Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ilang araw na lang at sasalubungin na natin ang 2026.
00:04Kananiwang bahagi ng selebrasyon ang pagbili ng mga paputok at pailaw.
00:08Kumustahin natin ang sitwasyon sa Bukawi, Bulacan sa ulat on the spot ni Chino Gaston.
00:14Chino!
00:18Rafi, mga pailaw at paputok ang bakay ng mga taong nagsisipuntahan dito sa Bukawi, Bulacan,
00:25na siyang kilalang fireworks capital ng ating bansa.
00:30Matapos ang mga gastos para sa Noche Buena at mga pamasko,
00:34karaniwang pagsalubong sa bagong taon ng kasunod na pinaghahandaan ng mga Pilipino.
00:38Para sa marami, kasama na dito ang pagbili ng mga pailaw.
00:42Pinaniniwala ang pampaswerte o simpleng bahagi ng pagsalubong sa parating na bagong taon.
00:47Si James galing pang kabite para mamili ng paputok na nakagawian na raw ng kanilang magpamilya.
00:53Si Erdi Aguilar naman dumayo pa mula tarlak kung magkano ang kanyang gagastusin
00:58para sa isang bagay na literal na sinusunog, depende na raw ito sa kakayanin ng kanyang budget.
01:04Ayon sa mga fireworks retailers dito, nagsimulang sumigla ang bendahan ng paputok kagabi
01:08at magpapatuloy pa hanggang besperas ng bagong taon.
01:13Dahil sa diyang mapanganib ang paggamit ng paputok at pagbiyahin nito mula Bukawi,
01:18may mahigpit na bilin sa mga mamimili ang mga retailer,
01:21lalot ilang araw maiimbak ang mga paputok bago magbagong taon.
01:25Huwag po mababasa po talaga. Yan po yung pinaka-safety po natin.
01:31Huwag mababasa?
01:32Anong cause ng pagnabasa?
01:34Umiinit po kasi yung pinaka-pulbura po.
01:37Ah, okay. Pagnabasa.
01:38Nagkaka-cause po kasi ng biglang pagkaano po.
01:41Di ba lang yung expose sa init, sa nakulob siya, huwag lang siya mabasa?
01:44Huwag lang po mababasa.
01:45Okay.
01:51Kasabay naman ang paglakas ng bentahan ng mga fireworks sa Bukawi,
01:55paalala ng mga otoridad sa publiko na sumunod sa patakaran ng kagawaran
01:59para maiwasan ang aksidente sa pamilihan ng fireworks
02:02gaya ng pagsunod ng tamang handling, storing at pagbawal ng anumang testing ng paputok sa lugar.
02:08Sumunod din daw sa mga patakaran gaya ng pagkakaroon ng fire extinguisher
02:11at standby na imbakan ng tubig sa kada fireworks stall.
02:16Rafi, taong 2021 na 2022 raw ang pinakamalakas na naitalang bentahan
02:20ng paputok sa bungkasaysayan ng retailers dito sa Bukawi,
02:25kung saan na alam naman natin, nagsisimulang bumangon pa lang ang ating bansa
02:29mula sa matinding COVID pandemic.
02:32Pero ngayong taon, mukhang maganda rin daw ang bentahan
02:34sa kabila ng mga pagbaha, lindol at iba pang mga isyo at sakuna
02:38na kinaharap ng ating bansa.
02:40Rafi?
02:41Chino, kung may impormasyon ka lang,
02:43kumusta yung presyo ng mga paputok ngayon,
02:45kung i-kukumpara noong nakaraang taon?
02:50Well, ang sinasabi nila, medyo umakit naman daw talaga ang presyo.
02:54Bagamat hindi quantified dahil iba-iba yung mga sari ng,
02:59iba-ibang klase ng paputok.
03:00At meron pa rin namang medyo mas mura.
03:04Pero ang mga matinding or parang kilala talaga
03:07at sinasabing tumaas,
03:09itong presyo ng quitties na nag-re-range daw
03:13from 2 pesos hanggang 5 pesos yung increase.
03:15So yan yung mga karaniwang ginagamit
03:17at tinatangkilik ng ating mga kababayan.
03:20Meron ding pagtaas ng konti
03:21dahil sa cost of materials dito sa mga pailaw,
03:25yung mga nakakahon
03:26at nakikita natin lumilipad sa ere
03:29sa pagsalubong ng bagong taon.
03:31Pero gayong paman, kahit na may increase in prices,
03:34ay inaasahan pa rin ng mga retailers
03:36na malakas ang magiging bentahan nila,
03:39lalong-lalo na pagkatapos ng selebrasyon ng Pasko.
03:43Ravi.
03:44Maraming salamat sa iyo, Chino Gaston.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended