Skip to playerSkip to main content
-Sunog, sumiklab sa residential area sa Brgy. Guadalupe Nuevo/3, sugatan sa salpukan ng SUV at jeep

-PNP Forensic Group: Walang tumulak kay Cabral sa bangin; nagpadausdos at unang tumama ang paa, base sa mga sugat at bali

-Rep. Leandro Leviste sa Ombudsman kaugnay sa hawak niyang Cabral Files: "Ipinakita ko po, more than what they asked for"

-Jillian Ward, may new look bago salubungin ang bagong taon

-Motorcycle rider, patay matapos bumangga sa kasalubong na multicab

-Isa, patay matapos tumagilid ang bus na sinasakyan ng mga youth leader sa Marilaque Highway

-Pagbaon sa masasamang karanasan at alaala bago matapos ang 2025, tampok sa Good Riddance Day event sa Times Square


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ito na ang mabibilis na balita.
00:05Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa barangay Guadalupe Viejo o Nuevo, Makati City, pasado alas 8 kagabi.
00:12Umabot sa ikatlong alarma ang sunog.
00:14Inaalam pa ang sanhi ng apoy.
00:16Inaalam pa ang bilang ng mga bahay at pamilyang apektado.
00:20Walang naiulat ng sugatan o nasawi sa insidente.
00:23Sugat na naman ang tatlong sakay ng isang SUV matapos makasalpukan ang isang jeep sa Maynila.
00:31Tumagilid sa kalsada ang SUV habang wasak naman ang harapan ng jeep na maghahatid sana ng mga prutas.
00:37Naospital ang mga biktima kabilang ang driver ng SUV na nasa malubhang kalagayan.
00:43Ligtas naman ang mga sakay ng jeep.
00:45Patuloy ang investigasyon ng mga otoridad sa aksidente.
00:48Hindi tumalon o itinulak kundi nagpadaus-dus umano sa bangin si dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
00:57Ayon yan sa pagsusuri ng Forensic Group ng PNP.
01:01Balitang hatid ni June Veneracion.
01:06Sa mismong bangin sa baba ng Kennon Road sa Tuba Benguet,
01:09kung saan natagpuan ng labi ni dating Undersecretary Maria Catalina Cabral,
01:14ginawa ng 3D scanning ng PNP Forensic Group.
01:17Ipinakita na ang risulta niyan.
01:19So ito po yung ating highway, yung edge.
01:27Tapos yan po yung actual na ravine.
01:30Sa investigasyon ng Forensic Group,
01:33mahigit 16 na metro ang lalim ng bangin
01:35o katumbas ng 6 hanggang siyam na palapag na gusali.
01:39Sa baba, nakita ang katawan ni Cabral
01:41na 0.2 hanggang 0.8 meters lang ang layo mula sa base ng bangin.
01:47Indikasyon na wala o ba nung tumulak sa kanya.
01:50Kung tinulak ito, chances are lalayo pa pa siya doon.
01:54So makikita niyo dito na ang kamay niya,
01:57yung palm ng kamay niya ay may gasgas din po.
02:00Pati yung likod, may gasgas din po.
02:02So ang laki po ng probabilidad na nagpadaos-dos po talaga siya.
02:06Sabi ng Forensic Group ng PNP,
02:09feet first fall ang nangyari kay dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
02:14Ibig sabihin, unang tumama ang kanyang mga paa pagbagsak sa lupa
02:17bago na bagok ang kanyang ulo.
02:20Base raw ito sa mga bali sa paa,
02:22bukong-bukong, binti, hita at dislocated hip joint ni Cabral.
02:27Sa toxicology test ng Forensic Group,
02:30nagpositibo si Cabral sa isang antidepressant drug
02:32na posibleng nagkaroon daw ng negatibong epekto
02:35sa dating opisyal ng DPWH.
02:37Isa sa mga primary actions po ng
02:41anti-psychiatric drugs or antidepressant drug
02:46is pinapakalma po niya yung tao.
02:49So parang mas madaling magkaroon ng decision making.
02:53Usually, nagkakaroon nga ito sila ng suicidal behavior.
02:57That's why it is a regulated drug.
03:00Si Cabral ay sinasabing isa sa mga pangunahing karakter
03:03sa mga manumalyang flood control project.
03:06Sa taya ng Forensic Group,
03:07sa pagitan ng alas 3 at alas 5 ng hapon noong December 18
03:11na matay si Cabral.
03:12Wala pang nagagawang DNA test
03:14dahil ayaw daw ng mga kaanak ni Cabral
03:16na magbigay ng kanilang DNA sample.
03:19Pero sabi ng Forensic Group,
03:20walang dudang kay Cabral ang narecover ng katawan.
03:23Dahil ang mga fingerprint na nakuha
03:25ay nagtugma sa mga fingerprint niya
03:27na na sa 2014 record
03:29ng National Bureau of Investigation.
03:32Yun po ay nagbigay ng kalinawan
03:33na ang ating cadaver is
03:36the late USEC Maria Catalina I Cabral.
03:41June Veneration nagbabalita
03:42para sa GMA Integrated News.
03:45Sumagot si Batangas 1st District Representative
03:48Leandro Leviste
03:49sa sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano
03:51na hindi ayan niya ipinakita
03:53ng kongresista sa Ombudsman
03:54ang buong Cabral files.
03:58Hindi naman po sila humingi ng
04:00anumang informasyon
04:02na hindi ko po ibinigay sa kanila.
04:04Ako pa ang nag-volunteer sa kanila
04:06ng mga files ni Yumaong Yusek Cabral
04:09at hindi nga po nila hiningi,
04:11pinakita ko sa kanila,
04:12ipinakita ko po
04:13more than what they asked for.
04:15Nauna kasing sinabi ni Clavano
04:18na limitadong bahagi lang
04:19ng mga dokumento
04:20mula kay dating DPWH
04:21Undersecretary Maria Catalina Cabral
04:23ang ipinakita ni Leviste.
04:26Sabi pa ni Leviste sa Facebook,
04:27wala si Clavano
04:28sa investigation o investigation team
04:30ng ombudsman
04:30na bumisita sa kanya
04:32noong November 26.
04:34Kung may did na duda raw
04:35si Clavano
04:35sa kredibilidad
04:36ng mga may soft copy
04:37ng Cabral files,
04:38sinabi ni Leviste
04:39na pwedeng ikumpara
04:40ang mga dokumentong hawak niya
04:42sa kopyang meron din
04:43ng DPWH,
04:45ombudsman
04:45at iba pang nag-iimbestiga
04:47sa isyo
04:47sa flood control projects.
04:49Ang Cabral files
04:50ay may listahan
04:51ng mga mambabatas
04:52na pinaglaanan
04:53umano ng pondo
04:54para sa DPWH projects.
05:01New hair is waving
05:03sa new look
05:04ni star of the new gen
05:05Jill and Ward
05:06bago sa lubungin
05:07ng 2026.
05:09No more long locks na
05:15dahil in her short hair era
05:17with wavy layers na si Jillian.
05:20Ipinose niya yan
05:20sa kanyang Instagram.
05:22Napawaw naman
05:23ang maraming fans
05:24sa new look na yan
05:25ni Jillian.
05:26Isa si Jillian sa bibida
05:28sa upcoming action drama series
05:30na Never Say Die.
05:31Abangan niyan soon
05:32dito sa GMA.
05:34Ito ang GMA Regional TV News.
05:45Patayang isang motorcycle rider
05:47na bumanga
05:47sa isang multi-cab
05:48sa Gimbal, Iloilo.
05:50Ayon sa pulisya,
05:51lumipat ng lane ang motor
05:53kaya sumalpok
05:54sa kasalubog na multi-cab.
05:56Sugat sa ulo
05:56ang ikinamatay ng rider.
05:58Pusibli umanong
05:59nakainom siya
06:00ng madisgrasya.
06:01Nag-uusap na raw
06:02ang pamilya ng rider
06:03at ang driver
06:04ng multi-cab.
06:09Dead on the spot
06:10ang isang pasahero
06:11matapos tumagilid
06:12ang sinasakyang bus
06:13sa Marilaki Highway
06:14sa Infanta, Quezon.
06:16Sa video,
06:17nakuha ng isang motorista
06:18kita ang nakatagilid na bus.
06:20Kumalat na rin sa kalsada
06:21ang tumagas na langis
06:22mula rito.
06:23Base sa embesigasyon,
06:25may sakay na
06:25dalawang putsyam na pasahero
06:26ang bus
06:27na papunta sana
06:28sa Real Quezon
06:29para sa excursion
06:30ng mga member
06:30ng Sangguniang Kabataan.
06:32Pusibli umanong
06:33sinubukan ang driver
06:34na magpreno
06:34at nawala ng kontrol
06:35kaya nagderederecho
06:37sa barrier.
06:38Isinugod sa ospital
06:39ang mga sugatan.
06:40Nasa kustudya
06:41naman ng Infanta Police
06:42ang driver ng bus.
06:44Ayon sa Infanta Police,
06:45hindi dapat
06:45dumaan ang bus
06:46sa Marilaki Highway
06:47dahil para sa
06:48maliliit na sasakyan lang ito.
06:50Sabi naman
06:50ang driver sa polis siya,
06:52sa Marilaki Highway
06:53siya pinadaan
06:54ng navigation app.
06:55Inimbestigahan pa
06:56ang dahilan
06:57ng aksidente.
07:02May events
07:03sa New York
07:03sa Amerika
07:04para sa mga
07:05gustong magbawas
07:06ng baggage
07:07o dalahin sa buhay
07:08bago magbagong taon.
07:11Yan ang
07:12Pakulong Good Riddance Day
07:13sa Times Square.
07:15Ibinahagi ng ilan
07:16ang mga gusto
07:16na nilang ibaon
07:18o kalimutan
07:19ngayong 2025.
07:20Parang babay lang
07:22sa masamang alaala
07:23at sari-saring bagay.
07:25Isinulat nila ito
07:26sa papel,
07:27pinunit
07:28at itinapon
07:29sa basurahan.
07:30Kalahati ng papel
07:31ay isang ticket
07:32na simbolo naman
07:33ng Fresh
07:34and Better
07:352026.

Recommended