Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00This is Philippine Goal.
00:07Live mula sa GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:21Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:25Nilulunod na rin ang patong-patong na hamon.
00:28Kahit ang mga nakaligtas sa bagyong tino, una, ang pagluluksa para sa mga nasawi na hindi nabababa sa 114 ayon sa NDRRMC.
00:41Ang ibang namatayan is sinasabay pa ang paghahanap sa ibang nilang kaanak,
00:46gayon din ang pagtawid sa sariling pangangailangan tulad ng pagkain at maiinom.
00:52At mga kapuso, dito nga po sa Liloan, Cebu, kalunos-lunos ang nakita kong efekto ng bagyo.
00:58Kabilang ang pag-apaw ng isang ilog.
01:01Sa gitna nito, walang pagod ang pagsuyod sa putik at debris ng mga nagkakasanang search and retrieval operations.
01:08Narito ang aking report.
01:10Kaliwat kanang nabawal na puno ang sumalubong sa amin nang puntahan ang barangay Kotkot sa Liloan, Cebu.
01:21Pero lalong kalunos-lunos kung paanong pinatagilid.
01:25Pinataob at pinagpatong-patong pa ng rumagasang baka rito ang mga sasakyan.
01:31Ang iba, sumampan na sa bakod.
01:33Maraming bakay ang nawasak.
01:35Ang mitsa ng hindi inaasahang pagragasan ng tubig,
01:38ang pag-apaw ng Kotkot River na sumira pa sa dike.
01:41Dito sa maturan funerarya, inabuta namin si Creza.
01:51Survivor siya.
01:52Pero inulila naman ng mister at ng tatlong anak.
01:56Na edad isa, tatlo at walo.
01:59Kayin din ng amatpamangkin.
02:02Lakat sila dahil sa pananalasa ng bagyong tino.
02:05Hindi may paliwala.
02:08Nung nagisig kami, palang ang baha.
02:12Walang minuto, umabot siya dito.
02:15Umakyat kami sa bubong.
02:18Tapos kumulaps yung building sa tabi namin.
02:22Tumama sa bahay na inakyata namin, kumulapsed kami.
02:27Madamay kami.
02:28Tangay kami lahat.
02:29Nung narescue na kami, may nagsabi na may mga nakita doon.
02:33Nakita dito.
02:35Pumunta kami, naghahanap.
02:39Sabay sa pagluksa, ang pag-aalala pa.
02:42Para sa ina, tiyahin na dalawang pamangkin na hindi pa rin nakahanap.
02:46Kaya nagsusumamo si Creza sa mga otoridad.
02:49Sana matulungan.
02:51Hindi namin paalam paano magsimula.
02:55Wala ng bahay.
02:56Wala lahat.
02:58Wala pamilya.
03:00Sana mahanap ang mama pa.
03:02Mga pinsan ko.
03:04Kaya na may magpadala ng crane para mahukay.
03:09Kasi ngayon, mga tao lang talaga naghahanap, mam.
03:16Manual-manual lang talaga.
03:18Pero may marami pang natabunan.
03:23Wala namang oras na hinaksaya ang mga otoridad.
03:26Katunayan, inabutan namin ng ilang tauan ng Philippine Air Force na masinsin,
03:29pero maingat na ginagalugat ang bahagi ng barangay para sa search and retrieval.
03:35Kasama po natin ngayon, ang mga taga-Philippine Air Force.
03:41Ipipenetrate nila itong subdivision na ito sa liloan.
03:45Sa pagbabakasakali na meron pang pwedeng mailigtas,
03:49maisalba mo lang na area na lubos na naapektuhan ng biglaang pagtaas ng tubig.
03:54Sinuyod namin ang nasalantang subdivision.
03:59Ganito po ang itsura ng mga kalsada sa loob ng subdivision na ito.
04:03Saan ka ba yung lumingon?
04:05Kung hindi putik, mga sasakyang, sumalansan, nagkapatong-patong.
04:10Minalaman ko dito, hindi masamang entry dahil makong clear kung kalsada.
04:20Sa isa pang subdivision sa iloan,
04:23pinalika naman ng Pamilya Borses ang alaga nilang aso
04:26na naiwan sa bubong sa kasagsaga ng bagyo.
04:33Mga kapuso, bukod sa kuryente, tubig, pagkain at damit.
04:39Isa po sa mga ipinapanawagan pa ng mga residente
04:42ng subdivision na ito sa Liloan, Cebu.
04:45Ang sanay, makapasok na ang ayuda.
04:49Pero meron hong problema.
04:50Dahil nakabara pa rin ang mga behikulo,
04:53sa papasukan ng mga sasakyang medala ng tulong.
04:56Kaya isa ko, sa mga gusto nilang mangyari rin sana,
04:59ang maagang at mas mabilis na responde ng mga tow companies
05:03para maklear na ang kalsada papasok sa sentro ng residential area.
05:08At paano nga bang magsisimula kung halos wala kang naisalba sa baha?
05:14Tanong din yan sa Talisay, Cebu kung saan pati sa tinutuloy ang gymnasium
05:17ay walang mahigaan dahil sa putik na iniwan ang baha.
05:22Ang kanilang apela, alamin natin mula kay Susan Enriquez
05:25na nakatutundin live mula sa Talisay, Cebu, Susan.
05:33Emile, matapos masalantanang Bagyong Tino,
05:36panibagong pagsubok ang kinakaharap ng mga residente
05:40dito sa barangay Dumulog, Talisay City.
05:42Dahil hindi nila alam kung paano at kailan sila magsisimula
05:47matapos ang dinanas nila dahil dito sa Bagyong Tino.
05:50Narito po ang aking report.
05:55Mistulang binura sa mapa ang mga kabahayan sa barangay Dumulog
05:58dito sa Talisay, Cebu, matapos tumama ang Bagyong Tino nitong Martes.
06:03Halos walang natin ang istruktura sa lugar na ito
06:05na nasa ilalim ng Dumulog Bridge.
06:07May mga ilang nilang nakatayo pero di na rin pakikinabangan,
06:10Sabi ng mga residente, binabaha naman sila noon
06:13pero hanggang ikalawang palapag lang.
06:15Pero ang bahang dulot ng Bagyong Tino ay umabot sa bubong.
06:19Mistulang binayo at inanod ang mga bahay at istruktura.
06:22At dahil di nila inaasahan ang pinsalang dala ng Bagyong Tino,
06:26halos wala silang naisalba.
06:28Kaya hindi nila alam kung saan at paano magsisimula.
06:31Sa ngayon, putik, burak, basura at mga debris
06:34ang naiwang bakas ng Bagyong City.
06:36No, ang mga apektadong residente,
06:38pansamantalang tumutuloy sa gymnasium ng Barangay Hall
06:41at health center ng Barangay Dumulog.
06:43Pero hindi na rin sila halos makakatulog
06:45dahil putik na putik ito.
06:47Yung iba, naglagay na lang ng kanilang mahigigaan
06:49doon sa mga bleacher.
06:51May mga tent na ipinamahagi pero hindi na rin nila magamit
06:54dahil binaharin ang pagpupwestuhan nito.
06:56Naghihintay rin sila ng ibang tulong
06:58gaya ng pagkain at iba pang pangangailangan.
07:08At ngayon, kusapin natin isa sa mga residente dito,
07:12si Wilfredo Atis.
07:13At walang natira sa bahay nila.
07:15Ngayon, nakita ko talagang bakante na ito.
07:17Talagang barang kayong barado sa mapa,
07:19burado sa mapa.
07:20Anong plano nyo ngayon, Wilfredo?
07:22Magtayo ng Baycubo, pamsamantala.
07:24Pamsamantala?
07:25Oo, tapos?
07:27Para meron kaming matulugan.
07:28So, ayan po yung ilan sa mga dilema ng mga kababayan natin dito
07:34kung paano sila babalik sa kanilang normal na pamumuhay
07:37matapos na mawala ang kanilang mga ari-arian.
07:40Mula rito sa barangay Dumulog, Talisay City, Cebu.
07:43Ako si Susan Enriquez, nakatutok, 24 oras.
07:46Balik sa iyo, Emil.
07:50Maraming salamat, Susan Enriquez.
07:53At sa gitna ng paghingi ng saklolo ng iba't ibang lokal na pamalaan
07:58ay dineklara na rin ni Pangulong Bongbong Marcos
08:00ang State of National Calamity.
08:03Pinaimbestigahan niya rin ang mga pag-abuso sa kalikasan
08:06na posibleng nakapagpalalaan ng baha.
08:10Nakatutok si Ivan Mayrina.
08:14Habang tuloy ang relief operation sa Visayas
08:17kasunod ng matinding pinsalang iniwan ng Bagyong Tino,
08:20pinaghahandaan na rin ang pagtama ng Bagyong Uwan
08:22na inaasahan magpaparamdam ngayong weekend
08:25at tatama sa Hilaga at kitang Luzon.
08:27Kapag nagkataon, aabot sa mahigit sampung region ng bansa
08:31ang mapipinsala ng dalawang magkasunod na bagyo.
08:33There was a proposal from the NDRMC
08:35which I approved that we will declare a national calamity.
08:43Sa situation briefing kanina umaga,
08:45ipinag-utosan ng Pangulo ang mabilis sa aksyon
08:47at pagtiyak sa koordinasyon ng mga LGU
08:49bilang first responders at ng national government.
08:53At dahil may state of calamity,
08:54mas mabilis ang pag-release ang pondo
08:56para sa mas mabilis na tugon sa pangangailangan ng mga sinalanta.
09:00Papabilis ang ating procurement
09:01so that we don't have to go to the usual bureaucratic procedures
09:05and we can immediately provide assistance to the victims of the storms.
09:10Kasabay niya, naglabas ang Pangulo ng P760 million pesos
09:14mula sa kanyang opisina
09:15para sa halos 40 lokal na pamahalaan na apektado ng bagyo.
09:20Pinakamalaki ang matatanggap ng Cebu, Capiz,
09:23Surigao del Norte, Iloilo, Buhol at Negros Oksidental
09:26na tig-50 million pesos.
09:29Tig-40, 30, 20, 10 at 5 million naman sa iba.
09:32Maliban sa pagpapaimbestiga sa mga palpak na flood control projects sa Cebu
09:37na ginasusan ng bilyong-bilyong piso,
09:40pinatitignan din ng Malacanang sa DNR
09:42ang mga nakalbong bulubundukin,
09:46ang pagkukwari at ang pagtatayo
09:48ng ilang mga residential area
09:49na maaaring nakapagpalala sa mga pagbaha.
09:53May kinalaman ang mga pagpapabaya
09:55ng mga tao at ang pangaabuso
09:57sa ating natural resources o sa ating kalikasan.
10:00So talagang magkakaroon din po ng investigasyon dito.
10:03Nagalok na rin ang tulong sa recovery efforts
10:05sa mga lugar na sila lanta
10:06ang mga bansang Australia, Canada at Amerika.
10:09Nililaw naman ang palasyo
10:10na hindi humingi ng tulong pinansyal ng Pilipinas sa ibang bansa
10:13at siniguro may sapat na pondong mga ahensyon ng pamahalaan
10:16para tumugon sa ating mga pangailangan.
10:19Para sa GMA Integrated News,
10:21Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
10:25Sinampahan ang reklamong tax evasion ng BIR
10:28ang mga dating DPWH engineer.
10:31Sina Henry Alcantara, Bryce Hernandez at JP Mendoza.
10:37Ang kabuang sinisingil sa kanila ng BIR
10:39may git-isa't kalahating bilyong piso.
10:43Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
10:45Magagarang sasakyan, pagsusugal ng milyon-milyon sa kasino,
10:53mamahaling mga ari-arian.
10:55Ilan lamang yan sa naging basihan ng Bureau of Internal Revenue o BIR
10:59sa kanilang pagsasampa ng criminal complaint
11:01laban sa mga dating DPWH engineers
11:04na sina Henry Alcantara, Bryce Hernandez at JP Mendoza.
11:09Kabuang 1.6 billion pesos ang sinisigil ng BIR
11:13matapos silipin ang kanilang financial transactions,
11:17property, business interest at iba pa.
11:20Nasa 900 million ang sinisigil nila kay Alcantara,
11:23halos 600 million pesos kay Hernandez
11:26at mahigit 180 million kay Mendoza
11:29para ito sa taong 2020 to 2024 ayon sa BIR.
11:34Ang titingnan lang talaga natin kung tugma ba ang mga revenues
11:38sa mga ginagasos at mga ari-arian nila
11:41at kung hindi nagbayang ng tamang buis,
11:43ay yan ang nga habulin natin.
11:44Bukod sa kailangang bayaran ng tatlo ang kanilang tax liabilities,
11:49naharap sila sa reklamang tax evasion at iba pang paglabag
11:52sa National Internal Revenue Code of 1997
11:56na may parusang kulong na pwedeng umabot sa sampung taon.
12:01Nauna nang nasampahan ng reklamo sa DOJ
12:03ang mag-asawang Sarah at Curly Diskaya
12:06na sinisigil naman ang BIR
12:08ng tax liability na mahigit 7 billion pesos.
12:12Ayon sa BIR,
12:13patuloy ang kanila investigasyon sa mga opisyal ng DPWH,
12:17government contractors at mga mambabatas.
12:20Iniimbestigahan din ang mga contractors na nag-donate
12:23sa kampanya ng mga kandidato
12:25at mga kandidatong tumanggap ng donasyon.
12:28Humingi na nga raw sila ng kopya ng mga sose
12:31o statement of contributions and expenditures sa COMELEC.
12:35Tinitingnan din natin yung capacity rin nung nag-donate.
12:38Whether or not bayad yung mga buis niyan
12:40at kung may capacity yung nag-donate.
12:43Ang lahat ng kandidato,
12:44pag kumandidato yan,
12:45kinakailangan nilang i-report yan din sa BIR
12:48kung ano-ano ang mga tinanggap nila
12:50at kung magkano ang ginastos nila.
12:53Kung may natira yan,
12:54ay kinakailangan nilang magbayad din ng buis
12:57doon sa natirang income.
12:58Para sa GMA Integrated News,
13:01Sandra Aguinaldo,
13:02nakatutok 24 oras.
13:05Walang habas na nagpaputok ng baril
13:07ang isang lalaki sa tagig.
13:09Depensa niya ng maaresto,
13:11naglabas lang umano siya ng galit.
13:14Nakatutok si Marisol Abduraman,
13:15halos magmakaawa na ang mga pulis na ito
13:22sa labas ng isang bahay sa tagig,
13:23bandang alas 8 noong umaga kahapon.
13:25Ang kanilang pakay,
13:27pasukuin ang lalaking walang habas
13:28o manong nagpaputok ng baril.
13:30Ang mismong ina ng suspect
13:32ang nagpasaklolo sa pulis siya.
13:34Pero kahit anong pakikusap,
13:35hindi pa siya nagpapasurrender
13:37kasi nagkulong na siya sa loob ng bahay.
13:39On a megaphone,
13:40kinakausap din yung anak.
13:42Was she responding?
13:44Medyo nagre-respond,
13:46nagpapakita pero hindi siya nagsasalita.
13:48Lumalabas,
13:48then papasok ulit.
13:50Inabot ng hapon ang paghihintay ng mga pulis
13:52kaya persahan na rin na pinasok ng sukat team ang bahay
13:55at natuntun sa kwarto ang suspects
13:57na ayon sa tagig-pulis ay pagod na pagod
14:00kaya hindi na rin pumalag ng arrestuhin.
14:02Nakita ang limang basyo ng bala.
14:04Ang kagandahan din noon,
14:06walang natamaan sa paligid ng kapitbahay niya
14:09o dyan sa ibang barangay.
14:13Na-recover ang dalawang 9mm na baril,
14:16magazine at mga bala.
14:17Nakuha rin ang mga airsoft na baril.
14:20Nang tanungin ang suspect kung bakit siya nagpaputok ng baril,
14:23yung express, yung ano ko ba?
14:25Yung galit ko.
14:28Para protection doon sa visit namin.
14:30Sa pamilya o.
14:32May threat ko ba kayo?
14:34Ha?
14:34Wala naman.
14:36Sasampahan na mga reklamong alarm and scandal
14:38at indiscriminate firing ang suspect.
14:40Para sa GMA Integrated News,
14:44Marisol Abduraman,
14:46Nakatuto,
14:4724 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended