- 2 months ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
đ
NewsTranscript
00:30Sa halip na kumutitak, nag-apoy at pumutok pa ang ilang palamutim pampasko sa munisipyo ng Subic Zambales.
00:45Ayon sa ilang saksi, nagka-spark muna bago nasunog ang mga linya ng pailaw. Agad naapula ang apoy.
00:53Ayon sa BFP, may nag-loose na connection ng mga wires sa breaker kaya ito nag-spark at nasunog.
01:00Karaniwang mitya ng pagkasunog ng Christmas decor ang Christmas lights.
01:04Kaya ang Department of Trade and Industry nagpaalala na siguruhin lehitimo ang kalidad na mga bibiling ilaw pampasko, lalo na kung dekuryente.
01:14Tiyaking mayroon itong Philippine Standards Mark, OPS at ICC Mark.
01:20Pagpili ng dekalidad na Christmas lights din ang paalala ng Bureau of Fire Protection.
01:25Huwag magpipid sa Christmas lights. Para sigurado lang daligtas ang lahat at hindi pa tayo makadamay sa ibang pamahayan.
01:33Maging mainga, lalo na kapag luma na ang mga ilaw.
01:36Nung nabili yan last year pa, not everyone has a good storage.
01:41So, yung iba ang napapansin namin, for example, marami na siyang mga cobweb, marami ng mga dust.
01:49And these are very combustible.
01:51Gusto ko na masigurado ko na safe ang members ng aking pamilya, then I will not be using it anymore.
01:57Sabi ng BFP, dapat hindi babad sa paggamit ang Christmas lights at huwag hayaang nakasindi kapag matutulog na.
02:06Kung binabad na kasi natin yun and sumobra na sila sa ilang operating capacity,
02:12the tendency is umiinipin yung wire kasi that is a live current.
02:17Kung hindi natin pagpahingayin yun, it will come into a moment where yung nakakaroon siya ng overheating.
02:28So, mas maganda ka talaga kung bigyan ng breeder.
02:31For example, 4 hours, pagpahinga ng 1 hour or 2 hours.
02:36Ugaliin ding huguti nito mula sa saksakan sa tuwing aalis ng bahay.
02:41Maari hindi natin alam kung anong nangyayari sa loob ng bahay.
02:44Kung maulanan, mainam na obserbahan kung magkakaproblema kahit pa sinasabing all weather o pwede ito sa ulan.
03:06Panawagan naman ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ngayong Pasko
03:11Ipakita ang pagmamahal hindi lang sa kapwa, kundi sa kalikasan.
03:17Iwasang lagyan o balutin ang Christmas lights sa mga puno na maaaring makasakal sa mga ito.
03:24Ang mga kable at plastic na bahagi ng mga dekorasyon, maaari raw magdulot ng impeksyon na baka ikamatay ng puno.
03:31Maaari rin daw makaistorbo ang liwanag sa mga ibon, insekto at iba pang hayo na naninirahan sa puno.
03:41Para sa GMA Integrated News, ako si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.
03:47300,000 piso ang alok na pabuya para mahanap ang nasa likod ng pagpatay sa isang dating barangay kagawad sa Pateros.
03:54At sa Quezon City, arestado ang dalawang nag-away sa Quirino Highway dahil umunong sa onsehan sa droga.
03:58Saksi si Bamalegre.
04:28Onsehan sa iligal na droga.
04:31Tulang umano ng droga, nagbibisikleta, habang parokyano niya ang nakaangkas sa motorsiklo.
04:35Si suspect number one, pinuksan niya yung nakabalot na pinangbayad.
04:40Doon, napownout niya na yung laman pala ng hindi pera, kundi puro mga dyaryo.
04:44Narecover ng mga otoridad ang mga piraso ng dyaryo na dapat sanay ang 15,000 piso pambayad sa droga.
04:50Gayun din ang 25 gram ng shabu na nagkakahalaga ng 170,000 pesos.
04:56Pero giit ng 24 anyo sa suspect, hindi niya alam na shabu ang dala niya.
05:00Hindi ko naman ho talaga galing sa akin yun sir, na ipaabot lang din ho talaga sa akin.
05:06Wala rin po ang ka-IDID na ganang pa rin laman nun sir.
05:09Iginiid din ng isa pang suspect na hindi niya alam na dyaryo at hindi pera ang ipinabot umano sa kanya.
05:14Wala ka po talaga sa kong alam dun eh.
05:16Sa mama lang din po, hindi ko po, wala po ang alam.
05:19Napagalaman ang polisya na dati nang may record sa iba't ibang kaso ang dalawa.
05:23Mahaharap sila sa patong-patong na reklamo.
05:26Sa Paneros naman, nakuhanan ng CCTV ang pagsunod ng Riding and Tandem sa dating kagawad sa Barangay San Pedro na si Mark Herman Tanya.
05:33Kita sa isa pangkuhan ng CCTV kung paano naghintay ng matagal ang dalawa.
05:37Wala sa Paneros, sa kanto na ng Barangay Ususan sa Taguig, nakabutan ng Riding and Tandem si Tanya at doon na raw siya binaril.
05:44Nakita namin, nakadapa na, nakadapa na.
05:48Tapos, kahit na rin tumawid na ka na sir?
05:50Kamuda siya.
05:51Pawi siya galing sa amin at may sumunod sa kanyang motor.
05:56Ang kwento ay sinipa siya, sinipa ang motor, nagawang bag bagatapos, saka siya binaril.
06:07Dad on arrival sa ospital ang biktima.
06:09Tinangay pa ng mga salarin ang bag ng biktima na naglalaman ng kinita ng family business nila na litsunan.
06:15Kinuha rin daw ang motorsiklo niya pero iniwan ito sa di kalayuan.
06:18Pinagahanap pa ang mga salarin at inaalam ang motibo ng krimen.
06:22Ayon sa kaanap ng biktima, robbery ang isa sa mga anggulong tinitignan.
06:26Wala raw kaaway ang dating barangay kagawan.
06:28Kapatid ko, very active siya sa community.
06:31Out of pocket niya kinukuha yung mga gastusen para sa barangay.
06:37Kahit sa mga liga, siya yung nagsusponsor.
06:42Ang lokal na pamahalaan ng patero.
06:43Nag-alloc ng 300,000 pesos na reward money sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa kaso.
06:49Para sa GMA Integrating News, ako si Bama Legre, ang inyong saksi.
06:54Isang patay at labinsyam ang sugataan sa salpukan ng pampaserong bus at trailer truck sa Star Tollway sa Ibaan, Batangas.
07:01At batay sa embisigasyon na wala ng kontrol sa manibela ang driver ng truck,
07:05matapos umunong pumutok ang gulong nito pasado alas gis ng umaga kanina.
07:10Nagdere-derecho ito sa kabilang linya at doon na sumalpok sa bus.
07:14Isinugod sa ospital ang lahat ng sakay ng bus kabilang ng isang senior citizen na Australia National.
07:20Nasa wikalaunan ang driver ng bus.
07:23Hawak na ng matulidad ang driver ng truck na wala pang pahayag.
07:29Nasunog ang isang bodega na naglalaman ang mga paputok sa Negros Occidental.
07:33Doon daw kasi iniimbak ang mga paputok na hindi na gamit noong nakaraang pagsalubong sa bagong taon.
07:39Saksi si June Penelacion.
07:44Magkakasulod ang putok mula sa bahay na yan sa barangay Canboros sa Binalbagan, Negros Occidental kagabi.
07:52Kasabay nito ang nagangalit na apoy.
07:54Base sa investigasyon ng BFP, nangyari ang sunog sa bodega ng bahay na napagalamang may mga nakaimbak na paputok.
08:01Aabot sa mahigit, 200,000 piso ang halaga ng pinsala at iniwan ang sunog.
08:17Mahigpit na paalala ng BFP, bawal bagimbak na mga paputok, lalo na sa loob ng bahay.
08:23Tinaiting din ang PNT anti-cybercrime grupo ACG.
08:29Ang panguhuli sa mga nagbebenta ng mga paputok online mula probisya hanggang Metro Manila.
08:34Makinig ka muna. Ikaw ay may karapatan ng parangay.
08:39May karapatan sa puniti ng doktor na maging physical examination sa'yo.
08:47Kung wala ang pagayahan ma'am, hindi ang mga maglalaan ka.
08:51Nangindigahan mo ang karapatan mo?
08:54Usama natin na lamang magkatalama tayo ng karakterin.
08:57Sa pitong operasyon mula Oktubre, sampu ang arestado at mahigit 2,000 paputok ang nakong piska.
09:04Post ito sa social media account nila sa Facebook, sa mga other platform din.
09:11But, siyempre, madali natin itong makita.
09:14So, marami na tayong active cyber partners at meron na tayong mga support group na they also provide information in case na meron mga online selling.
09:25Mas aktibo ang pagbubantay ng ACG sa internet dahil naasang marami pa ang magdibenta habang papalapit ang Pasko at bagong taon.
09:34Dagdag pa ng ACG, lahat ng klase ng paputok, maliit man o malaki, ay bawal ibenta online.
09:41Wala pang pahayag ang mga naaresto.
09:43Sinampahan sila ng reklamang paglabag sa Republic Act 7183,
09:48an act regulating the sale, manufacture, distribution, and use of firecrackers and pyrotechnic devices,
09:56kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
10:00Kinumpirba rin ang polis siya na meron silang minomonitor ng mga paputok.
10:04Na may kakaibang pangalan, tulad na lang ng Diskaya at Zardico.
10:09Tila nakikiride sa kontrobersya sa flood control projects.
10:12Meron kaming ng monitor kaya ito ay tinututoka natin.
10:15Ang DILG at BFP, naghahanda na rin para sa holiday season.
10:20Ilulusan ng BFP ang off-land paalala iwas paputok.
10:23Isang nationwide campaign para maibsalang fire hazards.
10:28Nakakibat ng papaputok.
10:30Naka-full alert na lang ng BFP.
10:32Simula December 23 hanggang January 1, 2026.
10:37Para sa GMA Integrating News,
10:39Ako si Jun Veneracion ang inyong saksi.
10:42Pumiling na executive session si Presidential Sun at House Majority Leader Sandra Marcos
10:52sa kanyang pagharap sa Independent Commission for Infrastructure o ICI.
10:57Tinanggihan naman ni Davao City 1st District Paulo Duterte ang imbitasyon na ICI.
11:01Saksi si Joseph Moro.
11:06Sa halip na i-livestream na uwi sa executive session
11:09ang pagharap ni Presidential Sun at House Majority Leader Sandra Marcos
11:13sa Independent Commission for Infrastructure o ICI.
11:16There may be critical information that may be elicited from his testimony
11:20which may jeopardize or compromise further investigation of this commission.
11:24We grant your request so we will adjourn this session and go into executive session.
11:31Pero humarap si Marcos sa media pagkatapos ng executive session.
11:35Itinanggihan ni Marcos sa mga aligasyon ni dating Congressman Saldico
11:38na nagdawid sa kanya sa umano yung may insertion na mahigit 50 billion pesos
11:43sa 2023, 2024, at 2025 budget.
11:46I did not do any such a thing.
11:49Kung nakikita niyo po yung listahan, may mga project dyan sa Davao City nakalagay.
11:54Nakalista sa Davao City.
11:56Eh, alam naman natin sino nakatira dun.
11:58Ba't ba ako maglalagay ng projects dun?
12:00Dagdag ni Congressman Marcos nasa ICI na kung gusto nitong imbestigahan
12:04ang kanyang amang si Pangulong Bongbong Marcos.
12:07Naunin ang pinaratangan ni Coe ang Pangulo na nasa likod umano
12:10ng 100 bilyong pisong insertion sa budget.
12:13I don't want to speak on behalf of the ICI.
12:15Ayon naman, kay outgoing ICI Commissioner Rogelio Singson
12:18hindi sapat na basihan ang mga video ni Coe para ipatawag si Pangulong Marcos.
12:23Inulit ni Singson ang imbitasyon ng ICI kay Coe na tumistigo kahit pa online.
12:28Ang dami niyang ang sinabi eh.
12:31Pero ano'y basis nun?
12:34Pwede ganun-ganun na lang pa.
12:36Again, that's what happened in the Senate.
12:38Nagpanggit ng mga pangalan, isang katero ba?
12:41When we started interviewing those that were mentioned,
12:45talagang wanang koneksyon.
12:48For either it was highly politically motivated or some other reason, we don't know.
12:54Stress at pamilya ang idunahilan ni Singson sa pagbibitiw niya sa pwesto.
12:59Bagamat hanggang December 15 pa siya opisyal na bahagi ng ICI.
13:03Kung kakailanganin daw siya nito, ay handa pa rin siyang tumulong.
13:06Ayon kay Singson sa kasalukuyang forma ng ICI.
13:09Kulang talaga ang kapangyarihan nito.
13:11Kaya nanawagan siya sa kongreso na ipasa ang UNIA upgraded na versyon ng ICI.
13:17Kung sakali, dapat ang mga maging miembro nito ay mga retired justice o mambabatas.
13:21We were absorbing a lot of the flak for something that we have no power to do.
13:29Pakulong niyo yan, yung kurakot.
13:31Wala naman kami ang power na magpakulong.
13:35O di, sino'n sinisig?
13:38ICI.
13:39Ang bagal niyo.
13:41You must be protecting the big fish.
13:43You must be protecting somebody.
13:45So binato na lahat sa ICI.
13:47Lumabag ka sa gera, solving mo yung problema, hindi ka naman binigyan ng karumas.
13:52Inimbitahan ng ICI si Davao City First District Representative Paulo Duterte,
13:57pero tinanggihan nito ang imbitasyon ng komisyon.
14:00Kung inestiyon ni Congressman Duterte ang horisdiksyon ng komisyon sa kanya,
14:04sabay giit na vego malabo ang imbitasyon nito.
14:07Dapat daw si Pangulong Marcos, kanyang pamilya,
14:10at si dating Speaker Martin Romualdez ang imbestigahan ng ICI
14:13dahil sa mga isinawalat ni Co.
14:15Ginagamit daw ng administrasyon ng ICI bilang political weapon
14:19para ilihis ang atensyon ng publiko
14:21at pahinain ng pamilya Duterte bago ang eleksyon sa 2028.
14:26Tanong naman ni Act Teacher's Party List Representative Antonio Tino,
14:29bakit biglang dinagasi pulong?
14:31Hindi ani nasapat ang mga general denial
14:34at kailangang samagot siya sa mga tanong
14:36tungkol sa paggastos ng pondo sa kanyang distrito.
14:40Nauna ng pinimbestigahan ni Tino sa ICI
14:42ang listahan ng 80 proyekto sa distrito ni Duterte
14:45na nagkakahalaga ng 4.4 billion pesos
14:48mula 2016 hanggang 2022.
14:52Sagot naman ni Duterte Tino,
14:53hindi siya umatras.
14:55Sa halip ay umayaw raw siya sa palabas.
14:57Ayon naman sa ICI,
14:59igagalang nila ang posisyon ni Congressman Duterte,
15:01pero malinaw raw ang kanilang mandato na imbestigahan
15:05ang mga infrastructure project ng gobyerno
15:07at lahat ng responsable dito.
15:09Tuloy raw ang trabaho hanggat hindi dinedeklaran ang korte
15:12na walang visa ang ICI.
15:15Para sa GMA Integrated News,
15:16ako si Joseph Morong,
15:18ang inyong saksi.
15:20Muli na namang sumampas
15:21sila ng 27 na piso
15:22ang palitan kontra dolyar ngayong araw.
15:24Ikapitong beses na itong nangyari ngayong taon.
15:27At noong November 12,
15:28naitala ang pinakamahinang level ng piso kontra dolyar.
15:31Ayon sa ekonomistang si Michael Ricafort,
15:34nangyari ang muling pagbaba ng halaga ng piso
15:36kasunod po ng sinabi ng gobyerno
15:38na hindi maabot ang target na paglaki ng GDP
15:41o Gross Domestic Product ngayong taon.
