga.
14:25May cut-off din sa pila kaya may mga nanibago at nahiwalay sa kanilang kasama.
14:30Nagulat lang kami na bago yung sistema.
14:32Kasi dati naman po, hindi naman ganito tuwing unang ganwari, hindi pa sila nag-i-equit.
14:39May mga hindi na rin pumasok pero nakinig pa rin ang misa sa labas.
14:43Ang daming tao po yung pilay, ang haba, iba ka lang mahito kami or one.
14:47Kahit hindi ka naman pumasok sa loob at para yung nasa puso mo naman yung paglarasal.
14:52Dry run na rin ito ng polisya para sa traslasyon sa susunod na linggo.
14:58Iniiwasan po kasi natin dito na magkaroon ng siksikan, tulakan.
15:01Nagsisilbing drill na rin po yan, actual drill na rin po para sa mga ihos.
15:08Kung paano po imamanage ng sabay ang pag-aasikaso ng posisyon.
15:13Usually yung Plaza Miranda ang ginagawa nating pinakabulwagan sa pagpasok nila.
15:19Usually ito ay preparasyon na rin para sa ating January 9 or January 8 masses na kunsaan isa lang po yung ating entrance.
15:29Ayon sa Technical Advisor at Incident Commander ng traslasyon,
15:33nasa huling bahagi na ng mga paghahanda para sa traslasyon ang pamunuan ng Simbahan ng Quiapo,
15:38katuwang ang PNP at Manila LGU.
15:40Pareho pa rin ang ruta sa nakaraang taon pero ang pagkakaiba ngayon ay isasara na sa mga deboto ang Ross Boulevard, Katigbak Drive at Ayala Bridge.
15:48Gusto nating matiyak na mabilis na makakatawid ng Ross Boulevard ang ating imahen.
15:56Sisikapin po ng pinagsamang pagtutulungan ng PNP at ng mga ihos na wala ho talagang makakaakyat muna sa tulay ng Ayala
16:07hanggang hindi tumatawid yung imahen natin ng Ayala Boulevard.
16:13May mga binago rin sa andas para mas stable at mas madali itong makausan.
16:17Dati ho tatlo lang ang gulong nito at may parang dalawang balanser lamang sa gilid.
16:22Ngayon ho ginawa na namin apat ang gulong nito para ho stable.
16:26Dati ho parang timonero lamang ng bangka ang nagtitimon, ang nagigiya sa andas.
16:34Ngayon ho ginawa na namin itong manibela.
16:37Balagang literal na manibela ng sasakyang.
16:39Gaya ng nakaraang taon, bawal pa rin sumampas sa andas.
16:43Inaasahan ang pamunuan ng Kiyapo Church na mas marami ang lalahok sa Translasyon 2026
16:48kumpara sa mahigit 8 milyong debotong sumali sa Translasyon noong nakaraang taon.
16:53Bukas ng hapon naman idaraos ang pagbabasba sa mga imaheng replika ng puong Jesus Nazareno.
16:58Gagawin ang pagbabasba sa Quezon Boulevard Footbridge.
17:01Pansamantala itong isasarado sa publiko.
17:03Para sa GMA Integrated News, Darlene Cai ang inyong saksi.
17:08Pinagpapaliwanag ng LTO ang isang babaeng naglabas daw ng baril sa gitna ng trapiko sa Cagayan de Oro City.
17:15Pinatawan din ang siyamnapung araw na suspensyon ang may-ari ng minanehon niyang sasakyan.
17:20Saksi si James Paulo Yap ng GMA Regional TV.
17:27Kumakalat online ang letrato ng isang babaeng naglabas ng baril.
17:31Habang nagmamanehon ng pickup truck, kuha ito sa Captain Vicente Roa Street, Corner Hay Street sa Cagayan de Oro City noong December 29.
17:40Ayon sa Cagayan de Oro Police, naipit sa traffic ang driver na tukoy na nila ang pagkakakilanlan.
17:48Pero hindi pa malinaw kung nasangkot siya sa road rage.
17:51Ayon sa Land Transportation Northern Mindanao, natuntun na din nila ang may-ari ng sasakyan.
18:09Sinilbihan na rin ng show cost order ang mismong may-ari ng pickup truck na hindi anila residente ng Cagayan de Oro City.
18:16Ayon sa regional office ng LTO, hindi makatwiran ang ginawa ng babaeng driver.
18:38Pusibleng suspindihin o tuluyang mawalang visa ang kanyang driver's license.
18:42Hindi ka dapat maglabas ng baril. Ano mo gusto mo ipakita? Manakot ka?
18:47May pag-road rage, ano? Pag-road rage, sorry, remocation agad ng penalty niyan eh.
18:51Nanawagan ngayon ang LTO Region 10 sa nakaalitan ng driver na makipag-ugnayan sa kanila para sa dagdag reklamo laban sa driver.
19:00Nag-request na din ang PNP ng firearm verification sa Regional Civil Security Unit upang malaman kung totoo ang baril.
19:08At nang maabot ang mga resulta ni INIHOG. Ang maumasakyanan po, naka-alarm na kinik. Naka-tagaan po ang owner ni INIHOG. Suspension order na 90 days.
19:22Para sa GMA Integrated News, ako si James Paulo Yap ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
19:28Namataang nagbuga ng maitim na usok ang Bulkang Mayon kaninang umaga.
19:35Nakapagtala rin ang FIVOLS ng dalawang volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras.
19:40Kasunod ng pagtataas ng Alert Level 2 sa bulkan, pinalikas ang apat na pamilya nakatira sa loob ng 6-kilometrong Permanent Danger Zone.
19:48Nag-iikot din ang mga otoridad para masigurong walang may iiwan sa loob ng PDZ.
19:53New Year, New Goals. Kasama na dyan ang makaipon. Ano-ano nga ba ang mga hakbang para maging matagumpay sa pag-iipon?
20:06Saksi, si Bernadette Reyes.
20:11Mula sa itinabintig 20-20 coins mula January 25 hanggang kahapon unang araw ng 2026, nakaipon ng 16,000 pesos si Lizelle.
20:2147,000 pesos naman ang nakuhan ng mag-asawang Franklin at Cielo Carpintero sa binuksan nilang Alcantia.
20:30Tuwing bagong taon, isa sa mga karaniwang New Year's Resolution ang pag-iipon.
20:35Gaano man kaliit ang inyong itinatabi, ang mahalaga, gawin itong tuloy-tuloy para pagdating ng takdang oras, meron kayong matatawag na sarili nyong ipon.
20:43Si Wilton Halimbawa iniipon ang mga mamisong sukli, sabayan pa ng tinatabi mula sa sweldo, nakaipon ng mahigit 13,000 pesos.
20:55Mga sukli pag sa mga jeep, pati sa mga tricycle.
20:59Tuwing bumibili rin ako ng mga merienda, dalalasan mga bariya yung sinusukli nila.
21:06So, bali, din nalagay ko kagad, nulog ko kagad sa mga alkansya.
21:11Pag may emergency, parang mabilis sumugot ng pera.
21:16Ayon sa isang registered financial planner, marami ang naiengganyong mag-ipon pagpasok ng bagong taon.
21:23Mahalaga raw na mag-set ng target kung para saan at magkano ang gustong maipon.
21:28Gawin din daw na regular ang pagtatabi ng pera, hindi yung kung kailan lang maisipan.
21:33Money is not just about our knowledge, but it's really about behavior.
21:3890% behavioral yan.
21:39So, minsan, alam na natin na dapat tayo mag-ipon.
21:43Pero kung hindi natin na set aside or hindi natin nagawa ng tama or walang sistema,
21:48most likely magagastos natin yan.
21:50May tinatawag tayo na envelope system.
21:51So, pagka-receive natin ng sweldo, meron na tayong envelope kung ano yung assignment niya,
21:57kung pambayad ng kuryente, pambayad ng tubig.
21:59Pero huwag niyong kakalimutan, dapat meron kang envelope for your savings.
22:03Kasi yun na rin yung way for us to automate.
22:05And dapat hindi natin siya mag-alaw.
22:07Ito rin ang napansin ni Tertan, isang empleyado.
22:11Kaya high-tech na raw ang ginagawa niyang pag-ipon na iniimpok niya sa kanyang digital online banking.
22:17So, dati nakakapag-ipon ako gamit yung alkansya dito sa bahay.
22:21Kaya lang napansin ko na kapag may kailangan ako ng pera,
22:25dinudukot ko lang din siya.
22:27So, ngayon, ginagawa ko is in-automate ko na siya gumagamit ako ng online banking.
22:32E paano naman kung gusto nga mag-ipon pero kulang talaga ang kita sa ginagastos?
22:38Payo ng mga eksperto, extra income is the key.
22:42Si Tert halimbawa, bukod sa kanyang trabaho, nakisabay sa nauusong 3D printing.
22:47Ito kasi is pwede kong iset up dito sa bahay na kahit hindi na ako lumabas pa,
22:53pwede akong magkaroon ng additional income.
22:57Pwede mo siyang maging side hustle every after office or on a weekend.
23:01May mga kilala tayo, nagbebenta sila ng pagkain or buy and sell online.
23:06Ano man daw ang inyong financial goals this 2026,
23:09mahalagang may suporta ng mga mahal sa buhay para sabay-sabay maabot ang mga pangara.
23:15Set a meeting with your family member.
23:17Pag-usapan ninyo habang nagsisimula yung taon,
23:19ano yung target ninyo na gusto nyo maipon?
23:21Hindi naman talaga ito madali.
23:23So, kahit na small progress, nasimula natin,
23:26first 2 to 3 months of the year na nakakapagtabi na tayo.
23:29Para sa GMA Integrated News, ako si Punadet Reyes, ang inyong saksi.
23:33Walang bagong sama ng panahon pero asahan pa rin ang mga pag-ulan ngayong weekend.
23:39Ayon sa pag-asa dahil po yan sa umiiran ngayong Sheerline, Amihan at Easterlies.
23:45Base sa datos ng Metro Weather,
23:47bukas may tsyansa ng ulan sa Bicol Region,
23:49Eastern Visayas, Mimaropa, Cordillera, Cagayan Valley,
23:53malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.
23:55Linggo ng umaga, may mga pag-ulan pa rin sa Bicol Region, Mindoro, Palawan, Panay Island,
24:02Caraga at Sox Sargent.
24:04Pagsapit ng hapon, halos buong Southern Luzon na ang uulanin,
24:08pati ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.
24:11May malalakas na buhos ng ulan na pwedeng magpabaha o magdulot ng landslide.
24:15Sa Metro Manila, hindi rin inaalis ang syansa ng ulan gaya ng naranasan kahapon at kanina.
24:25Nag-suntukan ang mga lalaking yan sa gitna ng pagsalubong sa bagong taon sa Maguindanao del Sur.
24:32Nag-ugat-umano ang gulo sa pagpapaingay ng mga motorsiklo.
24:36Sumubok na umawat ang isang lalaking nakaitim na t-shirt.
24:40Maya-maya pa, nagpaputok ng baril ang lalaking nakaitim.
24:44May isang tinamaan.
24:45Ayon sa uploader ng video, isinugod sa ospital ang biktima.
24:48Inaalam pa ng mga polis ang mga detalya sa insidente at sa sinapit ng lalaking na baril.
24:54Sinusubukan din kuna ng pahayag ang mga sangkot.
25:00Slay na slay ni Shubi Atrata ang kanyang ski adventure sa Japan.
25:05Siyempre, kumpleto ang gear ng Sparkle Star para sa kanyang kaligtasan.
25:10May video pa siya ay pinakita ang swabbing pagbaba niya sa snow.
25:15Pero may sablay din pala siya.
25:17Caught on cam na nakahiga na siya sa niebe.
25:20Biro ni Shubi sa kanyang caption,
25:22It's okay to fall, basta nakapagpapicture ka na.
25:29Salamat po sa inyong pagsaksi.
25:31Sa ngalan ni PR Kanghel, ako po si Mariz Umali.
25:34Para sa mas malaking misyon at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan,
25:39mula sa GMA Integrated News,
25:41ang News Authority ng Filipino hanggang sa lunes.
25:44Sama-sama tayong magiging saksi.
25:46Mga kapuso, maging una sa saksi.
25:52Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.