00:00Nabuhayan ng loob ang kaanak ng mga missing Sabongero, lalo ngayong dalawang korte na ang nagpapa-aresto kay Atong Ang at iba pang sangkot kaugnay ng mga kaso.
00:09Pero puno pa rin sila ng galit, sabay hamong lumabas na sila. Narito ang aking eksklusivong pagkudong.
00:18Kung talaga pong totoo yung sinasabi niyong inosentic kayo at wala kayong kinalaman sa mga missing Sabongero,
00:25ito na po yung pagkakataon nyo din po na patunayan nyo.
00:31Ito ang mensahe ng mga kaanak ng mga nawala sa Sabongan ng negosyanteng si Atong Ang sa Santa Cruz, Laguna.
00:38Kasunod yan ang paglalabas ng korte ng arrest warrant para kay Ang at labimpitong iba pa.
00:43Apat na taon mula ng pumutok ang balita ng missing Sabongeros.
00:47Justicia na ito na malapit na, nakakamit na namin. Kaso malungkot, hindi siya makita nawawala.
00:54Kasi sinasabi niya lagi siya inosente. Eh hindi po ko niniwala inosente siya kasi pinapatay niya yung anak ko eh.
01:00Sa totoo alam po eh, napakasakit hanggang ngayon po. Di pa po makarecover ako dahil sa pagkawala ng anak ko eh.
01:08Torture po yung ginawa nila sa akin. Hindi lang anak ko ginawa nila eh kundi pati po ako eh.
01:12Kanina, nagsalo-salo sa tangalian ng halos lahat ng pamilya ng mga missing Sabongeros
01:17para kahit papaano raw ay ipagdiwang ang inisyal nilang tagumpay sa kaso.
01:22Nabuhayan po yung loob namin na kahit maliliit na tao lang po kami, eh kaya pala namin lumaban.
01:28Okay po, sige po, sige po.
01:30Sa kalagitnaan ng reunion, tinawagan ng polis si Ederlene, kapatid ng Sabongerong si Edgar na nawala sa Lipa, Batangas.
01:37Confirm na sir.
01:39Pro, nasa e-warrant po.
01:41Ah sige po, salamat.
01:42I-binalita sa kanyang inilabas na rin ng Lipa City, Batangas, RTC, ang warrant of arrest para sa kanilang kaso.
01:49Sobra po ang saya ko. Sobra-sobra.
01:54Dahil sa wakas makakamit na namin yung hinihiling namin na matagal na ustisya para sa aming mga pamilya.
02:03Gusto ko ilabas yung galit ko. Yung galit ko kay Atong Ang, yung ginawa niyang pagpatay sa mga mahal namin sa buhay.
02:09Lahat dapat ng paghihirap ng pamilya namin, danasin din niya.
02:13Sampo na ang kan niya lahat ng gumawa ng krimen sa mga pamilya namin.
02:17Ang kaanak ng iba pang nawawala, galit na pinapanagot ang mga nasa likod ng krimen.
02:22Kung anong ginawa nila sa daing na matay, bitay rin.
02:26Kung anong ginawa nila na inano nila yung bigtiin ang aming mga mahal sa buhay ng wire, dapat ganun din sila.
02:35Ang sakit, ang sakit-sakit, sir.
02:38Atong Ang, hirap na hirap na ang buhay namin sa pagkahanap sa mahal namin sa buhay.
02:44Marami kaming pamilyang pinerwisyon niyo.
02:48Ang mga apo namin, mga asawa nun, hanggang ngayon nagdurusa.
02:55Sana naman, harapin mo na.
02:59Lumabas ka na.
03:01Itong pagkakataon na ito, huwag nang pahirapan ni Atong Ang mga kapulisan.
03:08Ginawa niya ito, dapat harapin niya. Huwag siyang duwag.
03:12Hindi rin daw sila natutuwa sa impormasyong isinwalat ng CIDG kakapon
03:16na may active at ex-police officials na nagkakanlong kay Ang.
03:20Masakla po para po sa aming mga pamilya na nawalan.
03:24Masakla po yung kasi sila po yung unang-unang dapat natutulong sa amin na mahihirap.
03:30Pero sila po yung mga nangunguna na tumutulong sa mga hindi naman nila dapat tulungan.
03:36Para sa amin po, hindi po mahuhuli si Atong Ang kung may nagsusuporta po sa kanya na itinatago po siya.
03:43Ang kailangan mo din gawin dito ay yung mga nagtatago sa kanya at tumutulong ay kailangan din pong huliin ng gobyerno.
03:50Ay paano mahuhuli yun ay tinatago nila.
03:52Sana tutukan po nila yung paghahanap po nilang tigilan hanggat hindi po mahuhuli po si Atong Ang.
03:58Masakit po para sa amin na ang dapat na tumutulong sa mga katulad namin ay kami yung mga pinoprotektahan.
04:08Pero kung sino pa yung masamang tao, yun pa po yung kanilang pinagtatanggol.
04:13Insulto rin daw sa kanila ang payo ng abogado ni Ang sa kliyente na huwag sumuko.
04:18Dahil marami pang pwedeng gawing legal remedies sa kaso.
04:21Tama ba yun?
04:23So hanggang ngayon pinapaikot pa tayo rito pati ng abogado eh.
04:26Hindi niyo na humaluloko yung taong bayan.
04:29Lahat po nakatingin.
04:30Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil, Nakatutok 24 Horas.
Comments