00:00Pinabulaanan ni Public Works Secretary Vince Dizon na may inauthenticate siya sa mga dokumentong hawak ni Batangas Representative Leandro Leviste.
00:10Iginiit kasi ni Leviste na isa ang kalihim sa pwedeng magkumpirma ng authenticity ng files na nakuha niya mula sa DPWH at kayumaong dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral.
00:21Sabi ni Dizon, Setiembre nang magpunta si Leviste sa tanggapan ni Cabral, Anya nagpilit si Leviste na kumuha ng files at kopyahin ito sa kanilang flash drive gamit ang computer ng isang staff ni Cabral.
00:34Tumawag daw si Cabral kay Dizon para sabihin hiningi ni Leviste ang mga dokumento kaugnay sa alokasyon ng mga distrito.
00:41Hindi raw alam ni Dizon kung anong dokumento ang nakuha ni Leviste na ipasa na raw ng DPWH sa ombudsman ang mga file at computer ni Cabral at bahala na raw ang ombudsman na pag-aralan at i-authenticate ang mga ito.
00:55Alinsunod sa Sabina, itinanggi naman ni Leviste ang sinabi ni Dizon na puwersahan o manong pagkopia ng file sa kanyang flash drive.
01:02Hindi raw niya maisip na magsisinungaling ng ganon si Dizon dahil meron pa raw iba na naging bahagi ng pag-uusap nila ng kalihim noong sabihin itong ibigay ang file sa kanya para sa transparency.
01:16Ilang araw pa lang daw noon sa pwesto si Dizon.