00:00Bulto-bultong kamatis na hindi maibenta ang itinapon ang mga magsasaka sa gilid ng kalsada sa Bayombong Nueva Vizcaya.
00:07Ayon sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal o NVAT, hindi maibenta ang mga kamatis dahil walang masyadong bumibili.
00:15Anihan din daw kasi nito sa iba pang lalawigan sa Northern at Central Luzon.
00:20Kaya kanya-kanyang kuha naman ang ilang residente dahil hindi pa naman daw sira at mapapakinabangan pa ang mga kamatis.
00:27Inabisuhan na raw ng NVAT ang Department of Agriculture para maaksyonan ang problema sa sobrang supply ng kamatis.
00:36Plano rin daw ng NVAT na humingi ng tulong sa non-government organizations na nagsasagawa ng barter trade para sa
00:44mga produktong agrikultura kapalit ng grocery items.
Comments