Skip to playerSkip to main content
- 4 na bahay at kainan, nasunog dahil sa tumagas na LPG; Residente sugatan, 2 aso nasawi


- Mga nagdala ng paputok na 'di sumabog pero pinulot ng 2 batang nasabugan sa Maynila, tukoy na


- Lechon sa La Loma, mas mahal at matumal ang bentahan


- SUV nahulog sa bangin sa Mountain Province; babaeng driver patay, 5 sugatan


- P25,000 ipon, inanay; BSP may 3 batayan para masalba pa ang “mutilated” bank notes


- Year-end concert at grand fireworks display, libreng idinaos ng Marikina


- 2 nurse na sinunod ang 12 grapes under the table sa new year, nagkatuluyan

State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00State of the Nation
00:06Lord, please, bambyro, anak.
00:164 bahay at 1 karinderia ang natupok sa barangay Bulilao, Banduryaw sa Iloilo City.
00:23May nadamay ring backhoe.
00:25Ayon sa BFP, nagsimula ang sunog sa tumagas na LPG tank sa isang kusina.
00:31Sugatan ang may-ari nitong nagtangkang apulahin ang apoy.
00:34Emosyon na naman ang mga residenteng namatayan ng dalawang alagang aso matapos matrap sa sunog.
00:42Sa gitna ng trahedya ng pagkasawi ng isang batang naputokan sa Maynila,
00:47limang person of interest kaugnay sa napulot na paputok ang inimbitahan na ng MPD para magpaliwanag.
00:53Patuloy naman ang crackdown sa mga iligal na paputok gaya sa Calabar Zone.
00:57Nang ilan, sinktindi ng bomba ang lakas.
01:00May report si Ian Cruz.
01:02Sa pagsabog ng paputok na sinindihan ng dalawang minor de edad noong December 28 sa Tondo, Maynila,
01:11isa ang nasawi at kritikal ang kaibigan niya.
01:14Natuntunan ng mga otoridad ang pinagmulan ng dala nilang paputok.
01:19Yan ay ang nahulikam na grupong ito ng mga lalaki.
01:22Madaling araw ng December 28, naglakad sila mula Almeda Street.
01:26Palabas sa Yoseco Street, pinahinto pa nila ang ilang motorista.
01:30Dahil ang bitbit na paputok, sinindihan nila sa mismong intersection ng Yoseco at Abad Santos.
01:38Umusok ang paputok pero hindi sumabog.
01:41Binusan ito ng tubig ng lalaking nagsindi.
01:44Makalipas ang labing limang minuto, nagsindi sila.
01:47Nang isa pang paputok pero di rin tumalab.
01:51May sinasabi sila, barkada nila yun, nakakula, tagabulakan daw po yun.
01:55Yun daw po yung may dala ng paputok para magtry kung malakas.
02:00Kaso hindi naman siya pumutok.
02:05Matapos ang mahigit labing walang oras,
02:07nagpaputok sa parehong lugar ang dalawang bata pero dahil nasita,
02:11ay umalis, tumawid sila at huminto sa bangketa.
02:15Hindi nagaanong kita sa CCTV pero sabi ng barangay 226,
02:18doon na nila napulot ang paputok na di sumabog noong madaling araw
02:23at binitbit nila patungong A. Lorenzo Street.
02:27Limang lalaking persons of interest ang inibitahan na sa MPD para magpaliwanag.
02:32Hindi natin muna i-reveal yung kanilang mga identity.
02:36Ang sa atin dito, magkakaroon tayo ng masusing pag-iimbestiga.
02:39Titignan natin kung meron silang pananagutang kriminal.
02:42Nakakalungkot na kailangan pa may magbuwis bago tayo matuto.
02:47Ang magbuwis ng buhay bago tayo matuto.
02:50Eh sana talaga kapulutan ng aral yun yung nangyari na yun.
02:55At huwag na sana maulit.
02:57Ang malabombang pagsabog sa disgrasya sa tundo.
03:06Singlakas na mga kumpiskadong iligal na paputok na sinira sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna.
03:12Nilub-lub naman sa malalaking dram ng tubig ang iba habang dinurog at ginulungan ang mga boga.
03:20Maggit 4 na milyong pisong halaga ng paputok ang nasamsam sa 300 operasyon ng mga pulis sa Calabarzon.
03:26Sa Carmona Cavite, may naarestong lalaking nagbebenta online ng iligal na paputok.
03:36Nahuli rin sa Calamba, Laguna, ang lalaking nagbebenta ng malalakas na iligal na paputok gaya ng dart bomb at mga paputok na sobrang laki at lamang pulbura.
03:47Ang ginagawa ng mga ibang manufacturer at seller natin na mga iligal is pinapalaki nila yung sukat nung binibenta nila at saka tinatagdagan nila ng pulbura.
03:58Kaya nga nagiging delikado ito para dun sa mga tao na bibili dahil yung sabog niya, yung lakas niya is lumalakas.
04:08Sa Barili, Cebu, arestado na rin ang lalaking nagsindi umano ng triangle at itinapon sa mga tindang paputok.
04:16Na nagresulta sa pagkasunog ng siyam na tindahan, inihanda na ang mga reklamo laban sa kanya.
04:24Improvised paputok naman ang sinasabing mitsa ng sunog itong weekend sa mahigit limampung bahay sa barangay Commonwealth, Quezon City.
04:31Kahit siyam na taon ang bawal ang paputok sa barangay.
04:36Kaya mayat maya ang paglilibot ng mga tanod at nakasamsam sila ng mga bogang improvised o gawa mismo ng mga bata.
04:44Doon po sa mga magulang na nanonood po ngayon, pakibantayan po yung mga anak po natin.
04:50Ngayong araw, sa datos ng DOH, 140 na ang firework-related injuries sa binabantayan nilang 62 Sentinel Hospital sa buong bansa.
05:0068% na mga naputokan ay edad labinsiyang pababa.
05:05Kahit legal ang paputok, dapat ingatan para di matulad sa nangyari sa magamang bumili ng paputok sa Santa Barbara, Pangasinan.
05:14Biglang sumindi at sumabog ang paputok nila habang sakay ng motorsiklo ang dala nilang kwitis.
05:21Hinihinalang na dikit sa tambucho o sumayad at nakiski sa simento.
05:26Kaya sa Bukawe, ang mga pulis may at mayang nag-iikot sa mga tindahan ng paputok at namigay ng mga pulyeto sa mga mamimili.
05:35Lalo-lalo na sir yung mga tinagtatanong sila kung safe ba sir kung nasa likod ng sasakyan, nasa lab ng sasakyan.
05:42Ang inaano po namin sir na huwag lang po siyang mababasa, safe na safe po siya.
05:46No smoking, gano'n. Safety muna bago para iwas aksidente.
05:51Basta maayos lang po yung lagay sa sasakyan, maayos yung patas para hindi pakalog-kalog yung...
06:00Basta secure lang, hindi kumakalog yung mga paputok.
06:04Ian Cruz, nang babalita para sa GMA Integrated News.
06:08Health check mga kapuso ngayong holidays.
06:11Di lang sa peligro ng mga paputok, pati na rin sa mga handa, lalo yung mga putok-batok.
06:17Marami kising na ospital dahil sa high blood at stroke.
06:20May report to Jonathan Nandat.
06:25Nakikipagtawaran na si Mang Cesar habang hinihintay lumutong ang mga lechon sa tindahang ito sa Laloma, Quezon City.
06:3214 milyon eh. Natawaran ko naging dish.
06:37Okay na ko yan?
06:38Okay na.
06:39Kumpara nung isang taon, mas mahal na ang lechon doon.
06:42Ramdam din na mga lechonero ang matumal na bentahan.
06:45Siguro po nasa mga 30% to 40% na nawala sa tao.
06:53Kasi noong dati eh, noong last year, ganitong pecha pa lang halos talagang puno na tao rito eh.
07:00Sa jaraw, mahal ang baboy ngayon.
07:02Hindi ko naka-apekto yung ASF sa benta niyo?
07:04Hindi naman po. Dahil talagang pre-reach sa Laloma.
07:07So talagang yung koan lang, kakulangan lang ng pera ng mga customer.
07:10Opo, yun na lang talaga. Sobrang task po ng baboy.
07:14Mayatmaya naman ang pag-iikot ng mga taga QC Veterinary Department para tiyaking sumusunod ang mga lechonero sa panuntunan kontra ASF gaya ng pagkakatay sa accredited na slaughterhouse.
07:26Dahil mahal ang lechon, nag-advance order na ang ilan para makamura at bukas na lang kukunin. May free taste pa.
07:33Okay naman, masarap. Kaya ano, dito kami pumunta.
07:38Kahit star ng medya noche ang lechon, abay hinay-hinay.
07:42Ang putok-batok na sarap nito na sinabayan ng taas presyo, literal na nakakataas presyon.
07:49Sakit na isa sa binabantayan ng health department ngayong holiday season.
07:52Maari kasi itong humantong sa stroke.
07:55Bukod sa high blood pressure, ang iba pang dahilan ng stroke ay injury sa ulo, blood clot o pamumuon ng dugo sa utak,
08:01baradong ugat o kaya'y pagpotok mismo ng ugat.
08:04Paano ba malalaman kung ang kasama mo ay may senyales na ng stroke?
08:09Lagi po ninyong babantayan yung mga may napansin yung nabubulol na kamag-anak
08:15o biglang may parte ng katawan na hindi nagagala o nangihina.
08:20Meron din ibang pasyente na sobrang taas ng blood pressure
08:23o biglang nalabuang paningin, itakbo agad sila sa ospital.
08:28Kasi po, sa loob ng 4 hours, dapat na-evaluate sila kaagad kung anong klaseng stroke sila.
08:34Kapag naagapan, pwede pangot natin silang masalba.
08:38Buti si Mang Angelito, itinakbo ng asawa niya sa ospital itong pagtapos ng Pasko.
08:43Bumubuti na ang kalagayan niya.
08:45Na-stroke na rin siya noong 2023.
08:47Medyo okay na po kasi nagagalaw niya na to at saka to.
08:51Kasi na nagpunta kami dito as then hindi niya nagagalaw siya eh.
08:55Isa si Mang Angelito sa 35 stroke patients sa Tondo Medical Center mula pa December 21.
09:01Katumbas ng tatlong stroke patients kada araw ngayong holiday season.
09:04Mas mataas kaysa mga nagdaang buwan ayon sa ospital.
09:07Ang malungkot, tatlo ang namatay.
09:10May stroke po na sa ER pa lang po namatay na.
09:14Ang nakikita namin dahilan dito, sir, is una-una yung compliance sa gamot.
09:18Imbis na ipambili pa ng gamot, pinambibili pa ng mga panghanda.
09:23O nakakalimutan na uminom ng gamot.
09:25Nauunahin yung pagkain ng mga bawal.
09:30Sabihin eh, minsan lang naman.
09:31Kung alam niyo po na kayo ay at risk na may stroke at lalo na may mga high blood, diabetes o mataas ang kolesterol, iwasan po lahat ng mga bawal.
09:40Sa datos ng DOH, mula December 21, 165 na ang nasustroke.
09:4570 ang inatake sa puso, 27 ang sinumpong ng hika o asma.
09:50Si Emma Deline Sevilla, hinika kamakailan.
09:53Nagsikip yung dibdib ko na hirapan akong huminga.
09:56At ang pangamba niya, baka matrigger ito ng mga pulbura at usok sa pagpapalit ng taon.
10:02Nagkukulong na lang ako ng kwarto, hindi lumalabas.
10:04Saat yan, apektado sa dami ng usok pagdating ng fireworks display.
10:10So very important yung pinapatupad ng mga PNP sa LGUs, yung community fireworks display.
10:18So that is safer kasi malayo.
10:20Ang recommendation ko, if you have respiratory illness, sa loob kayo ng bahay, isara mga bintana.
10:26Kung lalabas ka, magmask kayo.
10:28Jonathan Andal nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:31Magkahiwalay ng pagkalunod sa Antiqui at Negros Occidental at pagkahulog ng SUV sa Mountain Province.
10:39Ang mga disgrasya sa probinsya sa report ni John Consulta.
10:46Wasak ang SUV na ito, matapos mahulog sa 20 talampakang lalim na bangin sa Bontoc Mountain Province.
10:52Nasawi ang mabaing driver na edad 53.
10:55Sugatan ang lima pang pasahero.
10:57Iniimbisigahan ang sanhinang disgrasya.
10:59Malungkot na magbabagong taon ang pamilyang ito.
11:06Nalunod kasi ang kaanak nilang kininalang si Roniel, 20 taong gulang, sa ilog sa Talisay City, Negros Occidental.
11:13Ayon sa polis siya, kasama ng narigod ng biktima ang tatlong kaibigan.
11:17Nang madulos siya sa bato, kaya napunta sa malalim na bahagi ng ilog.
11:21Ako niya nag-anlog, pagda tupa siya sa kandilato o sa madalag na portion sa tupa,
11:28hindi siya kapalumang, nagpalak-palak, saka nagpanik siya.
11:32Sinubukan pa rong i-revive ang biktima, ngunit wala ng buhay.
11:37Sa isang resort sa Pandan Antike, nalunod din ang isang nalaking edad 23.
11:42Pinagtulungan siyang maiahon at tinangkang i-revive.
11:46Dead on arrival na siya sa ospital.
11:48Hindi pa malinaw kung paano siya nalunod.
11:51John Consulta, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:56Isa na namang masipag sa pag-iipo ng nakainan ng mga pera dahil sa mga anay.
12:02Pero sabi mismo ng BSP, mapapalitan pa ang mga yan kung pasok sa tatlong batayan.
12:08Alamin sa Tip Talk ni Mark Salazar.
12:11Ang ipong minanifest ng isang taon ni Sirilo Bitang.
12:17Ang nakinabang mga anay. Aray!
12:21Kwento ni Sirilo, maayos pa naman ang tig 500 pesos na impok niya.
12:25Noong i-check niya noong November.
12:27Sa pinaglagyang wooden tip box na nakatago sa locker.
12:30Pero nang tingnan ulit noong December 19,
12:33tumambad ang mga pira-pirasong perang papel.
12:36Aniang may anay pala ang divisyon ng kanyang kwarto na hindi naagapan.
12:41Sa ipon niyang 25,000 pesos, isang perasong 500 peso polymer bill lang ang natira.
12:47Hindi na bago yung mga ganitong kaso.
12:51Mga perang pinaghirapan ipunin pero sa tagal ng pagkakatago, may ibang nanginain.
12:56Ang tawag dito ng Banko Sentral, mutilated banknotes.
13:01Ang mga mutilated banknotes ay ang mga klase ng pera na sira-sira katulad ng nasunog, inanay o ginatngat ng aso.
13:10May pag-asa pa naman daw na mapalitan ng mga yan, basta dapat dalhin agad sa mga authorized bank.
13:17Doon sa masusuri ng BSP kung pasok ang mga nasirang pera sa tatlong requirement na S.
13:23Size, Signature at Security Thread.
13:26Ang size ay kailangan may natirang 60% o 60% ng nasirang pera.
13:34Pangalawa, Signature.
13:36Ang signature ay kailangang may natirang alinmang porsyon o parte ng signature ng BSP Governor o ng President ng Pilipinas.
13:49At pangatlo ay ang Security Thread na kailangang nakikita sa sirang pera.
13:54Kung pasado naman ay mapapalitan ng bago ang perang nasira.
13:59Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:02Bukas pa ang bespiras ng 2026 pero maaga nang sumalubong ang Marikina sa kanilang libreng year-end concert at fireworks display.
14:13May live report si E.J. Gomez.
14:15E.J.
14:16Atom, ilang oras ginanap ang year-end concert dito sa Marikina City at napuno ng mga tao itong Marikina Sports Center.
14:29Bukod kasi sa libre ang concert dito sa lungsod, may mga personalidad na inabangan na nag-perform sa entablado.
14:37Meron ding engranding fireworks display na hinintay ng lahat.
14:41Highlight ng year-end concert na libre o free for all dito sa Marikina City ang engranding fireworks display ngayong gabi.
14:53Nagliwanag at napuno ng samutsaring kulay ang kalangitan.
14:57Ang programa naman puno ng tugtugan, kantahan at good vibes.
15:02Ang Marikina Sports Center na puno ng mga bisita.
15:06May mga nandito kasama ang kanilang mga pamilya.
15:08May mga magbabarkada at magkakasintahan.
15:12Bukod sa mga taga Marikina, may dumayo pa galing sa ibang lungsod at bayan.
15:18First na apo namin yan.
15:20Ang gusto namin maging masayang bata, maranasan niya yung ganitong event sa Marikina.
15:25Kaya kahit taga-kainta kami, pumunta kami dito para lang sa apo namin.
15:28Parang naging tradisyon na rin po na every year nagpupunta po kami dito sa Marikina.
15:33Bukod po dun sa kung sino po yung start-up ng magpe-perform, yun po yung fireworks and yung essence po ng family po.
15:40Banding.
15:41Opo yung banding po.
15:42I'm proud Marikenyo.
15:46Yes, syempre, tinahabangan natin dito yung fireworks display, pati yung buksahan 2025.
15:52Syempre, sa Marikina, iba ang saya at talaga namang level up sa Marikina.
16:01Kaya tara na sa Marikina, makisaya ka na.
16:09Tutal, maaga na nilang sinalubong ang 2026.
16:12Inusisa na namin ang New Year's resolution ng ilan.
16:15Mga bagay na gusto nilang i-let go sa 2025 at di na dadalhin sa 2026.
16:23Iyon po, yung mga bad habits ko po.
16:27Tsaka gusto ko na rin nilet go yung mga bad choices.
16:31Tsaka New Year's resolution po, yung more investment sa health.
16:35Magbabawas ako ng bisyo kasi kailangan na rin sa edad natin dahil tumatanda,
16:43bawas-bawas na po taon.
16:44At tulad ng mga pag-iinom ng alak, sigurin nyo.
16:48Ayaw ko nang gawin ulit yung pabayaan yung familia ko.
16:52Lagi ko silang kasama na lang.
16:56Every time na may rest day, kapag magkatapos ang trabaho,
17:01diretso ng familia po.
17:02Hindi na po kung saan sa pagpupunta po.
17:05Happy New Year!
17:13Atom, nako dito sa kinatatayuan ko mismo, kanina ay siksikan dito talagang mainit
17:19at makikita mo lang mga taong talagang tutok doon sa entablado
17:24tsaka doon sa ginanap nga na fireworks display.
17:26Agad namang umalis yung mga tao dahil mga nagutom, tsumibog at pumunta doon sa paligid itong sports center
17:32kung saan merong hile-hilera na mga late night food tray para yan sa kanilang ganap, no?
17:38Eksena after nga nitong libreng year-end concert.
17:42Happy New Year, Atom!
17:44Balik sa'yo!
17:45Happy New Year at maraming salamat, E.J. Gomer.
17:52Ito ang pangmalakasang law of attraction, manifesting at nagkatotoong hiling na may kasamang plot twist
18:00dahil ang pamahaying 12 grapes under the table sa bagong taon para sa love life,
18:05titiral na nagbunga.
18:07Pusuwan na yan sa report ni Oscar Oida.
18:10Three, two, one!
18:13Noong salubong 2024, sa ilalim ng mesa, itong sine Kathleen at Jonas na mapak ng labindalawang ubas.
18:23Nagbakasakaling maaambunan na grasyang someone to love and care.
18:29Pero ang plot twist na malala, silang dalawa pala ang itinadhana.
18:34Yeah, I think it really started po talaga doon sa ubas after namin kumain ng grapes.
18:40Kasi ano po, I met him sa work.
18:43I followed her, kumain na lang din ako ng ubas sa ilalim kasi what's the harm?
18:48Pareho silang nurse at dahil magkatrabaho, naging matalik na magkaibigan.
18:54Pero di tulad ng mga seedless grape, may feelings na palang nagbunga sa kanila.
19:00Tinulungan niya akong to burst out of my bubble and it was very important sa buhay ko.
19:07Pero I started looking na makasama ko siya.
19:10Masaya akong kasama siya.
19:12Puro siya param daw.
19:13I mean, he's being extra kind to me.
19:15Parang ganun.
19:16Parang ako nag-iisip na ako, normal pa ba ta sa magkaibigan?
19:22We started dating officially po noong February.
19:25Si Kathleen daw talaga ang mapamahiin.
19:29Kaya nang magkasama sa shift, siya ang nag-ayang gawin ang trend.
19:33At tila napatunayan nilang umubra ang ubas.
19:37Nang i-post nga sa TikTok, agad nag-viral ang kanilang love story.
19:42Hirit ng ilan, by pair pala dapat.
19:46Pero ilang taon pala itong ginagawa ni Kathleen.
19:49Kasi hindi ko lang po siya isang beses ginawa.
19:52Sabi ko nga po, since 2022, kumakain ako ng grapes under the table.
19:57Kaya sa mga single na sasalubong sa 2026, ihanda ang mga ubas at ang sarili.
20:04Malay mo, kahit chismis o grapevine lang ang pamahiin sa ubas.
20:09Magbunga naman ito ng magandang love story.
20:14This time, binigay na siya sa akin ni Lord.
20:16And yun, sobrang thankful naman po ako.
20:19It really came in perfect time and perfect place po.
20:24Oscar Oida, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
20:30At yan po ang state of the nation para sa mas malaking misyon
20:33at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
20:36Ako si Atom Araulio, mula sa GMA Integrated News,
20:40ang news authority ng Pilipino.
20:46Atom Araulio, mula sa GMA Integrated News.
20:47Atom Araulio, mula sa GMA Integrated News.
20:48Atom Araulio, mula sa GMA Integrated News.
20:49Atom Araulio, mula sa GMA Integrated News.
20:50Atom Araulio, mula sa GMA Integrated News.
20:51Atom Araulio, mula sa GMA Integrated News.
20:52Atom Araulio, mula sa GMA Integrated News.
20:53Atom Araulio, mula sa GMA Integrated News.
20:54Atom Araulio, mula sa GMA Integrated News.
20:55Atom Araulio, mula sa GMA Integrated News.
20:56Atom Araulio, mula sa GMA Integrated News.
20:57Atom Araulio, mula sa GMA Integrated News.
20:58Atom Araulio, mula sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended