00:00Silipin naman natin ang sitwasyon sa Baguio City na dinagsan ng maraming turista ngayong Pasko 2025.
00:07May ulat on the spot si Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
00:11Sandy!
00:15Rafi, matapos ang makulay at maingay na selebrasyon ng Pasko dito sa Baguio City,
00:21ay kanya-kanyang gimmick na ang ating mga kababayan para sulitin at enjoy pa ang pagdiriwang ng holiday season ngayong long vacation.
00:30Maagang dumagsa ang mga bisita sa ilang pook pasyalan sa lungsod ng Baguio, tulad sa Burnham Park.
00:37Ayon sa ilang turista, hindi raw kumpleto ang Pasko nang hindi nararanasan ang malamig na temperatura sa Baguio.
00:43Matapos ang pagdiriwang ng Pasko, hindi naiwasan ang mga nagkalat na basura sa syudad.
00:48Nililinis naman ito agad ng mga street sweeper.
00:51At dahil trip ng ilan ang mamasyal ngayong nasa 16 to 23 degrees Celsius ang temperatura sa lungsod,
00:57paunahan ang mga motorista sa mga paradahan.
01:01Wala pang alasyete ng umaga kanina, punuan na ang ilang parking area.
01:05Hindi lang daw sa heavy traffic masusubok ang pasensya, kundi sa paghahanap din ng paradahan.
01:12Rafi, kung pasyalan din lang ang pag-uusapan dito sa Barangay Irisan sa Baguio City,
01:17ay matatagpuan na ang isa sa mga kilalang puok pasyalan.
01:21Mistu lang na sa United Kingdom ang dating mo dahil sa Windsor Castle themed na pagkakadesenyo nitong Batong Palasyo.
01:31Maliban, Jan Rafi ay isa rin sa mga dinadag sa ngayon ng mga turista ang ilan pang mga pasyalan,
01:36katulad na lamang ng Mines View, Botanical Garden, Ride Park at marami pang iba.
01:41Yan muna ang mga latest muna rito sa Baguio City.
01:44Happy holidays sa inyo, Jan Rafi.
01:46Maraming salamat at Merry Christmas and Salvation ng GMA Regional TV.