Skip to playerSkip to main content
  • 8 minutes ago
Alamin: Mga dapat tandaan para magkaroon ng healthy at positive mindset sa 2026 | ulat ni Floyd Brenz

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Siyempre, hindi lamang pera ang dapat natin isipin sa pagsisimula ng bagong taon,
00:05kundi maging ang pagkakaroon ng bagong pananaw at pag-iisip para sa sariling pag-unlad.
00:11Ngunit paano nga ba natin yan magagawa, lalo na't hindi nawawala ang mga hamon sa buhay?
00:18Ang ilang tips alamin sa Sentro ng Balita ni Floyd Brands.
00:22Habang papalapit ang 2026, marami sa atin ang nag-iisip kung paano mas magiging magaan at masaya ang buhay.
00:33Ayon sa mga eksperto, may mga bagay tayong kailangang iwasan para mapabuti ang ating kalusugan, relasyon at pang-araw-araw na buhay.
00:42Una sa lahat, iwasan ang pagkukumparas sa sarili sa iba.
00:46Lahat tayo ay may kanya-kanyang landas, ngunit ang madalas na paghahambing ng ating buhay sa buhay ng ibang tao ay maaaring magdulot ng stress at mababang self-esteem.
00:58Ayon sa mga eksperto, ang social comparison ay nagiging sanhi ng anxiety at kadalasan ay nagpapataas ng pressure na maging tulad ng mga nakikita natin.
01:09Pangalawa, iwasan ang procrastination o pagpapaliban ng mga gawain.
01:14Kung hindi natin aaksyonan ang mga bagay na may deadlines, tiyak na madadala tayo ng stress at mahihirapan tayo sa mga susunod na araw.
01:23Ayon sa mga pag-aaral, ang pagpapaliban ng gawain ay nagpapataas ng anxiety at stress, kahit mas mainam na simulan agad ang mga mahalagang tasks.
01:33Ang pagpapahayag ng ating emosyon ay makakatulong sa atin para malampasan ang mga pagsubok at mapanatili ang mga malusog na relasyon.
01:42Huwag hayaang ang hindi pagkakaintindihan o ang pagiging abala sa buhay ay magdulot ng hindi pagkakasunduan sa mga kaibigan at pamilya.
01:51Huwag ding magmadali sa paggawa ng mga desisyon, lalo na kapag ang mga ito ay may malalim na epekto sa iyong buhay.
01:59Pag-isipang mabuti ang mga desisyon at maglaan ng oras para suriin ang lahat ng aspeto bago magtuloy-tuloy sa hakbang.
02:06Huwag hayaang ang takot ang magdikta ng iyong mga hakbang. Madalas, ang takot sa pagkatalo o hindi pagsunod sa plano ay nagiging hadlang sa ating pagunlad.
02:18Ang tunay na paglago bilang individual ay nangyayari kapag tayo ay nagtatangkang magsimula ng bago at natututo mula sa ating mga pagkatalo.
02:27At sa huli, iwasan ang pagpapakalat ng negatibong enerhiya. Ang mga negatibong pananaw at sa loobin ay hindi lamang nakakasira sa iyong sarili kundi pati na rin sa iyong mga relasyon.
02:40Sa halip, magbigay ng positibong vibes at magfocus sa mga bagay na makakatulong sa iyong mental health at personal growth.
02:49Floyd Brands para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended