Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sumiklab ang magkahihwalay na sunog sa Quezon City at Taguig sa bisperas at mismong araw ng Pasko.
00:08Ganyan ang pinangangambahan sa isang barangay sa Tondo, Maynila dahil sa ilang kabataang kung saan saan lang nagpapaputok.
00:15Nakatutok si Ian Cruz.
00:30Animo ay playground ng ilang kabataan ang bahaging ito na Moriones Street, Tondo, Maynila.
00:35Kaliwat ka ng paputok ang sinindihan nila sa kalsada para sa lubungin ng Pasko.
00:43Pero ang pagsasaya nila, pangamba naman sa ilang residente.
00:47Okay lang naman na magpaputok kasi parte ng pagdiriwang ng Pasko.
00:52Kaya lang syempre sa tamang lokasyon lang na mga paputok.
00:55Yung mga kabataan kasi dito, matitigas yung ulo.
00:58Gusto ko, kahit magsabihan mo sila na bawal magpaputok, delegado lang po pwede po magkasunog.
01:04Kamakailan lang kasi, may sunog sa barangay 123 kung saan walong po ang nasunugan.
01:09Hindi naman daw nagkulang ang barangay sa pagsaway sa mga kabataan at nakikipag-ugnayan na sila sa pulisya.
01:17Ayon sa Manila Police District o MPD, hindi pwedeng magpaputok kung saan saan lang.
01:22Base sa Executive Order No. 36 ng Maynila.
01:28Pinapayagan lang ang paputok at pyrotechnic devices sa mga community fireworks display na may kaukulang permit mula sa lokal na pamalaan.
01:38Nagpaalala naman si Manila Mayor Esco Moreno na iwasan ang pagpapaputok para masiguro ang kaligtasan ng publiko ngayong Pasko at bagong taon.
01:47Sa Quezon City, sumiklab ang sunog sa isang residential area sa barangay Santa Monica, Novaliches.
01:56Ayon sa Bureau of Fire Protection o BFP, umabot sa unang alarma ang sunog na naapula.
02:02Ganap na alas 7 ng umaga.
02:03Pasado hating gabi naman kanina, nang sumiklab ang sunog na ito sa barangay Post Proper South Side, Taguig.
02:12Nasa walong pamilya ang naapekto ng sunog na nooy sumasalubong pa naman sa Pasko.
02:19Ang mga ganitong insidente ang pinaghahanda ng BFP, lalo ngayong magpabagong taon.
02:23Kaya simula December 23, naka-code red na sila.
02:28Noong 2024, nasa 39 ang naitalang sunog ng BFP dahil sa fireworks at pyrotechnics.
02:35Hanggang Nobyembre naman ngayong 2025, nasa labing pito na ang sunog na dahil sa puputok.
02:42Karamihang sunog naman talaga ay nagsisimula lamang sa mga maliliit.
02:46Yun nga, kung hindi maagapan, napakabilis ng sunog. Ito'y dumudoble ng in every 30 seconds at maaaring sa loob ng limang minuto o hanggang sampung minuto ay sunog na ang isang bahay at nag-uumpisa ng kumalat ito sa mga kapitbahay.
03:00Kaya paalala ng otoridad kung magpapaputok.
03:02Hanggat maaaring malayo sa mga struktura na pwedeng kung saan pumasok yung mga embers nito o yung mga baga nito na pwedeng magdulot nga ng sunog.
03:11At huwag sa mga matataong lugar para iwas na rin sa any injury or makakasakit.
03:21Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz na Katutok, 24 oras.
03:26Mga kapuso, ika nga, ang Pasko ay para sa mga bata.
03:31Ramdam yan, lalo sa nakaugaliang pamamasko, sa mga ninong at ninang, lalo kahit anong laki o leet ng Aguinaldo ay ikinatutuwa ng mga inaanak.
03:40Naka-tutok live si Oscar Oida.
03:43Oscar, kamusta ang pagkahanap kina ninong ng mga bata?
03:47Emil!
03:51Emil, maagang nagising ang mga inaanak para makapamasko kila ninong at ninang.
03:58Meron mga tiba-tiba, meron din namang nabigo.
04:01Ang tanong, saan naman kaya nila dinala ang kanilang mga napamasko?
04:06Narito ang aking report.
04:07Mano po, ninong! Mano po, ninang!
04:14Aguinaldo nga handog, ayos na raw maski bariya lang.
04:18Hirit yan ang ilang tsikiting na nadaanan namin kanina sa daan.
04:23Kung todo forma, all smiles at handang magmano para sa Aguinaldo.
04:29Yung iba, mukhang tiba-tiba para na rin daw nanalo sa raffle.
04:36Pero ang ilan, bitin daw ang nakuha.
04:40Ilan daw sa mga ninong, di pa nila makita.
04:44Mga lulog pa po. Yung iba, nasa probinsya.
04:48Antayin na lang po, sugurong magising.
04:52Tsaka dumating yung mga nasa bakasyon.
04:55Yung iba nga, tila susuko na.
04:58Ako kunti lang po.
04:59Ayunit na po eh, kahit pauwi na rin po kami.
05:02Pero kung yung iba, pa-finding ninong ang tema,
05:06ibahin nyo si ninong Marlon.
05:08Maaga pa lang, naghahanda na ng malulutong.
05:13Pinag-iipunan ko ito, ito yung ano eh, Pasko eh.
05:15Gawa nung, ayokong madisapoint yung mga inaanak ko.
05:20Mukhang worth it naman, pagkat bawat abot,
05:24nasusuklian ng mga matamis ng ngiti.
05:28At para mas mapasaya lalo si ninong,
05:31kanya-kanya ng pasiklab ang mga inaanak.
05:34Ayun, nabigyan patuloy ng dagdag na agnado.
05:39Eh kids, ano naman ang gagawin ninyo sa mga natanggap na pamasko?
05:45I-iipunin ko po sa mga pagkain po at pumunta sa mga park na may mga rides.
05:52At ganyan nga ang ginawa ng ilang chikiting na aming inabutan sa isang amusement park sa Pasay City.
06:00Ang kanilang napamaskuhan, sinulit sa iba't ibang rides at attractions.
06:06May paikot-ikot, may pawasiwas-siwas, meron ding isasabak sa basaan.
06:13Pati na sa katatakutan.
06:16Masaya po kasi po maraming rides.
06:18Hindi po pare-pare yung experience namin.
06:21Tapos po meron po kami bagong kasama mo yung kapatid ko.
06:24Mula po sa Iloilo, dumayo po kami dito para malang magsaya kasama ang kabila.
06:31Favorite ride ko po dito is yung Vikings.
06:33Kasi bukod sa mataas, bumabalik siya, parang yung ex ko.
06:39Pagtitiyak naman ang pamunuan ng theme park, legtas ang kanilang mga rides.
06:45Palagi po namin yan sinacheck.
06:47Daily inspection po yan, lahat ng rides and attractions.
06:50At bukod pa po doon, pag alam namin na lalo na magkikristmas season, mas masusi yung aming check na ginagawa.
06:57Sa uli, ang tunay na pamasko, hindi raw sa laki ng halaga ng perang iaabot.
07:07Pagkat ang aginalto, mauubos.
07:10Pero yung kwento at malagang alaala, yan.
07:15Yan ang dadali ng mga bata hanggang sa kanilang paglaki.
07:19Emil, Merry Christmas!
07:20Salamat at Happy Christmas!
07:23Oscar Oida
07:23Chismis ang turing sa ngayon ng palasyo sa tinaguriang Cabral Files na inilabas ni Congressman Leandro Leviste.
07:33Ayon naman kay Leviste, si dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral mismo ang nagbigay sa kanya ng mga file.
07:42Ang namanang umano'y Cabral Files sa pagtutok ni Tina Panganiban-Pere.
07:50Inilabas na ni Batangas First District Representative Leandro Leviste ang mga file na ibinigay raw sa kanya ni Yumaong DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
08:03Sa isang Facebook post, sinabi ni Leviste na nakuha raw niya ang files matapos makipagpulong kay Cabral noong June 11, ilang araw bago siya formal na manungkulan bilang kongresista noong June 30.
08:16At noong August 11, matapos sumulat kay Nooy DPWH Sekretary Manuel Bonoan.
08:23Kasama sa files na inupload ni Leviste ang mga binigay raw sa kanya ni Cabral para ipaliwanag ang High Level Budget Allocation Formula ni Cabral.
08:32Nakasaada niya rito ang formula na susundin para sa alokasyon sa bawat rehyon at bawat distrito para masigurong mailalaan ang pera sa mga proyektong makakapagambag ng malaki sa kaunlaran at mapapakinabangan ng marami.
08:49Pero sabi ni Leviste, hindi ito nasusunod.
08:52Ang lumalabas po, wala talagang formula dahil tingnan natin may mga malalaking distrito na malaking land area, malaking population, pero mas maliit ang budget kaysa sa ibang mga maliliit na distrito na mas maliit ang population at land area.
09:11May mga distrito na mahirap na kailangan ng pondo, pero maliit ang budget.
09:19Pero ang isang napansin ko at paumanhin po na medyo direct ang sasabihin ko,
09:30yung mga distrito na may maraming kontraktor, yun po ay mas mataas ang kanilang mga allocable budgets.
09:37Sa isang kasunod na post, inilabas naman ni Leviste ang binigay raw sa kanya ni Cabral ng 2025 DPWH Budget Per District Summary.
09:48May nakalagay ritong NEP Restored na mahigit 401 billion pesos.
09:53Ang NEP Restored po ang taon-taong alokasyon, kaya po narinig ko nga mula sa DPWH mismo,
10:02ang terminology NEP Restored sa aming mga meetings kasi yun yung restored budget taon-taon.
10:09At dinagdagan po ng 30M kada distrito sa 2025 ito.
10:13Para sa allocable na yun, ang district congressman ang pwedeng mag-allocate ng budget.
10:21At yan po ay nasa halaga ng 401 billion pesos sa 2025.
10:25Sa dalawang listahan, magkakapareho ang lumabas na top 5 legislative districts pagdating sa allocables para sa 2025.
10:35Pero idiniindi ni Leviste na posibleng hindi ang mga kongresista ang proponent para sa buong halaga para sa kanilang distrito.
10:44Meron din anya kasing outside allocable na alokasyon daw ng iba't ibang proponents.
10:49Kayaan niya umabot sa mahigit 1 trillion pesos ang kabuwang pondo ng DPWH sa 2025 budget.
10:58Ang outside allocable na ang pinalalabas ay ang DPWH ang nag-de-decide ng alokasyon,
11:08ay actually binubuo ng mga proyekto na ang proponent ay mga tao sa labas ng DPWH.
11:17Kabilang po doon mga cabinet secretary, undersecretary at mga pribadong individual.
11:23Nang hinga ng reaksyon ng Malacanang, sinabi ni Palace Officer Undersecretary Claire Castro
11:29na magre-react lang ang palasyo sa mga dokumentong na authenticate o napatunayan ang totoo ng DPWH.
11:37Sa isa panghiwalay na post, inilabas naman ni Leviste ang listahan ng 2025 DPWH budget
11:44kung saan nakalista ang mga allocable, outside allocable, DPWH-initiated at congress-initiated.
11:53Nilinaw ni Leviste na ito ay galing sa ibang source mula sa DPWH.
11:58Mahikitaan niyang tumutugma ang impormasyon sa ibinigay umano sa kanya ni Cabral.
