Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:

GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sama-sama tayong magiging, Sarakli!
00:15Siyab na po araw, suspendido ang lisensyo ng driver na isang pick-up sa Antipolo City sa Rizal.
00:20Sinaktan, minura at pinagbantaan ng driver ay sa lalaking nagtutulak ng kariton kasama ang kanyang batang anak.
00:28Saksi, si Oscar Oida.
00:30Tinig ang palahaw ng bata sa viral video na ito na kuha sa Barangay San Roque sa Antipolo City, Rizal.
00:46Viral ang palalakit at pagmumura ng lalaking ito sa isa pang lalaking nagtutulak ng kariton.
00:53Nangyari ang viral na insidente alas 10 ng gabi nitong Sabado.
00:57Natuntun namin ang lalaking nagtutulak ng kariton, ang kargador na si Crispin Villamor.
01:05Kwento niya, dire-diretsyo umano ang takbo ng pick-up at muntik mabanga ang kanyang kasamang anak.
01:12Buti na lang daw at naiiwas niya ito hanggang sa tamaan na raw ng sasakyan ang kanyang kariton.
01:17Salabong po kasi kami sa lubong eh. Parang hindi niya ako nakikita. Parang yung nagabanggaan na lang, bumanggaan na lang po sa kanyang saka po siya bumaba.
01:27Parang doon siya nabuhayan.
01:30Binantaan pa raw siya ng driver.
01:32Sabi po niya, papatayin niyo po.
01:35Mas babariling.
01:36Nagantay po kami ng mag-asawa mula umaga hanggang tanghali baka mag-sorry.
01:41Pero hindi po kasi nag-sorry. Kaya naisipan ko po na ipost na lang.
01:44Eh kung wala kami doon, baka hindi lang po batok inabot niyan.
01:46Nakita lang niya na nakakamera ko eh. Kaya po yun pumasok.
01:50Pero nagbanta po po yun pagpasok niya.
01:51Ang LTO, sinuspindi ng siyamnapung araw ang lisensya ng driver habang nagsasagawa ng imbisigasyon.
02:00Pinagpapaliwanag ang driver kung bakit hindi dapat bawiin ang kanyang lisensya.
02:05Dahil sa paglabag-umano bilang improper person to operate a motor vehicle.
02:11Ayon sa Antipolo City Police, nagpunta kanina sa kanilang tanggapan ang driver para makipag-ayos kay Villamor.
02:18Nagsadya rito para humingi ng paumanin din. Sabi niya ay nagkamali siya.
02:25Kinakala nung pick-up na nasagi yung kanyang sakyan.
02:29Pero nung bumaba siya, nakita naman niya walang tama. So yun, uminit ang ulo.
02:34Ayon pa sa mga polis, nagkaharap na ang dalawa sa police station.
02:38Nagpa siya si Villamor na di na magsampa ng reklamo.
02:42Nagkausap naman sila kanina rito eh kasi nagkaharap sila.
02:47Ngayon, yung biktima ay ni-encourage namin na mag-file ng reklamo kung anong kanyang desisyon.
02:54Kaya lang ang sabi niya ay hindi na para pahabain kundi tapusin na lang nila yung usapin.
03:01Para sa GMA Integated News, ako si Oscar Oydang inyong saksi.
03:06Patay mga tapos magtamo ng labing tatlong saksak ang isang lalaking labing limang taong gulang sa Iloilo.
03:13Suspects sa krimen ang tatlong menor de dadir.
03:16Saksi, si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
03:19Ganito kasakit ang nararamdaman ng 77-anyos na lola sa sinapit ng kanyang 15-anyos na po sa Dwenias, Iloilo.
03:39Nasa way ito matapos pagsasaksakin ng labing tatlong beses nitong biyarnes ng gabi, December 12.
03:46Ang mga sospek, tatlong menor de dad din.
03:49Sa investigasyon ng Dwenias Police, papunta ang biktima kasama ang ilang kaibigan papunta sa bahay ng isa pang kaibigan.
03:55Sakay sila ng dalawang motorsiklo at ng sandaling huminto.
03:59Bigla silang binato at hinabol ng mga sospek.
04:02Sa kanilang pagtakas, nadulas ang biktima kaya siya inabutan at doon na siya pinagsasaksak.
04:21Namatay ang biktima sa tinamon niyang saksak sa tiyan, balakang at iba pa ang bahagi ng katawan.
04:26Natuntun kalaunan sa barangay San Isidro, Dwenias, ang isa sa mga sumaksak na edad 17-anyos.
04:33Sumuko naman ang isa pang minor de dad na sospek na nagbaneho raon ng motorsiklo.
04:38Patuloy pang pinagahanap ang isa pang sospek.
04:41Paghihiganti rao ang motibong tinututukan ng pulisya sa ngayon.
04:45Ang September 13 na siya sa mga pista sa Dwenias, may natabo nga nilagsana sa bahay ng sanduwa kagrupo.
04:53Siya nakachansa sila nga makabalos kaya kapangambang muna ako ng mga biktima.
04:58Ang utong naging ananaguro nila siya, yung buno na guro nila dyan, yung nahana nila.
05:04Ayon sa pulisya, hinihintay pa ang discernment mula sa Municipal Social Welfare and Development Office upang may sampah ang kasong murder.
05:11Di sinidong magsampan ng reklamo ang kaanak ng biktima.
05:18Para sa GMA Integrated News, ako si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
05:23Ang inyong saksi.
05:26Binili na ni DPWH Secretary Vince Dizon ang mga bagong talagang opisyal ng DPWH Bulacan First District Engineering Office.
05:33Huwag daw nilang gagayahin ang mga pinalitan nilang opisyal na sinadating DPWH Engineers Henry Alcantara at Bryce Hernandez.
05:41Na nakaharap po sa patong-patong na kaso.
05:45Saksi si Bernadette Reyes.
05:50Mahigpit ang bilin ni DPWH Secretary Vince Dizon sa mga engineer na bagong talaga sa DPWH Bulacan First District.
05:58Huwag kayong gagaya doon sa mga papagitanin.
06:01Kasi kung gumaya kayo, kung ano ang mangyayari sa kanila, yun din ang mangyayari sa'yo.
06:05Si Engineer Kenneth Fernando na magsisilbing OIC District Engineer, nag-masters ng Civil Engineering sa Japan at 10 taon na nagtatrabaho sa DPWH.
06:15Si Engineer Paul Lumabas naman na OIC Assistant Engineer, naging OIC ng Planning Division at galing sa Private Public Partnership Service ng DPWH sa Central Office.
06:25Papalitan nila sinadating District Engineer Henry Alcantara at dating Assistant District Engineer Bryce Hernandez na nahaharap sa patong-patong na mga reklamo kaugnay sa anomalya sa Flood Control Project sa Bulacan.
06:38Pinulong ni Dizon ang mga bagong talagang engineer sa lamesang ginamit-umanon ni Alcantara at Hernandez para sa paghahati-hati ng milyon-milyong pisong kickback.
06:48Kasama nila ang OIC Regional Director na si Assistant Secretary Romel Tellio, retiradong two-star general ng Philippine Army.
06:57Ayon sa DPWH, matinding vetting ang ginawa para matiyak na wala silang kaugnayan kina Alcantara at Hernandez.
07:03Isinama sila kanina sa inspeksyon sa Flood Control Project sa Barangay Bulusan sa Kalumpit na dati nang ininspeksyon ni Pangulong Bongbong Marcos dahil sa substandard imano na proyekto.
07:14Ayon sa DPWH, humigit kumulang 770 meters sa istruktura ang kailangan itayo dito para maiwasan ang pag-agos ng tubig papunta sa mga kabahayan.
07:24Isa pa sa kailangan nilang solusyon ngayon ay ang right-of-way issue dahil may mga nakatayong bahay sa daraanan na istruktura.
07:307 months in 1 year, bumabaha dito. Lahat ng mga involved dito, kasama na si Sims, Wawaw, may mga St. Timothy din ata dito, lahat yan may kaso na.
07:45At most likely, ma-file na sa korte ng ombudsman yung mga kaso nito. Isa ka natin yung gap. So, sisimula na nila yung proseso.
07:56Immediately, kailangan pong ma-parcillary survey habang inaayos po yung design ng flood control and at the same time, magkaroon ng coordination meeting dito po sa lugar.
08:07So, while minintay po yung pondo, na pagkahanapan ng pondo, pwede pong gamitin yung time na yun para gawin lahat ng studies.
08:13Kasalukuyang nakaditine sa Senado sina Alcantara at Hernandez.
08:18Gayun din ang kasamahan nila dati sa DPWH Bulacan na si JP Mendoza at ang kontratistang si Curly Diskaya.
08:25Mula sa kanilang kulungan sa Senado, ibinayay sina Hernandez at Mendoza para sa preliminary investigation ng DOJ.
08:32Hindi sila nagpa-unlock ng panayam.
08:34Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadulion, respondent ang dalawa sa bagong reklamo kaugnay sa flood control project na ipinasano ombudsman sa DOJ.
08:45Dumating din sa DOJ si NBI Acting Director Angelito Magno.
08:49Sa isang panayam, sinabi niyang pwedeng umalis ng NBI si Sara Diskaya.
08:53Kusang nagpunta si Diskaya sa NBI noong nakaraang linggo matapos i-anunsyo ni Pangulong Buongmong Marcos na inaasahang ilalabas ang arrest warrant laban sa kanya.
09:03Since wala pang warrant of arrest, we cannot legally hold her.
09:10Isiserve natin yung warrant sa kanya.
09:12So if ever it will come out, we will serve the warrant, she will be booked, fingerprinted, photographed and then we will return the warrant.
09:20Sa Independent Commission for Infrastructure, humarap sa pagdinig, si Aga Partylist Representative Nicanor Briones na ayon sa mag-asawang Diskaya ay humingi umano ng 10-25% na komisyon.
09:33Pumiling si Briones na executive session.
09:35Kung why would you have a flood control project pag sa Partylist niyo? Why would you have that?
09:40Okay na, okay.
09:42Sabi naman po niya lahat na siya ay walang kinalaman at wala siyang alam sa lahat ng mga naging aligasyon lahat sa kanya.
09:48Ito ay lahat lahat.
09:49Partylist siya, kailangan talaga niya?
09:52Wala-wala po siyang flood control.
09:54As in never?
09:56Wala po.
09:57Para sa GMA Integrated News, ako si Brunadette Reyes, ang inyong saksi.
10:07Kahit maulan ngayong araw, may mga hindi nagpapigil mamili ng mga patok at murang panregalo sa Divisoria.
10:12Pero ngayon pong nagsisitaasa ng presyo na mabilihin, kaya pa nga bang mamigay ng regalo?
10:19Pinusuhan po yan sa Barangay Saksi ni Mark Salazar.
10:22Bukas na ang simula ng simbang gabi, ang siyam na araw na tradisyong bahagi na ng Paskong Pilipino.
10:33Pero para sa mga hindi uubra sa schedule ang madaling araw na misa, may anticipated mass naman sa mga piling simbahan,
10:40kaya sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno sa Quiapo, Maynila tuwing 7pm at 8pm.
10:49Kalakip ng malalim na pananampanataya, may baong ding hiling ang mga dumalo.
10:54Sa paniniwalang matutupad daw ito kapag nakumpleto ang siyam na novi na mass.
10:59Ganyan din ang paniniwala na ilang magsisimba sa St. Peter Parish sa Commonwealth Quezon City.
11:06Maging maayos yung pamumuhay namin sa buong pamilya namin and then lalong-lalong na po yung health po ng magulang namin.
11:14Lalong-lalong na po yung ate ko po. May bago po siyang journey sa ibang lugar naman po.
11:21Sa sarili ang maging RMT po, medtech po.
11:26Pag stress po sa mga homework po, seed work, ganyan po.
11:30Lagi po kong humingi ng gabay ng tulong kay Lord.
11:33At binibigyan naman po niya sa akin yung mga hinihiniling ko po.
11:38Si Luz Corpus sa halip na humiling, nagpasalamat na tapos na ang kalbaryo ng kanyang asawa.
11:45Maayos ang kanyang paglisan.
11:47Although there are some konting nahirapan siya sa dialysis.
11:54But eventually, I know he is now with the Lord.
11:59And I thank the Lord for that.
12:01My husband came back to the Lord kasi hindi siya pala simba.
12:08But eventually, nung ano na.
12:11Isa pang tradisyon ng exchange gifts tuwing Pasko.
12:15Pero sa mahal ng bilihin ngayon, kaya pa bang mamigay ng regalo?
12:19Yan ang mga itinanong namin sa mga kapuso online.
12:23Sagot ng isa, hindi na raw kaya.
12:25Mas kiregalo para sa mga anak.
12:28Hanggat maaari ay matugunan na lang ang kanilang pagkain.
12:31Sabi na isa pa, kulang at wala na raw paghanda sa Pasko.
12:36Biro ng isa pa, kapugian lang ang meron sininong.
12:40Pagmamahal lang daw ang kayang ibigay ng isang netizen.
12:43Sabi rin ng isa pa, hindi matutumbasan ng kahit anong halaga
12:47ang pagmamahal sa mga anak o asawa.
12:50Kung merong ekstra, why not?
12:52Sabi ng isa pang comment.
12:54Pero kung wala, sana raw ay maintindihan si na tito, tita, ninong at ninang.
12:59Sabi ng isa pa, paghihirapan daw na makapagbigay lalo na sa mga deserving.
13:05Pinagipunan naman ang isa pang netizen ang mga iregalo niya sa mga inaanak at pamangkin.
13:10Sabi ng isa pa, sana ay ma-appreciate at hindi raw laitin ang mga inihanda niya para sa pamilya.
13:16Kahit medyo mahirap nga, especially now na na-expose din tayo sa mga corrupt, yung ganang issue.
13:29Pero ayun pa, nagbibigay pa rin naman pa.
13:32Also, to those people that are not fortunate enough to celebrate din this Christmas, kahit konting tulong, I mean, this, parang kahit konti siya, this could help people din.
13:48Basta pag Pasko po, hindi makakalimot na.
13:50Pinaglalaanan naman po, pag-iipunan bago pa man din damating yung Pasko para masihan yung mga bata.
13:56Once a year po nangyayari.
13:58Sa mga inaanak, sa mga kasambahay, it's about time naman na bigyan sila ng pamasko po.
14:08Yung material po, yung magagamit nila sa baby tapos sa relatives po.
14:19Sa Divisorya, hindi napigil ang malakas na ulan at maputik na kalsada ang ilang namili ng pangrigalo.
14:25Ayon sa mga tindera, patok ngayong taon sa Divisorya ang mga pink nails, padlock, notebook, cute bags,
14:33mug sa tumblers, espada, mga kotse, at syempre, hindi mawawala ang mga damit.
14:39Mas priority talaga yung kids kasi di ba Christmas is for kids talaga.
14:42Gusto namin silang bigyan ng memory na kapag Christmas, special.
14:46May mga namimili na rin ang pangnoche buena sa isang grocery.
14:50Baka magtaas, and at the same time yung bulk of bibili, syempre mahaba na yung pila.
14:56Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
15:03Labing-aning mapatay sa pamamaril na mag-ama sa isang Jewish festival sa Sydney, Australia.
15:08Kinilala rin ang kabayanihan ng isang lalaki matapos niyang dambahin ang isa sa mga government at agawin ang baril nito.
15:15Ating saksihan.
15:21Nagkakasihan pa ang mga tawang ito sa Bondi Beach sa Sydney, Australia noong linggo.
15:25Nasa isang libong dumulo sa unang araw ng hanong ka na isang Jewish festival.
15:29Pero maya-maya.
15:33Umaling-aunggaw ang sunod-sunod na putok ng baril at sigawan.
15:40Napakaripas ng takbo ang mga tao.
15:42May mga nagtago sa tabi ng hagdan o kaya sa likod ng mga upuan.
15:47Pati ang mga sakay ng isang bus na payoko sa loob sa takot na matamaan ng bala.
15:51Sa di kalayuan, tanaw ang dalawang namamaril na nakasuot ng itim at nakapwesto sa isang tulay.
16:00Sa kuha ng drone, makikita na isa sa mga gunmen ang nakahilata na.
16:04Habang ang isa, nakikipagpatentero pa sa mga pulis hanggang sa mapahiga siya.
16:08Sa tala ng mga otoridad, labing-anim ang nasawi sa pamamaril.
16:12Kabilang dito ang 50-anyos na suspect.
16:14Ito na ang pinakamalalang mass shooting sa Australia sa loob ng halos 30 taon.
16:19Apat na po naman ang sugatan at dinara sa ospital.
16:22Nagpapagaling din sa ospital ang isang residente na kinilalan si Ahmed Al-Ahmed.
16:26Itinuturing siyang bayani matapos niyang dambahin ang isa sa mga gunmen at agawin ang baril nito.
16:31May tama sa braso at kamay si Al-Ahmed.
16:34Batay sa embestigasyon, mag-ama ang nasa likod ng krimen ay tinuturing ng polisya na terrorist incident.
16:39Pinuntahan ng mga otoridad ang bahay ng mga suspect.
16:42Ayon sa mga polis, mula pa noong 2015, may lisensyang humawak ng baril ang nakatatandang suspect.
16:48Anim ang rehistradong armas niya.
16:50Kasunod ng trahedya, nangakong gobyerno ng Australia na hihigpitan at rerepasuhin ang kanilang gun laws.
16:57Panawagan naman ng Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, aksyonan ang nangyari.
