00:00Handa na ang Commission on Elections, COMELEC, sa Hatol ng Bayan 2025 sa Lunes, Mayo 12.
00:06Ayon sa Paul Badi, halos 100% ng tapos ang final testing and sealing ng mga Automated Counting Machines o ACMs.
00:14Si Luis Erispe na PTV Manila sa Balitang Pambansa.
00:20Halos patapos na ang Commission on Elections sa paghahanda para sa Hatol ng Bayan 2025.
00:26Katunayan, ang mga Automated Counting Machines, 99% na umanong tapos sa final testing and sealing.
00:33Ibig sabihin, unti-unti nang napaplansya ang lahat ng gagamitin sa eleksyon.
00:37Kuya, 99% na po ang lahat ng nakapang final testing and sealing sa buong Pilipinas sa 94,000 na presinto meron po tayo.
00:48Tiniyak din ang COMELEC, walang magiging aberya kahit sa mga linya ng kuryente sa halalan.
00:52Nakipag-usap na sila sa Department of Energy at siniguro na sa Komisyon, walang brownout sa buong bansa sa eleksyon.
00:59Kung meron man, may mga baterya umano ang ACMs.
01:03Ginagarantya sa atin ng Department of Energy, walang parte ng ating bansa ang mawawala ng kuryente sa araw ng eleksyon.
01:11May mga kaunting inaayos na lang naman ang COMELEC tulad ng pag-atras ng 30 electoral boards mula sa BARM at Cotabato.
01:20Dahil may sakit umano o kaya ay kamag-anak ng mga kanilato.
01:23Pero sasaluhin na ito ng mga tauhan ng Philippine National Police.
01:27Cotabato 10 at ibang parte ng pangsamoro 20 sapagkat related sila o kung hindi ma may karamdaman kaya hindi sila makakapaglingkot.
01:37At dahil dito, pumasok na po yung plan B natin which is gumagamit at gagamit tayo ng mga PNP personnel na pamalit doon sa mga electoral board members na hindi po makapags-serve.
01:50May paalala naman ang COMELEC sa mga kandidato ngayong apat na araw na lang bago ang botohan.
01:55Hanggang May 10 o sa Sabado na lang ang kampanyahan at sa May 11, simula na rin ang liquor ban.
02:01Sana din sa pagboto ng mga kandidato, huwag nang mag-ikot sa mga eskwelahan.
02:05Kung maaari, diretso na sa labas ng voting centers.
02:08Bawal din ang pamamahagi ng sample ballots sa eskwelahan dahil posibleng pasukyan sa vote buying.
02:15Samantala, ngayong araw, may isang kandidato naman ang dinisqualipikan ng COMELEC 2nd Division ay ito ay si Christian Ian Sia dahil sa discriminatory remarks nito noong kampanya.
02:25Maaari pa namang umapila si Sia.
02:27Pero ang party list organization na Pilipinas babangon muli o PBBM party list, COMELEC unbanked na ang nagkansila ng kanilang accreditation.
02:36Sakaling magkaroon ng botoh sa eleksyon, ituturing na itong stray votes.
02:40May 450 pa namang kaso ng vote buying at 26 na kaso ng task force safe ang nakatakdang resolbahin ng COMELEC.