Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Pinuna ng ilang mambabatas ang mas mataas na pondong inaprobahan ng Bicameral Conference Committee para sa Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients o MAEFIP Program.
00:12Sa ilalim ng MAEFIP, binibigyan ng tulong pinansyal ang mahihirap na pasyente sa pamamagitan ng guarantee letters mula sa mga politiko.
00:20Mahigit 51 billion pesos ang inaprobahan ng Bicam para sa MAEFIP, mas mataas kaysa sa orinal na inaprobahan ng Kamara ng 49 billion pesos at ng Senado na 29 billion pesos.
00:32Ayon kay House Committee Chairperson Mika Swan Singh, mahigit isang milyong mahihirap na pasyente ang maapektuhan kung tatapyasan ang pondo.
00:42Ilang personalidad naman ang pumuna sa programa.
00:44Si Catholic Bishops Conference of the Philippines President Pablo Virgilio Cardinal David,
00:49kinawag ang programa bilang isang health pork barrel sa national budget.
00:54Anya, pinapalitan ng ganitong sistema ang tiwala sa institusyon ng personal na katapatan sa padrino.
01:00Anya, ang lipunang nasasanay sa pamamalimos bilang daan sa servisyong publiko ay unti-unting winawasak ang sarili nitong pundasyong moral.
01:09Si Senate President Pro Temporary Ping Lakson sinabing hindi niya pipirmahan ang Bicam Report hanggat hindi na itatama ang anya'y kadudadudang probisyon sa MAEFIP.
01:19Inaprobahan na rin ng Bicam ang mahigit isang trilyong pisong budget para sa sektor ng edukasyon.
01:25Kabilang dyan ang sa Department of Education, Commission on Higher Education at sa TESDA.
01:30Binigyang diin ng isang bilyong pisong pondo ang Project Kanoa,
01:35ang proyekto para matukoy ang mga lugar sa bansa na high risk sa mga kalamidad.
Be the first to comment