12:04Pero hindi raw lahat ng nakalista ay pangalan ng tao.
12:07Mga codes o mga terms like leadership.
12:11Kaya yung binanggit na din ni dating secretary Manny Bonoan sa isang senate hearing na leadership fund
12:19ay tila nandoon po sa outside allocable.
12:24Naibigay na raw ni Leviste sa ICI at ombudsman ang files.
12:29Humingi siya ng paumanhin sa mga nasa mga listahan.
12:32Pero pinatotohanan niya ang mga ito.
12:34Tinataya ko ang buhay ko na iko-compare ma, na authentic ang mga files na ito.
12:44Dahil hindi naman po lang ako ang may kopya ng mga files na ito.
12:50Marami pong iba ang mga nakakuha ng mga files na ito sa DPWH.
12:56Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng DPWH.
13:00Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, nakatutok, 24 oras.
13:11Good evening mga kapuso.
13:13Meaningful at special ang naging noche buena ng ilang kapuso at sparkle stars kagabi
13:18dahil kasama at kumpleto ang kanikanilang pamilya.
13:22Ang kanilang from our family to yours Christmas greetings sa chika ni Aubrey Carampel.
13:27Puno ng puso at saya ang pagdariwang ng Pasko ng inagkapuso and sparkle stars.
13:35It's a holly jolly Christmas para sa pamilya ng sanggang dikit for real stars
13:40na sina Dennis Trillo at Jeneline Mercado.
13:44In their holiday red and white outfits,
13:47ginawa ng denjen ng Christmas box photoshoot trend
13:50kasama ang kanilang mga anak na sina Kalex, Jazz at Dylan.
13:55Nagpost na rin ang kanilang Christmas family portrait
13:58si nakapuso primetime king and queen Ding Dong Dantes and Marian Rivera
14:02with their kids Zia and Sixto.
14:06May sweet photo rin together ang Dong Yan.
14:09Noche buena kasama ang pamilya.
14:11Ito naman ang Christmas post ng magkapatid na Jack Roberto at Sanya Lopez.
14:17Sabi ni Jack na tupad daw ang pangarap niyang Pasko
14:20at may pa-shoutout pa kay Sanya
14:22na siya raw punong abala sa pagluluto at paghahanda ng Noche buena.
14:27Nagpost din si Sanya ng litrato kasama ang kanyang mommy at kuya
14:31sa baybati ng maligayang Pasko.
14:33May entry na rin si Never Say Die actor David Licauco
14:37na nagpost na rin ng kanilang family photo
14:40wearing Christmas colors red and green.
14:44Si Kailin Alcantara may pasilip ng kanilang Christmas Eve table setting
14:48at nagpost din ang picture kasama ang kanyang family.
14:52Kasama naman ni kapuso global fashion icon Heart Evangelista
14:56on Christmas Eve ang kanyang Ong Pauko family.
14:59In Christmas mood din ang kanyang asong si Panda
15:02na nakasanta outfit pa.
15:05Sa kanyang post, sinabi ni Heart na ang natanggap niyang greatest gift
15:08ay ang makasama ang mga taong pinakamamahal niya.
15:13Si Juancho Trevino at Joy Spring
15:15may cute family portrait with their two kids,
15:18Iliam and Agnes,
15:19and also with their Trevino fam.
15:23Dumalo naman ng Christmas Eve ma
15:25si Encantadia Chronicles sangre star Gabby Garcia
15:27kasama ang kanyang mommy and daddy.
15:30Ipinose niya rin ang video call nila
15:32ng boyfriend na si Calil Ramos
15:33at ang photo with your fur baby.
15:36Nag-misa rin si na Julian San Jose at River Cruz
15:39kasama ang pamilya ng kapatid na si Rojun.
15:42May picture din together ng Julie Ver
15:44at mayroon din kasama ang kanilang families.
15:48Aubrey Carampel, updated sa showbiz happenings.
15:55Mga kapuso, saktong isang linggo na lamang ang natitira sa taong 2025.
16:00Kaya mula ngayon hanggang sa mga susunod na araw,
16:03babalikan natin ang malalaking isyong pinag-usapan at tumatak ngayong taon.
16:08Unakin natin ang breakthrough sa kaso ng mga missing sabongero
16:12na apat na taon nating hindi binitawan hanggang sa komantah.
16:16Ang isa sa mga akusado na unang nagsalita sa inyong lingkod.
16:22I-recap natin yan sa pagtutok kong ito.
16:26Hindi na kaya ng kutsis siya po.
16:29Ay pa ba?
16:30Mga tabod lang po.
16:31Ilang taon nang, unti-unting nauupos ang pag-asa ng mga kaanak ng 34 na nawawalang sabongero.
16:40Pero ngayong 2025, muling gumalaw ang kaso
16:44sa mga nabulgar na simula nitong Hunyo.
16:47Hindi na kaya ng kutsis siya ko.
16:49Buong pamilya ko gusto pang patayin.
16:52Lumapit sa GMA Integrated News ang isa na dati nang isinasangkot
16:57na nuoy hindi na muna nagpakilala.
16:59Sinagot niya ang tanong na matagal nang buwabagabag sa kaanak ng mga nawawala.
17:05Buhay pa ba?
17:06Kung mga patay na?
17:08Mukhang wala mo. Nabuhay pa sila.
17:10Let's go!
17:12Masalaman natin!
17:14I-denetalya pa niya ang sinapit ng mga sabongero.
17:20Ano magubuhay yan? Nakapaho na yan doon sa talik.
17:24Hindi lang anya 34 ang namatay, kundi mahigit isang daan.
17:29Kabilang ang dalawang minorde edad na tagapagpatukalang ng panabong na manok
17:34na hindi na nakita matapos sumama sa amo.
17:37Kalaunan, nagpakilala siya bilang si Dondon Patidongan
17:41at binanggit ang motibo sa mga pagpatay na iniutos ng umano.
17:45Gumagawa ng kalukuhan niya doon sa loob ng sabongan.
17:48Supe ang ginagawa, illegal na gawa ito sa sabongan.
17:51Isiniwalat din ni Patidongan ang mga nasaksiyan na tarinig niya sa pulong
17:55ng tinawag niyang Alpha Group,
17:57kung saan nabibilang ang ilang malalaking personalidad na nagpaligpit umano
18:01sa mga sabongero,
18:03kabilang ang isang negosyante.
18:05Si Mr. Atongang, siya yung chairman ng pitmaster.
18:09Siya ang pinaka-mastermind at siya ang naguutos na talagang iligpit yung mga yan.
18:17At isang artista.
18:20Si Ms. Gritzen Barito.
18:21100% na may kinalaman siya at gawa na lagi sila magkasama ni Mr. Atongang.
18:28Mariing itinang giniatong ang ang mga akusasyon.
18:31Malalaman niyo ulit ang totoong lahat ng grupo namin.
18:33Mga disenteng tao yan.
18:34Wala naman kaming history na pumapatay ng tao.
18:37At sinampahan ang reklamo si Patidongan,
18:41pinabulaanan din ang kampo ni Barito ang mga paratang.
18:43His allegations against Ms. Barito is based on a suspicion, spekulasyon.
18:49Nanindigan si Patidongan sa kanyang mga paratang.
18:52Ilang araw makalipas ng kanyang pagkanta,
18:54inumpisan ng Philippine Coast Guard ang pagkahanap sa mga labi ng mga sabongero
18:59sa bahagi ng Taal Lake sa Laurel, Batangas.
19:03Sa unang araw pa lang, may nakuha ng sako ng mga buto sa gilid ng lawa.
19:08Kinabukasan, dalawa pang bag ang naiahon mula sa Taal Lake
19:12sa pagsisid ng mga diver ng PCG
19:15na sinundan ng dalawa pang sako sa sumunod na araw.
19:19Ang mga sakong na-recover,
19:21kinumpirma ng pulisya na may buto ng tao.
19:24Inukay din ang ilang bangkay sa sementeryo sa Laurel, Batangas.
19:28Ang kondisyon na mga katawan ang makuha
19:30ayon sa manager ng puleraryang naglibig.
19:32Mga tapod lang po, tapos may mga tama ng barel.
19:37Laging ulo.
19:39Tapos nakatali ang pa?
19:41Yung iba po.
19:43Kasabay ng pagkahanap sa mga labi,
19:44inereklamo na ng Napolcom ang labing dalawang pulis
19:47na isinasangkot ni Patidongan sa kaso.
19:50Formal na rin nagkain ng patong-patong na reklamo.
19:52Laban ka na ang
19:53Barreto at dating PNP NCRPO Chief,
19:56Jonel Estobo,
19:58ang mga kaanak ng mga sabongero.
19:59Do you think this investigation will be fair?
20:02I'm sure.
20:04Si Ang naman,
20:05kasabay ng pagkahanap ng kontra sa Laisaisal DOJ,
20:08ay hinilingding ibalik ang kaso sa CIDG
20:11at nagsumitilin ng ebidensya
20:13para idiin umuno si Patidongan.
20:16Matapos ang preliminary investigation sa kaso,
20:19inerekomenda ng Justice Department
20:21nakasuhan ng kidnapping with homicide
20:22at kidnapping with serious illegal detention si Atong Ang.
20:26Dawid din sa inererekomendang kaso mga ilang pulis.
20:29Ibinasura naman ang reklamong inihain laban kay Barreto.
20:33Kasabay niyan,
20:34patuloy ang pagsuri sa mga butong nakuha
20:36sa Taal Lake.
20:38Ang laki po ng pag-asa namin na
20:39makakamitan namin yung sisap.
20:41Sa lungsod na puno ng mga Christmas tree,
20:46nagpasko ang marami.
20:48Pero hindi lang maginaw na klima
20:49ang meron sa Baguio City,
20:51meron ding kastilyo
20:52na tila dadalhin ka raw sa United Kingdom.
20:56Mula sa Baguio,
20:57nakatutok live si Sandy Salvaso
20:59ng GMA Regional TV.
21:02Sandy?
21:05Mel, madilim na dito sa Baguio City
21:07pero tuloy-tuloy pa rin ang pagdating
21:09ng mga bisita dito sa Wright Park
21:11para bisitahin ang Reflection Pool
21:14at The Mansion.
21:19Kanya-kanyang ganap at gimmick
21:21ang ilang bakasyonista sa Baguio ngayong Pasko.
21:23Mag-aalas 7 pa lang kaninang umaga,
21:26dagsana ang mga tao sa Burnham Park.
21:28At dahil trip ng ilan na mag-joyride,
21:30mag-relax at lumayo muna
21:32sa dagsanang maraming tao
21:33sa Central Business District,
21:35suwak sa kanilang bucket list
21:36ang lugar na ito.
21:38Kung po, pasyalan din lang ang pag-uusapan
21:40dito pa lang sa Barangay Irisan, Baguio City
21:42ay matatagpuan na
21:44ang isa sa mga tanyag na po-upasyalan
21:46dahil sa kakaiba nitong
21:47Windsor Castle themed
21:49na pagkakadesenyo ng Batong Palacio.
21:52In fairness, mas maganda siya in real life
21:55rather than sa social media po.
21:57May mga picture-perfect na kuweba,
21:59estatwa at view deck
22:00kung saan maaari raw matyempohan
22:02ang Sea of Clouds tuwing umaga at hapon.
22:04Inspiration ng father ko is
22:06nung pumunta siya sa Windsor Castle year 2022
22:10tapos parang nakita niya na
22:13parang kaya rin niya palang gawin yata to
22:17kasi may mga ano siya
22:21parang nakita niya na parang yung similar
22:25sa riprap ng mga taga cordillera
22:28kaya naisip niya na
22:31dun i-adapt itong castle.
22:34Dinadagsari ng ilan pang tourist spots
22:36sa Baguio tulad ng Wright Park
22:38kung saan binabalikan ang horse riding.
22:41Gayun din ang the mansion
22:42at ang reflection pool
22:43na matatagpuan din sa mismong tapat nito.
22:50Mel, paminsan-minsan ay nakararanas tayo
22:52ng pag-ambon dito sa syudad
22:54pero hindi ito nagiging hadlang
22:56sa mga bakasyonista para mamasyal
22:58at maglibot-libot dito sa City of Pines.
23:01Extended din ang operation hours ngayon
23:03dito sa the mansion
23:04hanggang alas 8 ng gabi.
23:06Ganon din bukas
23:06at sa weekend
23:08ng hanggang alas 10 naman ng gabi.
23:10Mel?
23:11Maraming salamat
23:12at maligayang Pasko sa inyong lahat dyan
23:14sa Baguio.
23:15Sandy Salvasho
23:16ng GMA Regional TV.
23:18White Christmas
23:19pero hindi snow
23:21kundi white sand beach naman.
23:23Ang n'enjoy
23:24ng mga nagpasko sa Boracay.
23:25At live mula sa isla
23:27nakatutok si John Sala
23:29ng GMA Regional TV.
23:32John!
23:35Vicky, maliban nga sa white sand beach
23:38at ang malinaw na tubig dagat
23:39isa rin
23:40sa dinarayo dito sa isa ng Boracay
23:42ang masayang nightlife.
23:44Kaya naman
23:44naging mas masaya pa
23:46ang Christmas Eve celebration
23:47dito sa isla
23:48kagabi.
23:49Kahit sa paglubog
23:54ng araw
23:54kagabi.
23:58Tila walang malamig
23:59ang Pasko sa Boracay.
24:01Literal na nagiinit
24:02ang sikat na fire dancing
24:03ng isla
24:03na lalong nagpa-espesyal
24:05sa mga noche buena
24:06by the beach
24:07ng mga turista.
24:08Nag-aalab din
24:09ang Christmas spirit
24:10sa all-out
24:11na paandar
24:11ng mga establishmento.
24:13May mga resto staff
24:14na nag-alasant
24:15as helpers.
24:16Hindi rin nagpatalo
24:18ang ilang turista
24:18ang nag-costume pa
24:19ni Santa Claus.
24:21It's a Christmas experience
24:22for them
24:22which will be videoed
24:23and hopefully
24:24watched in years to come.
24:26It's such a wonderful place
24:27to come to.
24:28The Philippines,
24:29Boracay.
24:30Feel na feel naman
24:31ng ibang turista
24:32ang ambience
24:32ng dagat
24:33habang nakikinig
24:34sa acoustic band.
24:36Marami mga napuya
24:37at sa masayang
24:37besperas ng Pasko,
24:39hindi pa rin nawala
24:40ng turista
24:40ang pamosong beach
24:41ng Boracay
24:42kaninang umaga.
24:43Masaya
24:44kasi yung baby namin
24:45gustong-gustong
24:46maglaro sa sand
24:47and mag-swingin.
24:49Patok pa rin
24:49ang water sports activities
24:50pero dahil
24:52ang Pasko
24:52ay para sa pamilya,
24:54magkakasama
24:54ang marami
24:55sa island hopping.
24:56Ngayon,
24:57boating,
24:58island hopping.
25:00First time namin
25:01mag-Boracay
25:02together
25:02for the whole family.
25:03Vicky,
25:09bukas ay inaasahang
25:11magsisiuwian na
25:12ang mga nagpasko
25:13dito sa isla
25:14ng Boracay.
25:14Kaya naman ngayong
25:15gabi raw
25:16ay susulitin nila
25:17ang nightlife
25:18sa isla.
25:18Yan ang latest
25:19mula dito sa
25:19Boracay Island,
25:20Malayaklan.
25:21Balik sa inyo,
25:22Vicky.
25:23Maraming salamat
25:23sa iyo,
25:24John Salan
25:25ng GMA Regional TV.
25:26Muntik na magka-nightmare
25:32this Christmas
25:32si Shubi
25:33at rata
25:33nang mamiss
25:34ang last call
25:35sa flight.
25:36Pero Christmas miracle
25:37pa rin
25:37dahil umabot siya
25:38sa Noche Buena
25:39with family.
25:40Thankful din siya
25:41sa kanyang first
25:42Metro Manila film
25:43fest film.
25:44May report
25:44si Efren Mamak
25:45ng GMA Regional TV.
25:52Tila marami
25:53ang nakarelate
25:53sa nakakatawa
25:54pero legit
25:55na hassle
25:56experience
25:56ni sparkle star
25:57Shubi Etrata.
25:58Namiss kasi
25:59ni Shubi
25:59ang flight niya.
26:00Suot ni Shubi
26:01ang kanyang headphones
26:02at di narinig
26:03ang final call
26:03ng flight.
26:04Kasalalan ko talaga
26:06sa mga nakarinig
26:07po ng pangayawon ko
26:08sa final call.
26:11Sana
26:11walang nakarinig.
26:13Hindi po narinig.
26:14Sa kabila niyan,
26:16natuloy pa rin
26:16ang biyahe ni Shubi
26:17in time
26:17para sa Noche Buena.
26:19Merier
26:20ang kapaskuhan
26:20ni Shubi
26:21dahil bahagi rin siya
26:22ng Metro Manila
26:22film fest entry
26:23na
26:24Call Me Mother
26:25starring Vice
26:26Ganda.
26:27All out ang
26:28suporta ng pamilya,
26:29mga kaibigan at fans
26:30ni Shubi
26:31sa kanyang unang pelikula.
26:33It's my first movie.
26:34So,
26:35after po ng PBB,
26:36first time ko
26:37makita yung
26:37salili ka sa
26:38kasi yung sobrang
26:39laki na sinima.
26:40So,
26:40nakita ko talaga
26:41No,
26:41ako talaga yan.
26:43Ang mother ni Shubi
26:44super proud daw
26:45sa mga nagawa
26:45ng kanyang anak.
26:46Before pa siya
26:47pumasok sa PBB,
26:50super proud na yun.
26:51Ate siya,
26:52pero somewhat
26:53ako sa mama,
26:55muroon sa na siya
26:55naging mama
26:56sayang mga igsoon
26:57kay,
26:59in years good,
27:01she's helping me.
27:02Not lang financial
27:04and everything
27:04emotional,
27:05physical.
27:06Growing up,
27:08I really know
27:10from a very young age,
27:12alam ko na kung paano
27:13ang isang nanay,
27:14kung paano
27:14kahirap
27:15maging isang nanay.
27:17Hindi naman ako
27:17ang nanganak
27:18sa mga kapatid ko.
27:19Ako naman talaga
27:19ang nag-alaga sa kanila.
27:20Kulang nalak
27:21ako magpa,
27:21you know.
27:22So,
27:22alam ko talaga
27:23yung feeling
27:24na hindi ka makatulog,
27:26umiiyak yung bata,
27:28kailangan mong pakainin.
27:30Lahat ng sakripisya
27:31ng nanay
27:31walang kabayaran.
27:33So,
27:33lahat yan
27:33nakita ko sa nanay ko
27:35and natutunan ko rin
27:36growing up
27:37knowing na
27:38I have eight siblings.
27:41Mula sa GMA Regional TV
27:43at GMA Integrated News,
27:45Efren Mamak,
27:46nakatutok 24 oras.
27:51Mula sa GMA
Comments

Recommended