Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

šŸ—ž
News
Transcript
00:00Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government na mag-deploy na mga barangay tanod sa mga public school
00:06kasunod ng kabi-kabilang insidente ng karahasan sa mga paaralanan.
00:10Balitang hatid ni E.J. Gomez.
00:16Alas 5 ng madaling araw, nadatnan namin nag-meeting ang mga tauha ng barangay poblasyon dito sa Mandaluyong.
00:23Nagahanda sila para sa kanilang deployment sa mga eskwelahan ngayong araw.
00:26Mag-aalas 6 ng umaga, nagsimula silang mag-ronda sa dalawang paaralan, ang Mandaluyong Elementary School at Mandaluyong High School.
00:34Naglabas kasi ng utos ang Department of the Interior and Local Government o DILG na kailangang magbantay ang mga barangay tanod sa mga pampublikong paaralan
00:43bilang dagdag siguridad sa gitna ng sunod-sunod na insidente ng karahasan sa mga eskwelahan.
00:50Pinatututukan din sa kanila ang pagmamando ng trapiko sa oras ng pasukan at uwian at pagpatrol sa paligid ng mga paaralan.
00:57Tingin yung maga po, opening yung klase ng 6, nandoon na po nakadeployed na po ang aming mga bantay-bayan
01:04para po magabayan po yung mga estudyante at mabantayan po maingin.
01:09Pinuntahan din namin ang barangay Addition Hills na may anim na paaralan.
01:13Mag-aalas 6 kanina nang magsimula ang mga tanod na magbantay at mag-monitor sa Andres Bonifacio Integrated School.
01:19Pag oras ng pasukan o oras ng labasan, nagmumunitor na kagad sila na magde-deploy ng mga tao sa mga bantay-bayan sa mga eskwelahan
01:28para maiwasan yung kaguluhan sa mga eskwelahan sa estudyante dito sa Mindaloyong.
01:35Malaking bagay raw ang dagdag siguridad sa eskwelahan para sa tatay na si Mark na arawang hatid sundo sa anak na nasa grade 1.
01:42Safe na po kami as a parent na ma-iwanan namin yung mga anak namin sa school kasi may mga tanod na at saka kami nagbabantay na.
01:50Di na po kami kabado.
01:51Ayon pa sa mga tanod ng ilang barangay sa Mindaloyong, binabantayan din nila ang mga grupo ng mga estudyante o kabataan
01:58na nag-aabangan sa paligid ng mga eskwelahan na kadalasan daw ay nagsisimula ng mga away at bullying.
02:05EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended