00:00Mas maayos na kalagayan para sa sektor ng agrikultura ang inaasahan ng Department of Agriculture sa darating na taon.
00:06Samantala, tinitiyak ng Department of National Defense ng kaligtasan at siguridad ng bawat Pilipino ngayong holiday season.
00:13Ang detalye sa report ni Floyd Brenz.
00:18Nagpabot ng pagbati at pasasalamat ang Department of Agriculture sa mga magsasaka at manginisda sa buong bansa ngayong Kapaskuhan.
00:25Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Taurel Jr., kinilala ng pamahala ng sakripisyo at sipag ng mga magsasaka at manginisda na susi sa food security ng bansa.
00:37Sinabi rin ang kalihim na inaasahang magiging mas maayos ang susunod na taon para sa sektor ng agrikultura
00:44habang patuloy na magsisikap ang DA para matugunan ang iba't ibang hamon na maaaring makaapekto sa produksyon at kabuhayan ng mga magsasaka at manginisda.
00:53Patuloy sa pag-tratrabaho ang Department of National Defense para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng bawat Pilipino ngayong holiday season.
01:03Ito ang mensahe ni Defense Secretary Gilberto Tzedoro Jr.
01:07Ayon sa kalihin, mananatili silang naka-alerto at naka-antabay laban sa anumang banta maging itumay gawa ng kalikasan o ng tao.
01:15Umaasa rin ng panalangin at suporta ang kagawaran sa publiko para magampanan nito ang kanilang tungkulin sa gitna na rin ng mga nagbabagong banta.
01:26Samantala, hinikayat ng Department of Environment and Natural Resources ang publiko na gawing simple at eco-friendly ang kanilang selebrasyon ng Pasko.
01:34Pinaalalahanan ng DENR ang publiko na isagawa ang 5 hours ng Solid Waste Management, Refuse, Reduce, Reuse, Repurpose at Recycle.
01:44Lalo na ngayong Kapaskuhan para mabawasan ang dami ng basurang nalilikha sa panahon ito.
01:49Muli rin binigyang diin ng ahensya ang mahalagang papel ng mga local government units sa pagpapatupad ng wastong Solid Waste Management,
01:58alinsunod sa Republic Act No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act.
02:05Floyd Brents, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas!
Comments