- 2 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Mixer truck, nawalan ng preno at nahulog sa bangin; driver at 2 iba pa, sugatan
Mga kawad, pinag-agawan sa gitna ng sunog sa Tondo; 6 arestado
15-anyos na sinaktan ng mga kaklase, nasa ospital
Vice Mayor Julio Estolloso ng Ibajay, Aklan, patay sa pamamaril ng konsehal
ICYMI: Plate distribution sa mall; "Thuoc lao", may synthetic cannabinoid; atbp.
Pinoy cuisine na hinaluan ng international flavors, bida sa Int'l Manila Food Festival
Dalawang magsasaka, tinamaan ng kidlat; isa, patay
Entertainment Spotlight: Hyun Bin in Manila; Love advise ni Nunong Imaw; PBB 'Pogi' tiktok trend
International Cat Day, ipinagdiriwang
Jose Mari Chan, nagsimula nang mangharana ng Christmas songs
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Mga kawad, pinag-agawan sa gitna ng sunog sa Tondo; 6 arestado
15-anyos na sinaktan ng mga kaklase, nasa ospital
Vice Mayor Julio Estolloso ng Ibajay, Aklan, patay sa pamamaril ng konsehal
ICYMI: Plate distribution sa mall; "Thuoc lao", may synthetic cannabinoid; atbp.
Pinoy cuisine na hinaluan ng international flavors, bida sa Int'l Manila Food Festival
Dalawang magsasaka, tinamaan ng kidlat; isa, patay
Entertainment Spotlight: Hyun Bin in Manila; Love advise ni Nunong Imaw; PBB 'Pogi' tiktok trend
International Cat Day, ipinagdiriwang
Jose Mari Chan, nagsimula nang mangharana ng Christmas songs
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00State of the Nation
00:30Sugatan din ang dalawang kumakain sa karinderia. Isang bahay naman sa bangin ang tinamaan ng laman ng mixer. Ayon sa kinatawa ng may-ari ng mixer, tutulong sila sa mga biktima.
00:44May hawak pang kutsilyo ang lalaking iyan habang tumatakbo sa Quezon City. Tumatakas pala siya matapos masaksak sa pisngi ang isang barbero pero naaresto rin kalaunan.
00:55Abot-abot ang paghingi ng tawad ng sospek na umaming hindi nagustuhan ang gupit sa kanya.
01:02Desinido raw na maghabla ang barbero na nasa maayos ng kalagayan.
01:08Pati mga kawad hindi pinatawad para sa tanso. Yan ang pinagkaguluhan sa Tondo, Maynila sa gitna ng sunog doon noong Merkulis.
01:17Animang naaresto. Ang babala ng mga otoridad sa report ni Joseph Moro.
01:25Sa sunog noong Merkulis sa barangay 105 Tondo, Maynila, animay may tug-of-war ang ilang residente.
01:33Ang hinahatak nila, mga kawad.
01:36May mga sumampas sa bubong para putulin ang mga kawad. Meron ding humila na mga kawad na nasa poste pa.
01:43Maya-maya nagkandara pa sila sa pagtakbo.
01:48May dumating kasing polis. Ang isang tumakbo hindi na nakakilos sa bungkos ng mga kawad.
01:52Viral online ang mga video ng insidente yung kinundinan ni Manila Mayor Esco Moreno.
01:59Naging piyesta ng pagnanakaw. Parang nakakalungkot isipin na biktima na nga yung mga tao.
02:07Ang biktima pa ng pagnanakaw ng itong mga talongges na ito.
02:10Anim na ang naaresto dahil sa pagnanakaw.
02:13Dalawa sa kanila ang iniharap kay Moreno ang isa kabilang sa mga nasunugan.
02:18Sinisikap pa namin silang makuhana ng pahayag.
02:20Babala ni Manila Mayor Esco Moreno.
02:22Hahabolin pa nila yung iba na mga nagnakaw ng kable ng kuryente.
02:27Until maubos ko lahat yung mob na kumakalawit ang mga kable ng kuryente.
02:34From last night to now 4, so more to go.
02:38Sabi ng Meralco, may nabawi na silang 1,600 kilos ng mga kawad at metro.
02:43Nakapagsampana sila ng reklamo sa dalawang naunang sospek.
02:46Nahaharap ang mga naaresto sa reklamang paglabag sa Anti-Electricity Pilfridge Law.
02:52Babala ng Energy Department ayon sa batas,
02:54sino mong mapatunayang guilty ay may parusang reklusyon temporal o kulong
02:58na mula labindalawa hanggang dalawampung taon.
03:01Multang mula 50,000 hanggang 100,000 pesos o pareho.
03:05Kung magsusumbong naman ng mga tirador ng kawad o kontador,
03:09may gantim palang 5,000 pesos ayon din sa batas.
03:12Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:16Nasa ospital ngayon ang isang estudyante sa Muntinlupa na labing limang taong gulang.
03:22Pusibling dahil ito sa pagkabago matapos pagtulungang sakta ng mga kaklase.
03:26Ang insidente na hulikam at mga palatandaan ng pagiging biktima ng bullying
03:31sa exclusive report ni JP Soriano.
03:33Malatorture ang inabot ng isang estudyante sa classroom nang pinapasukang paaralan sa Muntinlupa.
03:42Sa videong ibinahagi sa GMA Integrated News ng nanay ng labing limang taong gulang na biktima,
03:47kita ang anak niyang nakasalampak sa sahig na sinasabunutan at hinahatak ng kamag-aral
03:53habang nakapalibot ang ilan pang ka-eskwela.
03:57Ayon sa nanay, nakakonfine pa rin ang kanyang anak matapos ang insidente noong lunes.
04:03Nahilo at nagsukaraw ang anak na posibleng resulta ng pagkakabagok.
04:07Yung ulo yung unang tumama sa sahig, hindi siya makabangon kasi sa lakas daw po nung bagsak ng ulo niya,
04:14hilong-hilo daw po siya, hindi niya alam kung paano siya tatayo.
04:17So yun na, doon na po natin makikita sa video na yung mga classmates, siya yung hinahawakan.
04:24And itong si offender, patuloy pang nananak, naisahan pa siya dito.
04:28Kwento raw ng kanyang anak, binantaan daw siya ng kaklase bago sinaktan.
04:32Aminado ang ina ng biktima na noong unang beses na nagsumbong ang anak na may umaway at nanakit sa kanyang kaklase.
04:39Inakala raw niyang normal na away lang ito at handa na raw sana niyang palagpasin.
04:44Hanggang sa nakarating sa kanya ang video.
04:47Ayon sa UNICEF o United Nations Children's Fund, ilan sa palatandaan ng nabubuli ang isang bata ay
04:53kung may nagbago sa kanyang behavior, lalo na kung aggressive o mainiti ng ulo,
04:59kung paiba-iba ang kanyang eating habit, pati na kung problemado sa pagtulog,
05:04palatandaan din kung tila masama ang pakiramdam ng bata,
05:08kung umiiwas na pumasok sa eskwela o kausapin ng mga kaibigan,
05:12at kung may mga di maipaliwanag na sugat o pasa,
05:16o may mga gamit na nawawala o nasisira.
05:20Ayon sa School Principal at sa DepEd Muntindu pa,
05:23iniimbestigahan na nila ang nangyari.
05:25Tinipiyak din nila ang kapakanan ng lahat ng mga estudyanteng sangkot.
05:30Buling giit ng DepEd at ang pamunuan ng paaralan na walang puwang kailanman
05:33ang anumang uri ng panalakit sa mga paaralan sa bansa.
05:37Sabay giit na nagpapatuloy pa rin ang zero tolerance sa bullying.
05:40At dahil sa insidente, dumaraan ngayon sa psychosocial intervention
05:44ang mga batang sangkot sa insidente ito.
05:46JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:51Patay sa pamamaril ang BC Alkalde ng Ibahay Aklan.
05:59Ang sospek, isang konsihal.
06:01Pinababaril sa loob ng opisina sa sangguniang bayan si Vice Mayor Julio Estolioso.
06:07Ayon sa polisya,
06:09pinasok ng sospek na si Merel Senatin ang opisina ni Estolioso
06:13para humingi ng kopya ng mga ordinansa na naipasa sa kanyang termino mula sa isang staff.
06:19May sinabi pa raw si Senatin bago binaril ang BC Alkalde na matay sa ospital ng biktima.
06:26Nahuli ang sospek sa kanyang bahay at nakuha ang baril na pinaniniwala ang ginamit sa krimen.
06:32Inaalam pa ang motibo sa pamamaril.
06:35Mahaharap sa reklamong murder ang sospek.
06:38Tatayong munang Vice Mayor si Counselor Nestor Francisco Inocencio batay sa Rule of Succession ayon sa Alkalde.
06:44Sinubukan ng GMA Integrated News na punan ng pahayag ang kaanak ng biktima at sospek pero tumanggi silang magsalita.
06:52Unang pamamahagi ng mga motorcycle plates sa Mall Dinagsa.
07:01Sa ngayon, mga motorsiklong binili mula 2014 hanggang 2017 ang pasok sa plaka on the spot.
07:07Plano ng LTO na gawin ito sa iba pang mall.
07:11Sigaril yung puklaw na pinahit-hit sa ilang tao sa Palawan at Quezon City na kita ng PIDEA ng synthetic cannabinoid.
07:17Nagdudulot ito ng pangingisay at pwede rin makamatay.
07:21Isusumite ng PIDEA ang test result sa Dangerous Drugs Board na siya maglalabas ng regulasyon sa kemikal.
07:28Breton galing Thailand na harap sa reklamong matapos mahulihan sa NIA
07:32ng mahigit 22 milyon pesos na halaga ng kush o high-grade marijuana sa bagahe.
07:37Ngigit ng sospek, pinabitbit lang daw ng kaibigan ang bagahe.
07:40Tinutukoy pa ang kanyang mga kasabwat.
07:42Jeep na nagbuga ng sobrang itim at makapal nausok sa haro ilo-ilo, hinahanap ng LTO Region 6.
07:50I-issuehan daw nila ang operator nito ng Shoko's Order.
07:53Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:59Ang putahing Pinoy, hindi lang masarap, world-class din.
08:03Yan ang ibinidas sa pagbubukas ng International Manila Food Festival sa Pasay City.
08:08Ang mga inihain ng mga Pinoy at film chef sa report ni Von Aquino.
08:12Sa International Manila Food Festival, ang Filipino cuisine, nilagyan ang international flavor.
08:22Our goal is to make Manila as a center of culinary excellence in Asia.
08:29People fly here, we'll have fun, and we really take Filipino food to the next level.
08:34Sa tulong niya ng mga award-winning Pinoy at film chef.
08:37We have chefs here that are Filipino from Paris to Seattle to Toronto to Melbourne.
08:44Tulad ng seared local scallop na may corn ginataan, lemon at Thai basil.
08:49Growing up in America, we ate cream corn, which is like, you know, very classic America.
08:54And I love a dish that my mom makes, which is ginataan.
08:57So I basically took those two ideas and combined it together.
09:00O kaya ibi-stick with a twist.
09:02Rip ay ang karne at niluto with calamansi, caramelized onions, toyo, miso, grilled yellow and red onions, chives, at iba pa.
09:12It's a dish that my dad cooked for me growing up.
09:14One of my favorite dishes, and of course, always with a cup of rice.
09:18That's why I wanted to share it, but in a different way.
09:22Dito sa International Manila Food Festival, hindi lang Filipino cuisine ang bida,
09:26kundi yung mga sangkap na locally sourced tulad nito, nga Dinagat Island Spiny Lobster ng Banagan.
09:36Love your own, Ika nga, dahil inihain kasama ng Banagan,
09:41ang certified Pinoy delicacies gaya ng adobong baboy at panghimagas na pilinat caramel tart.
09:47Sana itong mga ganitong event, ma-open din sa mga ibang bansa na parang meron tayong ganitong klaseng food na may i-offer.
09:55Nagpakita ng suporta sa event si GMA Network First Vice President and Head of International Operations, Joseph T. Francia.
10:03Pinag-pubunyi po natin ang ating mga kababayan na nag-excel dito sa larangan ng culinary arts.
10:11Napaka-inspiring ng mga kwento nila.
10:14At hindi lang sila naging bahagi ngayon ng Filipino culture and celebrating Filipino cuisine,
10:24but now they are ambassadors of Filipino culture.
10:28Bonacino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:32Dalawang magsasaka ang tinamaan ng kidlat sa Santa Cruz, Laguna.
10:36Nagkukumahog ang mga residente para isugod sa ospital ang dalawang magsasaka.
10:41Sakay rao ng kuliglig ang dalawa pero tumigil para sumilong dahil sa malakas na buhos ng ulan.
10:47Doon na raw sila nakidlatan.
10:50Isa sa kanila ang nasawit habang nagpapagaling sa ospital ang isa pa.
10:54Nagpaabot na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga biktima.
10:58South Korean superstar Hyun Bin nasa bansa para sa meet and greet.
11:09Sa press conference, sinabi ni Captain Rhee na kahit first time niya sa Pilipinas,
11:14ramdam niya ang warm Filipino welcome.
11:16Pilipinas was always in my list to visit.
11:23The way they have welcomed me here in the Philippines is really, really heartwarming.
11:26And it's more amazing than I expected.
11:32Face card never declines.
11:37Sa latest TikTok trend na sinubukan ng PBB Celebrity Colab Edition Boys.
11:46And girls.
11:52Ang reunion ng housemates mapapanood this Sunday, August 10,
11:55sa sold out na The Big Co-Love Fan Con.
12:00Sa mga nagahanap naman ng ka-co-love, may payo si Nunong Imaw.
12:05Hindi naman kailangang magmadali sa paghahanap ng asawa
12:09dahil ayaw mo naman na kung sino-sino lang ang makuha.
12:14At sa paghihintay, may darating na tamang tao para sa'yo.
12:20Tila sinusunod yan ni Beauty Empire star Kailin Alcantara na chillin ngayon sa Italy.
12:26Aubrey Carampel, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:30International Cat Day ngayon.
12:38Kaya ang ating mga alagang pusa, ang ating pupusuan,
12:41kahit pa may mga kakaiba silang pusa lubo.
12:44Pusuan na yan sa report ni Marie Zumal.
12:46Very miaulambing beings, makulit at playful, tutulog-tulog lang,
12:55o katwak-katwak na parang sila pa ang amo.
12:58May ilan namang napakataray, sumisiksik kung saan-saan,
13:03at tumatambay kung saan pa delikado.
13:06Pero kahit anong uri pa ng pusa yan,
13:08di maikakailang paborito silang alagaan.
13:10Pero kung tulad nito ang mga pusa nyo na may surprise o salubong,
13:15bit-bit ay butikeng green,
13:18o ibon na kanilang nahantik,
13:21o laging may gift na bubuwit,
13:23at minsan ahas pa.
13:26Talagang mapapasigaw ka na lang.
13:28Pero payo ng isang vet,
13:29huwag mag-init ang ulo sa kanilang alay.
13:32Huwag mo namang pag-alitan.
13:33Sa kanya is, I'm bringing you something, a gift.
13:37Gently, alisin mo na lang.
