Skip to playerSkip to main content
-DPWH: Phase 1 ng EDSA rehabilitation, sisimulan na sa Dec. 24

-Malakas na ulan, nagdulot ng landslide sa Catanduanes

-PAGASA: Amihan, Shear Line, Easterlies at ITCZ, nagpapaulan sa bansa

-Egyptian national, inireklamo matapos sampalin ang isang hairstylist

-Truck, nahulog sa bangin sa Brgy. San Carlos matapos mawalan umano ng preno; 5 sugatan

-May-ari ng salon, sugatan matapos pagsasaksakin ng live-in partner ng kanyang nakaalitan

-Batang babae na dinukot ng street dweller, natunton sa Navotas at naibalik na sa kanyang mga magulang

-Lalaking pasahero na sumakay sa barko sa Batangas pa-Caticlan noong Dec. 13, nawawala; hinahanap ng PCG

-EJ Obiena, panalo ng gold medal sa Men's Pole Vault sa 33rd SEA Games

-Dagdag-sahod sa mga manggagawa sa private sector at mga kasambahay sa MIMAROPA, epektibo na sa January 1, 2026


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mayinit na balita, sisimula na ang Phase 1 ng EDSA Rehabilitation sa Bisperas ng Pasko, December 24.
00:08Dagdag na detay tayo sa ulat on the spot ni Joseph Morong.
00:12Joseph!
00:15Rapi, isasabay ng DPWH, MMDA at Department of Transportation ng EDSA Rehabilitation sa Exodus ng mga tao palabas ng Metro Manila ngayong Kapaskuhan.
00:26Inanunsyo ng mga ahensya na magsisimula nga yung first phase ng EDSA Rehabilitation sa December 24 na tatagal hanggang January 5.
00:38Ganito yung mangyayari dyan, Rapi.
00:40December 24 ng 11pm, magsisimula na yung re-blocking o pagpapalit ng mga basag na bahagi ng EDSA mula Rojas hanggang Orense.
00:51Maynila yan hanggang sa May Makati, 24 oras na yan na tuloy-tuloy nagawaan ng mga sira sa north at southbound lane ng EDSA.
01:01Lane by lane ang gagawin pag-umpuni pero hindi na raw kailangang isara ang malaking bahagi ng EDSA, hindi tulad nung nasa unang plano.
01:10Hanggang January 5 na nga alas 4 ng madaling araw yung sistema na yan.
01:16Sa January 5 naman, pagbalik ng mga taong nagbakasyon galing sa Pasko ay gabi na lamang hanggang madaling araw yung magiging trabaho.
01:26Ang magiging abala na lamang sa publiko ay yung mula alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw.
01:33Pagtuntong ng alas 4 ng umaga, tigil muna ang trabaho para buksan.
01:38Ang mga kinukumpinibahagi sa publiko simula naman alas 5 ng umaga.
01:42Yung sistema na ganyan ay hanggang May 31 na.
01:46Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, wala nang babaguhin sa number coding scheme.
01:51Wala na rin yung pagdadivert ng flow ng traffic sa EDSA sa Skyway at hindi na kailangan maglibre ng toll sa Skyway.
02:00Sa nakita nating mapa ng EDSA, ang pinakamaraming dapat kumpunihin ay dun sa bahagi ng Rojas hanggang Taft sa Maynila.
02:08Kaya asahan na doon yung magiging maraming aktibidad.
02:12Doon naman sa ibang bahagi ng EDSA ay mga konti-konti na lang to traffic compared doon sa pinaka-apektadong lugar na mula sa Rojas hanggang sa Taft.
02:21Narito naman ang pahayag ni na DPWA Secretary Vince Lison at MMDA Chairman Romando Artes.
02:28Kasi nga minimal ang gagamit sa EDSA, kaya magte-take advantage tayo, nabubuhos na tayo, lalo na yung maglaking trabaho sa re-blocking.
02:39Ang 5am, yun ang usapan namin ni Sec Bain sa Sec Banoy.
02:43By 5am, passable yung karsada.
