Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, ang inyo pong nakikita ang satellite image ng Bagyong-1 na patuloy ang paglakas habang lumalapit sa kalupaan.
00:16Mamayang gabi o bukas, posibleng maging super typhoon ng bagyo bago ito mag-landfall sa Isabela o Aurora bukas o sa lunes ng umaga.
00:24Bukas o sa lunes, posibleng mag-landfall ang typhoon 1 at puspusan ang paghanda ng mga lokal na pamahalaan sa inaasahang pagtama nito at may mga residente ng maagang pinalikas.
00:42Nakataas ang signal number 2 sa Camarines Norte. Sa bayan ng diet, naglalakihan ng mga alon. At nakatutok live si Darlene Kai.
00:51Pia Ivan, mahina pero panakanaka yung pagulan na naranasan sa buong maghapon dito sa Camarines Norte na nasa ilalim ng signal number 2.
01:07Naka-heightened alert ang probinsya. Kaya sapilitan na yung ginawang paglikas sa ilang residente na nakatira sa mababang lugar at nasa tabing dagat.
01:14Kaya po, kailangan po natin na mag-ibakuin para po ito sa kaligtasan po ng lahat.
01:23Buong maghapon, nagbahay-bahay ang LGU sa sityo Mandulungan sa Brangay Gubat sa Daet, Camarines Norte para palikasin ang mga residente.
01:31Pero may ilang ayaw talagang lumikas tulad ng mag-asawang Sonia at asawa niyang stroke patient na si Arnulfo.
01:36Hindi po ba kayo natatakot malakas ang bagyo?
01:39Natatakot ako ma'am. No choice man ako ma'am sa kanya. Ayaw talaga niya ma'am umalis.
01:44Sinahirapan po siya ma'am magpuntang si Arnulfo. Ayaw naman niya mag-diab pero kaya ano, dito na lang po kami.
01:52Nakaantabay po yung ating mga kapulisan para po tumulong din hanggat maaari ay makuha pa sa pakiusap.
02:00Kung hindi talagang gagamit na tayo ng siguro.
02:03May iba namang lumikas na sa takot na maulit ang naranasan ng manalasa sa daet ang mga nakalipas na malalakas na bagyo.
02:12Kung kailan, bubung na lang ang makikita sa mga bahay nila.
02:16Si Jonah na natroma dahil sa sinapit noong bagyong rusing noong 1995,
02:20itinaas ang mga gamit sa bahay at nag-empake ng mga damit na dadalhin sa evacuation center.
02:25Kinakabahan po at yung napapanood ko po sa Cebu, huwag naman sana.
02:31Mababang lugar kasi at nasa tabing dagat ang sityo mandulungan kaya karaniwang bumabaha rito kapag tuloy-tuloy ang ulan.
02:38Sanay na raw lumikas ang mga residente tuwing may bagyo.
02:41Pero sa totoo lang, nakakapagod na raw.
02:44Ang iniisip ko yung kaligtasan ng mga anak ko at yung mga apo ko kasi talaga lumalim dito sa amin yung tubig.
02:52Siyempre po nakakaawa sa tulad naming mahirap na binabaha pero wala nam po kami magawa.
02:58Malaki ang mga alon sa dait buong araw.
03:02May storm surge warning o bantanang daluyong sa Camarines Norte kaya bawal maligo sa dagat at bawal pumalaot ang mga manging isda.
03:10Pero naligo pa rin sa dagat ang grupong ito.
03:12Hindi naman kayo natakot sir kasi malaki yung mga alon at malakas ang hangin.
03:17Sanay na po kami ma'am.
03:18Taga probinsya po kami kaya sanay na po kami.
03:20Bawal na po pero paalis na rin po kami.
03:22May mga residente namang nagkumpunin ng bubong at naglagay ng mga pabigat bilang paghahanda sa pagtama ng bagyo.
03:28Ang mga residente may budget nagpabook sa mga hotel.
03:32Kahapon pa naka-heightened alert ang probinsya ng Camarines Norte.
03:36Siyem sa labing dalawang bayan dito ay nasa tabing dagat kaya binabantayan laban sa baha at pagtama ng storm surge.
03:42Handa ng evacuation centers, food packs at rescue equipment.
03:46Nasa gitna kami from pasok ng area ng Bicol region and then going to projected landfall nila.
03:53Nasa gitna ang Camarines Norte niyan.
03:55So we anticipate it prolonged heavy rains and intermittent strong winds.
04:03Sa palagay namin makakasapat naman ito sa immediate na pangangailangan.
04:07But of course, it is prolonged ang operation natin.
04:11We will be needing in external assistance.
04:14Sa Piyo Duran sa Albay, pansamantalang inilipat ang mga pasyente ng Piyo Duran Memorial District Hospital
04:19sa bagong hospital building sa barangay Karatagan bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong uwan.
04:32Pia Iva, nagbabala yung FIVOC sa posibilidad ng lahar flow sa palibot ng Mayon Volcano,
04:37particular sa ilang lugar sa Albay.
04:40Posibling idulot daw po yan ng malakas at tuloy-tuloy na ulang dala ng bagyong uwan.
04:45Kaya para po sa mga residenteng nakatira sa mga lugar na yan,
04:48maging alerto, magingat at makinig sa abiso ng mga otoridad lalo na kung tungkol sa paglikas.
04:54Yan ang latest mula rito sa Camarines Norte.
04:56Balik sa inyo, Pia Ivan.
04:59Maraming salamat, Darlene Kai.
05:03Nagpatupad na po ng forced evacuation sa Camarines Sur
05:06at gamit ang mga rescue vehicle, inihatid sa mga evacuation center ang daan-daang pamilya.
05:11Ang CLGU, mas mainam na mailikas na maaga ang mga residente
05:15para maiwasan ang anumang kapahamakan lalo na sa mga lugar na binabaha
05:19at nakakaranas ng landslide.
05:22Naka-pre-position na rin ang mga food pack mula sa DSWD.
05:26Nagkaroon pa ng pagkakataon ng mga magsasaka sa Isabela
05:33na makapag-ani bagong inaasahan pagtama ng bagyong uwan.
05:37Naghahanda na rin ang mga residenteng nakatira malapit sa ilog.
05:40Bula sa Echage, Isabela nakatutok live si June Benerasyon.
05:45June!
05:45Ivan, nagpatupad na ng pre-emptive evacuation sa ilang lugar dito sa lalawigan ng Isabela
06:01pero habang wala pa ang bagyong uwan,
06:03ay pagkakataon ito para sa mga magsasaka na maisalba ang kanilang kabuhayan.
06:08Mabilisan ang pag-ani ng mga magsasaka
06:14sa natitira na lang tanim na mais sa bayan ng Echage, Isabela.
06:18Mabuti na lang may panahon pa dahil paparating pa lang ang bagyong uwan.
06:22Isa ang Isabela sa mga posibleng direktang tamaan ng malakas na bagyo.
06:26Salamat kasi umabot pa ng nervous to.
06:30Kasi malakas yung paparating na bagyo.
06:32Pero higit na mahalaga ang buhay ng tao.
06:35Kaya mabilisan din ang deployment ng mga rescue team at equipment sa mga critical areas.
06:40Nagsasagawa na ng pre-emptive evacuation sa mga coastal town ng probinsya.
06:44Pati yung mga pre-emptive evacuation na ginagawa ng mga coastal areas,
06:50pati yung mga low-lying areas, lagi na lang kami nakahanda.
06:54Kung ano mang klaseng bagyo yan, kung simpleng typhoon o super typhoon,
06:59ang ating mga rescuers, ang ating PNP, AFP, PNP, lahat yan nakatutok na yan.
07:04Kung kailangan po i-evacuate, pakinggan natin ang ating mga rescuers.
07:08Kanya-kanya naman ang mga residente sa pagtatali ng bubong.
07:11Isa sa pinangangambahan dito ay ang pag-apaw ng Cagayan River
07:14na kadalasang nagpapalubog sa mga komunidad.
07:18Kaya nagahanda na rin ang mga residenteng nakatira malapit sa ilog.
07:21Kung maaari po eh, maghanda na po kami para iwas isgrasya po.
07:30Naka-full alert status na ang mga polis.
07:32Heightened alert naman ang militar.
07:34Worst case scenarios dito nga yung yung flooding
07:36kasi talagang surrounded by river itong Isabela and Cagayan.
07:41So yun yung worst case scenario na pinag-aaralan na ina-anticipate na namin ngayon.
07:47And we are preparing for that.
07:48Sabi ng Isabela PDRMO ay nagbukas na ng dalawang gate ang Magat Dam
08:00at patuloy na nagpapakawalaan ng tubig bilang paghahanda sa malakas na ulan
08:05na dala ng bagyong uwan.
08:07Ivan.
08:08Maraming salamat, June Benarasyon.
08:09Mahaba na po ang pila ng mga truck na stranded sa Dumangas Port sa Iloilo
08:15dahil sa pagkansila ng mga biyahe.
08:18At ang paghahanda ng mga residente roon sa pagtutuklay ni John Sala
08:22ng GMA Reads TV.
08:23Habang unti-unting bumabangon sa hagupit ng bagyong tino
08:27ang mga taga-Dumangas Iloilo,
08:29may isa na namang bagyong pinangangambahang magpapalala sa kanilang sitwasyon.
08:33Ito ang bagyong uwan.
08:38Dangangamba ngayon ang mga residente ng coastal areas sa bayan ng Dumangas, Iloilo.
08:43Hindi pa nga raw sila nakakabangon sa pananalasan ng bagyong tino
08:46eto't meron na namang panibagong bagyo.
08:49Si Mang Ben itinigil muna pagkukumpunin ang nasira nilang bahay.
08:53Ang mga ni Sir, daw wala pagayang mga uwan ba?
08:56Si Balay ay guba yan naman ba daw?
08:58Si Tatay Ruben naman, ayaw na raw maulit ang nangyari sa kanilang bubong.
09:02Si Tatay, kinakuanan ko ka mga kuwayan niyo.
09:05Para nga hindi sa ma-kuwan, madalabla ko ng kuwan.
09:11Si Sige pa, manting ko.
09:13Kinabantingan ko kay...
09:15Hindi ko mantingan, basic, mag-disgress siya naman.
09:19Nakahanda na ang MDR-RMO Dumanga sakaling magpatupad ng pre-emptive evacuation.
09:24Naka-preposition na rin ang mga gamit pang rescue.
09:27Kaya nga ito nga mga gamit, arap man dira, nakikita man din yung steady pa dira.
09:33Arap na ito, rubber boats, fiberglass boats.
09:36Ang isa na itong ka-fiberglass boat, ito na ito sa Pilipinco's Guard na ito.
09:40Para kung in kaso may gamitin sila din to, kag may ari man kami da rin gamitin in kaso may emergency.
09:46Sa Dumangas Port, mahaba ang pila ng mga stranded na truck, matapos kansilahin ang biyahe ng mga roro vessel.
09:52Iban, ayon naman doon sa Dumangas MDR-RMO ay nakahanda na ang kanilang mga relief goods para ito sa mga residenteng lilikas.
10:06Iban?
10:08Maraming salamat, John Sala ng GMA Regional TV.
10:12Sa lalawigan ng Aurora kung saan inaasahan maglalandfall ang bagyo.
10:17Panayang paalala ng LGU sa mga residente na lumikas na.
10:20Maagad na rin namahagi ng relief goods.
10:23At mula sa kasiguran Aurora, nakatutok live si Ian Brooks.
10:27Ian?
10:29Yes, Ivan, may mga lumikas na at marami panghandang lumikas dito sa buong nga probinsya ng Aurora bago pa man dumating ang bagyong uwan.
10:38Sa panahong ng bagyo, iwasan po ang paglabas ng bahay sa kasagsalan ng bagyo.
10:45Marika na naman kung inakaitangan.
10:47Nagbandilyo ang mga taga-barangay Ditali sa Dipakulaw, Aurora para paalalahanan ang mga residente sa paglikas dahil sa bagyong uwan.
10:57Ang kapitana mismo ang nangunang kumausap sa mga nakatira sa coastal areas lalot may banta ng storm surge.
11:04Makakatakot po, sir.
11:05At yung pipito po, umabot po hanggang doon po sa may kubo namin po yung alon.
11:10Tsaka marami na pong mga sanga-sanga po ng kahoy.
11:14Sa barangay Hall Complex, naglagay na ng mahigaan ang mga residenteng lilikas.
11:20Siguro po, ganun sila, ganun kakabilis yung reaksyon nila sa mga kalabidad na dumadating.
11:26Kaya ready sila, inihanda nila yung mga sarili nila.
11:30Wala pa man ang bagyo, may tubig ng umaago sa National Highway sa bahagi ng Janet.
11:35Galing ito sa bundok at lumidiretso sa Pacific Ocean.
11:38Isang taga-barangay ang nag-aalis ng mga pinatangay-labato sa kalsada.
11:43Pinangangambahan namang tataas pa ang tubig doon kapag lumakas na ang ulan at maaring hindi madaanan ang kalsada.
11:49Paano po pag nagbagyo na?
11:51Ay lalo pong may tubig yan.
11:54Hindi pong makatawid ang mga saklintyan.
11:57Kailangan pong tulay talaga.
12:00Sa dinadyawan ni Pakulaw, bakas pa rin ang matinding pinsalan ng bagyong pipito na nanalasa noong nakarang taon.
12:08Sira pa rin ang kanilang covered court at isa pang court na donasyon sa kanila.
12:12Sana nga ay magawan na din.
12:15Unang-unang kailangan po kasi namin ay ito pong mga covered court po na ito at yung mga evacuation center.
12:22Pera sa guest house ng barangay dinadala ang mga residente na lumilikas.
12:27Inaayos din ang ibang pasilidad.
12:29Natatakot po kami ngayon at gawa ng malakas nga po ang bagyo.
12:33Malapit po kami sa tabing dagat.
12:34Ayon kay Dipakulaw Mayor Danny Tolentino na ibahagi ng lift goods sa mga barangay.
12:41Ayaw na nilang maulit na kapag dumating ang bagyo ay may ma-isolate na area at mahirapan silang dalha ng tulong.
12:47Inuuna po namin yung coastal na seven barangay.
12:52Tapos ito susunod, ito naman pong naiwan na itong adjacent barangay.
12:56Isapagkat po yung aming daan dyan, yung national highway, ay laging nagkakaroon ng slide.
13:02Tapos nagkakaroon ng yung paglaki ng ilog na hindi pa nalagyan tulay ang spillway.
13:08Lumalaki po yun, hindi kami makadaan.
13:10Sa bayan ng Dilasag, inalian na ng ilang residente ang kanilang mga bubong.
13:16Sa bayan ng kasiguran na isa sa mga bayang nasa hilagang bahagi ng Aurora,
13:20puspusa na rin ang pamamahagi ng relief goods.
13:23Bukod sa flash flood, pinaghahandaan din ang landslides.
13:27Nasa-separate ang amin kasi nasa dulo kami eh.
13:31Ang, yes, may tendency kasi na kapag na landslide dyan,
13:34ang pwede lang na makarating sa amin is by dagat or plane.
13:47Mga kapuso, sensitibo po ang balitang ito.
13:50Hindi lang matinding ulan ang bumuhos sa mga nasalantanang bagyong tino sa Cebu,
13:54sakit at hinagpis din ang inabot ng mga namatayan gaya ng isang lalaki sa Liloan
13:59na pilit isinalba ang nalunod niya misis.
14:04Ang madamdaming tagpong yan sa pagtutok ni Bernadette Reyes.
14:10Sa pagtama ng bagyong tino noong Martes,
14:13umakyat sa bubong ang ilang residente para takasan ng kulay putik na bahang
14:17nagpalubog sa kanilang bahay sa Liloan, Cebu.
14:21Pero may mga hindi nakaligtas.
14:23Isa na riyan si Connie, misis ni Emanuel Estrera.
