Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Inireklamo ang isang babae sa Maynila dahil sa hindi pagpapasweldo sa mga nirekrut niyang virtual assistants.
00:07Ang kanyang paliwanag sa balitang hatid ni Jomer Apresto.
00:13Hating gabi na nang mapasugod ang mga taong yan sa barangay 555 sa Sampaloc, Maynila.
00:19Inireklamo nilang isang babae na nang-recruit umano sa kanila para maging virtual assistant.
00:24Lahat sila hindi pa rin daw sumasahod kahit mayroon namang trabaho na pinagagawa sa kanila.
00:30Isa sa mga biktima ang 23-anyos na fresh graduate na noong Agosto pa raw narekrut.
00:35Personal niya raw nakakilala ang babae kaya agad siyang nagtiwala.
00:39Bago magumpisa sa training, pinagbayad raw sila ng 2,000 pesos para sa mga gagamitin nilang equipment tulad ng laptop.
00:47Nagpagawa rin daw ng introduction video ang babae sa mga biktima para hindi na sila sumalang sa job interview.
00:52Ang 24-anyos na biktima namang ito, pinangakuan daw ng 50 hanggang 70,000 pesos na sahod sa oras na matapos ang kanyang training period.
01:01Dahil nakakailangan din po ng work, gusto din maka-earn ng extra, pinasok ko po talaga siya kasi yung offer niya is maganda.
01:12Nang magkausap-usap na mga narekrut, hindi raw nagtutugma mga pangako at maging ang mga trabaho na iniatas sa kanila.
01:18Sinubukan pa umano nilang kausapin ang babae pero nagalit daw ito kaya humingi na sila ng tulong sa mga otoridad.
01:25Nalaman din nilang ang mga trabaho yung ibinigay sa kanila, workload pala ng babaeng kumuha sa kanila.
01:31May mga sinasabi po siya ng mga tao which is hindi naman po pala talaga nage-exist.
01:35Which is gumawa po siya ng iba't ibang email which is siya rin naman po pala may hawak ng email na yun.
01:41Marunong lang po talaga siya gumawa ng kwento, magaling po siya.
01:44Isa po siyang pathological liar.
01:45Ayon sa barangay, labing-anim ang mga nabiktima ng babae. Pito pa lang ang nagreklamo sa kanila.
01:51Tumanggi magbigay ng pahayag ang babaeng inireklamo.
01:54Pero paliwanag daw niya sa barangay maging siya ay naloko lang din ang agency kung saan niya pinasok ang mga biktima.
02:00Kaya kung baga sabay-sabay daw silang naloko.
02:03Hindi lang ang problema daw, hindi niya raw na paano ipapaliwanag sa mga ano na yun,
02:09sa mga narekrut na trabaho kung papaano niya sasabihin na naloko sila.
02:13Napangkasunduan sa barangay na babayaran ang babaeng ng rekrut ang mga biktima para sa mga buwan na ipinasok nila.
02:20Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended