Skip to playerSkip to main content
- 12 sugatan nang madiskaril ang sinasakyang ride sa perya


- Pagsasara ng ilang lanes kabilang ang sa EDSA bus carousel, nagdulot ng pagbigat ng trapiko


- Higanteng whistle bomb, sinindihan sa gitna ng kalsada


- Mga nakatanggap ng aguinaldo, nag-shopping sa Divisoria


- Mag-asawang nakabihis Santa Claus, pinahinto dahil mabilis ang patakbo


- Merry Christmas from our families to yours

State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00State of the Nation
00:06Naging horror ride ang isang atraksyon sa periyahan sa San Jacinto, Pangasinan.
00:23Nadiskaril ito at bumigay ilang sandali matapos paanda rin.
00:26Labing dalawa sa tatlongpong sakay ang sugatan kabilang ang ilang minordiedad.
00:31Sinuspindi muna ang operasyon ng periyahan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
00:38Dakihati sa linya ng mga pribadong sasakyan ng mga bus sa EDSA Carousel matapos isara ang ilang bahagi ng kanilang linya dahil sa EDSA Rehab.
00:47Mula sa Pasay City, may live report si Jamie Santos.
00:51Jamie?
00:56Atong Paskong Pasko pero tuloy ang trabaho para sa pagsasayayos ng EDSA.
01:02Kaya naman kahit marami ang nakabakasyon, nakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA.
01:07Kaya nang nakaskedule kahit gabi na at Pasko pa, puspusan ang pagkukumpuni sa bahagi ng EDSA Pasay, Corner Rojas Boulevard.
01:20Binabakbak ang bahagi ng kalsada dahil re-blocking ang gagawin.
01:25Ibig sabihin, papalitan ng bago ang semento.
01:28Isinara ang bahagi ng kalsada maging ang bus carousel lane.
01:31Kaya naman nagiging mabagal ang usad ng mga sasakyan.
01:34Pasado alas 4 ng hapon, bumagal din ang daloy ng trapiko sa bahagi ng southbound ng EDSA sa Guadalupe.
01:43May mga inilagay ng signages na nagbababala sa mga motorista tungkol sa pagsisimula ng pagsasara ng ilang bahagi ng kalsada.
01:50Umabot hanggang buwendiya ang traffic sa southbound lane.
01:53Sa northbound naman ng EDSA, nakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko ang mga galing o dumaan sa Ayala Flyover.
02:02Pagbaba kasi rito, sasalubong ang mga gumagawa ng asfalto sa naturang bahagi ng kalsada.
02:08Nakadagdag pa sa pagsisikip ng daloy ng trapiko, ang mga nakaparadang truck at sasakyan ng mga taongan na nagsasagawa ng roadworks.
02:15Inaaspalto ang north at southbound lane ng EDSA bus carousel sa bahagi ng EDSA Orense.
02:24Dahil dito, nakihati muna sa ibang lane ang mga bus ng EDSA carousel.
02:28Medyo delay ng konti.
02:29Yung kita din naapektuhan din kasi sobrang bagal.
02:34Paliwanag ng Transportation Department, ngayong araw lang yan at balik dedicated lane ang mga bus bukas.
02:40Sa Taft Avenue sa Pasay, dalawang lanes ang hinarangan para sa gagawin namang re-blocking.
02:56Tuko din ang traffic kanina sa Rojas Boulevard na bahagi rin ang Phase 1 ng EDSA Rehab.
03:01Inilabas na rin ang DPWH ang schedule ng pagsasayos sa iba pang bahagi ng EDSA.
03:06May re-blocking o pagbubungkal ng mga lane sa southbound lane mula Taft Avenue hanggang Ayala Underpass exit.
03:14Gayun din sa northbound mula Rojas Boulevard hanggang EDSA Orense.
03:19May mga asphalt overlaying naman sa tramo hanggang Ayala Underpass sa northbound lane.
03:25Pati sa Luring Street hanggang Ayala Underpass sa southbound lane.
03:28Magdamaga ng unang bugso ng EDSA Rehab hanggang sa January 5.
03:33Pero simula January 5 hanggang May 31, 2026, nakaschedule na lang ang paggawa mula alas 11 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw.
03:43Atom, pinapayuhan ng DPWH ang mga motorist na kung maaari gumamit ng alternatibong rito para makaiwas ka sa posibleng pagsisikip ng daloy ng trapiko
03:57at magingat sa kanila mga biyaheng ngayong Kapaskuhan.
04:00Maligayang Pasko Atom at sa ating mga kapuso.
04:03At yan ang latest mula rito sa EDSA Pasay. Balik sa'yo Atom.
04:06Merry Christmas at maraming salamat, Jamie Santos.
04:09Isang linggo bago pa, magbagong taon, pero may mga nasugatan, nalapnos, ang balat, at natanggalan pa ng kuko dahil sa paputok.
04:18Sa tagig, isang rider ang muntik namang madali ng whistle bomb na sinindihan sa gitna mismo ng kalsada.
04:25May report to Jonathan Andal.
04:30Magaalauna ng madaling araw kanina nang sindihan ng isang whistle bomb sa gitna ng kalsada sa barangay Hagonay sa tagig.
04:36Tiyempong dumaan ng isang motorsiklo.
04:39Buti na lang hindi na dali ang rider na tuloy-tuloy nakaraan.
04:42Ang nagsindi ng whistle bomb na tuntun na ng pulisya.
04:45Nag-sorry na siya.
04:47Pero titikitan pa rin dahil sa paglabag sa ordinansang naglalaan ng designated firecrackers and fireworks area.
04:52May multayang 5,000 piso at pwedeng may kasamang kulong na abot ng 6 na buwan.
04:56Sa Tondo, Maynila naman, kaliwat kanan din ang pagpapaputok sa kalsada ng ilang kabataan sa pagsalubong sa Pasko.
05:10Yung mga kabataan kasi dito, matitigas yung ulo.
05:13Gusto ko, kahit pagsabihan mo sila na bawal magpuputok.
05:16Delikado lang po, pwede po magkasunog.
05:18Bawal din sa Maynila ang pagpapaputok kung saan-saan.
05:20Kung may mga masuswerteng hindi na pupuruhan, meron na ang isinugod sa ospital matapos mapatokan sa mga daliri.
05:27Ang 13-anyos na binatang ito, napulot daw ang iligal na paputok na plapla sa kasinindihan.
05:32Anong leksyon ang natutunan mo dyan?
05:37Dalawang bata naman ang nadali ng paputok sa Baguio City.
05:41Ang isa na lapnos ang kamay sa hindi patukoy na klase ng paputok.
05:45Habang ang isa, natanggalan ng dalawang kuko nang maputokan ng iligal na 5-star
05:49na ipinahawak lang daw sa kanya ng mga kaibigan.
05:51Naturo na na din lang po.
05:54Kasi yung pagtaos kung nagpapaputok lang dyan sa lakan,
06:01parang nagugulat na din lang po.
06:03Siyempre nagalit, nagulat.
06:06Na sana kung sino man ang nagbibinta ng paputok,
06:11huwag naman sana kasi kawawa yung mga bata.
06:14Sa Negros Island, isang 14-anyos ang napaso ang ulo
06:18dahil sa sumabog na boga.
06:20May 10 taong gulang namang naputokan ng triangle.
06:23Sa dato sa Department of Health,
06:24may 28 fireworks-related injuries na mula noong December 21.
06:28Higit sa kalahati rito, 19-anyos pababa.
06:31Pinakamarami rawan nasaktan sa 5-star, boga at triangulo.
06:34Naka-code white na tayo.
06:35Ibig sabihin, naka-alerto.
06:37Nakahanda na yung mga tools.
06:39Reminder na itong malaking ragaring ito,
06:41itong malaking martilong ito,
06:43kapag matigas ang ulo,
06:45yan ang sumasalubong sa nasasabogan.
06:47Sa Jose Reyes Memorial Medical Center,
06:50inihanda na ang lagaring ginagamit pamputol,
06:53mga stainless steel pins na pandurog,
06:55at ang orthopedic handset na ginagamit sa pag-oopera ng buto.
07:00Sa kabila ng panganib sa paggamit ng mga paputok,
07:02malakas pa rin ang bentahan sa fireworks capital of the Philippines
07:05ang Bokawe Bulacan,
07:06kahit pa doble na ang presyo ng mga ito
07:08kumpara nung nakaraang taon.
07:09Dati, kahit maka-5,000 akat,
07:11dalawa sako na yun.
07:12Ngayon,
07:13eto na lang,
07:14kakaunti na lang.
07:15Nasa 10K na rin.
07:17Pwede pwede ito ma, sir.
07:18Mababa na yung supply natin, sir.
07:20Naubos na yung mga nakuha ng nakaraang.
07:22Sabi ng mga nagtitinda,
07:24nakaapekto ang sunod-sunod na bagyo,
07:25kaya hindi nakagawa ng maraming paputok
07:27ang mga manufacturer.
07:28Tumaas din daw ang presyo ng kemikal na gamit nila.
07:31Kinakalampag naman ang
07:32Philippine Pyrotechnic Manufacturers and Dealers Association
07:35Inc. ang gobyerno
07:36para masawata ang mga hindi lisensyadong
07:39nagtitinda ng paputok
07:40na malaking bantarao sa kanilang siguridad.
07:42Yung Divisoria area,
07:44I don't know if they have licenses to sell.
07:48So, yun,
07:49apektado rin po kami doon.
07:51Kasi imbes na pupunta dito
07:52sa mga legit na may physical stores,
07:56some would go there.
07:58Eh, wala naman pong mga lisensya.
07:59Kasama sa mga bawal na paputok
08:02ang Watusi, Papa, Plapla, Piccolo, Five Star
08:05at ang bagong Dart Bomb
08:07na kapag bumagsak, sumasabog agad.
08:09Nabistadong itinitinda na rin online.
08:12Ang pagbibenta po online ay
08:14may ipinagbabawal.
08:16Ang magiging penalty po nito
08:17ay nasa 30,000 na multa
08:19hanggang isang taong pagkakakulong po.
08:23Jonathan Andal nagbabalita
08:24para sa GMA Integrated News.
08:26Diretso sa pamamili ng laruan
08:28ng ilang tsikiting,
08:30na nakatanggap ng Aguinaldo
08:31ngayong Pasko.
08:32Habang ilang pamilya
08:33sa mga park
08:34o kaya'y theme park
08:35nagpasko.
08:36Live mula sa Maynila,
08:38periport si Von Aquino.
08:40Von!
08:43Atom, sinulit na ng ating mga kababayan
08:45ang pagbabanding kasama ang pamilya
08:47sa iba't ibang pasyalan
08:48dito sa Maynila ngayong Pasko.
08:50Tapos, makakuha ng Aguinaldo
08:57sa mga Ninong, Ninang, Tito at Tita.
08:59Sugod na agad ang mga bata
09:01sa mga tindahan ng laruan
09:02sa mall na ito sa Divisoria, Maynila.
09:04Yung mga pag-nirigalo sa kanya na pera,
09:07binili namin ng laruan.
09:09Bilhin ng laruan po.
09:11Tapos yung binabili mo ng laruan,
09:13kanino galing?
09:15Minininang po namin.
09:16Sa Ninang po namin at dito.
09:18Sino may birthday kapag Christmas?
09:21Si Jesus.
09:21Kinaaliwan naman ang mga mascots
09:24sa Pasig River Esplanade sa Maynila.
09:27Enjoy sa view at food trip ang ilan.
09:30Maganda naman po kasi ano,
09:32parang frisco siya.
09:34Masarap po lahat.
09:36Masasarap po lahat ang pagkain dito sulit.
09:39Napuno naman ang mga namamasyal
09:41ang Rizal Park.
09:42Kanya-kanya silang latag sa damuhan
09:44at dito na rin nagsalo-salo ng hapunan.
09:46Kasi gusto rin ang mga bata
09:48na makapunta dito.
09:50Maganda po yung ano,
09:51tanawin.
09:52Dito talaga kami pag may okasyon.
09:55Sa dami ng mga tao,
09:56ilang bata naman ang nawala
09:58at dinala sa Lost and Found.
09:59Agad din silang nasundo
10:00ng kanilang nag-aalalang mga magulang.
10:03Marami rin ang nagmumuni-muni
10:05at tahimik na humiling.
10:07Christmas wish ko,
10:08sana pumayat ako.
10:12Pakaiba?
10:12Ang daming handa.
10:13Paano yun?
10:14Eh, yun na nga.
10:14I-diet ako.
10:16Next year.
10:16Anong Christmas wish mo?
10:18Sana magka-jowa.
10:21Pero sa liwasang ito na saksi sa buhos ng galit
10:25sa mga kanser ng lipunan
10:26mula pa noong panahon ni Gat Jose Rizal,
10:28may ilan rin hindi nakalilimot
10:30na maningil ng pananagutan.
10:32Sana po yung mga kurap,
10:33eh,
10:34mapanagot na.
10:35Sana mabago na lahat yung
10:36patakalan yung sa Pilipinas.
10:39Pero ang tiyak na nasingil ngayong Pasko,
10:45mga ninong at ninang.
10:46Pinag-iipunan ko ito,
10:48ito yung Pasko, eh.
10:49Gawa nung...
10:51Ayokong madisappoint yung mga inaan ako.
10:53Pero may ilang hirap mahanap.
10:55Nakabutan ni ba?
10:56Hindi pa po kasi mga lulog pa po.
10:59Yung iba, nasa probinsya.
11:01Ang mga tiba-tiba ngayong araw
11:02sa mga Aguinaldo,
11:04ginamit na ang napamaskuhan
11:05sa pamamasyal sa mga amusement park,
11:07gaya ng sa Pasay City.
11:09Mula po sa Iloilo,
11:10dumayo po kami dito
11:11para malang magsaya kasama ang kanila.
11:15Favorite ride ko po dito
11:16is yung Vikings.
11:18Kasi bukod sa mataas,
11:19bumabalik siya,
11:20parang yung ex ko.
11:23Merry Christmas!
11:26For the bonding with the family
11:28or post sa IG,
11:30ang amusement park sa Laguna
11:31ang puntahan ng marami.
11:33Pasal lang, ganyan.
11:36Sumakay ng mga rides.
11:37Kung makakayanin.
11:38Para sa mga bata,
11:40para sa mga puko,
11:41ganyan,
11:42namamasyal tuwing araw ng Pasko.
11:44Nakakatakot.
11:45Pero,
11:46pag natapos ko na,
11:48piling ko na,
11:49piling ko,
11:51gusto ko pa ulit.
11:52Kanya-kanyang ganap
11:53at gimmick din
11:54ang ilang bakasyonista sa Baguio.
11:56Bukod sa go-kart sa Burnham Park,
11:58horseback riding sa Ride Park
12:00at the mansion.
12:01Dagsa ang tao
12:02sa Central Business District
12:03at Kastilyong Bato
12:04inspired ng Windsor Castle.
12:06And in fairness,
12:07mas maganda siya in real life
12:08rather than sa social media.
12:11Sa Boracay naman,
12:12literal na nagiinit
12:13ang fire dancing ng isla
12:15na lalong nagpa-espesyal
12:17sa mga Noche Buena
12:18by the beach
12:18na mga turista.
12:20It's a Christmas experience
12:21for them
12:21which will be videoed
12:22and hopefully watched
12:24in years to come.
12:25It's such a wonderful place
12:26to come to.
12:27The Philippines,
12:28Boracay.
12:29Pero sa Tagaytay,
12:30Christmas rush traffic
12:31ang inabutan
12:32ng ilang dumayo
12:33na umabot pa
12:33sa dalawang oras.
12:35Nandito na,
12:35enjoy na lang
12:36kasi minsan lang naman
12:38at sabi ko basta
12:40makauwi ng safe.
12:42Bawas init ang ulo
12:43ang malamig na simoy
12:44ng Pasko
12:44sabay higop
12:45ng masarap na sabaw
12:47ng bulalo.
12:47Mga may hangover,
12:49tra higop tayong sabaw
12:50sa Tagaytay,
12:52sa malamig.
12:52Pero,
12:53po-posting naman.
12:57Atom hanggang
12:5811pm lang itong Luneta
13:00kaya naman unti-unti
13:01na rin nag-uuwian
13:02yung ating mga kababayan.
13:04At yan muna
13:04ang latest mula rito.
13:06Maligayang Pasko
13:06sa'yo, Atom.
13:08Maligayang Pasko
13:08at maraming salamat,
13:10Von Aquino.
13:11Pinahinto ng polis
13:12si Santa Claus
13:14sa Ohio,
13:15Ohio sa Amerika.
13:18Santa,
13:18do you have your
13:19driver's license?
13:21Ang driver kasi nitong
13:23nakabi Santa Claus
13:24mabilis ang patakbo.
13:26Sakay pa ni Santa
13:27si Mrs. Claus
13:29kaya ang seryoso
13:30dapat tatagpo
13:31na uwi sa katatawanan.
13:33In the spirit of Christmas,
13:34hindi na tiniketa
13:35ng driver
13:36at pinaalalahanan na lang
13:37na magdahan-dahan
13:39sa pagbumaneho.
13:46Sabi nga nila
13:47may Pilipino
13:48saan mang panig
13:49ng mundo
13:49at saan mang lugar
13:51naroon
13:51bit-bit nila
13:52ang tradisyon nating
13:53mga Pinoy
13:54tuwing Pasko.
13:55Narito ang kwento
13:56ng Paskong Pinoy
13:57abroad.
13:59Malayo man
14:03sa kanika nilang
14:04pamilya
14:04dahil nasa
14:05iba't-ibang
14:05panig
14:06ng mundo.
14:07Bit-bit pa rin
14:07ang ilan nating
14:08kababayan
14:09ang diwa
14:09ng Paskong
14:10Pinoy.
14:14Si Christine,
14:15labing-anim na taon
14:16ang naninirahan
14:17sa Sydney,
14:17Australia.
14:18Doon na siya
14:19nagkapamilya
14:19at nakapagtayo
14:20ng negosyo.
14:22Turing sa kanya
14:22ng ilang Pinoy
14:23roon,
14:24isang ina
14:24ang pagdiriwang nila
14:26ng Pasko.
14:27Malayo sa nakasanayan
14:28sa Pilipinas.
14:29Mas masaya,
14:30mas magulo
14:31kasi mahili tayo
14:32yung magka-Christmas
14:34hopping.
14:34Dito walang
14:35nagkakaraling eh.
14:36So,
14:36yun talaga
14:37na-miss ko yung
14:38liveliness
14:39ng Pasko
14:40sa Pilipinas.
14:41Kaya kasamang halos
14:4320 kapwa Pinoy,
14:45ginagawang maingay
14:46at masaya
14:47ni Christine
14:47ang selebrasyon.
14:49Nung nag-start ako
14:50ng training business ko,
14:52ang mga nakakasama nga
14:53ay mga
14:54OFW
14:55o di kaya
14:56ay mga
14:57international students
14:58dito sa city.
14:59Naisip ko na
15:00magtipon-tipon
15:00kaming lahat.
15:01Kahit pa pano,
15:03maramdaman nila
15:04na may kasama sila
15:06dito sa Australia
15:06at hindi sila
15:07nag-iisa.
15:08Ibang-iba naman
15:10ang sitwasyon ni Sherry
15:11sa Middle East.
15:13Halos pitong taon
15:14na siyang nagtatrabaho
15:15roon bilang guro
15:16at ganun katagal na rin
15:17hindi nakapagpapasko
15:18sa Pilipinas.
15:20Ordinaryong araw lang doon
15:21ang December 25.
15:22Pag
15:23December 25 mismo,
15:25ordinary day na lang siya.
15:26Like,
15:27work day kasi.
15:28So,
15:29lahat may pasok.
15:30Hindi mo na ma-feel na
15:32ah,
15:32Pasko pala ngayon.
15:34Sumakay lang ko sa metro
15:35kung ko na-realize na
15:36December 24 too.
15:38Dapat
15:38kasama ko yung pamilya ko.
15:41Dapat
15:41masaya ako ngayon
15:43kasi parang
15:44it feels
15:44empty.
15:46Dahil mag-isa lang
15:47sa tinutuluyan,
15:48mas ramdam ni Sherry
15:49ang lungkot.
15:50Ang ginagawa ko is
15:51Notche Buena na
15:52since
15:537pm yun dito.
15:56Maaga pa.
15:57Nag-video call na ako
15:58sa kanila
15:58hanggang sa
15:59mag-12
16:01AM.
16:02Through video call lang
16:03makikin-Notche Buena
16:04ako sa kanila.
16:05Mabuti na lang
16:06at nandyan ang mga
16:07kaibigan niyang Pinoy
16:08para ipagdiwang
16:09ang kapaskuhan.
16:11Magbigay din kayo
16:12ng time
16:12para i-enjoy nyo
16:13yung Christmas season
16:15and be with your friends
16:17para
16:18hindi nyo ma-feel
16:20na
16:21mag-isa kayo.
16:24Nasa Finlandman
16:25bilang healthcare worker,
16:27hindi nawalay kay Junelle
16:28ang pagdiriwang
16:29ng Paskong Pinoy.
16:30Nakaugalian niyang
16:31magpunta sa official
16:32hometown ni Santa Claus
16:33sa Rovaniemi
16:34sa Lablan region.
16:35Once in a lifetime
16:36experience siya
16:37na na-experience mo
16:38na makausap
16:39si Santa Claus.
16:40Nagsasalita pa siya
16:41ng kunti Filipino
16:43which is very
16:44memorable talaga.
16:46Happy Christmas
16:46and
16:47sa
16:47Vuhay.
16:48Akala ko is
16:49para sa bata lang
16:50pero pagpunta mo pala
16:51ng iba yung feeling eh.
16:53Totoo pala yun
16:53na may Santa Claus talaga
16:55dito sa
16:56northern part
16:57ng Finland.
16:57Kahit saan ka mang
16:59lupalot ng mundo
17:00sa Santa Claus Village
17:01ka man
17:01sa Pilipinas
17:02i-acknowledge natin
17:03yung birth date
17:04ni Jesus
17:05which is
17:06the true essence
17:07of celebrating Christmas.
17:10Malayo man sa
17:10kanilang mahal
17:11sa buhay
17:11ngayong Pasko
17:12dala ni na
17:13Christine,
17:14Sherry at Junelle
17:14ang alaala
17:15at tunay na diwa
17:17ng Paskong Pinoy.
17:18Tandaan niyo na
17:19hindi kayo naliisa
17:20normal lang
17:22na maging malungkot
17:23normal lang na
17:24mamismo yung
17:25pamilya mo
17:26at yung mga tradisyon
17:27ninyo
17:28pero
17:29tandaan niyo na
17:30kahit saan pa
17:31kayo mapadpad
17:32o saan kayo
17:33mapunta
17:33kailangan bit-bit mo
17:35yung Paskong Pinoy
17:36sa puso.
17:42At yan po ang
17:43State of the Nation
17:44para sa mas malaking
17:45misyon
17:45at para sa mas malawak
17:47na paglilingkod
17:47sa bayan.
17:48Ako si Atom Araulio
17:49mula sa GMA
17:50Integrated News
17:51ang News Authority
17:52ng Pilipino.
17:56pahala
17:58pahala
17:58Pahala
17:59pahala
17:59mula
18:00pahala
18:00pahala
Be the first to comment
Add your comment

Recommended