Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinabi ni Vice President Sara Duterte na isa na namang fishing expedition ang inilunsad laban sa kanya.
00:08Kasunod yan ang paghahain ng reklamo sa Ombudsman, kaugnay ng paggamit ng kanyang confidential funds at paglutaw ng dati umano niyang tauhan.
00:15Nakatutok si Darlene Cai.
00:19Sinampahan kahapon ng mga reklamong plunder, graft, malversation at bribery si Vice President Sara Duterte sa Office of the Ombudsman.
00:26Kaugnayan ang umano'y maling paggamit sa P612.5M na halaga ng confidential funds ng OVP at DepEd.
00:34Lumabas din ang isang notaryadong salaysay ni Ramil Madriaga na nagtrabaho raw siya para sa Vice at sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang civilian intelligence agent.
00:46Naging tagahatid pa raw siya ni VP Sara ng milyon-milyong cash para sa iba't ibang tao sa iba't ibang lugar.
00:51Ayon sa abogado ni Madriaga, may pagkakataon daw na mismong ang dating Pangulo at ang VP ang nakakausap niya.
00:58Merong time na si VP Sara, sa recollection ko, nahihatid yung pera.
01:04Merong time naman na si former President Duterte, na nung pagkataon siya maghatid ng 1 billion, tinawagan siya to confirm na okay na, nareceive na ng mga tao yung pera. Something like that.
01:15May inilabas ding litrato si Madriaga na magpapatunay umano na dikit siya sa pamilya Duterte.
01:20At kasunod ng mga ito, naglabas ng pahayag si VP Sara.
01:24Sabi niya, noong nakaraang taon, nagkaroon ng anyay full-blown fishing expedition ng House Committee on Good Government and Public Accountability
01:32at nagahanap ng kung anumang pwedeng anyang gawing grounds for impeachment.
01:37Ngayon, may isa na naman anyang fishing expedition at pilit anyang ginagawang sandata ang anumang paratang na maaaring imbentuhin
01:45paraan niya'y magmukhang may proseso at lihitibo ang isang imbestigasyon.
01:49Walang binanggit ang busy kung ano mismo ang kanyang tinutukoy na bagong fishing expedition sa kanyang pahayag.
01:55Hinikayat niya ang lahat na maging mapanuri at huwag daw basta-basta magpapadala sa mga paninira.
02:01Patuloy naming sinusumukang kunan ang pahayagang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang binanggit ni Madriaga sa affidavit.
02:07Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended