00:00Do you think about what you're going to do at what you're going to do in the 2026?
00:06What do you think about the experts on the stress and negative energy?
00:11Let's know in the report of Floyd Renz.
00:17Habang capalapit ang 2026,
00:20a lot of people think about how much is going to be a good and good life.
00:25Ayon sa mga eksperto, may mga bagay tayong kailangang iwasan
00:30para mapabuti ang ating kalusugan, relasyon at pang-araw-araw na buhay.
00:36Una sa lahat, iwasan ang pagkukumparas sa sarili sa iba.
00:40Lahat tayo ay may kanya-kanyang landas,
00:42ngunit ang madalas na paghahambing ng ating buhay sa buhay ng ibang tao
00:47ay maaaring magdulot ng stress at mababang self-esteem.
00:51Ayon sa mga eksperto, ang social comparison ay nagiging sanhi ng anxiety
00:56at kadalasan ay nagpapataas ng pressure na maging tulad ng mga nakikita natin.
01:02Pangalawa, iwasan ang procrastination o pagpapaliban ng mga gawain.
01:07Kung hindi natin aaksyonan ang mga bagay na may deadlines,
01:11tiyak na madadala tayo ng stress at mahihirapan tayo sa mga susunod na araw.
01:16Ayon sa mga pag-aaral, ang pagpapaliban ng gawain ay nagpapataas ng anxiety at stress,
01:23kahit mas mainam na simulan agad ang mga mahalagang tasks.
01:27Ang pagpapahayag ng ating emosyon ay makakatulong sa atin
01:30para malampasan ang mga pagsubok at mapanatili ang mga malusog na relasyon.
01:36Huwag hayaang ang hindi pagkakaintindihan o ang pagiging abala sa buhay
01:40ay magdulot ng hindi pagkakasunduan sa mga kaibigan at pamilya.
01:44Huwag ding magmadali sa paggawa ng mga desisyon,
01:48lalo na kapag ang mga ito ay may malalim na epekto sa iyong buhay.
01:52Pag-isipang mabuti ang mga desisyon at maglaan ng oras
01:55para suriin ang lahat ng aspeto bago magtuloy-tuloy sa hakbang.
02:00Huwag hayaang ang takot ang magdikta ng iyong mga hakbang.
02:04Madalas, ang takot sa pagkatalo o hindi pagsunod sa plano
02:08ay nagiging hadlang sa ating pagunlad.
02:11Ang tunay na paglago bilang individual ay nangyayari kapag tayo ay nagtatangkang magsimula ng bago
02:18at natututo mula sa ating mga pagkatalo.
02:21At sa huli, iwasan ang pagpapakalat ng negatibong enerhiya.
02:25Ang mga negatibong pananaw at sa loobin ay hindi lamang nakakasira sa iyong sarili,
02:31kundi pati na rin sa iyong mga relasyon.
02:33Sa halip, magbigay ng positibong vibes at magfocus sa mga bagay
02:38na makakatulong sa iyong mental health at personal growth.
02:42Floyd Brands para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments