00:00Sinaklulohan ng apat na pulis ang isang nanganganak sa banketa sa EDSA, Balintawak.
00:05Balitang hatid ni Bea Pinlak.
00:09Hindi pang karaniwang tagpo sa gilid ng EDSA, Balintawak sa Quezon City,
00:14Merkules ng madaling araw.
00:16Rerespondehan sana ng mga pulis ang isang nadulas na babae.
00:19Pagdating sa lugar, buntis na nasa tabing kalsada ang naabutan nila na mananganak na.
00:25Nakita ko yung babae, duguan at mga nganak na siya.
00:31So ang ginawa nung kasama ko, sinalo niya yung bata.
00:35Halos wala pang 20 seconds, lumabas na yung bata.
00:39Tulong-tulong ang apat na rumisponding pulis sa pag-alalay sa babae,
00:44pagtawag ng ambulansya at pagmando ng traffic.
00:48Ayon sa pulisya, kasama noon ang babae ang isa pa niyang anak.
00:52Binalot nung white cloth at pinayungan din yung, kasi medyo umuulan para hindi mabasa yung nanay at yung baby.
01:01Malusog po yung bata at umiyak pa nga po yung pagkalabas niya.
01:07Makalipas ang ilang minuto, dumating ang ambulansya ng barangay na ligtas na nagdala sa mag-ina sa ospital.
01:13Bibigyan naman ang parangal sa Camp Karingal sa lunes ang apat na pulis na tumulong magpaanak sa babae.
01:19Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments