00:00Mag-noise barrage ang ilang persons deprived of liberty sa Pasig City Jail.
00:04Yan po yung matapos mag-positibo sa droga, ang sampu nilang kasamahan at kailangan ihiwalay.
00:10Saksi si Oscar Oida.
00:14Sa videong ito, mababakas ang labis na pag-aalala ng mga kaanak ng ilang inmates ng Pasig City Jail.
00:23Biglao mo na silang nakarinig ng mga ingay sa isang selda sa may ikalawang palapag.
00:28Ang pangamba nila, baka raw may rayot.
00:33Lalo pa raw silang nangamba nang palayuin sila ng mga bantay.
00:38Nagkakagulo po kasi sila. May mga nagsisigawan tapos may mga git po na nagbabalubagan po.
00:47At may mga ano na sabi tulungan daw po sila.
00:51Sabi nila umalis daw po kami.
00:53Eh nagpumilit po kami at nagmatigas na doon na kami.
00:56Kasi pamilya po at kasawa po namin ang nandun na nagsisigaw.
01:01Sa paligid ng city jail, naabutan namin ang mga tauha ng Pasig City Police na nagsasigawan ng checkpoint.
01:08Pero ayon sa tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Penology,
01:13wala umanong anumang malaking gulo o riot na nangyari.
01:18Nag-noise barrage lang daw ang mga preso sa isang selda bilang protesta.
01:23Isolated noise barrage lamang ng isang selda.
01:26Ingay po kasi sila sa kanilang selda matapos magpositibo ang 10 PBL sa drug test na isinagawa ng ating mga
01:34tauha.
01:35At dahil ang protocol ay isolate itong mga nagpositive sa drug test or investigation,
01:41nagwala yung ibang mga kaselda nila.
01:43Hindi raw nagtagal ang gulo at bumalik na sa normalang sitwasyon matapos magkapaliwanagan.
01:50Wala pong nangyaring riot, wala pong tayong nasakta, nasugatan, back to normal operations naman po agad ito.
01:56Naapula naman po agad ang incident.
01:58Sa Pasig City Jail, kasalukuyan nakapiit si Apollo Kimuloy.
02:02Dahil sa mga kasong qualified trafficking at sexual abuse dito sa bansa,
02:08ayon kay Bustinera, nasa first floor daw si Kimuloy nang mangyari ang noise barrage.
02:14Ako si Oscar Roy ng inyong saksi!
02:18Sa isang press conference, inilahad ni dating Senador Antonio Trillanes IV
02:23ang milyon-milyon pisong pondo mula at China na pumasok umano
02:26sa foundation ni Vice President Sara Duterte at kumpanya ng asawan niyang si Attorney Manz Calcio.
02:32Dagdag pa ni Trillanes, hindi raw siyang welcome sa impeachment court.
02:36Bagay na sinagot ng tagapagsalita ng korte.
02:39Saksi, si Sandra Ginaldo.
02:45Dahil hindi makaharap sa impeachment court,
02:47inilabas na lang yung dating Senador Antonio Trillanes IV
02:50ang dapat sana ilalamanin daw ng kanyang testimonya.
02:54Kabilang dito ang umuloy pagpasok ng pera mula sa Chinese government
02:58para sa foundation umano ni Vice President Sara Duterte.
03:02Tumanggap sila ng P150 million pesos from the Embassy of the People's Republic of China.
03:10Itong foundation ni Sara Duterte.
03:14Meron rin umanong mahigit P319 million pesos mula sa Chinese government at Chinese corporations
03:21para sa kumpanya naman umano ni Attorney Manazes Carpio, Mr. Nambise.
03:26Ito na ang paraan ng China ng pagsuporta sa mag-asawang Duterte.
03:35Maliwanag po ito.
03:37Kaya dapat ikilabutan po tayo rito.
03:41Kasi Vice President po siya, may national security implications.
03:47Bawal po yan.
03:48May mga hindi rin umano i-dineklara ang Vice sa kanyang salen na peso at dollar time deposit at insurance.
03:55Hininga namin ang reaksyon tungkol dito ang kampo ng Vice at kanyang mister pero wala pa silang sagot.
04:01Ayon kay Trillanes, siya mismo ang nagsabi na i-atras na ang kanyang pagtestigo
04:06para maibsan umano ang pressure sa prosecution panel.
04:10Tinanong siya tungkol sa sinabi niyang pressure pero hindi rin nagbigay ng detalye si Trillanes.
04:15Pero binanggit niya na inalis umano ang kanyang pangalan sa mga ipapasabi ng testigo.
04:22Sa akin naman kasi the signal is clear.
04:25Hindi ako welcome.
04:27Binatikos rin niya si Presiding Officer Sen. Cheese Escudero.
04:30Dapat aniya ay mas liberal o maluwag ang patakbo sa trial bilang pagkahanap sa katotohanan.
04:37Isa lang naman eh.
04:38Yung Presiding Officer lang naman yung nagtitimon.
04:41So, wantayan niyo yung Presiding Officer.
04:43That's what I'm saying.
04:45Tignan niyo.
04:46In your view, is Presiding Officer. Cheese Escudero the reason why you're not able to testify at that trial?
04:56Wala po kong sinasabi niyan.
04:57Ganyan.
04:58Diba?
05:01Kung I'm sure magagaling po kayo na imbisigador, nalagay niyo na yan.
05:06You have put two and two together.
05:08Hiningan namin ang reaksyon dito si Escudero.
05:11Sabi naman ang tagapagsalita ng Impeachment Court, malaya si Trillanes na maglahad ng kanyang mga komento at pananaw.
05:19Wala rin daw pinipigil ang Korte.
05:22Kung nakikita po ng House Consecretion Panel na doon po sa mga inilahad ni former Sen. Trillanes na importante kung
05:31maisama po yun doon sa kanilang mga pagpapresenta ng evidence-in-chief nila,
05:37then they are free naman po. They have the prerogative to call Sen. Trillanes in the coming days.
05:43Dagdag ni itong gol, walang basihan ang sinabi ng dating senador na hindi siyang welcome sa Korte.
05:49Ipinaliwanag niya kung bakit hindi agad pinasabina si Trillanes.
05:54Kung talaga kung gustong iupo, dapat nasabi po nung lunes yung pangalan ni former Sen. Trillanes.
06:03May mga paghahanda rin gagawin ang court staff, kaya sinabi ni President Officer,
06:08o baka hindi na ako makapag-issue ng subpina para pinabukasan. Kasi ipapadala pa yun sa osaa.
06:14So marireceive yun yung testigo on the same day na kailangan niyang umaten for healing.
06:20Siyempre hindi naman, hindi na siya reasonable para doon sa testigo.
06:27Ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
06:31Inibisgahan po ang sanhinang pagbagsak ng koneksyon ng submarine cables sa pagitan ng Pilipinas at Singapore.
06:36Ayon po sa inang telco, yan ang dahilan kung bakit bumagal ang internet service kanina.
06:42Saksi, si Marie Zumali.
06:46Mula Metro Manila hanggang Pampanga, sunod-sunod ang abiso ng mga telco na mabagal o paputol-putol ang signal ng
06:54internet kanina.
06:55Sa advisory ng PADECO, bagsak umano ang submarine cables sa pagitan ng Pilipinas at Singapore.
07:01Gayun din ang submarine cables sa pagitan ng Pilipinas at Hong Kong.
07:04May kahalin tulad din ang abiso ang Converge at UP Dilema Network Help Desk.
07:10Inimbestigahan na raw ang sanhinito ayon sa Department of Information and Communications Technology.
07:15Kasama po ba sa iniimbestigahan yung possible sabotage?
07:18Isa yun syempre, kasama yun.
07:19Pero it's too early to say it.
07:21For all you know, it's either a fiber cut, two natural causes, or at a test, baka may equipment failures.
07:28Hindi naman daw tuluyang nawala ang signal ng internet at ginagawa na raw ito ng paraan.
07:32They assured me na, at least from the PLDT side, yung capacity na nawala is around 300 gig,
07:43which they claim naman is they have more than enough provision to cover the loss of capacity.
07:49Bagamat may mga eskwelahan ang nag-abiso, sa ngayon, wala naman daw kritikal na infrastrukturang naapektuhan.
07:54Ako, si Marise Umali, ang inyong saksi.
07:58Pumakyan sa 28 ang bilang ng medalyo na Pilipinas sa 2026 Asian Games.
08:04At kabilang sa nadagdag ang gold sa taekwondo at silver sa boxing.
08:09Saksi, si JP Soriano.
08:14Sipa ng tagumpan ang kapinakita ni Taekwondo Jean Jeyus Gabriel Derick Yape matapos magwagi ng gintong medalya sa 2026 Asian
08:23Games.
08:24Ika-apat na gintong medalya ang naipanalo ni Jeyus sa Mixed Individual Virtual Taekwondo Event.
08:29Super happy po talaga kasi, and nga po, talagang yung preparation po namin dito is nakakapagod din po talaga
08:41and super masasabi po na worth it po lahat.
08:48Di umupra sa mga Sipa at iksi ni Jeyus ang kalabang Vietnamics.
08:51Final score, 500-0, 620-0.
08:55Aasahan niyo po na pagbubutingin ko lagi po. I will always do my best po.
09:01Mga kapuso, maraming salamat po sa support ha. May ginto at bronze ako tayo. Thank you so much po.
09:07May silver team na dagdag sa medal tayo ng Pilipinas.
09:10Mulayan kay Olympian medalist boxer Carlo Paalam matapos makipagtuo sa pambato ng Japan.
09:16Round 1 and 2, umaburo sa Japan ang score ng judges.
09:20Nakuha pa ni Paalam ang third round. Pero sa huli, ang desisyon ng mga horado, Japan ang nanalo.
09:27At pagkababa ng ring ni Carlo Paalam, nakita natin siya sa tinatawag ng mix zone.
09:31Dito nakita natin na hapung-hapu siya sa pagod at labis sa pagadismaya.
09:35Sabi ni Paalam, ginawa niya raw lahat ang makakaya. Wala first hanggang last round.
09:42Sobrang sayang mo talaga sir. Yan nga sir. Dalawa yung kalaban ko talaga.
09:48Repare sa ka-boxer ko.
09:50Yung galaw ko na yung minimintog ko, ina-stop niya palagi.
09:54Pero nga lang ako, pagkagi yung nakikita niya.
09:56Yung last round, hindi na masyado nagmamatter yung Japanese.
10:00Kasi puro kapit na lang yung ginungaan ng last round eh.
10:02Ayaw na makipag-boxing eh.
10:04So, you know, I think it was a bad decision.
10:13Panalo rin ang silver medal si Tatiana Mangin
10:16sa women's 49 kg event at Taekwondo.
10:24Silver din ang nakuhan ni Kurt Barbosa sa men's 58 kg event.
10:28A big talent for the future but producing in the year and the year.
10:31Tap-tag bronze medal naman ang ambag kailan na polis na tinalo ang pambato ng Mongolia
10:36sa Jijitsu Women's 52 kg event.
10:39Naka-bronze medal din ang alas Pilipinas duo
10:42na sinagkay Progela at Sofia Pagara sa Women's Beach Volleyball event
10:46matapos malunin ang China First Asian Games Medal po
10:50ng Pilipinas sa Beach Volleyball.
10:52Sobrang happy po kasi yun nga po, it's first time in the Philippines po
10:57na makapodium super happy.
10:59Sobrang nakaka-overwhelm po yung nangyari.
11:02Like, hindi po, hindi po namin expect na ganito yung nangyari
11:05pero tinarbaho po namin kung ano po talaga yung deserve namin.
11:08Mula sa Nagoya at bilang bahagi ng Philippine Olympic Committee Media at GMA News,
11:12ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.
11:15Lumakas bilang typhoon ang bagyong binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
11:20Huli na mataan ang bagyong may international name na Choyuan,
11:232,425 kilometers sila ka ng Northern Luzon.
11:27Ay sa pag-asa, mababa pa rin ang chance na pumasok ang bagyo sa PAR
11:31pero nagdadala ng ulan ang buntot ng bagyo sa Western at Central Visayas,
11:36Negros Island Region at halos buong Mindanao.
11:39Basa sa metro weather, simulat ng halibukas ay uulanin ang malaking bahagi na Visayas at Mindanao.
11:45Mau-ulit ang ganyang panahon sa linggo kung saan may inaasahan pang malalakas na pag-ulan sa ilang lugar sa
11:51Mindanao.
11:52Sa Luzon, posible ang kalat-kalat na pag-ulan bukas ng hapon at sa linggo,
11:56punsan ng mga localized thunderstorm.
11:59Hapon at gabi rin inaasahan ang maulang panahon sa susunod na dalawang araw sa Metro Manila.
12:09Isilusulo ang pagtatayo ng mga cable cars sa mabubundok na lugar sa bansa
12:13para mas mapadali ang paghatid ng gulay at iba pang produkto.
12:17Kabina po yan sa tinalakay sa pagbusisi sa 2027 National Budget.
12:22Saksig, City na Panginibang Talas.
12:27Imbes na ibiyahe sa matatari o palikulikong kalsada ang mga gamit nila at produkto,
12:34ikinakarga na lang yan ng mga taga-barangay buskalan, tinglayan, kalinga sa isang tramline na pinapagana ng jeepney.
12:42Ang binansagang jeep line, minsan na rin dinamit para sakya ng mga tao.
12:47Pero ipinagbawal na, paano kung gawan talaga na mga matitibay na ganyan ng gobyerno ang mga nasa mabubundok na lugar?
12:56Isa yan sa mga naisip ng House Committee on Appropriations Budget Amendments Review Subcommittee o BARC
13:03nang magrekomenda sila ng paglalaan ng 150 million pesos para sa Agricultural Transport and Support Infrastructure Project para sa susunod
13:14na taon.
13:14This would be the cable car systems which would be much cheaper for high-value crops being planted in the
13:22mountainous areas.
13:23Baka raw mas mura pa ang ganito kesa magpatayo ng mga farm-to-market road.
13:28Pero nagrekomenda pa rin silang dagdagat ng 5 billion pesos ang nauna ng 16 billion pesos na pondo para sa
13:36farm-to-market roads.
13:37Bukod pa yan sa inirekomendang dagdag sa mga nakalaan ng pondo sa solar irrigation pumps, fertilizer assistance, hybrid solar-powered
13:48ice plants sa mismong pondo ng Department of Agriculture.
13:52Pero pinakamalaki sa inirekomenda ng BARC ang dagdag 10 billion pesos para sa presidential assistance to farmers and fisher folk.
14:01It was the commitment of the House to make sure that the 2027 national budget is El Nino ready.
14:07May rekomendasyong ding dagdag na 275 million pesos para sa UP Project NOAA na tulong sa hazard mapping kaugnay ng
14:16El Nino, Baha at iba pa.
14:19Pati 500 million pesos para sa school security personnel at x-ray machines na wala sa orihinal na hinihingi ng
14:27ehekutibo kasunod ng mga karahasan sa mga paaralan.
14:31Sa kabuhuan, mahigit 116 billion pesos ang dagdag alokasyon na inirekomenda ng Budget Amendments Review Subcommittee.
14:40Dahil hindi naman pwedeng lakihan ng Kongreso ang panukalang budget, ang tanong ngayon, saan kukunin ang pera at anong mga
14:48programa ang babawasan.
14:50We have to look for the source to be able to accommodate all the requests of the different departments.
14:58So ang dami nalang requests, napakaliit nung source natin.
15:04Ako si Tina Panganibad Perez, ang inyong saksi.
15:10Ako si Tina Panganibad Perez, ang inyong saksi.