14:27Nakakadurog ng puso ang nagviral na tagpong kuha ng kanilang kapitbahay.
14:32Si Emanuel, pilit sinasalba si Connie.
14:35Kwento ni Emanuel, nag-aakyat sila noon ang mga gamit dahil pinasok na sila ng baha.
14:40Si Connie, binalikan pa raw sa kusina ang nilulutong almusal.
14:45Hanggang mabilis rumagasa ang tubig.
14:48Agad kinuha ni Emanuel ang dalawang anak nila para makaakyat sa bubong.
14:52Na iwan si Connie.
14:54Ang sabi ko na lang sa kanya, dapat makaabot siya ng kutisami para maabot niya yung hero namin para mapupok niya, para maailalaman na may tao sa ilalim.
15:03Pag-akyat sa bubong, nagpasaklolo si Emanuel para masagip ang misis.
15:09Ayon sa kapitbahay na kumuha ng viral video ng mag-asawa, narinig nilang kumalabog ang bubong ng bahay ni Connie at sumisigaw na ito ng tulong.
15:18Pero mahirap baklasin ang kanilang bubong.
15:20Nag-dive ako, mga tatlong bisis siya para makita ko yung misis. Tapos bang wat nakita ko na siya, pinulat na namin pataas.
15:28Nagpatulong ako kung sinong marunong mag-CPR kasi ako wala na, wala na akong lakas mag-CPR.
15:33Isang kapitbahay ang nagpresentang mag-CPR kay Connie pero...
15:37Masakit na tinanggap ni Emanuel ang katotohanan, wala na ang kanyang kabiyak.
15:54Nang ma-rescue na sila, nakiusap siyang dalhin sa ospital ang asawa.
15:59Pero sa ilang ospital na inikot niya, walang Connie na na-admit.
16:03Sa huli, nakita na niya ang misis sa punirarya.
16:07Deet, may milagro naman eh. Kung hindi sila naman niniwala sa milagro, ako naniniwala.
16:12Hindi ako aalis sa asawa ko kung hindi sila nagpaasa.
16:16Nakikituloy muna sa mga kaanak ang dalawang anak ni Emanuel.
16:20Nakaburol naman si Connie ang kanyang high school sweetheart, katuwang sa pagpundar ng kanilang bahay at pagbuo ng kanilang pamilya.
16:28Mission, mag-isa na lang niyang itataguyod.
16:31Dahil para kay Emanuel, si Connie walang kapalit.
16:36Ikaw lang ang nag-iisa.
16:37Sabi ko, ikaw na ang simula at nakakaposyan.
16:42So lahat ng mga pangarap natin, buuhin natin kasama yung mga bata.
16:47So, i-guide mo lang kami.
16:49Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
16:55Isasara muna ang ilang pasyalan at parke sa Baguio City sa Lunes, November 10, dahil sa Baguio Uwan.
17:07Mula sa Baguio City, nakatutok live, si Jonathan Randa.
17:10Jonathan.
17:11Ivan, signal number one kami ngayon dito sa Baguio City.
17:17Pero maaliwalas pa ang panahon, hindi kami inulan sa buong araw.
17:20Andito po ako ngayon sa Wright Park.
17:22Isa po ito sa mga tourist spots na posibleng isara na bukas ng hapon sa mga turista dahil sa Baguio Uwan.
17:28Kaya ang payo po ng city government sa mga turista na nandito ngayon, sulitin nyo na po yung pamamasyal nyo ngayong araw hanggang bukas ng umaga.
17:36Dahil bukas ng gabi, hanggang sa Lunes, inaasahan na pong pinakamararamdaman ang Baguio Uwan dito sa Baguio City.
17:48Pinagtulungang alisin ang mga dambuhalang estatwang ito sa isang theme park sa Baguio City bilang pag-iingat sa hagupit ng Baguio Uwan.
17:56Isa pa sa binabantayan sa pasyalang ito, ang banta ng landslide sa katabi nilang lote.
18:03Kaya posible raw silang magsara muna bukas ng hapon hanggang lumipas ang Baguio.
18:08Kung very severe po yung weather, we will be obliged to close our establishment for the safety of our tourists po.
18:16Sa Lunes, sarado na sa turista ang lahat ng pampublikong parke sa Baguio City.
18:20Pero posible ang bukas ng hapon pa lang, isara na ang mga ito.
18:24Gaya ng Mines View Park na marami pa rin bisita kanina.
18:27Hanggang Sunday morning, medyo maliwalas pa ang panahon.
18:30By afternoon, pwede na tayong bumahe.
18:33Mahirap kasi, baka mas stranded dito sa Baguio.
18:36By Sunday night until Monday morning, yun ang pinakahagupit talaga ni Typhoon Uwan.
18:42Pero si na Margaret, kanina lang dumating.
18:44Sa Lunes pa sana uuwi, kasagsagan ng Baguio.
18:47Lakasan na lang po ng loob.
18:50Hindi na po muna kami tutuloy.
18:51Mag-i-stay na lang po muna kami dito.
18:53Sasiditin na namin ngayon, araw.
18:56Kasi bukas, may Baguio.
18:59Si Ami na vendor sa Mines View, ibinaba na ang mga halamang posibleng sirain ng Baguio.
19:05Meron yung mga nabubulok.
19:07Kasi sobrang tubig.
19:08Utang ulit ng ano, ng pangpuhunan.
19:11Dahil karamihan sa mga vendor dito ay residente rin ng barangay Mines View,
19:15dito na rin nag-warning ang barangay sa paparating na Baguio.
19:18Mayroon po tayong darating na malakas na Baguio.
19:23At maaaring ang barangay natin ang isa sa mga tatamaan nito.
19:27Wala pang inililika sa Baguio City.
19:30Isa sa magiging basihan ng evacuation ay kung tataas ang tubig sa lagoon sa barangay Lower Rock Quarry.
19:35Pag umabot sa warning level ang tubig, pre-emptive evacuation na.
19:39Delikado rin sa Baguio ang mga landslide.
19:41Dalo pa yung mga lupang sakalang guguho kapag nakalagpas na ang bagyo.
19:45Yun yung talagang pinakabinabantay natin after two, three days after the typhoon.
19:50Doon nagbabagsakan yung mga lupa natin.
19:52Inabisuhan na rin ang mga kontraktor dito na isecure at itali ang mga ongoing construction nila para ligtas sa Baguio.
19:59Ivan, kaka-anunsyo lang ng DPWH Cordelliera, sarado na po ang Kennon Road sa lahat ng uri ng mga sasakyan simula po ngayon.
20:13Yan muna ang ligtas mula rito sa Baguio City. Balik sa'yo, Ivan.
20:16Maraming salamat, Jonathan Andal.
20:18Pinagpuputol na ng LGU sa vegan Ilocosur ang mga punong posibleng mapatumba sa lakas ng haindala ng Bagyong Uwan.
20:28Ang iba pang paghahanda sa Ilocosur sa live na pagtutok ni Rafi Tima.
20:33Rafi?
20:33Maagang naghanda piya itong ating mga kababayan dito sa Ilocosur sa pagdaan nga nitong si Bagyong Uwan.
20:43At bagamat exit point lang itong lugar na ito, ay posibleng pa rin itong makapaminsala.
20:48Baha ang kanila inaabatan dito, basa na rin sa mga nakaraang bagyo.
20:55Kahapon pa lang nagsimula ng iakyat ng mga mangi isda ang kanila mga bangka sa dalampasigan ng Barangay Fuerte sa bayan ng Kawayan Ilocosur.
21:02Pinakit lang po namin kasi mayroon pong malakas po na bagyo na parating.
21:07Inavisuhan ko po yung mga mangi isda dito na huwag na po silang pumalaot.
21:12Nakaharap sa West Philippine Sea ang dalampasigan dito.
21:15Madalas daw talagang dito lumalabas ang mga bagyo pero kahit dumaan na sa kalupaan,
21:19malalaki pa rin daw ang alon habang paalis ang bagyo.
