- 9 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00This is Philippine Gold Club.
00:03Live mula sa GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:15Magandang gabi po, Luzon Visayas at Mindanao.
00:20Sugatan, matapos managlag ang isang bata mula sa isang umaandar na sasakyan sa Rojas Boulevard sa Pasay City.
00:28Sa nahulikam na tagpo, nakitang nagpagulong-gulong pa sa kalsada ang bata, matapos malaglag.
00:34Paalala ng isang safety expert, required sa batas ang pagpapaupo sa mga bata sa isang espesyal na car seat kung nasa sasakyan.
00:44Ang iba pang paalala sa pagtutok ni Darlene Kai.
00:52Biglang bumukas ang pinto at nalaglag ang isang bata mula sa utility vehicle na ito.
00:57Nangyari ang insidente sa viral video pasado na 7 ng gabi noong Sabado sa Rojas Boulevard sa Pasay.
01:02Sa kuha ng dashcam ng kasunod na sasakyan, kitang mabilis na tumayo at gumilid ang bata.
01:07Maririnig sa video ang malakas na iyak ng bata.
01:17Maya-maya, tumigil ang utility vehicle at bumaba ang isang babae at lalaki na agad namang pinuntahan ang bata.
01:23Agad din nilang sinakayuli ang umiiyak na bata na ayon sa nakakitang mga motorista ay dumuruguraw ang braso.
01:36Hindi inahagip sa video pero may nagsabing binuksan di umano ng bata ang pinto ng utility vehicle.
01:41Sinisika pa ng GMA Integrated News sa makuha ang panig ng pamilya ng batang nahulog mula sa sasakyan.
01:46Ayon sa safety expert na si Louie Domingo, lubhang delikado raw ang nangyari, lalo na dahil sa kahabaan ito ng highway.
01:54Hindi lang para sa bata pero para rin sa ibang mga sasakyan sa kalsada.
01:58Talagang napakaraming factor. Yung pumigil ka lang doon eh, na wala ang early warning, medyo delikado na rin.
02:04May question din kung wala bang child restraint system o car seat at booster seat sa sasakyan.
02:09Bagay na mandatory dapat sa ilalim ng batas para sa mga sanggol at bata hanggang edad 12 years old.
02:15Naiwasan ni Lou sana ang insidente kung aktibo ang child lock sa pintuan ng sasakyan.
02:19So kung may double lock yun, secure mabuti yung lock. If ever sa ganong edad, pwede na rin turuan na huwag hawakan to, may lock yan dito, diba na ino-orient sila kung paano yung safety nung sasakyan na huwag gagawin.
02:37Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai, nakatutok 24 oras.
02:49Arestado ang isang DPWH engineer dahil sa tangkaumanong panunuhol kay Batangas 1st District Representative Leandro Legarda Leviste.
03:01Gusto umano nitong ipatigil ang imbestigasyon ng mambabatas sa mga proyekto kontrabaha sa kanilang distrito pero nagsumbong sa pulisya ang kongresista.
03:12Mula sa Balayan, Batangas, nakatutok live si Ian Cruz.
03:17Ian!
03:19Yes, Vicky, binisita nga ni Congressman Leandro Leviste yung isa sa mga nasirang proyekto ng dike ng DPWH dito yan sa Balayan, Batangas.
03:30Isa nga itong proyektong ito ng DPWH sa mga iniimbisigahan ng kongresista na maaaring nagtulak-umano sa isang district engineer na tangkang suhulan ang kongresista.
03:41Gamit ang bakho ay binunot ang sheet pile sa nasirang dike sa barangay Santol sa Balayan, Batangas.
03:51Ito ay para malaman kung sapat ang haba ng sheet pile lalo ang bahagi nitong nakabaon.
03:56Maraming bahagi kasi ng diking ito sa Binambang River ang nawasak ng Manalasang Bagyong Cristino, October 2024.
04:03Kahit 2023 lang natapos ay sa kapitan ng barangay Santol, isa ang dike sa mga DPWH projects na iniimbisigahan ng tanggapan ni Congressman Leandro Leviste.
04:13Bumunot ng sheet pile mula nga doon sa nakabaon sa nasirang dike itong tanggapan ng kinatawan ng kongreso dito sa Batangas.
04:24Kailangan kasing malaman kung gaano ba talaga kahaba yung ibinaong sheet pile para malaman kung sapat na ba yung habang yun para maprotektahan ang pampang ng ilog na ito kapag may malakas na bagyo o pagulan.
04:38Dapat 15 meters, 15, 1,5 ang sheet pile.
04:45Sabihin po natin, sabihin mo na kalahati ng ginastos sa proyektong ito na 338 M o mahigit ay sa sheet pile.
04:54At sabihin po natin, one third lang pala ang haba ng sheet piles na actually na inilagay.
05:04Yung 150 million pesos worth of sheet piles ay 50 million pesos worth lang pala ang inilagay.
05:15Pero ang investigasyon sa proyekto at iba pang DPWH project sa 1st District ng Batangas,
05:21gusto mo nung pahinto kaya tinangka mo nung suhulan si Leviste ni Batangas 1st District Engineer Abilardo Calalo ng DPWH.
05:28Pero nagsumbong si Leviste kaya inentrap si Calalo at inareso sa Talbatangas itong biyernes.
05:35Na-recover umano kay Calalo ang bundle-bundle na perang papel na nang bilangin ng mga pulis ay umaabot sa mahigit 3.1 million pesos.
05:44Si Kong Leandro may tinawagan po siyang tao na nag-inform sa akin ng mga detalye.
05:50Kaya pumunta po kami doon, maabutan namin si DE na may hawak may ecobag at may lamang pera.
05:56Sa isang panayam ng mga mamamahayag, sinabi ng kongresista na tuloy ang paghahain niya
06:01ng reklamo bukas laban sa District Engineer sa tanggapan ng piskalya.
06:05We should not tolerate any corruption in DPWH.
06:09We should demand projects at better quality and lower cost
06:12and obligate contractors to correct any deficiencies immediately without additional cost to government.
06:18Beyond this case, we will push for broader reforms to address systemic problems of DPWH.
06:22Sa pamagitan naman ng inang si Senadora Loren Legarda,
06:26pinaalalahanan daw ni Senador Ping Lakson ang neophyte congressman
06:30ukol sa siguridad nito lalot milyong piso ang halaga ng mga kontratang pang-imprastruktura.
06:36Sinikap ng GMA Integrated News na makuwang panig ni Engineer Calalo na nakadetain sa Taal Police Station.
06:41Baka makuha lang po namin panig niyo?
06:45Lawyer na lang, sir. Lawyer na lang?
06:49Ah, opo. Engineer, tanong lang namin yung 3 million. Para saan po ba yun?
06:53Sa lawyer na lang po.
06:56Papatawan din ang preventive suspension ng DPWH si Engineer Calalo.
07:00Ambuti na sa kanya at na-sinulong. Kung yun ang ginawa niya, hindi ho tama yan.
07:05And we don't tolerate that kind of action.
07:07Vicky, bukas nga ay inaasahang dadalhin na ang District Engineer sa Batangas Provincial Prosecutor's Office
07:19para siya ay maipagharap ng reklamo. Yan muna ang latest mula rito sa Batangas. Balik sa'yo, Vicky.
07:25Maraming salamat sa'yo, Ian Cruz.
07:29Patuloy na tinutugis ng pulisyan lalaking nakipagbarilan at pumatay sa isang pulis sa Pasay.
07:36Ang kasabot niya sa pag-eskapo, nasa kote sa kabite. Nakatutok si June Benerasyon.
07:46Parang pelikula ang nahulikam na barilan sa Pasay City nitong Sabado ng gabi.
07:51Ang nakasando ay si Police Staff Sergeant Jomar Caligiran habang kabarilan ng isang hinihinalang hold-upper.
07:57Napuruhan kaya binawian ng buhay ang pulis.
08:00Tumakas naman ng sospek, sakay ang motorsiklong, dala ng kasama.
08:04Nakikita ang motibo ang takang pagdanakaw sa kuwintas ng biktima na hindi nila akalang pulis pala.
08:09Ayon yung bumarelease sa rin yung bubaba.
08:11Di bubaba sa motor.
08:12Sa follow-up operation sa Cavite, nahuli ang rider ng motorsiklong sinakya ng sospek, batay sa positibong pagkilala ng isang testigo.
08:20Ito naman si ***. Patakas na rin kasamang pamilya. Mabilis lang yung tropa na hold.
08:27Pero nakatakas ang shooter.
08:29Ito yung sospek natin sa shooter.
08:32Ito yung nagkita natin na bumarelease.
08:37Ayon sa Pasay City Police, matagal lang magkatandem sa iba't ibang karimenang dalawa na naharap na noon sa mga kasong carnapping at raid threat.
08:45Yung modus nila pare-parehas. Pag hindi nila makuha, babariling ka.
08:52Tiwala ang PNP na mahuhuli nila ang sospek na nakapatay sa polis na naka-assign sa Manila Police District.
08:58Armed and dangerous talaga ito. So ang instruction ko naman sa mga tao natin na talagang mag-ingat.
09:04Para sa GMA Integrated News, June Vanarasyon na Katutok, 24 Horas.
09:09Nakahanda ang Pilipinas sa susunod dahakbang ng China, lalot hindi pa nililisa ng mga barko nito.
09:16Ang Ayungin Shoal, isang linggo matapos ang tangka nilang paglapit sa BRP Sierra Madre.
09:21Patay naman sa isang survey, China pa rin ang pinakamalaking banta sa Pilipinas para sa karamihan ng mga Pilipino.
09:27Nakatutok si Chino Gaston.
09:30Isang linggo mula ng palibutan at tangkain nilang lapitan ang BRP Sierra Madre,
09:38nananatili ang labing walong mga barko ng China sa palibot ng pinag-aagawang bahura.
09:43Ayon sa Philippine Navy, handa sila sa anumang sunod dahakbang ng China sa pinag-aagawang bahura.
09:49Ayon kay Defense Secretary Gilberto Tudoro Jr.,
10:06posibleng may kinalaman ang paglapit ng Chinese speedboats at rubber boats
10:10noong nakaraang linggo sa military exercise sa Palawan kasama ang Australia.
10:15We have monitored increased presence, hindi lang naman sa ayungin,
10:20baka dahil din kakatapos lang ng exercise alone na pinakamalaki na ginanap sa Palawan.
10:31Wala kaming confirmed information about that.
10:36At this time, wala po kami nakikita.
10:39But of course, laging listo.
10:42Noong nakarang linggo, sinabi ni AFP Chief General Romeo Bronner Jr.
10:46na hindi pa naman nalalabag ang itinuturing na red lines o pamantayan ng Administrasyong Marcos
10:52bago kailangang gumamit ng puwersa ang Armed Forces of the Philippines.
10:57Sakaling maulit ang paglapit ng mga Chinese ships sa BRP Sierra Madre,
11:01may paghahanda na ang AFP.
11:03Ang unang-una dito ay hindi natin palalapitin, that's one.
11:08And secondly, whatever happens, and it will always be based on sa pinaka-seryoso or worst case scenario, if I may say it.
11:20Ayon sa AFP, kasama sa mga red lines ng Pilipinas,
11:24ang puwersahang pag-alis, pag-atake o pag-sampah sa BRP Sierra Madre,
11:29pag-extract ng langis sa EEZ na walang pahintulot ng Pilipinas,
11:33pag-sagawa ng reklamasyon sa Scarborough Shoal,
11:36pagkamatay ng isang Pilipino sa West Philippine Sea dahil sa China,
11:40at pagpigil sa supply mission sa siyam na military outpost sa Kalayaan Island Group.
11:45Bago pa ang mga mundikang pagbangga sa BRP Suluan at mga pagpapalipad ng fighter jet ng China,
11:54lumitaw sa survey ng Okta Research na 85% ng mga Pilipino ay walang tiwala sa China.
12:00Lumitaw din sa survey na 74% ng mga Pilipino ay tinuturing na pinakamalaking banta sa bansa ang China
12:07dahil sa mga panggigipit sa West Philippine Sea,
12:11pagpasok ng mga smuggled na produkto mula China,
12:13pagtaas ng mga krimen kung saan sangkot ang mga Chinese nationals
12:17at kumpetisyon sa Chinese workers para sa mga lokal na trabaho.
12:21I think it's built in ever since.
12:24Nakita yan, first na-observe yan,
12:27nung after nung Mischief Reef, 1990s.
12:30Then nakita, consistent yan.
12:32Laging mababa or negative trust rating ng mga Pilipino sa China.
12:37So that's not surprising.
12:40Bilang protesta sa panggigipit sa mga barko ng Pilipinas,
12:44nagsagawa ng kilos protesta ang grupong Filipinos do not yield
12:48Sa tapat ng Chinese Embassy, wala pang tugon ang Chinese Embassy
12:52tungkol sa ikinasang kilos protesta.
12:55Para sa GMA Integrated News,
12:58sino gasto na katutok 24 oras?
13:01Pananagutin ang lahat ng sangkot sa anomalya at katiwalian.
13:06Yan ang pangako ng Pangulo sa pagdiriwang ng araw ng mga bayani ngayong araw.
13:11At nakatutok si Ivan Mayrina.
13:12Ang araw na ito, paggunita sa kabayanihan at mga nag-alay ng buhay para sa kalayaan.
13:22Pero sa National Heroes Day sa taong ito,
13:24hindi sa mananakop o banta sa siguridad na katuon
13:27ang mensahe ng Pangulo na magtalumpati sa libingan ng mga bayani.
13:30Pananagutin namin ang lahat ng sangkot sa anomalya at katiwalian.
13:36Ilalabas natin ang buo at pawang katotohanan
13:41at titiyakin natin hindi na mauulit
13:43ang kawalan ng respeto at malasakit sa taong bayan.
13:47Ang pinatutungkulan ng Pangulo,
13:49ang iilan-anya na mas pinipili ang sariling interes
13:52sa halip na kapakanan ng bayan at ng kapwa Pilipino.
13:55Hindi lang pagpapalakas ng ating depensa
13:57ang kailangan natin tutukan upang maalagaan ating kalayaan.
14:02Kailangan din natin labanan ang banta ng katiwalian
14:05at pang-aabuso sa kamangyarihan ng ating lipunan.
14:10Dahil hindi lamang salapi ang kanilang ninanakaw,
14:13kundi pati ang kalusugan, pangarap at kinabukasan
14:17ng mga susunod na henerasyon na Pilipino.
14:20Personal na nagtungong Pangulo sa Bulacan at Benguet
14:22itong naarang linggo para personal na inspeksyonin
14:25ang ilang proyektong isinumbong sa kanya
14:27sa inilunsanda website sa mga palpak
14:29o di kaya ghost na flood control projects.
14:32Kasunod yan ang pagsiwalat niya sa kanyang zona
14:34na napupunta sa katiwalian
14:35ang bilyong pisong pondong inilalaan sa mga flood control project
14:39sa may pangakong pananagutin ang lahat ng sangkot dito.
14:42Bilang Pilipino, may pananagutan tayo sa ating bansa
14:46na maging mas mapanuri sa mga mali
14:49na isiwalat ang panluloko at panindigan
14:53ang alam nating tama kahit hindi ito madali.
14:58Hanggang sa puntong ito,
14:59tanging mga proyekto at mga kontraktor ang pinangalanan ng Pangulo
15:02pero wala pang mga politiko.
15:04Para sa GM Integrated News,
15:06Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
15:09Niragasan ang kulay putik na baha
15:12ang ilang bahagi ng La Trinidad, Benguet.
15:16Kabilang sa nalubog sa baha,
15:18ay yung sikat, yung strawberry farm.
15:21May naitala rin rock slide sa mountain province
15:24habang abot baywang na baha
15:26ang namerwisyo sa Zamboanga City.
15:30Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
15:33Laging baha naman ito.
15:36Ikinagulat ng ilang taga-sityo,
15:37Mabayabas, La Trinidad, Benguet,
15:40ang pagragasa ng kulay putik na baha kahapon.
15:43Umagos ang tubig mula sa kabundukan
15:45kasunod ng malakas na buhos ng ulan.
15:48Walang naiulat na nasaktan
15:50pero sa tindi ng pagbaha,
15:52pinasok ng tubig ang ilang bahay.
15:55Pinatumba rin ang tubig ang ilang motorsiklo.
15:57Sa kuha naman ng CCTV,
16:01kita ang mabilis na pagkilos na mga tauha
16:03ng isang motorshop
16:04nang mapansin ang pagtaas ng tubig
16:07sa katapat na kalsada.
16:09Nagsitakbuhan at kanya-kanyang lagay
16:11ng sandbag.
16:13Pero sa bilis ng pagtaas ng baha,
16:15bahagya rin inabot ng tubig
16:17ang harapan ng motorshop.
16:19Hindi rin nakaligtas sa baha
16:21ang strawberry fork.
16:23Lubog sa tubig ang ilang pananim na
16:25strawberry, lettuce at repolyo.
16:28Ayon sa mga magsasaka,
16:30ang ilan ay katatanim pa lang
16:32para sana sa anihan sa Desyembre.
16:35Nagmistulang ilog din ang mga kalsada
16:37sa bahagi ng poblasyon guyagan
16:39dahil sa mga pagkulan.
16:44Sa Mountain Province,
16:46nakuna ng video
16:47ang aktual na pagbuho
16:48ng malalaking tipak ng bato
16:50mula sa bundok kanina.
16:54Unti-unti itong bumagsak
16:55at humambalam
16:57sa gilid ng Bar League
16:58na Tonin National Road
17:00na pansamantalang isinara
17:02sa mga motorista.
17:05Gamit naman ang rescue boat,
17:08inilikas ang ilang residente
17:09ng Zamboanga City
17:10dahil sa pagbaha.
17:12May ibang bahagi
17:13na abot-bewang ang tubig.
17:15Ayon sa City Social Welfare Office,
17:18nasa tatlong daang pamilya
17:20ang apektado.
17:21There was a section of the wall
17:23that divided yung
17:25sa subdivision
17:26ng bridge
17:28ng tubig,
17:29malakas na tubig
17:30so pumasok sa subdivision.
17:33Sa bahay na ito naman,
17:35naglutangan ng halos lahat
17:36ng mga gamit
17:37dahil mabilis na pinasok ng baha.
17:40Ayon sa pag-asa,
17:41low-pressure area,
17:43habagat,
17:43at localized thunderstorm
17:45ang dahila
17:46ng masamang panahon
17:47sa ilang bahagi ng bansa.
17:50Para sa GMA Integrated News,
17:52Tina Panganiban Perez,
17:54nakatuto,
17:5524 oras.
17:57Mga kapuso,
17:58dahil sa inaasahang
17:59masamang panahon bukas,
18:00kinansila ng DILG
18:02ang pasok sa ilang rehyon.
18:04Walang pasok bukas,
18:06August 26, 2025,
18:06sa lahat ng antas
18:08sa pampubliko
18:09at privadong paaralan,
18:11pati sa mga tanggapan
18:12ng gobyerno
18:12sa buong Metro Manila.
18:14Gayun din sa Aurora,
18:16Quezon,
18:17Rizal,
18:17at Laguna.
18:18Wala rin pasok
18:19sa lahat ng paaralan
18:20all levels
18:21at government offices
18:22sa Albay,
18:23Camarines Norte,
18:25Camarines Sur,
18:26Sorsogon,
18:27Catanduanes,
18:28at Masbate.
18:29Pati sa Northern Samar,
18:30Eastern Samar,
18:31Leyte,
18:32at Southern Leyte.
18:33Patuloy pong tumutok
18:34dito sa 24 oras.
18:36at social media pages
18:38ng GMA Integrated News
18:39para sa iba pang anunsyo.
18:46Happy Monday,
18:47chikahan mga kapuso!
18:49Trust and support
18:50na foundation
18:50ng isang good friendship.
18:52Ang tema ng upcoming episode
18:53ng Day Kayo
18:54ng Lola Ko.
18:56Bidariyan,
18:56ang dalawang ex-kapuso
18:58housemate
18:58na sino Will Ashley
19:00at AZ Martinez.
19:01Makichika
19:02kay Athena Imperial.
19:06Sweetness overload
19:07si AZ Martinez
19:08at Ralph DeLeon
19:09sa one-arm lift trend
19:11sa TikTok.
19:12May pabiru pang ihuhulog
19:14sa isang pool si AZ
19:15habang buhat ni Ralph.
19:17Pabirong hirit
19:17ng mga kapwa Pinoy
19:18Big Brother Celebrity
19:19Colab Edition
19:20housemates,
19:21pabuhat din Ralph.
19:23May pa-flex rin si Ralph
19:24ng kanyang bicep
19:26sabay pakita,
19:27hawak pala niya
19:28mga pisngi ni AZ.
19:29Dahil sa chemistry
19:30ng AZ Ralph,
19:32humihirit ng movie project
19:33ang kanilang fans.
19:35Si Ralph yung una
19:36nag-bring up sa akin
19:37at sabi ko,
19:37wala gusto ko din gawin yun.
19:39I really want to work
19:40with Ralph.
19:40Hopefully in a movie,
19:41if there's an opportunity,
19:43if there's work
19:43that will be given
19:45for us,
19:46to us,
19:48I would gladly take it
19:49kasi it's one of the things
19:51that I want to happen also.
19:53Bago naman
19:54ang minamanifest na movie,
19:56bibida muna si AZ at Will
19:58sa daig kayo
19:59ng lola ko.
20:00Nakakatuwa na
20:01kapag nakasama ko
20:02yung mga housemates ko,
20:03co-housemates ko
20:04sa labas na trabaho,
20:07sobrang dream come true.
20:09For this episode,
20:10sa tingin kong matututunan po ni Les
20:13yung good friendship,
20:15good relationship,
20:17pagbuo ng trust,
20:18of course,
20:19and supportahan
20:20sa isa't isa.
20:22Makakasama rin ni AZ
20:23at Will
20:24si Ashley Sarmiento
20:25at si Althea Ablan
20:27na madalas nag-guess
20:28sa daig kayo
20:29ng lola ko.
20:30Sobrang saya lang
20:31kapag nandito ako
20:31sa set ng daig
20:32and ang mapupulot naman
20:34nilang aral,
20:35iba-iba eh.
20:35Dito naman sa episode
20:37namin ngayon,
20:38siguro ang matutunan nila
20:39is yung kung paano
20:40ka mag-move on.
20:41Sa November,
20:42entry ng bansa
20:43ang daig kayo
20:44ng lola ko
20:44sa Southeast Asia
20:45Video Festival
20:46for Children
20:47sa Thailand.
20:48Pinili ng
20:48Anak TV Incorporated
20:50ang episode nilang
20:51squad game
20:52na tungkol sa
20:53magkakaibigang
20:54napunta sa ibang dimensyon.
20:55Talagang surprising kami
20:57na kami napili
20:58para mag-attend
21:00sa video competition
21:03sa Thailand.
21:04So talagang
21:05maraming salamat.
21:06Doon sa loob
21:06ng dimensyon na yun
21:07parang tinuruan sila
21:09ng parang
21:11group effort,
21:12ganyan,
21:13tinuruan sila
21:13ng makinig sa isa.
21:16Athena Imperial
21:17updated sa
21:18Showbiz Happy Days.
21:25Take care.
21:26So badv Considering
21:26video Micheal
21:27.
21:39mainly
21:39member
21:40narea
21:41popularity
21:41sa
21:42sa
21:42to
Comments