13:38Nagkakaroon siya ng negative reaction.
13:41Teka, bakit?
13:41Di na lang kita ng ano, tapos hindi mo na gustuhan.
13:44Dahil affectionate daw ang mga pusa,
13:46ang mga bit-bit nila ay maaaring indikasyon
13:49na nais pagtibayin ni Huning ang relasyon sa kanyang human.
13:52Posible rin daw na nagtuturo ang mga pusa ng hunting skills
13:56sa mga miyembro ng pamilyang kasama niya.
13:58Carnivore sila eh.
14:00Usually, yung prey nila,
14:02yung mga either mga small animals na dadalhin nila,
14:04at nagdadala sila doon para i-share yung pagkain na yun.
14:09Parang mga akuting din na kailangan niyang turuan para mag-hunt.
14:14Kung meron man daw dapat itago sa bahay para di nila makuha,
14:18yun ay ang yarn.
14:19O sinulid na madalas pa man din nilang laruin.
14:22Bawal pala yarn!
14:24Ang dila nila, kung titignan,
14:26kapag nilabas nila yung dila,
14:28meron niyang parang tusok-tusok.
14:30Kung yung nadilaan niya,
14:32ay yung sinulid na mahaba.
14:34Natuloy-tuloy.
14:35Hindi mo mahihila yun kasi
14:37it's always pointed inward hanggang malulu niya.
14:41Pero isa pang gift na lagi nila ipinipigay
14:43ang warm hugs at soft massages.
14:46Pati na ang kanilang memorable bondings
14:49na tiyak tin-treasure ng mga fur parent.
14:52Maris Ungali nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:55Agosto pa lang pero tila Christmas is in the air.
15:01Siyempre, naiisip na rin natin ang Christmas gastos.
15:05Para di magka-hangover sa spending,
15:08ito ang ilang tips sa report di Von Aquino.
15:14Ups, teka lang, wala pang vermonts.
15:18Pero kung sa social media,
15:20sumisili pa lang si Jose Marichan.
15:22Sing along with me.
15:23Sa isang event sa Makati City,
15:26Aba kinumpleto na ng Pinoy Christmas icon
15:29ang kanyang pamosong kanta.
15:45With audience participation pa!
15:53Ang event kung saan present din si Santa Claus
15:57naging advanced Christmas treat lalot mahigit tatlong minggo na lang.
16:01Simula na ng panahon ng Paskong Tatak, Pinoy.
16:04Dahil kumanta siya maaga,
16:06sana matrigger din yung mga tao mag-isip na
16:08okay, kailangan ko na mag-plano.
16:11Sa pag-plano ng pag-gasto sa holiday season,
16:14dapat daw isipin ang purposeful spending
16:16para maiwasan ang financial hangover pagdating ng January.
16:20Kaya payo nila gawin ang gift.
16:23G. Goal setting.
16:24Magsimula sa isang goal at isulat ito.
16:27Halimbawa, magkano lang ang perang gagastusin.
16:30I. Investing.
16:32Ilaan ang kabuan o bahagi ng iyong bonus sa investment.
16:35Set aside at least about 15 to 20% of that to invest
16:39para yun yung magiging long-term na savings mo or investment mo.
16:43And maraming investments na pwede.
16:45Pwede time deposit, pwede yung mga bonds.
16:48F. Following your budget para hindi sumobra sa paggastos.
16:52At D. Taking advantage of deals.
16:56You can take advantage of promos na maraming marami during the holiday.
17:00Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
17:03Yan po ang State of the Nation para sa mas malahang misyon
17:08at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
17:11Ako si Atom Araulio mula sa GMA Integrated News,
17:15ang news authority ng Pilipino.
Recommended
17:18
21:39
18:34
16:04
16:12
17:52
18:27
19:10
15:09
18:02
16:33
15:19
11:25
18:22
18:29
15:16
17:47
Be the first to comment