00:00Mahigit P721B ang halaga ng insertion sa DPWH budget noong 2025
00:06ayon kay Batangas First District Representative Leandro Liviste
00:10na batay raw sa records na ibinigay sa kanya ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral noong Settiembre.
00:16Kabilang si Liviste sa mga kongresistang nagsusulong na imbestigahan ng pagkamatay ni Cabral.
00:22Balitang hatid ni Chino Gaston.
00:24Nag-high ng resolusyon ng ilang kongresista sa Kamara para imbestigahan ang pagkamatay ni dating Public Works Undersecretary Catalina Cabral.
00:34This inquiry is also a call to action to immediately secure testimonies, place witnesses under protection, and prevent any further loss of life or truth.
00:47Marami pong butas at hindi nagtutugma ang mga salaysay sa pagkamatay ni Zusek Cabral.
00:54Isa sa naghahain ng resolusyon si Batangas First District Representative Leandro Liviste
00:59na hawak ngayon ang listahan ng mga mambabatas na may mga proyektong pinaglaanan ng budget ng DPWH na binansagang Cabral files.
01:10Nakuha ni Liviste ang record mula kay Cabral noong Settember 4 matapos iotorisa ni DPWH Secretary Vince Dizon.
01:18Ito ay listahan ng lahat ng mga projects sa DPWH budget at para sa bawat isang proyekto may nakalagay na proponent at saka iba pang mga notes.
01:27Halos lahat po ng mga congressman at senators ay nasa listahan nito.
01:31Bagamat handa raw siyang ilabas ang listahan kung papayaga ni Dizon, mas mainam-aniya kung ang DPWH ang maglalabas nito.
01:40Pati raw ang nanay niyang si Sen. Loren Legarda nasa listahan. Bagamat sinabi raw nitong hindi niya nakausap si Cabral.
01:47Tiyanong kong nanay ko, sabi niya, hindi naman niya kinusap si Yusak Cabral tungkol sa project.
01:52Kaya hindi niya alam paano nakapasok ito sa listahan.
01:55Kaya maganda din na isa publiko ng DPWH ito para din malinawan na,
02:01Uy, hindi pala ako yung nagpasok doon, baka ginamit lang ang pangalan.
02:04Hinihingan naman ang tugon dito si Dizon.
02:07Base sa Cabral files, hinihingan umano ng DPWH ang mga kongresista ng mga proyekto na nagkakahalaga ng 150 milyon pesos.
02:17At natuklasan niyang bago paabrubahan ang budget ay tila may ayusan na sa bidding.
02:23Meron din mga leadership 1 at leadership 2 na nabanggit po ninyo na I think mga over 20 billion din ang pangalan sa leadership sa listahan ito.
02:34Naka-code name na siya, hindi natin alam sino si leadership.
02:37Pero ang isang project sa leadership list na ito ay sa aking distrito na Yusak Cabral po siguro ang makakapaliwanag.
02:51Pero yung kontratang ito ay na-award kay Congressman Edwin Guardiola.
02:59Hinihingan pa namin ng kumento rito si Guardiola.
03:02Dagdag pa ni Leviste.
03:04Sa 2025 budget, umabot niya sa 721 billion pesos ang DPWH insertion.
03:10401 billion dito ang sa district representatives habang 320 billion ang outside allocable.
03:19Nasa 21 billion daw rito sa outside allocables ang sa mga senador.
03:24Mukhang taon-taon umano ginagawa ni Cabral ang budget insertions mula sa DPWH at sa Kongreso.
03:31Pero hindi lang sila ang may insertion umano.
03:34May din po dito mga opisyal sa mga ahensya ng gobyerno bukod sa DPWH na may insertion.
03:40May mga secretary at undersecretary kahit walang kinalaman sa DPWH.
03:44Meron din flood control project.
03:46Sabi ni Leviste, ipinakita na niya ang listahan sa Independent Commission for Infrastructure at sa Ombudsman.
03:54Pero kailangan pa ng ebidensya na mag-uugnay sa proponent sa kontraktor.
03:58Chino Gaston nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments