Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:

GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00.
00:02.
00:04.
00:06.
00:08.
00:10.
00:13.
00:14.
00:18.
00:20.
00:22.
00:26.
00:28.
00:29.
00:55.
00:57.
00:58Emergency!
01:00Please go!
01:28Sinasal ba ng may-ari?
01:31Rumagasa ang baka ng umapaw ang Pongkot River na sumira sa katabing tiko.
01:37Malalim din ang tubig sa labas ng subdivision,
01:40gaya sa gasolinahan kung saan umakyat sa tanker ang isang empleyado.
01:45Para mailigtas ang sarili, inakyat niya rin doon ang kanyang pamilya, kabilang mga bata.
01:52Umakyat kami sa tanker, mga ganito na sir yung tubig, kasi galing kami sa opisina.
01:56Ang kanyang mister, inabot ng tubig sa daan, kaya't kumapit sa signage para hindi alurin.
02:03Saan kayo lumang biti nun sir? Turo mo nga sa akin. Siga, lika, sama mo ko.
02:08May ikita sa muna, sir.
02:11Dito po.
02:21Pagbupa ng tubig, naiwang balot ng puti ka mga kalsada at kabahaya.
02:26Alimoy, pinagpatong-patong na laroan naman ang mga inanod na sasakyan.
02:32Dalawang araw na ang lumipas pero bakas pa rin ang pinsala ng bagyo rito sa Liloam.
02:38Nagkalat ang mga debris ng mga nawasak na bahay.
02:42Nakahambalang pa rin ang mga nabual na puno at tumaob na sasakyan.
02:46Kita rin ang pinsala sa bumigay na dike.
02:48May mga hindi pa rin nakabababa mula sa bubong.
02:52Ba't hindi ko kayo mababa?
02:53Wala ng tubig pang muga sa paa.
02:55Ipinakita ng mga residente ang loob ng kanilang bahay.
02:59Ito's tubig.
03:00Ayun o yung linya.
03:01Ito po yung linya ng tubig.
03:03Mga kapuso.
03:04Ayan o.
03:05Pero higit sa pinsala sa ari-arian, dople ang dagok para sa mga namataya ng kaanak.
03:14Tulad ni Crisa na nakaligtas man, naulila naman sa mister at tatlong anak na edad, isa, tatlo at walo.
03:25Nasa wirin dahil sa bagyo ang kanyang ama at pamangkin.
03:28Hindi may paliwala.
03:30Sak.
03:31Nung nagising kami, palang ang baha.
03:35Walang minuto, umabot siya dito.
03:38Umakyat kami sa bubong.
03:40Tapos kumulaps yung building sa tabi namin.
03:45Tumama sa bahay na inakyatan namin, kumulapsed kami.
03:49Madamay kami.
03:51Tangay kami lahat.
03:52Nung narescue na kami, may nagsabi na may mga nakita doon.
03:56Nakita dito.
04:00Kumunta kami, naghanap.
04:01Kasabay ng paglaloksa, ang pag-aalala.
04:04Sa nawawala niyang ina, tiyakin at dalawang pamangkin.
04:08Hindi namin paalam paano magsimula.
04:12Wala ng bahay.
04:13Wala lahat.
04:15Wala pamilya.
04:17Kana may magpadala ng crane.
04:19Para mahukay.
04:21Kasi marami pang natabunan.
04:23Kanina, patuloy pa rin ang search and retrieval ng mga otoridad.
04:30Kasama po natin ngayon, ang mga taga Philippine Air Force.
04:33Ike-penetrate nila itong subdivision na ito sa liloan.
04:37Sa pagbabakasakali na mayroon pang pwedeng mailigtas,
04:40ma-isalba mo lang ang area na lubos na naapektuhan ng biglaang pagkasak.
04:47Hirap pa rin ang mga rescuer na galugarin ang lugar dahil hindi pa cleared ang mga kalsada.
04:53Sa isa pang subdivision, binalikan ng pamilya forces ang kanilang aso na naiwan sa bubong sa kasagsagan ng bagyo.
04:59Mga kapuso, bukod sa kuryente, tubig, pagkain at damit.
05:10Isa po sa mga ipinapanawagan pa ng mga residente ng subdivision na ito sa liloan, Cebu.
05:15Ang sana'y makapasok na ang ayuda.
05:19Pero meron hong problema dahil nakabara pa rin ang mga behikulo sa papasukan ng mga sasakyang medala ng tulong.
05:26Kaya isa ko sa mga gusto nilang mangyari rin sana.
05:29Ang maagang at mas mabilis na responde ng mga tow companies para maklear na ang kalsada papasok sa sentro ng residential area.
05:39Sa lusod naman ng Talisay, halos nabura na sa mapa ang mga bakay sa gilid ng ilog sa barangay Dublog dahil sa Bagyontino.
05:49Wala nang mapakinabangan muna sa mga bahay at ari-ariang inanod ng baka.
05:53Wala rin naisalbang gamit ang karamihan sa mga afektadong residente na nananatili muna sa gymnasium ng barangay hall at health center ng barangay Dublog.
06:03Pero hindi rin mailatag ang mga tent dahil puno ng puting asahig.
06:09Ang iba, naglatag muna ng sapin sa bleachers para may mahigaan.
06:15Sa Mandawi City, kung saan labindalawa na ang naitalang nasawi, bakas din ang naiwang pinsala ng bagyo.
06:21Kabilang sa apektado ang mga driver at konduktor ng dalawang bus na nalubog sa baka.
06:25Ang Samuala onta nga, bisag gamay nga ka ng ayuda lang, hinabang diba?
06:30Kami hindi may makapasalig nga makabihay may dayon.
06:34Kaya tukun po na sa pagkinabangay, pag ayuan ng mga sakyan na namutiha, malimpiuhan, nga makadagan mi.
06:41Sa Cebu City, nakukay na ang bangkay ng dalawa sa apat na magkakaanak na natabunan ng landslide sa barangay sa Pangdako.
06:50Patuloy ang search and retrieval operation sa dalawang biktima.
06:54Nagsagawa na rin ng clearing operation ang mga tawa ng Coast Guard sa mga naibang basura at debris sa palengke ng Consolation Cebu.
07:01Puspusan din ang search, rescue at retrieval operation sa iba pang lugar sa Cebu.
07:06Nagsasagawa rin ng clearing operation para maalis ang mga umambalang sa daan.
07:11Patuloy rin ang pamamahagi ng tulong para sa mga nasalanta.
07:14Ang ilang pribadong ospital sa Lalawigam nag-aalok na rin ng libring konsultasyo para sa mga nasalanta at binaha.
07:23Pia ang pondo naman na nirelease ng Office of the President.
07:31Inaasahan ng mga kababayan nating naapektuhan na makakatulong sa kanila at madaraman nila sa lalong madaling panahon.
07:39Live mula rito sa Cebu City, ako si Emil Sumangil.
07:43Ang inyong saksi!
07:44Nakaranas po ng pambihirang lakas ng pagulan ang maraming lugar sa Visayas.
07:50Noon pong kasagsagan ng Bayong Tino.
07:52Ayon niyan sa pag-asa.
07:54At base sa inilabas nilang datos, lumagpas sa critical level ang naitalang pagulan.
07:59Sa ilang lugar doon, mula po alas 8 na umaga noong November 3 hanggang alas 8 na umaga noong November 4.
08:05Sa barangay Bagakay sa Toledo City, naitala ng pag-asa ang 428mm na ulan.
08:11300mm naman sa barangay Ilihan sa Toledo City pa rin.
08:15At take 183mm ng ulan sa Danao City at sa Mactan Synoptic Station.
08:22Nagbigay rin ng pagtaya ang pag-asa sa posibleng ibuhos na ulan ng tropical storm sa labas ng Philippine Area of Responsibility
08:29na tatawagin bagyong uwan sakaling pumasok sa PAR.
08:34So ngayon ang initial estimate po natin, posibleng mabot ng more than 200mm sa kainandalang ulan nito,
08:40lalong-lalong sa mga lugar na posibleng nasa direct path ng sentro nito.
08:45Yung pinakamalapit sa sentro, inaasahan po natin na mas maraming pag-ulan.
08:49But as you move away from the center, inaasahan natin na probably mag-range ng 100 to 200mm supreme
08:58yung ilang bahagi naman ng ating bansa sa mga darating na araw.
09:01Inilahad po ng ilang residente sa Negros Occidental kung paano muntik na silang malunod
09:07noong kasagsagan ng bagyong tino.
09:09Patuloy po ang paghana para sa mahigit 50mm nawawala.
09:12At mula sa Bacolod City, saksila si Aileen Pedreso ng JMA Regional TV.
09:18Aileen?
09:18Tia, umabot na sa mahigit 130,000 ang apektado ng pananalasan na bagyong tino sa Negros Occidental.
09:30Sa La Carlota City, halos lahat ng barangay binaha.
09:33Ilan sa mga biktima, sinalaysay ang naging mapait na karanasan sa bagyo.
09:38Tambak na mga kahoy at puno ang nakahalo sa halos abot bubong na baha sa barangay Roberto Salas Benedicto sa La Carlota City, Negros Occidental.
09:53Kita ang isang sasakyang inanod ng baha.
09:55Napaupo na lang sa bubong ang mga stranded na residente.
09:58Ang pananalasan ng bagyong tino, nag-iwan ang malaking pinsala sa lugar.
10:03Lubog sa baha ang mga gamit ng mga residente.
10:05Ang bahay ni Nanay sa lumi, pinasok ng tubig.
10:08Muntik din daw siyang malunod.
10:10Pamuyo ko kay ninyo.
10:11Pagamuyo ko sa ginuong, makasurvive ko niyo.
10:14Ginhapo ko, kani-defoko.
10:15May ganda lang, basaka sa babaw.
10:18Pero ang pamangki ni Johnny, tuluyang naanod ng baha.
10:21Subo lang, iti nag-sturyana.
10:22Ipag kami pag-alim mo.
10:24Iti subo again, subo again, subo again.
10:27Itiway ang tamay mo, batonong talaga.
10:29Ayon sa CDRRMO, labing apat na barangay sa La Carlota City ang apektado.
10:35Dako uginang halit sa mga panimalay.
10:38Ubraho ng tanan na matatapan ang mga pumuluyo sa La Carlota.
10:43Nagsagawa naman ng search and rescue operation ng Philippine Coast Guard sa bayan ng Hinigaran.
10:48Nasa limampung indibidwal ang nailikas sa barangay Bato.
10:52Narecover ng PCG ang apat na bangkay.
10:55Dalawa dito ay mga nasawing bata.
10:57Sa buong Negros Occidental, maygit 130,000 na indibidwal ang apektado.
11:02Ayon sa PDRRMO, apat tapot apat ang namatay dahil sa bagyo.
11:06Limamput tatlo ang patuloy na nawawala.
11:08May mga gin-deploy na mantangas search and rescue teams.
11:12Nag-deploy mantakliring team.
11:13Kung nagbulig sa atin ma-LGU, so far subong ito nga mga main roads, accessible naman.
11:20Nabalot naman ng takot ang pamilya ni Aling Roslin dahil sa hagupit ng bagyo sa Iloilo.
11:26Nangangamba kasi sila na gumuho ang bahagi ng lupa sa labas ng kanilang bahay.
11:30Talbaan mga misire eh.
11:32Kaya dine kayo mag-aturo.
11:33Paya subong sa sala na kami subong maturo.
11:36Kaya nadlok na mabas eh.
11:37Dalo mga mag-dalo mga buo.
11:39Ayon sa mga opisyal ng barangay, na-report na nila ito sa lokal na pamahalaan.
11:44Sa inisyal na imbisigasyon ng Santa Barbara MDR-RMO, soil erosion, ang maaring dahilan ng pagguho.
11:50Base may nag-cause nga nag-leak ang lupa sa likod ng slow protection.
11:57So ang leak nga ito, kung may buho ito yan sa dalom,
12:01ang mga ito nag-cause nga nagsigisigi nga nag-erode ang lupa sa likod ng slow protection.
12:05Sa ngayon, nakatakdang magpulong ang LGU at DPWH Inuilu 4th District Engineering Office para masolusyonan ito.
12:13Sa bayan ng Leganes, sinira ng bagyo ang bahay ng pamilyang ito.
12:17Ako lang naman misagay makasma mo.
12:20Wala akong walaan ba na?
12:22At yung bata ko isa disabled pa na.
12:25Hindi makasad ko na ang inulod na ko na yung putangan ko parang nakidong kami bala.
12:30Ito yung super sakit man ko.
12:31Sa datos ng Leganes MDR-RMO, mahigit 1,500 bahay ang napinsalan ng bagyo.
12:3852 sa mga ito ang tuluyang nawasak.
12:41Sa datos ng RDR-RMC Region 6, mahigit 200,000 pamilya o mahigit 700,000 individual
12:47ang apektado ng pananalasan ng bagyo sa Western Visayas.
12:51Hangin did. Mabaskog ang hangin.
12:53In fact, kadamag, ito sa mga nagkala-aplooted ng mga kahoy.
12:57Iba ng mga century old trees pa because kabaskogon sa hangin.
13:00At nagsasagawa ng aerial assessment ang RDR-RMC Region 6 para makita ang lawak ng pinsala.
13:07Area sa ang sigma, tumambusaw, endao, flooded sa gihapon, some parts of the highway.
13:14Kagmakita man sa footage ang atong inspeksyon,
13:17nagdaw dagat ang atong mga kahumayan, ang farmlands na itong bigtunga area.
13:22Sa ngayon, nagpaabot na ng tulong ang DSWD Region 6 sa mga apektadong pamilya.
13:27Pia, dito sa Bacolid City, unti-unti nang bumabalik ang supply ng kuryente,
13:36pero problema pa rin ang pagkain at tubig, lalo na sa mga nananatili sa mga evacuation centers sa mga oras na ito.
13:44Mula dito sa Bacolid City, Aileen Pedreso ng Jemmy Regional TV, ang inyong saksi.
13:49Nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng State of National Calamity
13:54kasunod ng panalasa ng Bagyong Tino at bilang paghahanda sa Bagyong Uwan na posibleng maging super typhoon.
14:01Magitlabin 3 milyong piso ang naitalang halaga ng pinsala sa agrikultura.
14:06Batay po yan sa datos ng Department of Agriculture mula sa Western at Eastern Visayas.
14:11Saksi, si Marie Zumali.
14:13Malakas ang agos ng tubig pero di nagpatinag ang mga tauhan ng Philippine Coast Guards sa Puerto Princesa City sa Palawan,
14:23bahagi yan ng rescue operations sa barangay Lukbuan sa kasagsagan ng Bagyong Tino kahapon.
14:30Isa pang nakaranas ng matinding pagbaha ang bayan ng Rojas.
14:33Kabilang sa nasalantang pamilya Condes na namatayan ng isang baka at labing isang kambing,
14:39umapaw ang ilog at inabot ng baha ang lugar kung saan nila inilikas ang mga alaga.
14:45Sa lawak ng pinsalang iniwan ang Bagyong Tino,
14:48hindi nakaligtas maging ang sektor ng agrikultura kabilang ang panginisda.
14:52Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tulaurel Jr.
14:55Nasira rin maging ang ilang high-value crops.
14:58Buti na lang daw ay naani na ang malaking porsyento ng palay.
15:01We're already almost 90% harvested all over nationwide.
15:05Ang sugar may tama ng konti due to flooding and it's very unusual nga na naging flooded areas yun sa negros.
15:14Mas malaki yung tama sa high-value crops in isolated places.
15:18Pero ang mas nasalantarao ay ang mga palaisdaan at mga gamit na mga namamalakaya.
15:22We are also ready to deploy yung mga Bureau of Fisheries vessels to assist them and rebuild their vessels
15:30and yung kanilang mga bigay ng fishing gears, mga payaw.
15:34Minomonitor na rao ng DA ang mga presyo ng produktong pangagrikultura sa mga rehyong pinakapektado.
15:40255 million pesos na halaga ng agricultural inputs ang handa rao ipamahagi ng DA sa mga magsasaka at mangingisdang na salanta.
15:47It covers yung seeds, fertilizers, fingerlings, some pesticides, fishing gears para sa mga fisher folks natin and mga gamit pang bangka.
16:00May survival and recovery loan program tayo, 25,000 pesos, loanable amount, payable in 3 years para nga maka-replant sila, makabangon.
16:12Tutulong din ang Department of Agrarian Reform.
16:14Farm to market roads, yung mga irrigation at namibigay din kami ng mga farm machineries and equipment.
16:23Kami na ang nagsisilbing middlemen ng mga agrero reform beneficiaries.
16:28Mahigit sa isang billion na ang amount na binibili ng mga malalaking ahensya ng gobyerno.
16:40Makatutulong din ang nila ang dalawang executive order na efektibo na ngayon.
16:44Ang executive order 100 na nagtatakda ng floor price ng palay o pinakamababang presyo nito para hindi bagsak presyo at di malugi ang mga magsasaka.
16:53Yung EO 100, the setting of the floor price definitely helps yung sitwasyon ng ating mga farmers dahil ngayon may reference price na na kailangan sundin.
17:04Gayun din ang executive order 101 na ganap na magpapatupad ng Sagip Saka Act.
17:10Now with the Sagip Saka Act, kahit na ang LGU pwede nang bumili ng palay direkta sa mga magsasaka.
17:18Ang national government na wala ng public bidding.
17:23Mapipilitan ngayon ang trader na sumabay.
17:26Dahil may inaasahan pang susunod na bagyong paparating, nakatutok at inaabangan din daw ng Department of Agriculture at iba pang ahensya ng pamahalaan ang posibleng maging epekto nito.
17:37Utos sa kanila ni Pangulong Bombong Marcos, mag-deploy ng mas maaga para handa sila.
17:42At paalala pa raw ng Pangulo, expect the worst but act immediately.
17:46Nag-deklara na si Pangulong Bombong Marcos ng State of National Calamity kasunod ng pananalasan ng Bagyong Tino
17:54at bilang paghahanda sa Bagyong Uwan na posibleng maging super typhoon.
17:59Dahil may State of Calamity, mas mabilis ang paglalabas ng pondo para sa mga nasalanta.
18:04Kasabay niyan, naglabas ang Pangulo ng P760M mula sa kanyang opisina para sa halos 40 lokal na pamahalaan na apektado ng Bagyong Tino.
18:14Pinakamalaki ang matatanggap ng Cebu, Capiz, Surigao del Norte, Iloilo, Buhol at Negros Occidental na TIG-50M.
18:22TIG-40, TIG-30, TIG-20, TIG-10 at TIG-5M naman sa iba.
18:28Para sa GMA Integrated News, ako si Mariz Umali ang inyong Saksi.
18:33Patuloy po ang paglapit sa Philippine Area of Responsibility ng bagyong may international name na Fulwong.
18:40Ayon sa pag-asa, huli itong namataan sa layong 1,570 km silangan ng northeastern Mindanao.
18:46Habang papalapit sa Pilipinas, ay posibleng lumakas ito at maging super typhoon.
18:51Basa pa rin, sa huling forecast ng pag-asa, posibleng pumasok sa PAR ang bagyo bukas ng gabi o sabado ng umaga.
18:58At pagpasok sa bansa, tatawag na itong bagyong uwan.
19:02Posibleng maramdaman ang bagsik nito sa sabado ng gabi o sa linggo.
19:06Posibleng kumilos ito, pahilagang kaluran at babaybayin ang lalawin na Isabela o Aurora.
19:12Maripong maapektuhan ang Corduliera Administrative Region, Cagayan Region, Ilocos Region, Central Luzon, Metro Manila at Southern Luzon.
19:19May panganib din ang malalaking alon at storm surge na pwedeng umabot ng lagpas 3 metro o lagpas siyam na talampakan.
19:28Sa nakatakdang pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos sa Cebu bukas,
19:32planong idulog ni Cebu Governor Pam Baricuatro ang issue ng mga proyekto kontrabaha sa lalawigan.
19:40Saksi, si Ian Cruz.
19:45Nilunod ng baha ang maraming lugar sa Cebu at maraming sa binagyo ang kinailangang i-rescue sa mga bubungan.
19:52Meron pa mang mahigit apat na raang flood control project noon na ginastusan ng halos 27 billion pesos.
20:02Panawagan ni Cebu Governor Pamela Baricuatro.
20:05Imbesigahan kung saan napunta ang pondo para sa flood control project.
20:10Discussed with President Marcos regarding sa katong kanyang 26 billion funds din.
20:16Para na ako, it's not enough na resilient ang mga Cebuanos.
20:22Justice has to be also looked into.
20:25Nga nung nahitabu ni Karun.
20:27Tagaan tagjustis siya ang mga Cebuanos.
20:31Nga nung nahitabu ni Nato Karun, kanyang flash flood rin sa toang province.
20:35Ginisita ni Public Works Secretary Vince Dizon ang mga lunsod ng Talisay at Mandawi sa Cebu kahapon.
20:42Hindi raw kinahaya ng mga dike at revetment ang malaking tubig na bumuhos.
20:48Sabi ni Dizon, di sapat ang mga flood control projects lalo sa may Mananga at Butuanon River.
20:55Dalawang rivers ang may, ang ano, ang tagagang umapaw ng todo-todo,
21:00yung Mananga River na nag-originate sa mga bundok sa Cebu City pababa ng Talisay
21:07at yung Butuanon River nanggagaling din sa mga bundok sa Cebu City pababa naman papuntang Mandawi.
21:16So yung mga nakita nating mga grabing pinsalang dinulot dun sa dalawang ilog na marilaki.
21:23Kung titignan sa isumbong mo sa Pangulo website, may labing siyam na flood control projects sa Mananga River
21:29na nagkakahalaga ng 2 billion pesos.
21:33Lahat dapat tapos na base sa date of completion.
21:37Ang Butuanon River naman, may labing pitong flood control projects na may halagang 1.4 billion pesos.
21:44Ang dike can only take you so much.
21:48Ibig sabihin, pag normal na baha o normal na ulan, okay, kaya ng dike yan.
21:53Pero yung mga ganitong klaseng mga once in 20 year na bagyo, eh hindi kaya yan.
21:59Puro dike, puro revetment.
22:01Ang problema, hindi lang yun ang flood control.
22:05Ang isa sa mga pinaka-importanting flood control,
22:07eh yung pagkukontrol nung daloy ng tubig na nanggagaling sa upstream ng isang ilog, pababa.
22:15Yun ang wala.
22:16Sabi rin ni Dr. Maharlagmay, Executive Director ng UP Resilience Institute and NOAA Center,
22:22hindi dike ang solusyon sa baha.
22:25May mas efektibo at murang solusyon kontra baha,
22:29lalo na ang nararanasan lamang minsan sa isang buhay.
22:34Panghuling konsiderasyon nga raw ito.
22:36Una, dapat daw maibalik ang forest cover na nawala nitong nagdaang dalawang dekada.
22:42Dapat magkaroon ng retention basin na pwedeng imbaka ng tubig.
22:46Dapat may flow-through o maraming mini dams.
22:49Dapat may mga rainwater harvesting.
22:52At mga pumping station para mailabas kaagad sa ilog, papunta sa dagat ang tubig.
22:57Yung dike na yun, magiging mas efektibo pa kasi nabawasan na yung baha.
23:02So yung ngayon na palaging dike, mas malaki na yung baha,
23:05eh aapaw.
23:06Pero kapag in-exhaust mo muna, ginamita mo muna ng paraan,
23:11naglagay ka ng mga iba-ibang mga solusyon, patong-patong na solusyon,
23:15tsaka ka magiging isip ng dike.
23:17Para maging efektibo siya, mas mura at mas sustainable.
23:21Sabi ni Dizon, sa inisyal na nakita nila, papalo sa 50 billion pesos ang flood control project sa Cebu mula taong 2016 hanggang 2025.
23:32Ang Cebu Province ay kalawang probinsyang may pinakamaraming flood control project sa bansa base sa isumbong mo sa Pangulo website.
23:40Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
23:47May bagong asunto ang kakaharapin ng mga dating DPWH engineer na si Henry Alcantara, Bryce Hernandez at JP Mendoza.
23:54May kaugnayan pa rin ito sa mga anomalya sa proyekto kontrabaha.
23:58Saksi si Joseph Moro.
23:59Panibagong reklamo ang kinakaharap ng mga dating DPWH engineer si Henry Alcantara, Bryce Hernandez at JP Mendoza sa Department of Justice kanina.
24:12Naghahain ang Bureau of Internal Revenue ng reklamon tax evasion at iba pang paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997
24:19na may parusang kulong na pwedeng umabot sa sampung taon.
24:23Ayon sa BIR, nagsagawa sila ng lifestyle checks sa tatlong dating opisyal at siniyasat ang kanilang financial transactions, mga ari-arian, business interests at tax returns.
24:33Natuklasan ang BIR na kumikita umunong mga ito sa kickback sa mga ghost flood control project at pinapapalitan umunong pera para sa casino chips.
24:42Matatanda ang kasama si Alcantara, Hernandez at Mendoza sa binansagang BGC Boys sa Bulacan Group of Contractors
24:49na big time umunong magpatalo sa sugal at gumagamit pa ng mga alias sa mga kasino.
24:54So itong pera po na dinadalo na sila sa kasino is intentional po to launder the money, the money that they received from the kickbacks,
25:02parang hindi siya ma-ma-design. Ganun po yung ginawa nila.
25:05Mukhang yan ang parang opinion nung nagkaroon ng pagdinig dyan sa Senado.
25:10So hindi natin masabi kung ano talaga ang totoong intention but as far as we're concerned,
25:16kahit ano pa ang intention niyan ay may liable na sila for tax evasion dahil whether yan ang purpose niyan
25:25o kung ano man niya, hindi na importante yun dahil ang importante meron silang perang ganyan.
