00:00Sakto, isang linggo naman, bago ang Pasko, mapapasakamay na sa wakas na mga pamilya ng mga OFW
00:09ang kanilang mga balikbayan box na ilang taon nang natinga sa port area sa Maynila.
00:14May mga karton na nang lumambot sa tagal ng pagkakaimbak.
00:19Kaya ang sabi ng customs, dapat idemanda ang mga nagpabayang deconsolidators.
00:26Nakatutok si Oscar Oida.
00:30Tila ayaw ng bitawan ng 48-anyos na OFW na si Michelle ang kanyang balikbayan box
00:38nang mabawi niya ito kanina sa inspection and delivery rollout ng Bureau of Customs
00:43sa mga abandonadong balikbayan boxes sa port area sa Maynila.
00:48Dugot pawis kaputom. Nandito rin po lahat yung pera ko, yung pinagdaan ko na paunti-unti bumibili po ako ng mga gamit nila.
00:55Taste po talaga para po sa mga anak ko kasi solo parent nang po ako.
01:00Paano ba naman? Nasa Kuwait pa si Michelle nang ipadala niya ang balikbayan box noong 2023.
01:06Nauna pa siyang makauwi bago nila ito nakuha.
01:08Yung sapo ko po, naglalakad na po yun. Bago kung ano yung mga gamit ng mga sapatos niya rito, saka damit.
01:15At hindi lang sa kanya, kundi mahigit sa sanda ang libong balikbayan box.
01:20Mula Middle East ang natingga dito sa port area, matapos pabayaan ng mga pribadong kumpanyang dapat na mahala sa mga ito.
01:28Yung deconsolidators na yan, sila ang dapat magbayad ng port charges, shipping costs, arastre, and so on and so forth.
01:37At dapat din pagbayaran siyempre ang mga taxes and duties sa gobyerno.
01:42Hindi nila binayaran lahat yan. Sa pananaw ng pamahalaan, yan ay naabandon na.
01:47Ang isa nga na nahulog ng buksan ang isang container van, halatang lumambot na ng gusto, marahil sa tagal ng pagkakaimbak.
01:59Ang problema natin dyan, yung mga nagpadala ng mga pagkain o perishable goods, sana hindi pa sira.
02:07Nagpapasalamat man, di pa rin maitago ng ilan ang pagkadismaya.
02:12Nakakadurog po ng puso, depressed at stress.
02:15Dahil siyempre, dugot-pawis po ng bawat OFW po ang nilalagay sa balikbayan box na yan
02:21para po maibigay po namin dito sa mga kamag-anak namin dito sa Pilipinas.
02:28Pakonsuelo ng wala ng babayaran para sa pagkuhan ng mga balikbayan box.
02:32Pero pananagutin pa rin ang mga deconsolidator na dapat sumagot sa mga bayarin at nagpabaya sa mga package.
02:40I-demanda natin at hindi na makapag-negosyo.
02:42Magkakaroon kami na mas mahigpit na parameters na kapag may problema, meron kami nga habuli na ban.
02:48Hindi yung pera ng gobyerno ang gagastusin natin sa obligasyon nila.
02:52Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida, Nakatutok, 24 Oras.
Comments