02:46Na-demobilize na lahat ng heavy equipment, malinis yung lugar, madadaanan ng maayos na ating mga kabahayan.
02:53So very minimal disruption ito, both sa commuters at sa motorists.
03:02Rafi, doon sa mga nakadepende, dito sa EDSA bus carousel, wala kayong dapat ipag-alala.
03:08Dahil sa Department of Transportation ay hindi yan tatanggalin.
03:11Ang mangyayari na lamang, ililipat pa samantala yung bus lane or yung carousel.
03:17Kung halimbawa, kukumpunihin na yung lane na yun, iaangat lang siya ng konti pag kailangan ng i-fix o kumpunihin yung lane na dinadaanan nito, Rafi.
03:25Joseph, kapag ililipat ng lane yung EDSA busway, dahil gagawin yung mismong busway, magiging dedicated lane pa rin ba sa mga buss yung temporary lane nila?
03:34O mixed use na yun, kasama yung iba pang mga sasakyan?
03:37Yes.
03:37Iaangat lang sila.
03:42So kasi pag nakita naman natin, Rafi, yung halimbawa, yung i-fix.
03:45Parang siguro, kung halimbawa, ang kailangan i-fix ay isang di pa.
03:49Iaangat lang dun sa bahagi na yun.
03:51So kumbaga, kakain ng konti doon sa regular na traffic.
03:56So hindi siya magiging ganun kaabala.
03:58So kumbaga, may konti lang diversion.
04:00Aangat ng konti, babalik dun sa lane, sa dedicated lane niya, yung EDSA bus carousel, Rafi.
04:05At nabanggit mo, may nakita kang mapa. Joseph, makikita ba yan ng publiko sa website ng DOTR o ng MMDA?
04:16We will ask. Kasi nakikita yun natin sa isang source.
04:20At kasi meron kasi doon, halimbawa, yung sa may ROAS, may mga bahagi na hindi naman kasi tuloy-tuloy yung lane na i-fix.
04:28May bahaging ito, tapos may patsi-patsi.
04:30Kasi ang gusto ng MMDA kasi, yes, MMDA, ay lane by lane yung gagawin.
04:37Ang proposal ng DPWH, sabay-sabay yung area na yun.
04:39So i-resolve muna ng MMDA at ng DOTR na kung lane by lane yung gagawin o isang buhos dun sa area na yun.
04:49But to your question na yung bahagi na kailangan kumpunin,
04:53I think the public should also know nga kung saan itong mga area na ito, parang kung halimbawa magdadrive ka,
04:58medyo maiwasan mo ng konti yung area na yun.
05:00But to repeat lang, ang nakita natin na malala talaga na kailangan kumpunihin ay yung ROAS hanggang TAF.
05:07So kung lagi nyo dinadaanan yun, prepare for mga traffic.
05:12Pero tuwing gabi na lang yun, mga 10 to 4, pag yung schedule na January 5 to May 31.
05:19Pero yung immediate na schedule, December 24 hanggang January 5, tuloy-tuloy yan.
05:28Pero hindi naman inaasahan ng MMDA yung malawakang, yung mga tinatawag natin yung Carmageddon.
05:34So hindi naman siya buong four lanes ng EDSA ay isasara.
05:40Yun lang kailangang lane ay i-block or i-re-block ang isasaraan, Rafi.
05:44Panghuli na lamang, Joseph, meron naman silang inahanda na re-routing scheme kung sakaling nabanggit mo nga may isang lugar dyan na medyo marami yung sunod-sunod na kukumpunihin.
05:53Baka mag-traffic. Meron bang inahandang traffic re-routing scheme?
06:00Ilalabas yan ng MMDA kasabay yung mga areas na kukumpunihin halimbawa sa certain days.
06:07Para nga naman alam ng publiko yung kailangan nalang iwasan kung halimbawa magdadrive sila sa bahaging yan.
06:13So ang kailangan na mag-alala, I think, Rafi, from the map that I saw, ay yung Samiruasata.
06:19So yung area na yun, yung medyo problematic as of now, Rafi.
06:23Maraming salamat sa iyo, Joseph Morong.
06:32Nagkalanslide sa Viga, Catanduanes.
06:34Naapektuhan ng pag-uho ng lupa ang isang bahagi ng National Road sa Barangay Sagrada kasunod ng pag-ulan doon.
06:40Walang nasaktan o nasirang bahay sa insidente.
06:43Ayon sa pag-asa, ang ulan sa Catanduanes ay epekto ng Easterlies.
06:49Kahit walang bagyo o low-pressure area, maraming lugar muli ang uulanin sa mga susunod na oras.
06:55Pusibli ang heavy to intense rain sa ilang bahagi ng Northern Luzon, Palawan at Mindanao, base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
07:03Pinaalerto ang ating mga kapuso mula sa banta ng Baha o landslide.
07:06Pusibli rin ang ulan sa ilang panig ng Metro Manila.
07:10Ayon sa pag-asa, shear line ang magpapaulan ngayon sa Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora at sa Quezon Province.
07:19Hangi-amihan sa iba pang bahagi ng Northern at Central Zone kasama na ang NCR.
07:25Easterlies ang humiira naman sa Bicol, Caraga Region, Northern Samar, Eastern Samar at Southern Leyte.
07:31Nagbabalik namang muli ang Intertropical Convergence Zone o ITZZ sa iba pang panig ng Mindanao.
07:38Ngayong Merkoles, nakapagtala ang pag-asa ng 15.8 degrees Celsius na minimum temperature sa City of Pines, Baguio.
07:45Habang 23.5 degrees Celsius naman dito sa Quezon City.
07:52Ito ang GMA Regional TV News.
07:56Mayinit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
08:02Isang Egyptian national ang inreklamo ng pananakit na isang hairstylist sa Malolos, Bulacan.
08:08Chris, ano bang ginawa nung dayuhan?
08:13Rafi, nagalit daw ang dayuhan at sinampal ang hairstylist.
08:17Sa kuha ng CCTV, kita ang paglapit ng Egyptian national at paghablot niya sa hairstylist.
08:24Habang nakaakbay, bahagyang pinitip ng dayuhan ang muka ng hairstylist.
08:28Bubalik sa upuan ng dayuhan pero ilang sandali lang, tumayo ulit at galit na binalikan ang hairstylist.
08:35Doon na niya hinawakan sa ulo at sinampal sa kanang pisngi ang hairstylist.
08:40Base sa investigasyon na galit ang dayuhan dahil ang gusto niya,
08:43ay siya ang kausapin ng hairstylist tungkol sa gupit na gagawin sa kanyang misis.
08:48Desidido ang biktima na magsampa ng reklamo.
08:51Sinusubukang pangkuna ng pahayag ang dayuhan.
08:55Nahulog naman sa bangin ang isang delivery truck sa Gataran, Cagayan.
09:00Galing sa Kawayan Isabela ang truck na magdi-deliver sana ng mga produkto sa apari
09:05ng madisgrasa sa barangay San Carlos.
09:07Ayon sa Gataran MD-RRMO, posibleng nawalan ito ng freno sa detour na bahagi ng kalsada.
09:15Naging pahirapan ang pagsagip sa driver matapos maipig sa kanyang upuan at sa harapang bahagi ng truck.
09:21Agad siyang isinugod sa ospital pati na ang apat niyang kasamahan.
09:25Wala pa silang pahayag.
09:26May nagla-livestream sa social media sa loob ng isang salon sa Nambahaw, Kamigin.
09:34Mayamay dumaan ang isang nakaputing lalaki.
09:36Hanggang undayan niya ng saksak ang isa sa mga nag-aayos sa isang customer.
09:41Nagtakbuan pala ba sa mga tao sa salon habang may isang pumigil sa suspect.
09:45Base sa investigasyon, matagal nang may alitan ang biktima na may-ari ng salon at ang live-in partner ng suspect.
09:51Nasang mabuting kalagayan na ang 33-anyos na may-ari ng salon.
09:56Ayon sa pulis siya, umamin ang suspect na nakainom siya noong panahon yun.
10:00Mahaharap siya sa reklamong frustrated murder.
10:05Matapos ang halos isang linggo, naibalik na sa kanyang mga magulang ang batang tinangay ng isang street dweller sa Quezon City.
10:12Ayon sa pulis siya, aminado ang suspect na ginamit niya sa pamamalimos ang kinuhang bata na natagpuan sa Navotas.
10:19Balita natin ni James Agustin.
10:24Mahigpit na yakap at halik ang isinalubong ni Melvin ang muli niyang makapiling ang isang taon at pitumbuang gulang niyang anak na si Kiana Jay.
10:31Matapos ang halos anim na araw na paghahana, natunto ng bata sa Navotas City kagabi sa pangangalaga ng mga nagmalasakit sa kanya.
10:39Ang bata nakulang sa CCTV na tinangay ng kapwa nila street dweller sa convenience store sa Quezon City noong December 10.
10:46Napanood po ng father ko yung upload po ng GMA sa social media po.
10:52Then, ginawa niya po yung contact number noong nakalagay po doon.
10:59Naawa po kami, naawa po kami totally kasi may kapatid po akong maliit.
11:04Miligyan po namin siya ng magandang matutulugan, magandang damit at napapakain po namin ng maayos.
11:09Bago pa manahanap ang bata, unang naaresto at nasampahan ng mga reklamo ang 20 anyo sa babaeng sospek na tumangay sa kanya.
11:17Sa imisigasyon ng polisya, lumalabas na nakarating ang sospek karga ang bata sa Caloocan City.
11:23Ayon pa sa polisya, umamin sa kanilang sospek na ginamit niya raw sa panilimusang bata.
11:27Napag-alaman po natin na ito nga pong bata ay iniwan nga raw po ng sospek natin sa isang convenience store sa bandang sangandaan.
11:39Iniwan niya po sa isang babae na nandun po sa may convenience store.
11:46Naantanungin ng sospek kung bakit niya tinangayang bata.
11:50Nahawak siya ako sa kanya na eh. Nadasempa ko paano sa nanay.
11:55Inigil ko sa kanya, liyaw ko.
11:57Ayon sa babaeng pinag-iwanan ng bata, tulog daw si Tiana Jane ang inihabini sa kanya ng sospek.
12:02Sabi niya maliligo lang daw po siya.
12:06Tapos yun, tapos nagintay po ako ng ilang oras, nila po binalikan yung bata.
12:11Tapos mga tao pong lumapit, sabi po na ano na, ay mal sakay dito.
12:17Kasi ano ba, wal nga kasi nga, hindi na matambayan po yun.
12:21Inireporta man daw nila sa barangay na may iniwang bata sa lugar.
12:24Si Melvin at kanyang kinakasama, walang mapagsidla ng kasiyahan ngayong kasama na nila ulit si Tiana Jane.
12:30Sobrang, sobrang sayo ko kasi nakita po namin yung anak po tapos ligtas po.
12:38Yun lang naman po yung pinagpapanalangin namin na araw-araw sir.
12:42Nagpapasalamat din sila sa lahat ng mga tumulong at nagmalasakit para mahanap pa kanilang nag-iisang ana.
12:48Napakalaking tulong po sa amin na naibalik sa amin ng ligtas yung ano ko kasi natanggal po lahat ng pagod, hirap,
12:58tsaka mga pagtitiis namin sa paghahanap sa anak ko.
13:04Para hindi na maulit ang pangyayari, makikituloy na sila sa kanilang kaanak sa Caloocan City.
13:08May papangako ko lang sana ko sir na hindi na maulit ang nangyayari na to kasi napakabata niya pa po para maranasan po sir.
13:17Nagpaalala naman ang polisya sa publiko para maiwasan ang ganitong insidente.
13:21Sa mga magulang, lalo na po kung may mga anak po kayo na mga maliliit pa po, huwag niyo pong paubaya sa ibang tao yung anak niyo po, lalo na kung bago niyo lang po nakilala.
13:38James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:44Patuloy naman ang paghahanap ng Philippine Coast Guard sa isang lalaking sumakay sa barko sa Batangas papuntang Katiklan-Aklan.
13:50December 13, umalis ang barko at dapat kinabukasan, December 14 ang dating sa Katiklan ni Danilo Villaluz, sabi na anak niyang si Diana sa GMA Integrated News.
14:00Mula Katiklan, pupunta sana si Danilo sa Bacolod City para bisitahin ang isa pang anak na na-ospital.
14:06Pero noon ding December 14, hindi na makontak ni Diana ang ama kahit sinabi ng ferry operator na nakarating sa Katiklan ang barko.
14:13Kinumpirma rin ang ferry operator na nakasakay sa barko si Danilo pero naiwan ang kanyang mga gamit at hindi tiyak kung nakabababa siya.
14:22Nagsasagawa ng search operation sa dagat at himpapawid ang PCG sa rutang Batangas-Katiklan para mahanap si Danilo Villaluz.
14:30Nagpapatulong din ang PCG sa mga kalapit na komunidad at mga manging isda.
14:34Sa isa pang Facebook post ni Diana, sinabi niyang hindi nakita ang kanyang ama sa CCTV sa pantalan.
14:40Sinusuri pa raw ang CCTV sa barko.
14:43Para po sa impormasyon kaugnay sa kinaroroonan ni Danilo Villaluz, maaari pong kontakin ang cellphone number ni Diana at iba pa nilang kaanak.
14:5720 siyam na ang gintong medalya ng Pilipinas sa 33rd Southeast Asian Games.
15:01Kasama riyan ng gold medal ni EJ Obiena.
15:04Muling nagkampiyon si EJ sa ikaapat na sunod-sunod na SEA Games sa men's pole vault.
15:09Nag-clear siya ngayon ng 5.70 meters na record breaker para sa dating record ng 5.65 meters na siya rin nag-set noong 2023.
15:21We're looking for some fire out there, some motivation.
15:26And very happy he said there's no pole vaulter in the history of the Southeast Asian Games have won.
15:31Bukod kay EJ, may gold medal din ang Pilipinas sa kickboxing mula kay Zaira Bonas sa women's 48-kilogram low-kick event.
15:43Gold medalist din si na Christine Paraon at Giovanni Delgado para sa women's double skulls ng rowing.
15:49May 168 medalya na ang Pilipinas sa SEA Games.
15:53Pang-anim pa rin ang bansa sa medal tally.
15:56May dagdag sahod para sa mga manggagawa sa private sector at mga kasambahay sa Mimaropa.
16:03Ayon sa National Wages and Productivity Commission,
16:06Epektivo January 1, 2026,
16:08tataas sa P455 pesos ang daily minimum wage ng mga manggagawa sa private sector sa Mimaropa
16:14o Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon at Palawan.
16:19Mula po yan sa dating P430 pesos sa mga establishmento na may sampu o higit pa na manggagawa.
16:25Tataas naman ng P500 pesos ang buwan ng sahod ng mga kasambahay o domestic worker sa naturang rekyon
16:31at magiging P7,000 pesos na.
16:34May umento rin sa sahod sa Sambuanga Peninsula.
16:37P50 pesos ang itataas sa daily minimum wage na ibibigay sa dalawang tranche.
16:41Ang una ipatutupad sa January 1, 2026,
16:45magiging P439 pesos ang daily minimum wage sa non-agricultural establishments na may sampung manggagawa pataas.
16:53Magiging P426 pesos naman sa agriculture establishments at retail o service establishments na may siyam na manggagawa pababa.
17:00June 1, 2026 naman ibibigay ang second tranche.
17:04Magiging P464 na ang daily minimum wage sa non-agricultural establishments
17:09habang 451 naman sa agriculture establishments at retail o service establishments.
Comments

Recommended