17:13Lubos naman ang pagdadalamhati ng mga hudyo sa iba't ibang panig ng mundo.
17:17Nag-ali ng mga bulaklak ang mga residente sa Australia.
17:20Nagkaroon naman ng candlelight vigil ang mga Israeli.
17:25Kinundi na rin ang ilang world leaders ang nangyaring mass shooting.
17:29Para sa GMI Integrated News, ako si Rafi Tima ang inyo.
17:33Saksi!
17:35Posible pang bumaba ang temperatura sa mga susunod na araw ayon sa pag-asa.
17:39Sa La Trinidad Benguet na itala ang pinakamababang temperatura para sa amihang season sa bansa.
17:45Bawat po yan sa 13.9 degrees Celsius.
17:47Patuloy namang naka-a-apekto sa bansa ang shearline, amihan, at east streets.
17:53Hindi rin inaalis ang posibilidad na may mabuong bagong low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility sa mga susunod na araw.
18:01At base po sa datos ng Metro Weather, umaga palang bukas, maulan na sa Northern Luzon.
18:06At meron rin kalat-kalat na ulan sa Bicol Region, Mindoro Provinces, Palawan, ilang bahagi ng Samar at Leyte Provinces, Zamboanga Peninsula, Caraga at Davao Region na magpapatuloy hanggang sa hapon.
18:18Mas marami na rin uulan yung probinsya sa Mindanao.
18:22Sa Metro Manila, may chance pa rin maulit ang mga pagulan bukas.
18:28Maring ikinundin na ng National Maritime Council ang pambubomba ng tubay ng China sa mga manginis ng Pilipino sa Eskoda Shoal.
18:36Sa bahagi po ng Abad Santos Shoal naman, ilang beses pang hinabol at hinarang ng China Coast Guard ang barko ng Philippine Coast Guard.
18:43Saksi si E.J. Gomez.
18:49Tila binagyo ang bangka ng mga manginis ng Pilipino nang pasukin ito ng tubig habang nangingis na sila sa bahagi ng Eskoda Shoal sa West Philippine Sea hapon nitong biyernes.
19:04Pero hindi bagyo ang dumaan.
19:07Hindi malakas na bomba ng tubig mula sa China Coast Guard vessel.
19:11Ayon sa Philippine Coast Guard, dalawang bangka ang tinamaan.
19:14Isa raw sa mga ito na puno ng tubig na posibleng ikasira ng engine nito.
19:19Tatlong manginis da ang nagtamon ng suga, galos at gasga sa iba't ibang parte ng katawan.
19:24What the Chinese Coast Guard did, basically endangered the safety of our Filipino fishermen.
19:30They were subjected to water cannon attack and dangerous blocking maneuver.
19:35This was done by China Coast Guard 21559 and 21562.
19:40Ayon sa PCG, unang beses ito na direktang tinarget ng China ang mga Pilipinong mangingisda.
19:46Mariinkino din na ng National Maritime Council ang ginawa ng China.
19:50Yung nangyari sa squad ay talagang malapitan at direkta.
19:54Kaya nasugatan ang tatlo nating mangingisda at nakasira ng kanilang mga sasakyan pangisda.
20:00Kaya nga tayo po ay nababahala at kinukundi na ang pangyayaring ito.
20:04Kumakala pa rin ang formal report para maging batayan ng DFA sa pagkahain ng DFA ng diplomatic protest.
20:11Bukod sa mga mangingisda, hinaras din ang China ang mga barko ng PCG na nagpapatrolya sa West Philippine Sea.
20:18Pagdating namin noong biyernes sa Abad Santos Shoal, na 30 nautical miles ang layo sa Eskoda Shoal,
20:23tatlong barko ng CCG ang agad namataan ng PCG.
20:27Dahil dito, kaya di natuloy ang planong salubungin ng PCG.
20:30Ang dalawampung Filipino fishing boats, nahatiran sana ng tulong sa Abad Santos Shoal.
20:35Dumiretsyo na lang pa Eskoda Shoal ang ilang mangingisda at doon na sumunod ang Coast Guard mag-aalas 2 ng hapon.
20:42Pero ang barko ng China nagkat sa daraanan ng barko ng Philippine Coast Guard at dumikit ng hanggang 300 yarda na lang.
20:50Tatlong beses ding nag-radio challenge ang China Coast Guard.
21:00You do not possess any legal authority to patrol within the Philippines Exclusive Economic Zone.
21:06You are directed to depart immediately and notify us of your intentions.
21:11Mag-aalas 5 ng hapon, muling namataan ang barko ng China.
21:14Hinabol nito ang barko ng PCG sa kanang bahagi nito.
21:18Hanggang sa ikat nito, ang Philippine Coast Guard na napilitang huminto.
21:24Sabado pagsikat ng araw ay nadagdagan pa ang barko ng China.
21:27Bukod sa apat na barko ng PCG, meron ding isang Chinese Militia Vessel.
21:32Pasado alas 7 po ng umaga ngayong Sabado, December 13 na makita na po namin itong mga FFVs o Filipino Fishing Vessels sa pagbalik po namin dito sa Abad Santos Shoal.
21:42Dalawang po yan na FFVs na bibigyan po ng supplies ng Philippine Coast Guard.
21:46Habang abala sa pamamahagi ng tulong ang Philippine Coast Guard, dalawang Chinese aircraft ang nagpaikot-ikot sa himpapawid.
21:53Pagsapit ng hapon, inilunsad naman ang Philippine Coast Guard ang Islander 251 para sa Maritime Domain Awareness Flight nito sa bahagi ng Abad Santos Shoal.
22:03Mag-aalas 7 po ng umaga ngayong linggo, December 14, sa pag-andar po ng sinasakyan namin PCG Vessel.
22:09Dito po sa vicinity ng Abad Santos Shoal ay nakalalapit po itong China Coast Guard Vessel na 23520 nang aabot po sa tinatayang 200 meters.
22:19Kung aatras po itong PCG Vessel ay aatras din po itong CCG Vessel.
22:23Talaga pong malapitang minomonitor ng CCG.
22:27Ito pong PCG.
22:27PCG.
22:28Ayon sa Chinese Embassy, basis sa magkahihwalay na pahayag ng People's Liberation Army at CCG,
22:34gumawa sila ng hakbang para mapaalis ang maliit na aircraft at vessels ng Pilipinas
22:39na iligal umanong pumasok sa Sabina o Escoda Shoal at Scarborough Shoal o Bajo de Masinlok.
22:45Pero muling giit ng ating gobyerno, walang karapatan ang China sa West Philippine Sea.
22:50Iligal ang kanilang presensya sa Escoda Shoal at walang silang karapatang legal base sa international law na magpatukpar ng tinatawag nilang control measures.
23:01Ang kanilang presensya sa Shoal ay nagpapahihwating pa din ang kanilang ambisyon na sakupin at angkinin ng kabuhuan ng South China Sea.
23:11May kasama na din dito ang West Philippine Sea na ang Pilipinas lang ang may tanging angking soberanya, karapatang soberanya at jurisdictions.
23:21Pagsisiguro ng PCG, katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno ay di patitinag ang Pilipinas sa anumang pangaharas ng China.
23:29Ang ating Philippine Coast Guard, despite of our limited assets, we're going to strategically deploy our vessels in those areas na alam natin pinupuntahan ng ating mga maingistang Pilipino.
23:40And despite of the bad weather condition, the harassment, the bullying na ginagawa ng China Coast Guard sa ating mga mas maliliit na Coast Guard vessel,
23:50it will not prevent us in ensuring the safety and security of our Filipino fishermen.
23:54Mula sa West Philippine Sea at para sa GMA Integrated News, ako si EJ Gomez, ang inyong saksi.
24:01Pirag-iisipan na isang health advocate na idulog sa Cortes Suprema ang birabatikos ngayong medical assistance to indigent and financially incapacitated patients.
24:12Ayon kasi sa ilang kritiko, tila naging pork barrel ito dahil sa paggamit ng guarantee letter mula sa mga politiko.
24:18Ayon raman kay Senate President Tito Soto, nais nilang ipaalis na ang mga guarantee letter.
24:23Saksi si Mav Gonzalez.
24:53Ang Pilipinong indigent o financially incapacitated na hindi kaya magbayad sa ospital.
24:59Pwede itong gamitin sa inpatient at outpatient services, comprehensive check-up, dialysis, gamot at professional fees ng doktor.
25:07Hawak ng Department of Health ang pondo ng MIFIP.
25:09Pero sa mga nagdaang taon, lumaganap ang paggamit ng guarantee letters o GL mula sa mga politiko gaya ng mga senador at kongresista na nangangangakong bibigyan nila ng tulong medikal ang isang pasyente.
25:22Karaniwang susulat o pupunta sa opisina ng politiko ang nanghihingi ng GL.
25:27Hindi yan pork barrel.
25:29Hindi namin niya alaw magkakaroon.
25:31Mga hip pork barrel, medical assistance, diretso.
25:34Magatmaaring alisin namin ng GL-GL.
25:37Pero sa mga magigusistema...
25:39Diretso na sa DUH at Diretso na pili yun kung pangin.
25:41Ang plano dito sa mga inyo, i-allow ito sa mga private hospitals.
25:46Para pwede mag-private hospital ang mga indigent patients.
25:50Lahat na may hirap pwede accommodate sa mga private hospitals.
25:54Pero para sa ilang taga-civil sector, walang ibang muka ang MIFIP kundi pork barrel.
25:59Sabi ni Cardinal Pablo Virgilio David sa kanyang open letter sa mga senador at kongresista,
26:04gumaga na raw kasi ang MIFIP sa pamamagitan ng guarantee letter system
26:08kung saan makakakuha lang ng tulong kung may endorsement letter mula sa politiko.
26:13Hindi na raw karapatan ang healthcare, kundi patronage system na ginagawang utang na loob ang karamdaman.
26:20Ang health advocate na si Dr. Tony Liachon,
26:22pinag-iisipan ng ireklamo ang MIFIP sa Korte Suprema sakaling palusutin ito ng kongreso.
26:27Niloloko nila tayo eh. Sinasabi nila, hindi pa daw kumpletong healthcare system.
26:32Kailangan daw may ma-IPIP.
26:34Eh di tama na ngayon.
26:35Pagka naibigay lahat nyo yung bayad sa PhilHealth,
26:38eh systematic na yan. Sa hospital na lang tayo magkakaintindihan.
26:42Para yung mga pasyente natin, hindi nagkakalat just to get the guarantee letters.
26:47Namamalimus tayo, nangungutang tayo, nagmamakaawa tayo.
26:51Hindi dapat ganyan.
26:52Meron tayong anti-patronage special provision doon na bawal ang politiko sa distribution,
26:59bawal ang politiko sa mga implementation.
27:03In fact, i-a-amend pa namin yung anti-political patronage special provision,
27:07pati kamag-anak bawal. Bawal silang maglagay ng mga tarpulit.
27:11So meron kaming mga safeguards na hindi pwede i-politicize.
27:15Matapos ang matinding debate sa MIFIP,
27:17nilinaw ng DOH na bawal na talaga ang mga guarantee letter.
27:21Hindi rin daw kailangan ng GL para makakuha ng MIFIP.
27:25E sabi ng Supreme Court decision, dapat ang budget execution sa DOH lamang.
27:30Kaya aming ang sinasabi, kinokorekt namin, dapat hindi na siya GL.
27:35Dapat ituro na lamang ang pasyente papunta sa DOH hospital.
27:39Pagpumunta ho kaya dun sa malalaking level 3 hospitals na mga local government unit,
27:45ay hindi nyo na kailangan magpakita ng proof na indigent.
27:48Hindi nyo rin kailangan magmakaawa sa kahit si kinong politiko o kahit sa DOH.
27:52Basta nandun ho kayo sa LGU level 3 hospital, ward accommodation,
27:56bayad na ang bill mo.
27:58Para sa GMA Integrated News, ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
28:02Isang daan at apatnapot isang medalya na ang nakamit ng Pilipinas sa 2025 SEA Games sa Thailand.
28:11Base po yan sa huling tala sa opisyal na website ng SEA Games kanina po ang 10-15 ng gabi.
28:1725 na riyan ang ginto, at 36 ang silver, 80 ang bronze.
28:22Ang ibang panalo ng mga atleta Pilipino sa pagsaksi ni Jonathan Andal.
28:33Hiyawan ang Pinoy audience ng talunin ni Filipino tennis ace Alex Iyala
28:38ang Malaysia sa quarterfinals ng women's singles sa 33rd SEA Games sa Thailand.
28:43Straight sets win si Iyala, 6-3, 6-1.
28:46Very happy with the first round. Presented good challenges.
28:50Masaya ako sa crowd, madami nanonood. Maraming salawat sa support.
28:54Sa tennis mix doubles category, pasok sa semifinals si Iyala at Francis Cassie Alcantara.
29:01Dagdag naman sa gintong medalya ng bansa ang tagumpay ng Pinoy Olympian weightlifter na si Elrin Ando
29:07na nabuhat ang 229 kilograms para sa 63 kilogram event ng weightlifting.
29:12Wagirin ang ginto si Jones Eliabes Inso sa men's Wushu Taijikwan at Taijijan.
29:18Nagkamit din ang gold si Usain Loranya para sa men's 800 meter final.
29:23Si Usain ang ikatlong nagkamit ng ginto sa athletics team.
29:27Record-breaking din sa kasaysayan ng Philippine Sports,
29:30ang Philippine Judo team nang magwagin ang gold sa Judo Mixed Team event.
29:34Kauna-unahang ginto ito ng Pilipinas sa nasabing judo event.
29:37Apat na ginto naman ang nakuha ng team Pilipinas para sa practical shooting.
29:43Dahil yan, sa galing ni na Rolly Nathaniel Texon, Edsel Gino, Erin Matea Nicor at Genesis Pible.
29:51Kahapon, emosyonal backstage ang kauna-unahang Olympic gold medalist ng Pilipinas,
29:56ang weightlifter na si Heidelin Diaz.
29:58Bigo kasi siya makakuha ng medalya sa SEA Games ngayong taon, bagaman pang-apat siya sa ranking.
30:03Nag-sorry ako kasi I did not win any medal for the Philippines this SEA Games.
30:10May injury ako and nahihirapan ako mag-dropway.
30:13It's not a new excuse.
30:15But at the end of the day, hindi ako sumuko.
30:18Nag-prepare ako and I'm happy to represent our country.
30:22Mula rito sa Bank of Thailand,
30:24ako si Jonathan Andal ng GMA Integrated News at Philippine Olympic Committee Media.
30:28Ang inyong saksi!
30:30Sa salubuhin ng dagdag singil sa tubig ang mga consumers sa bagong taon.
30:35Para po sa mga customer ng Manila Water,
30:37halos 30 piso ang itataas ng singil sa mga kumakonsumo ng 10 cubic meters ng tubig.
30:42May hit 66 piso naman sa mga kumakonsumo ng 20 cubic meters.
30:47May hit 135 piso naman ang madaragdag sa January bill ng mga kumakonsumo ng 30 cubic meters.
30:54Sa Maynilad, may hit 5 piso ang dagdag singil sa mga kumakonsumo ng 10 cubic meters.
31:00At halos 20 piso para sa mga kumakonsumo ng 20 cubic meters.
31:05Habang halos 40 piso naman sa mga kumakonsumo ng 30 cubic meters.
31:10At sa Metropolitan Water Works and Sewerage System o MWSS,
31:13bahagi ito ng ika-apat na crunch ng rate rebasing o inapurubahang adjustment sa singil sa tubig
31:19bas sa gastos ng mga water concessionaires sa pagsasayos ng kanilang pasilidad.
31:26Nakunan sa dashcam video na ito ang biglaang pagbulusok at pagtawid sa kalsanda
31:31ng isang pampasaherong jeep sa binangon ng Rizal.
31:34Sumalpok ito sa isang multi-purpose vehicle o MPV.
31:38Nahagip din ang dalawang motorsiklo.
31:40At sa lakas ng impact, tumagilid ang jeep.
31:42Dead on the spot ang isang rider.
31:44Habang ang isa pang rider halos maputo lang paa.
31:47Sugutan din ang driver ng MPV at isang pasahero ng jeep.
31:51At sa polisya, nawalan umuno ng pleno ang jeep na papunta sanang ang uno.
31:56Naharap sa mga reklamo ang driver nito na nakukulong na sa binangonan.
32:00Wala pa siyang pahayag.
32:05Masayang nakabonding ni na AZ Martinez at River Joseph
32:09ang kanilang mga fans ngayong araw.
32:12Pinagbigyan pa nila ang hiling ng fans na mag-duet sila.
32:16Naging emosyonal din ang PBB Celebrity Collab 4th Placer Duo
32:20nang balikan nila ang kanilang mga pinagdaanan sa bahay ni Kuya.
32:24Muntik na nga hindi tumuloy si AZ sa fan meet.
32:28Matapos maospital dahil sa panghihina.
32:31Pero nang mabigyan ang paon ng lunas, dumiretso na agad si AZ sa fan meet.
32:35Mga kapuso, sampung araw na lang.
32:42Pasko na.
32:44Maraming salamat po sa iyong pagsaksi.
32:46Ako po si Pia Arcangel.
32:47Para po sa mas malaki misyon at mas malawak na paglilingkod sa bayan.
32:52Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Filipino.
32:56Hanggang bukas, sama-sama po tayo magiging Saksi!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended