Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hanggang ngayong araw, maraming pa rin humahabol sa pamimili sa Fireworks Capital na bansa ang Bukaway Bulacan.
00:06Pinakamabenta ang mga murang paputok at pailaw na nagkakaubosa na ngayon.
00:10Nakatutok doon live, si Chino Gaston. Chino!
00:17Emil, ilang oras na lang, bagong taon na.
00:19At marami sa mga kababayan natin ang naghahanda na o di kaya'y nasa mga family reunions na.
00:24Kaya malamang ito ang dahilan kung bakit maluwag ang daloy ng traffic ngayon sa North Luzon Expressway.
00:30Pero bago nito, marami ang humabol at patuloy na humahabol ng pamimili ng paputok dito sa Bukaway Bulacan.
00:41Last minute shopping ng paputok ang pakay ng mga taong narito ngayon sa Bukaway Bulacan.
00:46Ilang oras na lang bago dumating ang 2026.
00:49Halos puno ang mga parking sa dami ng bumibili ng paputok.
00:52Marami sa nagpunta ngayong araw, mamimili dahil ngayon lang may oras o budget.
00:58Kasi tapong ngayon lang kami may time, busy po kami palagi.
01:01Kaya yun, katatawas yung Christmas party namin sa Hoa.
01:04So parang last minute?
01:05Yes po. Ngayon lang po.
01:07Si Roji naman, inakalang mas mura ang mga paputok sa mismong besperas ng bagong taon.
01:12Pero dahil nauubos na raw ang stock ng mga murang paputok at pailaw, lalo itong nagmahal.
01:18Bakit akala mo dahil ilan oras na lang mas mura na?
01:24Opo, akala ko mas mura eh. Mas mahal pala eh.
01:28Bakit? Anong mahal na sa tingin mo?
01:31Dati kasi yung mabili ko na ito, ano lang ito, lima.
01:35Ngayon kwitis. Ngayon, 8.50 na.
01:38Doble ho.
01:38Ha?
01:40Hindi, hindi ho. Parang pumatong lang po ng dalawang daan.
01:43Sa kabuan, masaya ang mga nagbebenta ng paputok at pailaw.
01:56Maaring pantayan daw ng bentahan ngayong taon, ang kita noong nakaraang taon.
02:00Pero di gaya kahapon, kapansin-pansing, bawas na ang dami ng mamimili.
02:05Hindi na rin nagdudulot ng traffic ang mga pumaparada at paalis na sasakyan mula sa pamilihan ng paputok.
02:12Pero gaya ng dati, walang patid ang pagbabantay ng PNP at Bureau of Fire Protection sa lugar
02:17at ibang parte ng bayan kung saan may mga pwesto ang fireworks retailers.
02:21Muling paalala ng Bureau of Fire Protection, yaking matibay ang pagkakabalot o di kaya nakalagay sa mga kahon
02:29ang pinamiling paputok sa motorman o sasakyan ito ikakarga.
02:33Siguraduhin ding hindi mababasa o madidikit sa may init na bagay o electrical wiring ang mga paputok.
02:39Emil, sa huling ikot natin dito sa mga fireworks stalls dito sa Bukawe Bulacan
02:48ay nabilang siguro natin o mga limang tindahan na naghahandaan ang magsara
02:53dahil na ubos na ang kanilang mga panindahan o mula doon sa pinakamurang mga paputok
02:58hanggang doon sa pinakamahal na umaabot ng higit 20,000 piso.
03:03Pero meron pa rin namang nananatili gaya ng tindahan ito sa aking likuran.
03:06Pero marami sa kanila, marami sa mga tindera at mga fireworks stall owner at retailers
03:12ang ubaasang maubos na ang kanilang mga paninda bago pa umabot ang alas 10 ng gabi.
03:19Mula rito sa Bukawe Bulacan, Happy New Year Emil at Vicky at lahat dyan sa kasamahan nyo sa studio.
03:26Happy New Year! Maraming salamat!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended