00:00Una po sa ating mga balita, raratipikhan na ngayong araw ng Kongreso ang panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
00:08Ayon sa Bicameral Conference Committee, nakasentro ito sa mga tunay na pangangailangan ng mga Pilipino at may provision pa laban sa mga epal na politiko.
00:19Si Luisa Erispe sa Sentro ng Balita.
00:21Pinirmahan na ng Bicameral Conference Committee ang Bicam Report para sa panukalang pondo ng 2026.
00:32Laman ito ay ang lahat ng pinagkasundo ang bersyon ng budget ng Senado at Kamara.
00:37Tinawag naman ay Representative Mikaela Swan Singh, Chairperson ng House Contingent, na people-centered ang nabuo nilang budget.
00:45Ang gusto po namin itawag dito sa budget na ito ay isang people-centered budget.
00:51Talaga pong in terms of the process itself wherein we made sure that the process is transparent and accountable to the Filipino people
01:01and in terms of the content where we really focused on human capital development.
01:06Para naman kay Sen. Sherwin Gatchalian, Chairperson ng Senate Panel,
01:10ang nabuong budget ng Komite ay nakatoon sa human development dahil malaking alokasyon ay napunta sa edukasyon, kalusugan at agrikultura.
01:20Overall direction po nitong budget na ito ay human development at makikita po natin na malaki po ang pondong inilagay po natin sa edukasyon,
01:33sa kalusugan or health at sa agrikultura dahil naniniwala po kami na itong tatlong sektor na ito ay napakahalaga po sa pagpapaunlad po ng ating bansa
01:46at pagpapaunlad po ng ating ekonomiya.
01:48Kumpiyansa naman si Gatchalian na ang pinirmahan nilang BICAM report walang dagdag bawas
01:55dahil ang laman lang nito ang pinag-usapan sa BICAM sa loob ng anim na araw.
02:00Wala, walang nabago. Yan ang very strict ang aming instruction sa mga staff.
02:05At even kami sa mga countries, very strict kami na walang. Lahat ng pinag-usapan sa BICAM, yun na yun.
02:12May mga provision din para maalis ang korupsyon tulad ng pagkakaroon ng Oversight Committee para sa mga itatayong infrastructure projects,
02:21kabilang na ang naging maingay na usaping farm-to-market roads.
02:25At kasama din ang anti-EPAL provision na bawal na ang presensya ng politiko sa pamimigay ng anumang ayuda.
02:32Sinigurado lang namin na yung mga politiko, hindi pwede silang makialam sa distribution ng mga cash aids,
02:45ng mga ayuda galing sa gobyerno.
02:48So sinigurado lang namin na covered lahat ng mga politiko at mga representatives nila.
02:54Hindi rin sila pwedeng maglagay ng mga tarpaulin or parafernalia during the distribution.
03:01Nakapaloob na po yun at saklaw niya po lahat ng klase ng cash and non-cash financial assistance.
03:10Hindi po nakaspecify yung guarantee letter kasi lahat po ng types, AX, MAIP, TUPAD, covered na po yun.
03:17Mayroong prohibisyon sa political involvement.
03:21Kumpiyansa naman ang dalawang kapulungan na walang i-vito si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Be the first to comment