15:44Kung sakali,
15:45ito na magiging ikatlong taong
15:46hindi naabot ng Pilipinas
15:48ang target na paglago ng ekonomiya.
15:50Ayon kay Ricafort,
15:51posibeng maging pambawi
15:52ang inaasang pagdami ng remittances
15:54mula sa mga OFW
15:56ngayong papalapit ang Pasko.
15:58Pinaigting po ang pagbabakuna
16:00kontra rabies sa mga hayop sa General Santos City
16:03matapos magpositibo sa rabies
16:05ang isang tupa.
16:07Saksi,
16:07si Efren Mamak
16:08ng GMA Regional TV.
16:09Kakaiba ang galaw ng tupang ito
16:15habang nakatali sa puno ng isang farm
16:17sa barangay Tumbler, General Santos City.
16:20Kinabukasan,
16:21namatay na rin ito.
16:23Posibleng nahawaan daw ito
16:24ng tupang na unang namatay
16:25matapos magpositibo sa rabies
16:27noong Nobyembre.
16:29Naghatag ang RADDL
16:30o ngayong nagpositive na result.
16:33First time na dili sa iro
16:34sa karnero na ulo.
16:37Hinala ng City Veterinarian
16:39na kagat ng asong gala
16:40na may rabies
16:41ang tupang unang nagpositibo.
16:43Ang suspect na ako na syempre
16:44na ay stray dog.
16:46So usually diha mang ginagikan sa ila
16:48kayo siguro napaakan.
16:50Then after siguro 14 days
16:52na nai-sign kay observation
16:55na na po 14 days
16:56diha na mag-incubate.
16:57Kinuna ng City Vet
16:58ng blood samples
16:59ang mahigit 32 pa sa farm
17:01na hinihinala ring may rabies.
17:03Pagkatapos nito
17:04ay isininalim ang mga ito sa kaling.
17:07Sa tala ng City Veterinarian
17:09nasa 25 na ang naitala nilang kaso
17:11ng animal rabies.
17:13Sa buong bansa
17:14aabot naman sa 260
17:15ang kaso ng human rabies
17:17base sa datos
17:18ng Department of Health.
17:20Ayon sa DOH
17:21bukod sa aso at pusa
17:23maaaring magdala ng rabies
17:25ang iba pang uri
17:26ng mga hayop
17:26gaya ng paniki,
17:28baka,
17:28kabayo,
17:29kambing,
17:30unggoy at kalabaw.
17:32Para sa GMA Integrated News
17:33ako si Efren Mamak
17:35ng GMA Regional TV
17:37ang inyong saksi.
17:39Bumagal ang pagkilos
17:41ng bagyong Wilma
17:42habang lumalapit sa kalupaan.
17:44Signal number one
17:44sa timog na bahagi
17:45ng mainland Masbate,
17:47Northern Samar,
17:47Eastern Samar,
17:49Samar,
17:49Bilirat,
17:50Leyte,
17:51Southern Leyte,
17:52hilagang bahagi ng Cebu
17:53kasama ang Bantayan
17:54at Camotes Islands
17:55at ang Silangan
17:56at gitnang bahagi
17:57ng Bohol.
17:58Gayun din sa Surigao del Norte
18:00kabilang na ang Siargao
18:01at Bucas Grande Islands,
18:03Dinagat Islands,
18:04hilagang bahagi ng Surigao del Sur
18:06at hilagang bahagi
18:07ng Agusan del Norte.
18:09Huling namataan ang mata
18:10ng bagyo,
18:10500 kilometers,
18:12silangan ng Katarman,
18:13Northern Samar.
18:15Ang sa pag-asa,
18:16posibleng mag-landfall
18:16ang bagyong Wilma
18:17sa Eastern Visayas
18:18o Dinagat Islands
18:19bukas ng gabi
18:20o kaya sa Sabado ng umaga.
18:23At sulod nitong tatawirin
18:24ang iba pang probinsya
18:25sa Visayas
18:26at daraan
18:27sa Hilagang Palawan
18:28sa Linggod ng Gabi
18:29o sa Lunas ng umaga.
18:31At basta sa datos
18:32ng Metro Weather,
18:33umaga pa lang
18:34ay mataas na ang tsansa
18:35ng ulan
18:35sa Samar at Leyte Provinces
18:37at ilang bahagi
18:38ng Bicol Region.
18:39Pati na po sa Cebu,
18:40Bohol
18:40at ilang lugar
18:41sa Negros Island.
18:43May kalat-kalat
18:43na pag-ulan din
18:44sa Cordillera
18:45Administrative Region,
18:46Cagayan,
18:47Isabela
18:48at ilang bahagi
18:48ng Midulaw.
18:49At pagsabi ng hapon
18:50hanggang gabi,
18:52uulanin na
18:52ang iba pang bahagi
18:54ng bansa.
18:55At hindi rin po
18:56inaalis ang tsansa
18:56ng kalat-kalat
18:57na pag-ulan
18:58sa Metro Manila.
19:00Hiniinalang gumamit
19:01ng Artificial Intelligence
19:02o AI
19:03ang umano'y
19:04nagpanggap na opisyal
19:04ng San Lazaro Hospital
19:06para makapagnakaw
19:07umano ng 10,000 piso
19:09mula sa isang supplier.
19:10Saksi,
19:11Sivona Quino.
19:16November 5
19:17nang may tumawag daw
19:18sa hospital supplier
19:19na si Jonah Kali
19:20na nagpapakilalang
19:22sekretary umano
19:23ni San Lazaro Hospital
19:24Medical Center Chief
19:25Dr. David Suplico.
19:27Ang nagpakilalang sekretary
19:29ibinigay naman daw
19:30ang telepono
19:31sa nagpapakilalang
19:32Dr. Suplico
19:33na may alam
19:34sa kanila mga
19:34transaksyon sa ospital.
19:36Parang sa amin nga po,
19:38alam niya yung
19:38lahat ng information yan.
19:40Pero maya-maya
19:41iba na raw
19:42ang request nito
19:43sa kanila.
19:44Meron daw kasi
19:45ngayong project
19:47si DOH
19:49which is yun nga,
19:50yung nagko-collect
19:51sila ng funds
19:53para matulungan
19:54yung mga nasalanta
19:55sa Cebu.
19:57Ngayon daw,
19:57pinakontak nila
19:58yung mga suppliers
20:00ng
20:00bawat hospital
20:03para makapag-share
20:05para dun sa
20:06drive na ginagawa
20:07at fund raising
20:08na ginagawa nila.
20:10So kami po,
20:11para makatulong lang din
20:12by small amount,
20:13nagbigay kami
20:14ng 10,000.
20:16Tumawag daw ito
20:17ulit kinabukasan
20:18at nangyihingi muli
20:19ng pera.
20:20Kung pwede daw ba
20:21kami muna
20:22mag-abono ng cash
20:24na worth 50,000
20:25kasi daw yung
20:26isang supplier
20:27naka-check
20:29pa yung pera.
20:30Tapos once daw
20:31na na-intash
20:32na nila
20:32yung check
20:34ibibigay daw niya
20:35sa amin
20:35yung cash
20:36i-re-return niya.
20:38So nung time po na yun
20:39mas ano na
20:41dun na talaga
20:41pala nagtuta na po kami.
20:43Hindi raw muna
20:44sila nagbigay
20:45ng pera
20:45at sa halip
20:46ay tumawag
20:47sa kilala nilang
20:48staffie
20:48Dr. Suplico.
20:50Hindi naman na daw
20:51po niya
20:51talaga kilala.
20:53Tapos dun na po
20:53na ano na namin
20:54na may nagpapanggap
20:56nga talagang
20:57Dr. Suplico.
20:58Napansin din daw nila
20:59na tila gumamit
21:00ng artificial intelligence
21:02ang mga scammer
21:03para gayahin
21:04ang boses
21:04ni Dr. Suplico.
21:05Parang robot po
21:07na talagang
21:08scripted yung sinasabi niya.
21:10Kasi pag tumatawag siya
21:12may cut-off
21:13pang tatlong beses.
21:15Tapos
21:16gusto po kayong
21:17makausap ni Dr. Suplico
21:18tapos
21:19sasabi niya sa amin
21:205 to 10 minutes po
21:22may kausap lang
21:22sa other phone
21:24si Dr. Suplico
21:26ganyan.
21:27Tapos after
21:285 minutes
21:28natawag po talaga siya.
21:30Dahil sa nangyari
21:31agad na naglabas
21:32ng babala
21:33sa kanilang website
21:34ang San Lazaro
21:35Hospital
21:35at kinausap din nila
21:37ang kanilang mga
21:38doktor
21:38at medical staff
21:39para hindi
21:40mabiktima
21:40ng modus.
21:42Masakit sa loob ko.
21:43Ang tagal kong
21:44inaalagaan
21:45ang aking pangalan.
21:47Sa isang
21:47insidente
21:48madudungisan
21:49ang pangalan mo.
21:50Sinabi namin
21:51na ang hospital
21:52hinding-hindi
21:53hihingi
21:54ng pera
21:54para donasyon.
21:56Paglilinaw
21:56ng pamunuan
21:57ng San Lazaro
21:58Hospital
21:58bawal
21:59at hindi sila
22:00nagsosolisit
22:00ng pera.
22:01Kung meron
22:02naman daw
22:02gustong mag-donate
22:03sa hospital
22:03dapat gawin
22:04ang transaksyon
22:05dito mismo
22:06sa kanilang opisina.
22:07We need to issue
22:09a receipt
22:09for this donation.
22:11Kung may tumatawag
22:12sa inyo
22:12na nanghihingi
22:13ng pera
22:14ang aming hospital
22:16hindi po yan
22:17totoo.
22:18Pati ang iba
22:18pang hospital
22:19tulad ng
22:20Tondo Medical Center
22:21at Jose Arreyes
22:22Memorial Medical Center
22:23naglabas
22:24ng babala
22:25sa kanilang
22:25mga social media
22:26accounts
22:27at website
22:27laban sa mga
22:28gumagamit
22:29sa pangalan
22:30ng ospital
22:30at opisyal
22:31ng ospital
22:32para mag-solisit
22:33ng pera.
22:34Ganito rin
22:35ang nilabas
22:36na abiso
22:36ng ilang opisyal
22:37ng DOH
22:38laban sa mga
22:39gumagamit
22:40sa kanilang
22:40pangalan
22:40para mag-solisit
22:42ng pera.
22:43Pati ang
22:43Philippine Space Agency
22:44may kaparehong
22:45advisory.
22:46Hinikayat din
22:47ang mga ospital
22:48at ahensya
22:48ng gobyerno
22:49ang publiko
22:50na i-report
22:51sa kanilang tanggapan
22:52kapag nakaranas
22:53ng ganitong modus.
22:55Para sa
22:55GMA Integrated News,
22:57Von Aquino
22:57ang inyong
22:58Saksi.
23:03Bago po
23:04sa Saksi,
23:04nakauwi na sa
23:05Pilipinas
23:05ngayong gabi
23:06ang siyam
23:06na tripulante
23:07Pilipino
23:08ng MV
23:08Eternity Sea.
23:10Limang buwan
23:11na binihag sila
23:12ng grupong
23:13Houthi
23:13sa Yemen.
23:14At sa kanilang
23:15pagdating
23:15sa Naya Terminal 1,
23:16sinalubong sila
23:17ng mga opisya
23:18ng Department
23:18of Migrant Workers,
23:20iba pang ahensya
23:20ng gobyerno
23:21at ng kanika
23:22nilang mga kaanak.
23:24Saksi,
23:25si Bea Pinlak.
23:30Sakay ng eroplano
23:31ng Royal Air Force
23:33of Oman,
23:34lumapag sa
23:34Muscat Oman
23:35ang siyam
23:35na tripulanting
23:36Pilipino
23:37na limang buwang
23:38naging bihag
23:38ng grupong
23:39Houthi.
23:40Sinalubong sila
23:41ni Migrant Workers
23:41Secretary Hans
23:42Kakdak
23:43at Philippine
23:44Ambassador
23:44to Oman
23:45Raul Hernandez.
23:46Kinapaabot ko
23:47ang pasasalamat ko
23:48sa Sultanate
23:52of Oman.
23:53Ang namungunod
23:54ay ang Sultan
23:55Haitam Bintari.
23:57At sila po
23:58ay talagang
23:59kaibigan po
23:59ng Pilipino
24:01at lahat
24:02ng maaaring gawin
24:03para iligtas
24:03ang ating mga marino
24:05ay kanilang ginawa.
24:06They're all in good spirits,
24:08they're all in good health.
24:09Julio,
24:09ng palubugin
24:10sa Red Sea
24:11ang MV Eternity Sea.
24:12Ang Greek-operated
24:14na cargo ship
24:14kung saan
24:15nagtatrabaho
24:16ang mga tripulante.
24:17Kwento ng mga tripulante,
24:19hindi nila inasahang
24:20makakalaya sila
24:22kahapon.
24:23Kahit pa paano
24:24ay pilingin na naman
24:25sila makit
24:25ng pagprato
24:26sa loob na limang buwan.
24:28Sabi nila
24:29ay merong chance
24:30ng kanilang
24:31magpapauwi
24:32pero hindi nila
24:32inasahan na
24:33kayong mangyari.
24:34Pagdating sa hotel
24:35sa Muscat,
24:36nagkaroon
24:37ng pagkakataon
24:38ng mga tripulante
24:39na makatawag
24:40ng libre
24:40sa kanilang mga pamilya.
24:41Ang unang beses
24:43na nakausap nila
24:44ang mga ito
24:45mula nang mabihag sila
24:46ng grupong huthi.
24:48Ayon sa DMW,
24:49tatanggap ng tulong
24:50pinansyal
24:51ang mga tripulante
24:52at tulong mula
24:53sa ibang ahensya.
24:54Salamat tayo sa TSA
24:55kasi syempre
24:57naiwala nila
24:58sa barko
24:58yung mga travel documents
25:00sila
25:00kasi lumubog yung barko.
25:02So,
25:02ngayon nabihin
25:03ng witness ko mismo
25:04ang magpapasinaya
25:05niyang pangasal
25:06o na ulang
25:06magbibigay sa kanila
25:08ng travel documents
25:09sa New York
25:09their passport.
25:10Sa ulat
25:11ng mga
25:11international news agency,
25:13bukod sa mga Pinoy,
25:15isang Russian
25:15at isang Indian
25:16national
25:17ang pinakawalan din
25:18ng mga huthi.
25:19Apat sa
25:20dalawamputlimang
25:21sakay ng barko
25:22ang nasawi
25:22sa pag-atake.
25:24Ayon sa DMW,
25:25posibleng sa linggo
25:26maiiwi ang labi
25:27ng isang tripulante
25:28ng MV Eternity Sea
25:30na nasawi.
25:31Para sa GMA Integrated News,
25:33ako si Bea Pinlock
25:34ang inyong saksi.
25:37Mga kapuso,
25:38dalawamput isang araw na lang
25:39Pasko na
25:40at hindi po papatalo
25:42ang mga dekorasyong
25:43pang Pasko
25:44sa ilang lugar
25:44na bukod po
25:45sa sari-sari
25:46ang kulay
25:46at tema
25:47abang
25:48tambuhala pa
25:50ang laki.
25:51Gaya po sa South
25:52Cotabato
25:52kung saan ginawang
25:53inspirasyon
25:54ang mga iconic landmarks
25:55sa iba't-ibang bansa.
25:57Saksi,
25:58si Jamie Santos.
26:01Leaning Tower of Pisa
26:03ng Italy,
26:04Pyramid ng Egypt,
26:06Estatua ng
26:06Christ the Redeemer
26:07ng Brazil,
26:08at Sky Tower
26:09ng New Zealand.
26:11Tampog sa
26:11Kasadya Christmas Festival
26:13sa Suralia,
26:14South Cotabato.
26:15Ang mga tanyag
26:16na landmark
26:17mula sa iba't-ibang bansa.
26:18Puno ng mga ilaw
26:20at dekorasyon
26:21na patok
26:21sa anumang generasyon.
