00:00Tumagal lang ng higit isang oras ang deliberasyon ng House Committee on Appropriations
00:05ukol sa panukalang pondo ng Office of the Vice President para sa susunod na taon.
00:11Kabilang sa mga naongkat dito, ang sunod-sunod na biyahe abroad ng Vice Presidente.
00:16Ang detalyan niyan sa Sentro ng Balita ni Mela Les Moras live.
00:22Angelique, sa ambush interview kanina mismo si Vice President Sara Duterte na ang nagsabi
00:27na hindi na rin siya bumanat para hindi na umigting at tumagal pa ang deliberasyon
00:32ukol nga sa kanilang panukalang pondo para sa 2026.
00:36Kanina ay tumagal nga namang ng higit isang oras ang diskusyon ukol dito.
00:43Pasado las 9 ng umaga kanina nang dumating dito sa Romualdez Hall sa Kamara si Vice President Sara Duterte.
00:50Yan ay para depensahan nga ang 902.895 million pesos na panukalang pondo ng Office of the Vice President para sa 2026.
01:01Unang itinakda ang pagdinig para sa budget ng OVP noong biyernes pero hindi ito natuloy.
01:06Paglilinaw ni House Appropriations Committee Vice Chair Jose Alvarez na siya ring budget sponsor ng OVP,
01:12mali ang pagtawag ng no-show ang mga opisyal ng ahensya sa naunang schedule dahil siya mismo ang nag-request na i-defer muna ito at ilipad ng schedule ngayong Martes.
01:23Sa interpelasyon, una ng tinanong ni Acti Church Partialist Representative Antonio Tino
01:28ang dahilan ng mababang obligation and disbursement rate ng OVP sa kanilang 2025 national budget.
01:35Pero paliwanag ng Vice Presidente, marami kasi silang procurement at hindi agad nasimulan ang proseso nito sa dami ng papeles na kailangan at tagal ng proseso.
01:45Natalakay rin ang issue ukol sa confidential funds at iba pang may kinalaman sa Commission on Audit.
01:51Pero ang mga usaping may kinalaman sa impeachment case laban sa kanya, pinili na niyang hindi magpaliwanag.
01:57Ukol naman sa kanyang sunod-sunod na pagbiyahe abroad,
02:00nanindigan ang Vice Presidente na sarili niyang gastos ang kanyang sarili at ang tanging nagmumula sa kanilang pondos sa OVP
02:07ay ang travel expenses ng kanyang mga staff at security.
02:11Angelique, matapos ang hearing ay nagpaunlak nga ng panayam sa media ang Vice Presidente at isa,
02:17sa naitanong sa kanya ay ang kalagayan at kalusugan ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte
02:23at sabi niya Vice Presidente, maayos naman o okay naman ang lagay ng kanyang ama na nasa The Hague, Netherlands pa rin ngayon.
02:31Angelique?
02:32Okay, maraming salamat.
02:33Mela Lesmoras.