25:30Bukod pa yan sa mga mamahaling sasakyan at iba pang ari-arian na hindi raw tugma sa deklaradong pinagkukunan nila ng income.
25:37Ang titignan lang talaga natin kung tugma ba ang mga revenues sa mga ginagasos at mga ari-arian nila
25:44at kung hindi nagbayad ng tamang buwis ay yan ang ahabulin natin.
25:48Nagdag ng BIR aabos sa 1.6 billion pesos ang kabuang buwis na kanilang sinisingil,
25:54903 million pesos kay Alcantara, 593 million pesos kay Hernandez at 180 million pesos kay Mendoza.
26:01Para yan sa mga taong 2020 hanggang 2024.
26:04Ang tax evasion kasi is kriminal pero iba yung tax liability nun.
26:09So kunyari sabihin na natin na ma-acquit sila, it doesn't mean na hindi na hindi yan kailangan bayaran.
26:14As far as the tax liability is concerned, ngayon pa lang sisingilin na namin yan.
26:22Ayon sa abugado ni Hernandez at Mendoza, wala pa silang kopya ng reklamo.
26:26Handa raw silang saguti nito sa tamang forum.
26:29Hinihinga namin ang pahayag si Alcantara.
26:32Hiwalay pa yan sa rekamendasyon ng Independent Commission for Infrastructure sa Ombudsman,
26:37nakasuhan ng graph, malversation of public funds at iba pa,
26:40ang mga opisyal ng DPWH Bulacan First District Engineering Office
26:44sa pangungunan ni dating District Engineer Alcantara.
26:47Gayun din ang kinatawa ng kontraktor na Top-Notch Catalyst Builders Incorporated
26:52at Beam Team Developer Specialist Incorporated na si Alan Payawal na nameki-umano
26:57ng mga dokumento ng proyekto.
26:59Kaug na yan sa flood control project sa Barangay Bangbang, Bambu, Kawi, Bulacan
27:03na nagkakahalaga ng 95 million pesos at idineklaran tapos itong Enero.
27:08Ayon sa Commission on Audit, wala namang naitayong struktura sa sinabing lokasyon.
27:13Hinihinga namin ang pahayag ang mga inerekamendang kasuhan ng ICI.
27:17Ayon kay ICI Chairman, Retard Justice Andres Reyes Jr.,
27:21wala pa silang nakitang koneksyon ng mga mamabatas sa proyektong ito
27:25kaya puro kontraktor at engineer ang inerekamendang kasuhan.
27:28There is definitely a connection, but we still have to establish the connection.
27:35Hindi naman pwede may gawin yung DPWs na walang nagbigay ng kontrata or project.
27:43Referral.
27:43Hindi po nila sinabi sa ICI kung sino yung nagbutas sa kanila.
27:48Hindi, nagbigay sila mga pangalan.
27:51But hindi lahat siluto.
27:54O baka yun lang alam nila.
27:55I don't know if there will be the holding or what.
27:58Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong ang inyong saksi.
28:02Sumabog ang kwatsang yan sa New York City sa Amerika.
28:10Nagmulang apoy sa sunog mula sa mga basura na kumalad sa mga sasakyan.
28:14Ayon sa New York City Fire Department, pitong bumbero ang nasugatan.
28:18Lima po sa kanila ang nagtamon ng paso sa muka at mga kamay.
28:21Bumagsak ang isang cargo plane sa International Airport sa Louisville, Kentucky sa Amerika.
28:28Kakatekof pa lang ng aeroplano noon na papunta sana sa Hawaii.
28:32Labing dalawa ang patay habang labing isa ang nasugatan sa disgrasya.
28:36Ayon sa mga otorida doon, nakuha na nila ang black box mula sa aeroplano para sa gagawing imbestigasyon.
28:48Napuno ng kilig ang fan meet ng mga dating TVB housemate na sina Will Ashley at Bianca De Vera.
28:55Hiyawan ang mga tagahanga, lalo na nang umakit sa stage ang Wilka,
29:00kasama ang Ben and Ben.
29:02Nag-perform din si Matt Lozano.
29:09Nakilahok si na Will at Bianca sa isang acrobat show.
29:15Sobrang thankful talaga sa iyong pagmanghalo at support.
29:18Sana huwag kayong magsawa.
29:20Thank you. This is a dream come true for both Will and I.
29:24Talagang pinasayang yung mga puso namin.
29:28Nakilala po ng Jimmy Integrated News,
29:30isang isang Pilipino na nakakuha ng scholarship sa Busan, South Korea
29:33dahil sa pagkahilig sa K-pop at K-drama.
29:37Sexy si Bernadette Reyes.
29:39Proud 100% Pinoy si Ruth Lin,
29:54nakabase sa Busan, South Korea sa nakalipas na mahigit dalawang taon bilang estudyante.
30:00At all expense paid ha,
30:02ang scholarship ni Ruth Lin dahil sa pagkahilig sa K-pop at K-drama.
30:07Kasi nga fan ako. Gusto akong ma-experience na kung paano ba mamuhay dito sa Korea.
30:13Tapos, ayun, sa kakasearch ko, nakakita ko ng,
30:17uy, may fully funded na scholarship.
30:19Wala akong kailangang bayaran.
30:21Pati may allowance ako monthly.
30:23Mayroon din akong mga,
30:24um, yun sa dorm.
30:26Nagma-master siya ng film production sa isang university sa Korea.
30:34Bata pa lang daw,
30:35hilig na ni Ruth Lin magsulat ng kwento
30:37at sa pamamagitan ng fully funded na scholarship,
30:41natututunan niya ang best practices ikangan ng mga Koreans
30:44pagdating sa production ng K-drama at Korean movies.
30:48Makikita mo din kung paano sila gumawa,
30:50especially ako sa production ngayon.
30:53Paano mag-isip yung mga writers, yung mga professors.
30:57Nakikita mo ngayon kung ano yung difference
30:59from the Philippines and Korea.
31:02So, ikaw na ngayon yung para magiging bridge.
31:05Ayon sa Department of Foreign Affairs,
31:08umaabot sa 70,000 ang bilang ng mga Pilipino
31:11na naririto sa South Korea.
31:14Dumaan rin daw sa adjustment period si Ruth Lin.
31:17Pero sa tulong ng Pinoy scholar sa Korea,
31:20naging mas madali daw ang bagong buhay.
31:23Kaya tumutulong naman si Ruth Lin
31:24sa kapwa Pinoy na nais mamuhay o mag-aral sa Korea
31:28sa pamamagitan ng kanyang K-vlogs.
31:30Ang kailangan nyo talagang i-prepare doon is yung essay.
31:33Kasi doon sila usually nagbe-base kung tatanggapin ka.
31:36Dahil sa Pinas,
31:37ang ginagawa ko din before is
31:39nag-photographer po ako sa mga concerts,
31:42sa mga K-pop concerts,
31:43nagsusulat din ako ng articles sa mga websites,
31:46sa mga magazines.
31:49So I think advantage din siya.
31:52And at the same time,
31:53parang lahat ng extracurricular activities ko
31:56is related sa Korea.
31:58Lagi rin nakakadalo si Ruth Lin
32:00sa events at concerts
32:01ng mga paborito niyang Korean artists,
32:04kabilang ng Super Junior Day 6 at 17.
32:08Eh sino naman kaya itong opa
32:09na nagpakilig kay Ruth Lin?
32:11Si Ichemin.
32:13Siya yung vida sa Bon Appetit, Your Majesty.
32:17Pumunta ko doon sa fan meet niya last week.
32:20Kamusta?
32:21Ah, ang guapo!
32:23Pwedeng kiligit.
32:25Ayan tapos may high-buy session.
32:28So doon sa high-buy session yung talaga yung parang
32:30ang lapit ko sa kanya.
32:32K-pop,
32:33doon ka?
32:34K-pop,
32:35doon ka?
32:36Doon ka?
32:36Doon ka?
32:36Doon ka?
32:36Doon ka?
32:36Doon ka?
32:37Doon ka?
32:38Doon ka?
32:39Para sa GMA Integrated News,
32:44Bernadette Reyes,
32:45ang inyong saksi.
32:47Salamat po sa inyong pagsaksi.
32:49Ako po si Pia Arcangel
32:51para sa mas malaki mission
32:52at sa mas malawa
32:53na paglilingkod sa bayan.
32:56Muna po sa GMA Integrated News,
32:58ang News Authority
32:59ng Filipino.
33:00Hanggang bukas,
33:02sama-sama po tayong magiging
33:03saksi!
33:04Mga kapuso,
33:09maging una sa saksi.
33:10Mag-subscribe sa GMA Integrated News
33:12sa YouTube
33:13para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended