Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pusibleng kasuhan sa susunod na linggo ng Department of Justice sa iba't ibang korte ang ilang sangkot sa pagkawala ng mga sabongero.
00:13Malaking tulong daw ang mga testimonya ng magkakapatid na patidongan na tatayong mga state witness.
00:19Balitang hatid ni Dano Tingkungko.
00:20Planado at sistematiko, ganyan inilarawan ng Department of Justice ang pagkawala ng 34 na mga sabongero batay sa kanilang preliminary investigation.
00:33Sabi ng DOJ, may iba't ibang grupo ng suspect na may kanikanilang trabaho para isagawa ang kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention.
00:42Nakita rin ng DOJ na may pattern ang pagkawala ng mga sabongero.
00:46The manner by which the crime was committed is so, parang sabihin na natin, compartmentalized.
00:52Diba? Kung titignan mo, pag kami nandaya, may kumakausap.
00:55Pag after may kumakausap, may kumukuha.
00:58Pagkatapos, after nung pag may kumukuha, merong gagawa ng kung ano sa kanila and then meron ding magtatapon.
01:04What one compartment would know may not be known to the others.
01:08Naging malaking tulong daw sa pagtagpitagpi sa pangyayari ang mga testimonya ng magkapatid na Juliette L. Kim Patidongan.
01:15Si Julie Patidongan na sa GMA Integrated News unang isiniwalat ang kanyang mga nalalaman mula sa umano'y panyonyope o pandaraya hanggang sa pagtawag sa mga suspect na polis na siyang magdadala sa kanila sa isang lugar.
01:29Ang kapatid niyang si Ella Kim sinabing nakita niya mismo ang pagpapahirap at pagtapon sa mga biktima.
01:35Sa testimonya ng dalawa nakasandal ang mga kasong isasampa sa negosyanteng si Charlie Atong Ang at dalawamput isang ibang suspect.
01:43Sabi ng DOJ, dismiss na ang lahat ng reklamo laban sa magkapatid na Patidongan na kapwa tinanggap sa Witness Protection Program at tatayong state witness.
01:53There is corroboration on the statements of Julie Patidongan by the statement of his brother.
02:00And the fact that as we all know, as of this time, all the missing relatives of the complainants here, we have no knowledge as to their whereabouts.
02:09Sabi ni Prosecutor General Richard Padulion, gamit ang testimonya ng mga patidongan, tatayo ang mga kaso na para sa mahigit dalawampu sa tatlumput apat na mising sa bungero.
02:21May ongoing ng kaso sa korte para sa ibang nawawala.
02:24Sa halos anim na pong binanggit ng magkapatid ng patidongan sa kanilang testimonya, dalawamput dalawa ang kasama sa asunto kabilang si Ang.
02:32Hindi na isinama ang iba dahil walaan nilang sapat na ebidensya, kabilang ang aktres na si Gretchen Barreto.
02:39Hindi pa kasama sa mga ebidensya ng DOJ ang mga butong nakuha sa Taal Lake dahil wala pang resulta ang DNA testing.
02:46Sa susunod na linggo, inaasahang isasampan ng DOJ ang mga kaso sa iba't ibang korte.
02:51Balak din daw nilang hilingin sa court administrator na i-consolidate ang mga ito.
02:56Dano Tingkongko, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:02GMA Integrated News
Be the first to comment
Add your comment

Recommended