26:26Merry na rin
26:27ang Pasko
26:28sa Libungan,
26:28Cotabato,
26:29kung saan
26:30nagbukas na
26:30ang isang
26:31Christmas pasyalan.
26:34Nagliwanag
26:35ang paligid
26:36ng munisipyo
26:37dahil sa
26:37Christmas Village
26:38na may tema
26:39ang Candyland.
26:40Di naman patataig
26:44ang Candy Wonderland
26:45na basyalan
26:46sa Iligan.
26:47Ang kanilang
26:48Christmas Village,
26:49pastel colors
26:50ang mga disenyo.
26:51Meron din silang
26:52giganteng Christmas tree
26:53at kung Belen
26:54inspired ang arko
26:55sa Iligan.
26:58Life-size Belen
26:59naman ang
27:00tambog
27:00sa dinalubihan
27:01patakana.
27:02Nasa ilalim yan
27:03ang giant Christmas tree
27:05na pinainawan
27:05kasunod ng dula
27:07tungkol sa panubuluyan.
27:10Mayroon ding
27:11mga pagtatanghal
27:12at fireworks display.
27:15Kumukutitap
27:16na mga parol
27:16naman
27:17ang nagpaliwanag
27:18sa Christmas tree
27:19ng Taan, Batangas.
27:20Bida rin doon
27:21ang mga parol
27:22na gawa sa
27:22indigenous
27:23and recycled materials
27:24at bukod sa
27:25masasarap na pagkain
27:26meron pang
27:27carnival rides.
27:29May Christmas Village
27:31din sa Bayan
27:32ng Cuenca
27:32kung saan
27:33may Christmas tree,
27:34Belen
27:34at Tunnel of Lights
27:35din.
27:36Tampok din ang
27:37food bazar
27:38at inflatable slides
27:39na para sa
27:39mga bata.
27:42Aliw din
27:42ang mga bumibisita
27:43sa Tagoluan
27:44ni Samis Oriental
27:45kung saan
27:46bumida sa parada
27:47ang mga cartoon
27:48at fairytale
27:49character.
27:50At bukod sa
27:50samotsaring
27:51carnival rides,
27:53selfie worthy
27:53rin ang mga reindeer
27:54kasama si Santa.
27:57Ramdam na rin
27:57ang Pasko
27:58sa lungsod
27:58ng Iloilo.
28:00Pinailawan na kasi
28:00ang mga Christmas tree
28:02at display
28:02sa dalawang
28:03paaralan doon.
28:04Nag-enjoy
28:05ang mga guru
28:05at mag-aaral
28:06pati na ang ilang
28:07magulang
28:07na nakiisa
28:08sa pagdiriwang.
28:10May your wish
28:11come true
28:11naman ang tema
28:12ng Pasko
28:13sa Malabon.
28:14Pinailawan roon
28:15ang apat na
28:15kong talampakan
28:16Christmas tree
28:17na sinabita
28:18ng parol
28:18ng dalawang
28:19pot isang
28:19ahensya,
28:20organisasyon
28:21at mga
28:21volunteer.
28:22Ito ay bilang
28:23pagkilala
28:24sa kanilang
28:24muwisbuhay
28:25na servisyo
28:26publiko
28:26at pagtulong
28:27sa mga
28:27apektado
28:28ng kalamidad
28:29at sakuna.
28:29Ang pagtitipon
28:30ay kasabay
28:31ng pagunita
28:32sa International
28:33Volunteers Day.
28:34Gayun din
28:34ang pagdiriwang
28:35para sa mga
28:36nagwagi
28:36sa cleanest
28:37and cleanest
28:38barangay.
28:39Para sa
28:40GMA Integrated News,
28:41Jamie Santos
28:42ang inyong saksi.
28:45Nasunog
28:45ang isang yate
28:46sa Lapu-Lapu City,
28:47Cebu.
28:47Ayon sa City Fire District,
28:49dating nakadaong
28:49sa Marigondon Wharf
28:51ang yate
28:51pero natangay ito
28:52ng ilang metro
28:53nang humagupit
28:54ang Bagyong Verbena.
28:56Ang baterya
28:56nito
28:56ang nag-iimbak
28:57ng solar power
28:58ang tinitingnang
28:59sanhinang apoy.
29:00Wala itong sakay
29:01na mangyari
29:02ang sunog.
29:03Siyam na rang libong piso
29:04ang halaga
29:05ng pinsala.
29:06Wala pang pahayaan
29:07ang may-ari nito.
29:09Lusot na
29:10sa ikalawang
29:10pagbasa ng Senado
29:11ang panukalang
29:126.79 trillion pesos
29:14na budget
29:14para sa susunod na taon.
29:17Tanging sinasenet
29:17Minority Leader
29:18Alan Peter Cayetano
29:19at Sen. Joel Villanueva
29:21ang hindi pumaboro
29:22sa pagpasa ng budget.
29:24Ay kay Cayetano
29:24naglalaman pa rin
29:25kasi ito
29:26ng unprogrammed funds.
29:27Ganyan pa mga
29:28nangako si Cayetano
29:29na makikipagtulungan pa rin
29:31sa Senate Majority Block
29:32hanggang sa pulungin na
29:34ang Bicameral Conference Committee.
29:37Bibigyan po ng trabaho
29:38ni DPWH Secretary
29:40Vince Dizon
29:41ang anak
29:41ng nag-viral na
29:42GP driver
29:43sa Double City.
29:44Nagpatupad ng libre
29:45sa kaya
29:46ang tsuper
29:46na si Edwin Rico Sosa
29:48matapos pumasa
29:49sa Civil Engineers
29:51Licensure Exam
29:52ang kanyang anak.
29:53Pasasalamat
29:55daw niya ito
29:55sa nakamit na
29:56success
29:58ng kanyang anak.
29:59Ay kay Dizon
30:00nakipag-ungnayan
30:01at nakipagkita na siya
30:02sa pamilya
30:03ng nakapasang engineer.
30:06Kumuha po tayo
30:07na update
30:08sa pagbabalikbansa
30:09ng siyam na tripulanting
30:10Pinoy
30:10na binihag
30:11ng grupong
30:11Hoothee
30:12mula sa naia
30:13sa silat
30:14si Bea Pila.
30:16Bea?
30:17Bea, makakahinga na
30:21ng maluwag
30:22ang mga kaanak
30:22ng siyam na Pinoy
30:24seafarer
30:24na binihag
30:25ng mga Hoothee
30:26ng limang buwan.
30:28Nakalapag na rito
30:29sa naia Terminal 1
30:30ang siyam na tripulanting
30:31Pinoy
30:32bandang pasado
30:32alas 9 ngayong gabi.
30:34Ayon sa gobyerno,
30:35the mission is complete.
30:37Nakauwi na
30:37ang dalawang batch
30:38ng mga Pinoy
30:39seafarer
30:39na binihag
30:40ng mga Hoothee.
30:41Tatlo ang nasawi
30:42at isa
30:43ang missing.
30:45Sana rin
30:46daw ay hindi na maulit
30:47ito.
30:48Nagbabalang DMW
30:49sa mga ship owner
30:50at manning agencies
30:51na huwag nang lumabag
30:52sa mga rules
30:54and regulations
30:54at ilagay pa sa peligro
30:56ang mga buhay
30:57ng mga marino natin.
30:59Pati raw kapitan
31:00ng barko
31:00posibling panagutin.
31:04Pia,
31:04nagpahatid din
31:05ng mensahe
31:06ng pasasalamat
31:06si Pangulong Bongbong Marcos
31:08sa Omani government
31:09sa tulong nila.
31:10Anya,
31:11tamang-tama raw
31:12ang pag-uwi
31:13ng mga tripulanting
31:14ngayong malapit na
31:15ang Pasko.
31:16Live mula rito
31:17sa Naiya
31:18para sa GMA Integrated News,
31:20ako si Bea Pinlock
31:20ang inyong saksi.
31:27Pasabog
31:27ang performances
31:29ng iconic girl group
31:30na Sex Bomb Girls
31:31sa kanilang reunion
31:32concert ngayong gabi
31:33sa Quezon City.
31:34Hindi na pigilan ng fans
31:45ang kaligayahang
31:46na darama
31:47sa hatin na nostalgia
31:48ng grupo.
31:49Panayang hiyawan
31:50sa bawat indak
31:52ng mga niyembro
31:52sa kanilang hit songs.
31:55At aki rin
31:55ang mga solo performance.
31:57Nagkandahulog-hulog
32:03at nabasag rin
32:04ang mabote
32:05ng alak
32:05sa isang liquor store
32:07sa Hanover County
32:08sa Amerika.
32:10Kaya naman agad
32:10ginalugan
32:11ang matauhan
32:11ng tindahan
32:12para mahanap
32:13at mahuli
32:14ang salarin
32:14hanggang sa
32:15makarating sila
32:16sa banyo.
32:17At doon na nga nila
32:18nahuli ang salarin
32:20na tila
32:20inabutan na
32:21ng sobrang kalasingan
32:23sa toilet.
32:24Pero
32:25laking gulat nila
32:26na ang kanilang
32:27nahuli
32:27hindi pala tao
32:29kundi isang
32:30racoon.
32:32Ligtas na naibalik
32:33sa wild
32:34ang racoon
32:35matapos magpalipas
32:36ng hangover
32:37sa Hanover
32:38Animal Protection
32:39Shelter.
32:42Wag yung best actor
32:43in a leading role
32:44si Dennis Dillia
32:44sa Asian Academy
32:45Creative Awards
32:462025.
32:47Para po yan
32:48sa kanyang pagganap
32:49sa award-winning film
32:50na Green Bones.
32:52Hindi na kadalo
32:52sa Awards Night
32:53sa Singapore
32:53si Dennis
32:54pero ibinalitan niya
32:55ito sa kanyang
32:56social media post
32:57kasabay ng
32:58pasasalamat.
32:59Ay kay Dennis
33:00panalo ito
33:01ng mga Pilipino
33:02at ng Pilipinas.
33:04Napapanood si Dennis
33:05sa Sanggang Dikit
33:06for Real
33:07sa GMA Pride.
33:12Salamat po
33:12sa inyong pagsaksi.
33:13Ako po si Pia Arcangel
33:15para sa mas malaki
33:16misyon
33:16at sa mas malawak
33:17na paglilingkod
33:18sa bayan.
33:19Mula po sa
33:20GMA Integrated News
33:21ang News Authority
33:23ng Filipino.
33:23Hagang bukas
33:25sama-sama po
33:26tayong magiging
33:27saksi!
33:32Mga kapuso,
33:33maging una sa saksi.
33:35Mag-subscribe
33:35sa GMA Integrated News
33:36sa YouTube
33:37para sa ibat-ibang balita.
33:39maa hek
34:01cao sa hante-ibang balita.
Comments