21:22Sa mga kalya ay papasok sa siyudad ng Bigan,
21:24pinagpaputol na rin ang mga kawaninang lokal na pamahalaan ang mga punong posibleng mapatumba ng malakas na hangin.
21:29Ayon sa Ilocosur PDRRMO, malawak ang pagbaha ang kanilang pinagahandaan.
21:37Ang huling malakas na bagyong egay noong 2023,
21:40pinabagsak ang lumang tulay na Old Quirino Bridge dahil bukod sa walang tigil na ulan,
21:44sumabay ang high tide na nagdulot ng pagbaha sa Bigan at mga kalapit na lugar.
21:48Natuto na yung mga karamihan sa mga residents natin dito sa Ilocosur.
21:53Handa na ang mga gamit pang rescue, kabila ang mga truck at mga bangka.
21:57Ang sikat na kalikrisologo, kapansin-pansin kakaunti ang tao, bagaman Sabado.
22:02Ang pamilyangang ito, mula pampanga, balak pa sana mag-extend ang bakasyon dito.
22:06Dapat ba mag-extend kayo? Kaya lang may bagyo?
22:08Opo, opo. Nakakatakon din po.
22:11Anong gagawin niyo ngayon?
22:13Uwi na po kami.
22:19Sa paglabas ng bagyong uwan, posibleng sa pagitan ng Ilocosur at La Union,
22:25ay umaasa mga taga rito na sana ay huwag nang sumabay yung high tide
22:28dahil ito ang posibleng magdulot ng malawakang pagbaha.
22:32Yan ang latest mula dito sa Ilocosur. Pia?
22:36Maraming salamat, Rafi Tima.
22:40Nakahanda na ang Valenzuela City na madalas bahayin dahil sa katabing ilog at creek
22:44para sa posibleng epekto ng bagyong uwan.
22:47At mula sa Valenzuela City, nakatutokla si Jamie Santos.
22:52Jamie?
22:56Pia, naka-full alert status na ang lungsod ng Valenzuela
22:59dahil nga sa posibleng malakas na ulan at hangid dulot ng bagyong uwan.
23:03Isa kasi ang Valenzuela sa madalas bahayin dahil nga sa katabing creek at itulyahan river.
23:14Evacuation centers sa Valenzuela City.
23:17At maari itong buksan anumang oras para sa preemptive evacuation.
23:21Isa sa mga evacuation center ang Valenzuela City National High School
23:25kung saan nakahanda na ang mga gagamiting modular tent.
23:29Anytime soon ay mag-put up na kami ng mga pangunahing pangangailangan
23:35na mga mag-evacuate po sa ating mga schools na identified.
23:40Nakapreposition na rin ang mga rescue equipment tulad ng search and rescue mobile,
23:44ambulansya, rubber and fiber boots, knife vests at mga ilaw.
23:48Pati waterproof drones at remote controlled rescue boat
23:51na kayang maghati ng lifeline o flotation device kahit walang sakay na rescuer.
23:56What we have experienced last time, yung karina,
24:01talagang marami pong nanghingi ng tulong.
24:04Kaya po hindi dapat tumigil ang DRRMO sa pagdagdag ng mga kagamitan.
24:10Ganon din ang pagsagawa ng mga training sa community
24:13and ganon din ang pagdagdag ng mga skills training
24:18para sa mga tao na nagre-rescue sa mga nangangailangan.
24:21Ang Department of Health inactivate na ang National Public Health Emergency Operations Center
24:26o PHEOC na magsisilbing pangunahing command center
24:30para sa pagresponde mula nasyonal hanggang lokal na pamahalaan.
24:34Pia, dito sa Valenzuela City, bukod nga sa kanilang search na mobile rescue equipment,
24:43nakaredy na rin ang kanilang mga mobile kitchen.
24:45Naikarga na rito yung mga bigas at food packs na may papamahagi
24:48sa maaapekto na hangbagyo.
24:50Suspendido na rin ang klase sa pampubliko at private schools dito nga sa lungsod.
24:55At live mula rito sa Valenzuela City, balik sa'yo Pia.
24:59Maraming salamat, Jamie Santos.
25:04Maraming salamat, Jamie Santos.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended