Skip to playerSkip to main content
20% ng Kamara ang nakareserba sa mga Party-list na kumakatawan dapat sa iba't ibang sektor at marginalized na grupo. Pero ayon sa ilan, naabuso ito, napapasok kahit ng mga malalaking partidong pulitikal at mga political dynasty. Masolusyunan kaya yan ng panukalang reporma sa Party-list system na tinukoy ng pangulo na prayoridad maisabatas?


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:0020% ng Kamara ang nakareserva sa mga party list na kumakatawan dapat sa iba't ibang sektor at marginalized na mga grupo.
00:08Pero ayon sa ilan, naabuso ito.
00:11Napapasok kahit ng mga malalaking partidong politikal at mga political dynasty.
00:16Masolusyonan kaya yan ang panukalang reforma sa party list system na tinukoy ng Pangulo na prioridad ma isa batas?
00:23Himayin natin sa special report ng tinutukan ni Mav Gonzalez.
00:30Kada eleksyon, bukod sa kongresista para sa ating distrito, kasama sa ibinoboto natin sa Kamara ang mga party list representative.
00:42Ipinakilala ang konseptong ito sa 1987 Constitution para mabigyan ng representasyon ang mga sektoral at marginalized na grupo.
00:50The intention ay yun nga, magkaroon ng espasyo yung mga sektor, yun yung mga marginalized dito sa lahislatura.
00:59Kasi as I've said, there really was a recognition that our political system is still very elite-oriented.
01:07One-fifth o 20% ng bilang ng mga kongresista ay nakaresepa sa party list.
01:13Mga sektor gaya ng kabataan, urban poor, kababaihan, manggagawa at iba pa.
01:18Kasi kung sundin natin yung pangkaraning na nating metod ng eleksyon, winner take all yan.
01:27Kung 10% lang ang boto mo, wala kang presence man lang sa ating kongres.
01:35Itong party list, kung 10% na boto ka nationwide, maaari ka magkaroon ng 10% of the seats.
01:43Taong 1995, ipinasa ang Party List Act, ang enabling law para maipatupad ang probisyong ito sa konstitusyon.
01:51Magkakaroon ng kinatawa ng isang grupo kung makakakuha ng 2% ng boto.
01:56Hanggang tatlo ang maaaring umupo mula sa isang grupo.
01:59At taong 1998, nahalal ang unang batch ng mga party list representatives.
02:04Kung unang salvo ng party list natin, talagang marginalized at mga sektors yung naie-elect.
02:12Nagkaroon tayo ng problema nung na-realize ng mga politicians na mas madali palang ma-elect sa party list.
02:20Kasi 2% lang yung formula ng batas.
02:25May mga nag-venture na nag-create sila ng sarili nilang party.
02:30Napansin naman niya ng iba at inunulog pa nga sa Korte Suprema.
02:35Pero sabi ng Korte noong 2013, sa kasong Atong Paglaong vs. Comelec,
02:39kahit political parties na walang kinakatawa na sektor ay pwede makilahok sa eleksyon ng party list.
02:46Hindi na rin kailangang maging miyembro mismo ng kinakatawang sektor ang nominee
02:49at pwedeng sumusuporta lang o kaya ay kapareho ng advokasya.
02:53May mga party list din kasing higit sa isa ang sektor na kinakatawan.
02:57Pati nga mga rehyo nagkaroon ng party list kahit may district representatives na rin sa mga lugar nila.
03:03Tulad ng Ako Bicol party list ni dating Kongresman Zaldico.
03:07Milyonaryo siya, hindi siya part ng party list.
03:10Pero yung Ako Bicol sinuportahan din niya ng ibang malalaking political party kaya nakakuha sila ng boto.
03:17So yung ganong practice dapat pagbawalan para maiwasan natin na itong conflict of interest.
03:23Kasi yun nga, baka ginagawa nilang shortcut eh. So you create a majority.
03:31Ngayong 20th Congress, 28 party list representatives ang may kamag-anak na halal din sa pwesto
03:37batay sa pagsusuri ng GMA Integrated News Research.
03:40Labimpito sa kanila may kaanak na senador o kapwa kongresista.
03:44Si retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio,
03:47ang ponente ng desisyong nagsabi na hindi lang para sa marginalized ang party list system.
03:52Sa saligang batas, nakalagay doon, for the first three terms of Congress,
04:00there shall be a party list system reserved for the marginalized, but only one half.
04:08So mali yung impresyon na pag party list, marginalized lang.
04:12Half of that, 25 shifts must be for marginalized sectors.
04:17Hindi namin dinipahin yung marginalized, ngunit nagbigay kami ng sectors na kailangan ma-representate dito
04:27for the first three elections lamang after the adoption of the Constitution.
04:33So kung sundin natin yung intensyon namin, eh hindi na kailangan na marginalized sector pa
04:39ang mag-participate dito sa party list.
04:42Ang sinisisi ni Carpio kung bakit nagkaganito ang party list system,
04:47ang pagkakaroon ng political dynasties.
04:49Ang solution dyan, yung political dynasty law.
04:53Ang problema talaga natin, yung political dynasties, hindi na control,
04:58nag-invade sila sa party list system.
05:01Ang tanong ngayon, pwede kaya yung mabago sa pamamagitan lang ng isang batas,
05:05ang Party List System Reform Act na tinukoy ni Pangulong Bongbong Marcos bilang priority legislation.
05:11Marami kasi talaga umaabuso.
05:14Instead na marginalized sector ang talagang naiboboto,
05:18nagagamit na ibang mga abusong politiko.
05:21Ngayong 20th Congress, may isang panukala tungkol sa party list reform sa Kamara at tatlo sa Senado.
05:27Kabilang ang panukala ni Senate President Tito Soto,
05:29na tahasang nagre-require na miyembro ng marginalized sector ang party list nominee
05:34at hindi basta kaisa sa advokasya nito.
05:37Panukala naman ni Sen. Bam Aquino, patunayan sa Comelec hearing na marginalized ang kinakatawan ng bawat party list.
05:44Bawal din kung may kaanak na elected at nasa pwesto na.
05:47Pero sa bersyon ni Presidential Sister at Sen. Amy Marcos,
05:51hahatiin sa dalawa ang party list.
05:53Kalahati ay sektoral parties o kumakatawan sa mga walang boses,
05:57pero ang kalahati mula talaga sa mga political parties o koalisyon.
06:01Sa Kamara, may panukala para ipagbawal tumakbo ang mga kaanak ng mga nasa pwesto na tumakbo sa party list
06:08o kung naging national o lokal na opisyal o kung naging contractor ng gobyerno limang taon bago ang eleksyon.
06:15Pero sabi ng isang political expert, dapat munang linawin ang depinisyon ng sektor o marginalized.
06:20Mas mahigpit na requirement para dun sa mga party list.
06:25Dapat walang conflict of interest, hindi part ng political dynasty.
06:29Maybe the third degree or fourth degree continuity, hindi siya dapat na pumasok.
06:39May track record dun sa advocacy ng sektor.
06:43Pero sa huli, depende pa rin kung magiging mapanuri ang mga botante.
06:46Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez ng Katutok, 24 Oras.
Comments

Recommended