Skip to playerSkip to main content
- Motorsiklong sumampa sa kabilang lane, sumalpok sa kasalubong na truck


- Gitgitan sa parking lot, nauwi sa bangayan at pananakit


- Mga pasahero sa PITX, pumalo sa halos 8,000; ilang pasahero, sa kalsada na magno-Noche Buena


- Blunt traumatic injuries, sanhi ng pagkamatay ni Cabral batay sa autopsy report


- 2 security guard, pinagbabaril ng kapwa sekyu


- Cravings for Noche Buena ng Kapuso and Sparkle stars


- Mahigit 7,000 turista, dumagsa sa Boracay para doon magpasko



State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Nasa maayos ang lagayang rider at ang kas nitong nagtamo ng mga sugat.
00:35Sugatan din ang driver ng truck.
00:40Sa Dumaguete City, tumila po naman ang makasakay ng isang motorsiklo nang bumanga sa isang multicab.
00:47Palabas sa noon ng gasolinahan ang multicab, sugatan ang mag-anak na sakay ng motorsiklo.
00:52Hindi lang hinarang pinagsisipa at pinagbabato pa ang isang van sa EDSA na nagtangkang tumakas matapos manong makabangga ng motor.
01:04Sa Marikina, nagkainita naman ang mga motoristang nagkagit-gitan daw papasok sa parking.
01:09May report si Von Aquino.
01:11Sa gitna ng bangayan ang mga driver ng pickup at ng kotse niyan.
01:22Biglang lumabas ang isang lalaki mula sa puting sasakyan sa harap ng kotse at hinedlock ang driver ng pickup.
01:29Ilang sandali lang lumabas ang babaeng sakay ng pickup at hinatak ang isa pang babae mula naman sa kotse.
01:36Nagkagulo pang lalo ang mga sakay nila hanggang sa umawat na ang pasahero ng pickup.
01:41Kuha ang viral video na yan kahapon sa Riverbanks Avenue sa Marikina City.
01:46Ayon sa polisya, git-gitan sa pagpasok sa parking lot ang mitsya ng gulo.
01:50May nauna pang sakyan sa kanila na nakapasok na.
01:53Okay po.
01:54Nakapasok na ngayon.
01:55Sumusunod po itong pickup natin yung nasa left side.
02:00Then from there po, hindi po na po sila makapasok din kasi nga po, nakaharang na rin po yung...
02:06Hindi na nagbigay yung nasa white kasi nahiharang niya na yung sasakyan niyang nauna.
02:12Then hanggang nagkatapat po yung bios at yung pickup.
02:17Magkakamag-anak daw ang sakay ng kotse at ng puting sasakyan sa harap nito.
02:21Nagkaharap-harap na ang mga sangkot at nagkaroon na ng initial settlement.
02:24Ayon sa polisya, MMDA at LTO magsasabi kung may traffic violation ng mga sangkot.
02:30Holiday man o hindi laging paalala ng mga otoridad sa mga motorista,
02:34habaan ang pasensya at huwag pairali ng init ng ulo.
02:37Ang pagbibigaya tuwing kapaskuhan, gawin din daw sana sa lansangan.
02:42Ang LTO may tips para iwas road rage.
02:45Iwasan daw na magkat ng ibang driver.
02:48Gayon din ang tailgating o pagbuntot sa sinusundang sasakyan at ang paulit-ulit na pagbusina.
02:53Huwag ding mag-dirty finger.
02:55Sakaling may makainkwentrong mainit ang ulo, iwasang gumanti.
02:59Huminga ng malalim at pababain ng pride.
03:02Sa bahagi naman ang EDSA Kubaw, binato ng helmet at hinarang ng truck ang isang van.
03:10Pinagsisiparin ito ng isang lalaki.
03:13Tuluyang nakalis ang van na nakabangga pala ng rider kaya pinipigil ang makatakas.
03:18Instead na huminto siya at tulungan yung kanyang nabangga,
03:21ay nag-attempt po siya na tumakas at bumalik sa EDSA.
03:25Inisyoan ang Quezon City Traffic Enforcement Unit ng ticket ang nahuli ng van driver para sa reckless driving.
03:32Hawak na rin ang mga otoridad ang van.
03:34Nagkaayos na rin ang driver at ang nabanggan niyang rider.
03:38Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:42Sa mga terminal o kaya'y sa kalsada na abutan ng Noche Buena,
03:46ang ilang humahabol na makauwi.
03:48Sabay sa bisperas ng Pasko naman ang simula ng unang bahagi ng EDSA Rehabilitation.
03:53Silipin natin nalagay ng trapiko sa live report ni Bea Pinla.
03:57Bea?
04:01Atom, sarado na ang ilang linya ng EDSA dahil yan sa rehabilitation na nagsimula ngayong gabi.
04:07Handa na raw magbisperas ng Pasko sa kalsada ang ilang motorista
04:15dahil sa traffic na idudulot ng pagsisimula ng unang bugso ng EDSA Rehabilitation.
04:21Dalawang linya sa EDSA Taft ang sarado.
04:24Nakalatag na ang mga heavy equipment na gagamitin para sa re-blocking at pag-aaspalto.
04:28Ayon sa DPWH, mga piling bahagi lang na kailangan ayusin ang isa sa ilalim sa rehabilitation.
04:35Magtutuloy-tuloyan 24 oras hanggang January 5.
04:39Simula January 5 hanggang May 31, limitado na lang ang oras ng rehabilitation mula gabi hanggang madaling araw.
04:46Ay, matinting traffic yan, pahirap yan. Pero okay lang kung maayos siyang daan. Okay lang.
04:52Basta?
04:53Basta maayos siyang kalsada.
04:55Wala tayong magawa. E, tsagaan na lang. Kailangan talaga maayos na yan.
05:01Pero okay lang, hindi na kunting pasensya na lang sa mga motorista.
05:05Kung nahirapang dumaan sa EDSA pa-South, dagsanang tao naman ang sumalubong sa mga terminal.
05:13Tulad sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX.
05:17Hanggang nitong tanghali, umabot sa halos 80,000 ang pasaherong dumating sa PITX.
05:23Ang ilang malayuan ng trip, tiyak sa daan na aabuti ng Pasko.
05:27Kalsada?
05:28Kalsada?
05:29Oo, doon kami magdunan o chiboy na alas 12.
05:31Ang kailangan, kumita.
05:35May may uwi sa pamilya.
05:37Merry Christmas sa inyo, lahat. Sa kalsada, si Papa magpapasko.
05:40Very inspired ka, di ba, na merong anak sa'yo na nag-aalala, maskin na sa malayo ka.
05:48Sa Naiya, dagsan na rin ang mga humabo lumipad pa probinsya.
05:52Mga anong oras kayo darating sa bahay?
05:54Mga 2 a.m. Dili na lang po. Pagdating na lang po ng bahay, mag-nachiboy na.
05:59Pero ang mga OFW, malungkot na aalis ng bansa.
06:02Wala itong mga gawin, talang aalis na aalis din kami kata paano. Masaya itong buhay natin dito.
06:08Masaya na mga magpapasko ang ilang nakauwi ng bansa na sinalubong ng kanilang mahal sa buhay.
06:14Tungtunga ako nga nagkarating siya kasi matagal lang din siya umuwi.
06:19Masaya po ngayon kasi magpapasko kaya happy-happy po.
06:23Kasi ngayong Pasko nag-iipon yung mga anak ko kasi noon wala ako lang ang nagpapasko sa bahay namin.
06:32First time namin magkasama-sama ulit ng 10 years.
06:35Umaapaw na rin ang ilang ports sa Matnog Sorsogon.
06:38Nag-abiso ng humanap ng alternative ports dahil sa dami ng mga sasakyan at rolling cargo.
06:44Kahapon, umabot na ng labindalawang oras ang paghihintay bago makasakay ng Roro.
06:49Ani mo'y nagkarera ang mga pasahero sa Pasakao Port sa Camarines Sur.
06:56Nag-uunahan sila para may maupuan sa barko dahil walang numero ang mga tiket.
07:05W pa rin ang number coding scheme dito sa Metro Manila.
07:09Hanggang bukas yan, December 25, araw ng Pasko.
07:12Wala ulit number coding mula yan December 29 hanggang January 2.
07:16Yan muna alitas mula rito sa EDSA. Balik sa iyo, Ato.
07:20Maraming salamat, Bea Pinlak.
07:23Inilabas ni Congressman Leandro Leviste ang mga dokumentong ibinigay umano sa kanya
07:28nang yumaong si dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral.
07:32Batay sa autopsy report, matinding pinsala sa ulo at ipapambahagi ng katawan ang ikinamatay ni Cabral.
07:39May report si Tina Panganiban Perez.
07:40Blonde Traumatic Injuries sa Ulo at Katawan
07:47Ang ikinasawi ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral
07:52basa sa autopsy report ng pulisya.
07:55Baliri ng kanyang ribs, pati ang kaliwang braso, binti at bukong-bukong.
08:01Bago natagpuan si Cabral sa bangin, nagpunta muna siya at kanyang driver na si Ricardo Hernandez
08:07sa isang hotel sa Baguio City.
08:10Nakuhanan sa CCTV ang pagdating nila sa hotel,
08:13pati na ang mga sandali nang bumalik ang kanyang driver para hanapin si Cabral.
08:19At basa sa inventory sheet ng NBI sa mga gamit ni Cabral na nakuha sa hotel,
08:24bukod sa antidepressant, may mga nakita rin silang antipsychotic medication.
08:29May nakuha rin silang prescription medicine laban sa insomnia at sleeping aid supplements.
08:35May narecover din sa kwarto na labing tatlong pulgadang kutsilyo.
08:40Isa si Cabral sa mga itinuturing na mahalagang personalidad
08:44sa investigasyon ng maanumalyang flood control projects.
08:47Ayon sa kanyang abogado, maglalabas sila ng pahayag
08:50para sagutin ang lahat ng mga issue at akusasyon tungkol kay Cabral.
08:55Samantala, inilabas naman ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste
09:01ang mga file na ibinigay raw sa kanya ni Cabral.
09:04Sa isang Facebook post, sinabi ni Leviste na nakuha raw niya ang files
09:09matapos makipagpulong kay Cabral noong June 11
09:13at noong August 11 matapos sumulat kay NOI DPWH Secretary Manuel Bonoan.
09:19Kasama sa files na inupload ni Leviste ang mga binigay raw sa kanya ni Cabral
09:25para ipaliwanag ang high-level budget allocation formula ni Cabral
09:29at ang baseline balanced managed parametric formula
09:34na ginamit sa pagbalangkas ng 2023 National Expenditures Program.
09:39Sa isang kasunod na post, inilabas naman ni Leviste ang binigay raw sa kanya ni Cabral
09:45na 2025 DPWH Budget per District Summary.
09:50May nakalagay ritong NEP Restored na mahigit 401 billion pesos
09:55na ayon kay Leviste ay allocable o yung taon-taon anyang alokasyon
10:00na maaari i-allocate ng mga kongresista.
10:03Sa isa pang hiwalay na post, inilabas naman ni Leviste
10:08ang listahan ng 2025 DPWH Budget kung saan nakalista
10:13ang mga tinatawag na allocable, outside allocable, DPWH initiated
10:19at congress initiated.
10:21Nilinaw ni Leviste na ito ay galing sa ibang source mula sa DPWH
10:26pero makikitaan niyang tumutugma ang impormasyon
10:30sa binigay raw sa kanya ni Cabral.
10:32Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng Department of Public Works and Highways
10:37kaugnay sa mga dokumentong inilabas ni Leviste.
10:41Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:49Patay matapos pagbabarili ng dalawang security guard
10:52sa isang branch ng car dealership sa Quezon City.
10:55Nakaiga sa mga sofa at may mga tama sa ulo at leeg ang mga biktima.
10:59Binaril-umano sila habang natutulog.
11:02Patuloy na tinutugis ang sospek na isa ring gwardya sa car dealership.
11:07Kwento ng saksing sales agent sa pulisya.
11:09Sinabihan siya ng sospek na samahan ito
11:11at may mga pupuntahan para patayin.
11:15Inaalam pa ang motibo sa krimen.
11:17Kapuso and Sparkle Stars looking forward sa Noche Buena mamaya.
11:28Leche flan.
11:29Spaghetti.
11:30Maraming cheese.
11:31Hotdog.
11:32Lechon.
11:33Oh, lechon.
11:35Siyempre po, carbonara.
11:38Favorite po.
11:39Favorite po.
11:40Para naman kay River Cruise, secondary na lang ang handa basta kapiling ang loved ones.
11:45Usually doon ako nag na Noche Buena kaila Rojun.
11:48Tapos natawid ako kaila Julie.
11:50Tawid-tawid lang kasi silang dalawa.
11:52Swerte ko nga magkapitbahay sila.
11:54We spend the Christmas together.
11:57And pati yung mga families namin talagang super close na rin.
12:01Tsaka, ayun, excited talaga kami.
12:04Kasi ano eh, parang ito talaga yung matagal na bonding.
12:09Pero wala pa mang Noche Buena.
12:11Natanggap na ni Julie Ann San Jose ang regalo ni Raver.
12:16Oh my God.
12:18Thank you love.
12:20Thank you love.
12:25Nagbahagi rin ang love si Julie sa fans nang mag-Christmas outreach sa isang Aita community sa Porac, Pampanga.
12:33All smiles ang mga nahanduga ni Julie ng regalo.
12:38And heartfelt performance ng kanyang newest single na simula.
12:45Sa mga rescued animals ng Philippine Animal Welfare Society naman,
12:50namahagi ng regalo si Stars on the Floor champion Dasuri Choi.
12:55Nelson Canlas, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:00Ilang minuto na lang, Pasko na.
13:03Sa mga sikat na pasyalan, piniliin ang ilan natin sa mga kababayan na salubungin ang Pasko.
13:12Malapesta ang pagsalubong sa mga dumating sa Cagban Port sa Boracay.
13:18Aliw ang mga lokal na biyahero, pati mga dayuhang bisita.
13:22Sa tala ng Jetty Port Management, mahigit 7,000 turista ang tumawid sa isa ng Boracay
13:27mula nitong linggo hanggang kahapon.
13:30Tagos sa butong lamig naman ang sumalubong sa mga magpapasko sa City of Pines.
13:35Pumagsak sa 15.6 degrees Celsius ang naitalang temperatura roon ng pag-asa ngayong araw.
13:41Yun nga lang, sa dami ng mga turista, gapang na ang trafiko.
13:45Nanawagan naman ang lokal na pamahalaan sa publiko na maging responsable sa pagpapanatili ng kalinisan.
13:51Sa Luneta naman, nag-advance Noche Buena ang ilan.
13:56Paalala sa mga namamasyal doon, hanggang alas 11 lang ng gabi bukas ang park.
14:02At yan po ang State of the Nation para sa mga mas malaking misyon at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
14:12Ako si Atom Araulio mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
14:18Outro
14:21You
Comments

Recommended